Thursday , April 25 2024

Erap, pamilya laging sabit sa pagnanakaw

HINDI nagsilbing aral sa angkan ni ousted president at convicted plunderer cum ‘mayor’ Joseph Estrada ang People Power 2 noong 2001 na nagpatalsik sa kanya sa Malakanyang bilang pangulo ng bansa dahil sa pandarambong.

Walang kupas ang kanilang pagnanasa na gahasain ang kaban ng bayan kahit noong panahon ng rehimeng Arroyo hanggang ngayon administrasyong Aquino.

Iyan ang lumabas sa isiniwalat ng mga whistleblower sa pork barrel scam, batay sa iningatan nilang mga notebook na listahan ng transaksi-yon ng dati nilang amo na si Janet Lim-Napoles mula 2012 hanggang Agosto 2013, nakasulat na P20 milyon ang inilaan para sa isang bogus non-government organization (NGO) ay  napunta kay Sen. Jinggoy Estrada (a.k.a. “Kuya” at “Sexy”).

Sabi pa ng isang testigo, naghatid siya ng pera sa bahay ng social secretary ni Erap na si RUBY TUASON at ang dating appointments secretary ni Erap na si CHERYL JIMENEA ay malapit na kaibigan ni Napoles at suweldohan na rin niya.

Dakong 7;30 ng gabi o ilang oras bago ang madramang pagsuko ni Napoles kay Pang. Benigno Aquino III noong nakaraang Agosto 28, ay nakipagkita pa si Jimenea sa isa sa mga kawani ni Napoles at mga presidente ng ilang NGOs sa isang restawran sa Trinoma sa Quezon City, para awatin sila sa pagtestigo laban sa utak ng P10-B pork barrel scam at binigyan sila ng tig-P20,000 para idiin si Benhur Luy.

Kaya nakakatawa lang ang alibi ng mga Estrada at iba pang sangkot sa pork barrel scam na ‘pinopolitika’ lang sila kaya isinasangkot sa anomalya.

Imposible naman na hindi magkakakilala ang mga taong iisang sirkulo lang ang mga kaibigan, nagkasama sa maraming okasyon at ka-transaksiyon nila sa mga ‘proyektong’ ang ginamit ay pera ng bayan.

Hindi nagsisinungaling ang mga dokumento mula sa Commission on Audit (COA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan na nagpapatotoong walang tunay na naging pakinabang ang taumbayan sa tinanggap nilang bilyun-bilyong pisong pork barrel.

ASSEC ALLAN UMALI NG DAR,

ISALANG SA LIFESTYLE CHECK

KUNG talagang may sinseridad ang administrasyong Aquino sa pagwawalis sa mga magnanakaw sa gobyerno, unahin na ipasalang sa lifestyle check ang mga opisyal sa mga ahensiya ng pamahalaan na dinapuan ng pork barrel na kinurakot ng mga mambabatas at ng kanilang mga kasabwat.

Unang dapat sampulan itong si Allan Umali, assistant secretary ng Department of Agrarian Reform (DAR) at pinuno ng Zamboanga Rubber Estate Corporation (ZREC) na isang government owned and controlled corporation (GOCC) na pinaglagakan ng P240 milyong pork barrel funds para sa mga kuwestiyunableng proyekto.

Bago ang kanyang appointment sa DA, si Umali ay naging collector ng Bureau of Customs (BoC) sa Food Terminal, Inc. (FTI).

Sa panahon ni Umali ay naging kontrobersiyal siya bunsod ng talamak na ILLEGAL DIVERSION, isang paraan ng SMUGGLING noon sa WAREHOUSING, sa malawak at ekta-ektaryang bakuran ng FTI sa lungsod ng Taguig.

Tinakasan ni Umali ang init ng eskandalong yumanig sa kanyang lugar na nasa pintuan na ng kanyang tanggapan kaya bigla siyang nagbitiw sa puwesto.

Kaya hindi na tayo nagtaka kung sumabit man ang kanyang pangalan sa pork barrel scam na siyang humahawak sa tanggapan ng DAR na pinagdaraanan ng mga palsipikadong NGO ni Janet Lim. Napoles.

Ang ipinagtataka natin ay kung paano siya napasok sa administrasyong ang tinatahak daw ay ‘matuwid na daan’.

Bakit kaya hindi isalang sa lifestyle check ng Ombudsman ang damuhong si Umali upang malaman nila kung gaano na kalaki ang kanyang itinatagong yaman na naimpok mula pa sa pagiging dating opisyal ng Customs?

ERAP, PAHIRAP SA MAHIHIRAP

ISANG liham (email na may petsang Setyembre 6, 2013) ang ipinadala sa atin ni Chairman Bernard O. Go ng Bgy. 288, Zone 27, District III ng Maynila.

Ang liham na inyong mababasa ay para kay Erap, ang hanggang ngayon ay itinuturing pang impostor at nagpapanggap na alkalde sa Maynila habang hindi pa bumababa ang desisyon ng Korte Suprema sa kanyang disqualification:

“ERAP PARA SA MAHIRAP O KALABAN NG MAHIHIRAP? – Ito ang nais naming ipaabot na katanungan kay Mayor Joseph Ejercito Estrada matapos na maluklok siya bilang bagong ama ng lungsod ng Maynila.  Nasaan na ang mga pangako ni Mayor Estrada sa mahihirap ng Maynila?

Unang-una, bakit ninyo pinahihirapan ang mga commuters lalu na ang mga estudyanteng sumasakay ng bus patungong Maynila?  Simula nang maluklok kayo bilang Mayor ng Maynila, hinigpitan na ninyo ang mga pampasaherong bus na makapasok sa Maynila.

Pangalawa, bakit ninyo gusto mawala o i-phase out ang mga pedicab lalu na ang mga kuliglig na siyang nakakatulong nang malaki sa mga mamimili sa Divisoria.  Kung tatanggalan ninyo sila nang marangal na trabaho, saan sila kukuha ng ikabubuhay para sa kanilang pamilya?

Pangatlo, bakit pati ang mga vendors sa Maynila ay  pinagkakaitan ninyo ng trabaho?

At panghuli, bakit po ninyo tinututulan ang “Chinatown Tourism Authority” sa kabila ng pahintulot na ibinigay sa  akin ni City Administrator Simeon Garcia?  Kung ako po ang mamumuno rito, tinitiyak kong higit na uunlad ang mga negosyo sa kalakhang Binondo.”

Para sa reklamo, suhestiyon at  komentaryo tumawag o mag text  sa 09158227400 / Email: [email protected]

Percy Lapid

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Regine Velasquez Julie Anne San Jose Darren Espanto JK Labajo

Julie Anne nag-sorry kay Regine

MA at PAni Rommel Placente ISA sana si Julie Anne San Jose sa guest sa concert ni Regine …

Ysabelle Palabrica

Kaba ni Tootsie binigyan ng bagong tunog ni Ysabelle

HARD TALKni Pilar Mateo SEGUE naman tayo sa isa pang masasabing aalagaan din nina Ladine …

Misteryo ng newbie singer na si Yza hinubog nina Vehnee at Ladine

HARD TALKni Pilar Mateo BACK-TO-BACK! Ang paglulunsad sa aspiring talents na ginigiya ng henyong kompositor …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *