Thursday , November 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports (page 91)

Category Archives: Sports

Feed Subscription

Magiging hilaw ang ensayo ni PacMan?

MALAPIT na ang Barangay election.  Kanya-kanya nang pormahan ang mga tatakbo. Sa aming lugar sa Lico St. (Bgy 210), nagkakaisa ang mga oposisyon na pumili na lang ng isang panlaban kontra sa kasalukuyang nakaupong chairman. One-on-one ang laban. May dapat na ikakaba ang nakaupong Punong Barangay dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang mga residente mula sa dulo, gitna ng ... Read More »

SBC puntirya ang top 2

SURE ball na ang defending champions San Beda College Red Lions sa Final Four subalit mahalaga pa rin ang natitirang laro dahil hinahabol nila ang top two sa pagtatapos ng eliminations round upang sakmalin ang twice-to-beat incentives. Solo sa tuktok ang Red Lions sagpang ang 11-2 card habang nasa pangalawa ang Perpetual Help Altas na may 11-3 win-loss slate at ... Read More »

Mahirap ang maagang bakasyon — Black

INAMIN ni Talk ‘n Text head coach Norman Black na kakaiba ang naramdaman ng kanyang koponan dahil sa maaga nitong bakasyon sa PBA Governors’ Cup. Noong Martes ay natalo ang Tropang Texters kontra Barangay Ginebra San Miguel, 110-102, sa playoff para sa huling puwesto sa quarterfinals kaya hindi sila nakapasok sa susunod na round sa unang pagkakataon sa loob ng ... Read More »

UP naghahanap ng bagong coach

PUSPUSAN na ang paghahanap ng University of the Philippines ng bagong head coach para sa UAAP Season 77. Isang opisyal ng UP na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsabing interim coach lang si Rey Madrid ngunit isa si Madrid sa mga kandidato sa puwestong iniwan ni Ricky Dandan na nagbitiw sa kalagitnaan ng Season 76. Biglaan ang pagkuha kay Madrid ... Read More »

Perez bagong “Beast” ng Stags

DAHIL kay rookie Jaymar “CJ” Perez kaya isa sa pinakamainit na teams sa NCAA ngayon  ang San Sebastian. Inangklahan ni Perez ang Stags sa huling panalo nila kontra Lyceum of the Philippines kaya naman walang kaduda-dudang isinabit sa kanya ang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week the week na suportado ng Gatorade. Nginasab ng 19 anyos na taga-Pangasinan, ... Read More »

Nat’l Youth Chess susulong sa Biyernes

TUTULAK ngayong Biyernes ang pinakahihintay na 2013 National Youth Chess Championships standard competition sa Philippine Sports Commission Conference Room sa Vito Cruz, Manila. Ang opening ceremony ay nakatakda sa ganap na alas-kuwatro ng hapon kung saan gaganapin ang Round 1 sa ganap na alas-singko ng hapon. May dalawang kategorya na paglalabanan, ang 15 years-old and below at  9 years-old and ... Read More »

Docena nanalo sa 11th round (World Junior Chess)

KINALDAG ni Filipino Jerad Docena si Fide Master Bjorn Moller Ochsner ng Denmark sa eleventh round ng World Junior Chess Championships 2013 Miyerkoles sa the Ness Hotel sa Kocaeli, Turkey. Dahil sa tagumpay ni Docena (ELO 2227) ay komolekta siya ng  kabuuang 6.0 puntos, 3.5 puntos ang angat at nasa likuran ni solo leader, top seed Grandmaster Yu Yangyi ng ... Read More »

PHILRACOM stakes races at ang hulidap raid ng Manila City Hall

Sa darating na araw ng Linggo, Setyembre 29, 2013 ay malalaking karera ang lalarga sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Unang aarangkada ang 2013 Philracom 3rd leg Juvenile Fillies Stakes. Walong runners ang tatakbo rito na tangkang pag-agawan ang top prize na P600,000 Lalahok sina  Great Care, KukurukukuPaloma, Move On, Native Gift, Priceless Joy, Pure Enjoyment, ... Read More »

Patuloy nating ipagdasal si Randy

Sa darating na Linggo ay idaraos na sa pista ng SLLP ang ikatlong yugto ng “Juvenile Stakes Races” para sa magkahiwalay na grupo ng kalalakihan at kababaihan na may edad na dalawang taong gulang. Ang mga pinaleng naideklara sa grupo ng mga kalalakihan ay sina Kulit Bulilit, Lucky Man, Matang Tubig, Mr. Bond, Proud Papa, River Mist at Young Turk. ... Read More »

TNT, Ginebra maggigibaan

PAG-IWAS sa maagang bakasyon at pagbuhay sa pag-asang makarating sa itaas ang mithi ng Talk N Text at Barangay Ginebra San Miguel sa magiging salpukan nila sa  sudden death match para sa huling quarterfinal berth ng 2013 PBA Governors Cup mamayang 7:15 pm, sa Smart Araneta coliseum sa Quezon City. Dinaig ng Tropang Texters ang Gin Kings, 113-99 noong Linggo ... Read More »

Playoff sa PBA ipinagpaliban

DAHIL sa malakas na ulan na dulot ng habagat kahapon, ipinagpaliban ng PBA ang knockout na laro ng Talk ‘n Text at Barangay Ginebra San Miguel para sa huling puwesto sa quarterfinals ng Governors’ Cup na dapat sanang gawin sa Cuneta Astrodome sa Pasay. Gagawin ang larong ito mamayang alas-7:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum kung saan ang mananalo ... Read More »

Gilas isasabak din sa Asian Games

BALAK ng  MVP Sports Foundation na isali ang Gilas Pilipinas sa Asian Games na gagawin sa Incheon, South Korea, sa susunod na taon. Sinabi ng pangulo ng foundation na si Al Panlilio na sasali ang Gilas sa Asian Games pagkatapos ng kampanya nito sa FIBA World Cup sa Espanya. “We are focusing our resources on both these tournaments,” wika ni ... Read More »

Air21 babawi — Pumaren

NANGAKO si Air21 head coach Franz Pumaren na maganda ang tsansa ng Express na makapasok sa semifinals sa susunod na PBA season. Kahit nanalo ang Express kontra Alaska, 121-107, noong Linggo ay hindi sila nakapasok sa quarterfinals ng Governors’ Cup dulot ng kanilang mahinang quotient. Sinabi ni Pumaren na ang pagdagdag kina Asi Taulava at Joseph Yeo ay senyales na ... Read More »

Pilipinas kampeon sa World Cup of Pool

MULING pinatunayan ng pares nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza na Pilipinas pa rin ang pangunahing bansa pagdating sa bilyar nang angkinin nila ang kampeonato ng  888.com World  Cup of Pool championship nang gibain nila ang tandem nina Neils Feijen at  Nick Van Den Berg ng Holland sa iskor na 10-8. Ang laban ay puno ng suspense ayon sa ... Read More »

Jeffril T. Zarate nakatatlong panalo

Binabati ko ang hineteng si Jeffril Tagulao Zarate sa pagkapanalo ng kanyang tatlong  sakay sa mga kabayong sina Be Humble, Crucis at Native Gift nitong nagdaang Sabado sa pista ng Metro Turf. Ang pagkapanalo niya kay Be Humble ay mukhang naghahanap pa ng kalaban para sa mga kagrupo niya sa 3YO, dahil labis na kahanga-hanga na nilaro lamang siya ni ... Read More »

PH memory team pasok sa 1st HK Championship

GANADO at atat na ang delegasyon ng AVESCO-Philippine Memory Team para dominahin ang 1st Hong Kong Open Memory Championship na magsisimula sa darating na September 28-29 sa Kowloon, Hong Kong. May kalamangan ang mga Pinoy sa nasabing event kaya naman naniniwala ang AVESCO team na kaya nilang makapag-uwi ng karangalan sa bansa. Lulusob sa event ang 109 Memory athletes na ... Read More »

St. Benilde vs. San Sebastian

PAGLAYO sa mga naghahabol at pagpapatatag ng kapit sa ikaapat na puwesto ang pakay ng San Sebastan Stags sa pagkikita nila ng host College of Saint Benilde Blazers sa  89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament mamayang 4 pm sa The Arena sa San Juan. Sa ikalawang senior division game sa ganap na 6 pm ay pilit pa ... Read More »

DI dapat makompiyansa ang petron

OO’t nasa unang puwesto ang Petron Blaze at mayroong twice-to-beat na bentahe kontra sa kanilang makakaharap sa quarterfinals ng 2013 PBA Governors Cup subalit hindi puwedeng magkompiyansa ang mga bata ni  coach Gelacio Abanilla III. Bakit? Kasi mabigat pa rin ang makakaharap nila sa susunod na yugto. Makakalaban ng Boosters ang No. 8 team at sa sandaling isinusulat ito ay ... Read More »

Deadma lang si CJ Ross

WALANG kategorikal na sagot si judge CJ Ross sa naging katanungan ng marurunong sa boksing  sa naging kontrobersiyal niyang iskor na 114-114 sa labang Canelo Saul Alvarez at Floyd Mayweather Jr. noong Sabado sa MGM Grand. Wala lang.  Basta iyon ang nakita niyang kinalabasan ng laban.  Tabla. Pero puwede nating bigyan ng isa pang interpretasyon ang kontrobersiyal niyang iskor. Puwedeng ... Read More »

PHILRACOM nagpahayag ng suporta sa hagdang bato vs crusis

Nagpahayag ng suporta ang Philippine Racing Commission (Philracom) sa hinihinging labanan ng dalawang kampeon sa pagitan ng local at imported na mananakbo sa bansa —Hagdang Bato na pambato ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos at Crusis na alaga naman ni dating Philracom Commissioner Marlon Cunanan. Sinabi  ni Philracom Chairman Angel Lopez Castano Jr. na sinusuportahan nila ang panawagan ng bayang ... Read More »

San mig vs Meralco

KAPWA pasok na sa quarterfinals ng 2013 PBA Governors Cup ang SanMig Coffee at Meralco subalit inaasahang magiging maigting pa rin ang kanilang salpukan mamayang 5:15 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Ito’y bunga ng pangyayaring ang magwawagi mamaya ay makakakuha ng twice-to-beat na bentahe sa quarterfinals. Dikdikan din ang magiging sagupaan ng Barangay Ginebra San Miguel at ... Read More »

UST handa sa NU

DEHADO ang University of Santo Tomas sa paghaharap nito kontra National University sa Final Four ng UAAP Season 76. Nakuha ng Bulldogs ang pagiging top seed sa pagtatapos ng eliminations kaya kailangan na lang nila ng isang panalo para umabante sa finals at mapalapit sa una nilang titulo sa UAAP mula pa noong 1954. Ngunit naniniwala si UST coach Pido ... Read More »

Stags ayaw paawat sa NCAA Chess

LUMAKAS ang tsansa ng San Sebastian College Stags sa asam na maging back-to-back champions matapos kaldagin ang Mapua sa 89th NCAA senior chess tournament na ginaganap sa Arellano U gym sa Legarda, Manila. Bumida si FM Mari Joseph Turqueza sa board 1 upang pangunahan ang panalo ng Stags sa Cardinals, 3-1 nang pisakin nito si Alexis Enrico Jacinto. Nakaipon ang ... Read More »

Bigo ang Blue Eagles

NAGWAKAS ang kampanya ng Ateneo Blue Eagles para sana sa ika-anim na sunod na kampeonato nang sila’y payukuin ng University of Santo Tomas Growling Tigers noong Miyerkules. Bale knockout ang naging tema ng saplukan ng Blue Eagles at Growling Tigers para sa huling ticket sa Final Four ng 76th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Men’s Basketball Tournament. Nagtapos ... Read More »

Hangad ng karerista: Hagdang Bato vs Crusis

Hinahangad ngayon ng mga karerista na magkatagpo at maglaban sa isang malaking karera ang local  super horse na si Hagdan Bato  at  ang itinuturing na magaling sa hanay ng mga imported na si Crusis. Ang pangarap na laban ng  publikong karerista ay posibleng maganap sa nalalapit na  2013 Philracom  Ambasador  Eduardo M. Cojuangco Cup  dahil usap-usapan  sa labas at loob ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved