Friday , March 29 2024

Filmmaker Direk Reyno Oposa, lalagari sa paggawa ng movie ngayong 2019

NEXT year, 2019 ay mas magiging in-demand si Direk Reyno Oposa sa paggawa ng pelikula at lalong na-inspired ang Toronto Canada based director/movie producer at may mga baguhang producer na pinagkatiwalaan siyang mag-direk ng proyekto. Kaya maliban sa finished films ni Direk Reyno na “Agulo: Sa Hinagpis Ng Gabi,” “9 Na Buwan,” at ang pinag-uusapang “Luib” ng mga artistang sina Tonz Are, Celia Castillo, Aaron Oposa, Jed Kori, Lyka Lopez, Tim Reviro, Angelo Oposa, Nicole Cesca, Bammie Bravanto, Urduja Festival Best Actress Elizabeth Luntayao, Drew Bravante, Faith Pontillas, Joshua Zapanta na pinagtulungan nilang idirek ng kanyang assistant director na si Benedict Pioquinto.

Apat sa gagawin ng kaibigan naming filmmaker (Direk Reyno) ang “Bahaghari Sa Alapaap,” at “Dugyum” na ilalahok sa 2020 Cinemalaya at ang para sa QCine­ma na mga pelikulang “Dambana” at “Hiram Na Binhi.”

‘Yung sa mga baguhang produ ay dalawang movie ang nakatakdang gawin sa kanila ni Direk Reyno na inumpisahan nang buoin ang cast. Waiting naman sa availabilty ang movie na ididirek ni Oposa sa Ontario, Toronto, Canada na pagbi­bidahan ng international actress na si Angeliki Symeonides na balak nilang isali sa mga festival sa Europe at Canada.

Napakakontrobversiyal ng tema ng movie na kapag nabuo ay siguradong pag-uusapan sa ibang bansa.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Marissa Delgado Marian Rivera

 Marissa Delgado tagahanga ni Marian, gandang-ganda sa aktres

RATED Rni Rommel Gonzales SI Marissa Delgado, na gumaganap na si Nova, ang masungit na biyenan ni Marian …

Xian Lim

Xian sa love: painful and a magical feeling

MA at PAni Rommel Placente NOONG nakaraang Biyernes, March 22, si Xian Lim ang naging guest sa Fast …

Cristy Fermin Baron Geisler

Cristy Fermin napatunayan anak ni Baron sa isang aktres

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA naging vindication naman para sa ating kaibigan at nanay-nanayang Cristy Fermin ang …

Baron Geisler Cristine Reyes Dearly Beloved

Baron binago estilo sa acting, Cristine magaling pa rin

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANIBAGO kami sa ipinakitang acting ni Baron Geisler sa Dearly Beloved, ang latest movie …

Marianne Beatriz Bermundo Khristine Kate Almendras Ornopia Aspire Magazine Ayen Cas

Aspire Magazine tuloy na pag-arangkada; 2 beauty queen inihataw ang galing

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang publisher ng Aspire Magazine na si Ayen Cas dahil sa bawat issue …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *