Friday , April 26 2024

Deniece, nabubungkal na ang mga itinatagong sikreto sa buhay

ni  Ed de Leon

MASASABI nga siguro ang talagang nangyayari ngayon ay bungkalan na lang ng lahat ng mga itinatagong sikreto sa buhay. Ang pinakahuling nabulgar ay nagtrabaho umano si Deniece Cornejo, ang nagbibintang ng rape laban sa komedyanteng si Vhong Navarro sa isang club sa Malate. At alam naman natin kung ano agad ang iniisip ng mga tao basta sinabing ang isang babae lalo na nga’t maganda ay nagtatrabaho sa isang club sa Malate.

Nagsimula lang iyon sa mga usap-usapan hanggang sa may lumabas pang ebidensiya, iyong kanyang lisensiya mula sa City Hall ng Maynila na nagbibigay pahintulot sa kanyang magtrabaho sa club na iyon, na ayos naman sa lumabas ding application niya para sa permit ay pinapasukan niya bilang isang “waitress”.

Kung iisipin mo, ano nga ba ang kinalaman niyon kung nagtrabaho man siya bilang waitress sa isang club, at saka bakit ngayon lang nakakalikot ang lahat ng iyan nang masangkot siya sa isang controversy? Pero ganoon yata talaga ang buhay eh.

About Ed de Leon

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *