SA iba’t ibang sandali ng isang araw, at iba’t ibang araw sa isang buwan, (maging sa susunod na mga taon) ang iyong pagiging malikhain ay magkakaiba.
Bunsod nito, mayroon kang oportunidad na maging malikhain kung ikaw ay nasa mood. Ang key considerations sa puntong ito ay ang posisyon ng araw at buwan, at ilahok ang iyong chi sa cosmos na ito.
Sa bawa’t araw (day), sikaping ayusin ito upang ikaw ang maging pinakamalikhain sa dakong pagsikat ng araw, dahil sa sandaling ito pinakamalakas ang pag-angat ng chi, na bubuhay sa lahat ng iyong chakras. Ang chi na ito ay dapat magresulta sa greater intellectual energy. Humarap sa silangan upang ang impresyon ng iyong chi ay mas maging makapangyarihan.
Ang hatinggabi ay maaaring makatulong sa punto ng pag-aalis sa mga hadlang at makapag-relax patungo sa “stillness” na ang creative ideas ay susulpot sa iyong isip mula sa kung saan. Sa puntong ito, maaari kang humarap sa norte upang mapataas ang epekto.
ni Lady Choi