Saturday , April 20 2024

Fixer na alyas Boy Gualvez ikinakanlong ng LTO-LES

00 Bulabugin
ALAM kaya ni Land Transportation Office (LTO) chief, Assistant Secretary ALPUNSO ‘este’ ALFONSO TAN na ang tanggapan na kanyang pinamumunuan lalo na ang Law Enforcement Service (LES) ay nagagamit ng isang alyas Boy Gualvez sa pangongotong at panggagantso!?

Kung hindi ninyo ito nalalaman Atty. Tan, aba ‘e busisiin ninyo ‘yang nagpapakilalang bata ni Atty. JIMMY PESTIGAN ‘este’ PESIGAN.

Bakit pinapayagan ni Pesigan na maglagay ng isang mesa sa LTO-LES si Boy Gualvez at ang dyowa niyang si alyas Ruth?!

Batay sa reklamong nakarating sa atin, bigtime fixing ang lakad ni GUALVEZ. Lahat ng nakokompiskahan ng PLAKA ay sa kanya pinapupunta.

Maliit o ibig sabihin barya ang P5,000 DAW kay Gualvez kapag pinalakad sa kanya ang kompiskadong plaka.

Ano ang dahilan at nagbibigay kay Gualvez ng malaking halaga (hanggang P25,000) ang mga nakokompiskahan ng plaka ng LTO?!

Simple lang po.

Dahil nga si Gualvez ay mayroong isang mesa sa LES at doon niya mismo ginagawa ang transaksiyones kaya madaling nagtitiwala sa kanya ang mga nabibiktima.

LTO chief, Atty. Tan, LTO-LES chief Atty. Pesigan, paano malayang nakagagalaw at nakapangbibiktima ang magdyowang BOY GUALVEZ at RUTH sa mismong area of responsibilities ninyo?

Nalulusutan ba kayo? O talagang ‘sound of silence’ lang kayo d’yan?!

O timbrado sa ‘taas’ ‘yan!?

Communications and Transportations Secretary Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, Jr., Sir, ano ba nangyayari diyan sa ahensiya ninyo?!

Lagi na lang kayong kontrobersiyal!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *