Friday , April 26 2024

Cayetano palaban at Ochoa, Acuzar dedma

Mukhang lalo pang titindi ang labanan sa pagitan ng mga Cayetano at Binay dahil walang papapayag sa kahit sinoman sa kanila na ibigay na lang ang Fort Bonifacio nang basta-basta.

Ito ang malinaw sa sunod-sunod na insidente ng panduduro lalo’t ang bawat isa ay ayaw magpalamang dahil malaking poder at pera ang nakataya rito.

Tiyak rin na gagawin ng mga Cayetano ang lahat ng paraan para ‘wag mawala sa kanila ang Fort Bonifacio dahil ang 75 porsiyento ng kaban ng Taguig ay sa lugar na ito nanggagaling.

Sa maikling salita, all system go ang grupo ng mag-asawang Allan at Lanie Cayetano dahil kapag nagkataon at nabalik ang Fort Bonifacio sa Makati ay tiyak na pulubing muli ang Taguig.

Masalimuot ang naturang usapin pero isa lang ang tiyak dito, pera, pwersa at labanan sa simpatya ng media ang lundo ng usapin maging sa kalye man at husgado at diyan umano magaling si Allan Cayetano.

***

Mukhang iisa ang estilo nina Executive Secretary Jojo Ochoa at kanyang bayaw na si Jerry Acuzar, may-ari ng San Jose Builders at si-yang nakakuha ng award noong panahon ni Ate Glo para sa renta ng 2000 ektaryang beach front sa Busuanga, Palawan.

Malaki kasi ang dapat ipaliwanag sa publiko nina Ochoa at Acuzar dahil kasama ang natu-rang rentahan sa kinokonsiderang midnight deal na inaprubahan ni GMA ngunit hindi ito ipinawalangbisa ng Malakanyang.

Kung ating natatandaan,sinabi ni PNoy na ang lahat ng midnight deal sa panahon ni GMA ay kanyang binabalewala at katunayan nga nito ay hindi niya iginalang ang pag-a-appoint kay da-ting chief justice Renato Corona.

Malinaw din sa isiniwalat ni Jun Lozada, isang whistleblower, na talo ang gobyerno sa kasunduan nina Acuzar at Philforest dahil mula sa dating P500 kada ektarya ang renta ay ginawa itong P100 na lamang.

Dito dapat kumibo sina Acuzar at Ochoa dahil si PNoy ang kawawa na naman sa usaping ito sapagkat hindi ito tumutugon sa daang matuwid ng kasalukuyang liderato.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

gun ban

Puganteng Chinese arestado sa ilegal na pag-iingat ng baril

INARESTO ng pulisya ang isang Chinese national dahil sa kasong illegal possession of firearms sa …

Krystall Herbal Oil, Left arm, Left shoulder

Pabalik-balik na frozen shoulder inabsuwelto ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Una, magandang …

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome huli paghawak sa tuhod ni Krissha 

I-FLEXni Jun Nardo HALATANG malapit sa isa’t isa sina Jerome Ponce at  Krissha Viaje dahil sa mediacon ng coming Viva …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *