Thursday , April 18 2024

Dapat pa ba natin pagkatiwalaan si Justice undersecretary Francisco “Totie” Baraan III?!

00 Bulabugin
NANG marinig ko ang pangalan ni Justice Undersecretary Francisco “Totie” Baraan III sa balitang nag-uugnay sa kanya sa isang malaking SUHULAN sa Maguindanao Ampatuan massacre case ‘e naalala kong bigla noong nakaugnayan natin siya nang ilang beses nang tayo pa ang presidente ng National Press Club.

Sa ilalim ng DOJ-Task Force 211 na ang namumuno noon ay si Undesecretary Ric Blancaflor, nakipag-ugnayan tayo kay Usec. Barang ‘este Baraan sa lumalalang kaso ng media killings.

Nangako siya na ia-update ang inyong lingkod (NPC) at ang iba pang media organizations sa kaso ng media killings.

Hiningan pa niya tayo ng napakaraming dokumento. Nag-COMPLY tayo pero ang nakapagtataka wala na tayong nabalitaan pa.

May itinoka pa siyang isang abogado na makikipag-coordinate sa NPC pero laging cannot be reach naman.

Kumbaga, NGANGA ang media kay Baraan.

Sa salitaan lang magaling pero KAPOS na KAPOS sa gawa!

Totoo man o hindi ang SUHULAN sa kanila sa Ampatuan massacre, I’m sorry pero ang masasabi lang natin, hindi ko na mapagkatiwalaan ang mga statement ni Usec. Baraan.

Sabihin natin na wala talagang suhulan, e wala ba siyang delicadeza!?

Hindi ba’t on-going ang asunto sa mga Ampatuan tapos nakikipag-usap siya sa abogado ng Ampatuan na si Atty. Siegfried Fortun?

At ang nakasa-shock pa, kompleto ang contact number niya sa notebook ng isang abogado ng Ampatuan.

Kahit nga sa media, kung hindi pa namin nabuking ‘e hindi pa aamin na mayroon palang nagaganap na negosasyon?!

Ay sus naman!

Usec. Baraan, paano mo ipaliliwanag ‘yan?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *