Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports (page 90)

Category Archives: Sports

Feed Subscription

Anak ni Paras nanalo sa Slam Dunk sa 3×3

NAGWAGI si Kobe Paras sa slam dunk event na isang sideshow sa ginanap na FIBA 3×3 World Championships noong Linggo ng gabi sa Jakarta, Indonesia. Tumalon si Paras habang nasa kanyang ilalim ang kanyang kakampi sa RP team na si Thirdy Ravena na nakasakay sa motorsiklo kaya hindi siya nahirapang manalo kontra kina Demonte Flannigan ng Estados Unidos at Antonio ... Read More »

Ravena imbitado sa SEA Games

KINOMPIRMA ng pambato ng Ateneo Blue Eagles na si Kiefer Ravena na imbitado siya sa pambansang koponan na sasabak ni coach Jong Uichico sa men’s basketball ng Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre. Dating manlalaro si Ravena sa Sinag Pilipinas ni coach Norman Black na nagwagi ng gintong medalya noong 2011 sa SEA Games sa Vietnam. Bukod kay Ravena, ... Read More »

Bersamina, Osena wagi sa 1st leg (Nat’l Youth Chess)

MANILA – NAGKAMPEON sina Fide Master Paulo Bersamina at Alexis Anne Osena sa Boys Under-15 at Girls Under-15 habang nagpakitang gilas naman sina Justine Diego Mordido at Maria Elayza Villa sa Boys Under 9 at Girls Under 9 categories, ayon sa pagkakasunod sa katatapos na 2013 National Youth Chess Championships Standard Competition-First leg nitong  Linggo na ginanap dito sa Philippine ... Read More »

Nouri nasikwat ang ika-2 puwesto (Hongkong Open Chess:)

NASIKWAT ni Fide Master Hamed Nouri ng Pilipinas ang solong ika-2 puwesto dahil sa  panalo kontra kay FM Tsang Hon Ki ng Hongkong matapos ang sixth round ng Hong Kong International Open Chess Championships 2013 Lunes sa Convocation Room, Main Building room 218, The University of Hongkong, Pok Fu Lam Road, Hongkong. Sa panalo ni Nouri,  nakakolekta siya ng  5.0 ... Read More »

River mist nakadehado

Nakadehado ang kalahok na si River Mist na sinakyan ng buwenas na hineteng si Jeff Zarate sa naganap na 2013 PHILRACOM “3rd Leg Juvenile Colts Race” nitong nagdaang araw ng Linggo sa pista ng SLLP. Sa largahan ay agad na nakuha ang unahan ng may tulin na si Matang Tubig kasunod sina Lucky Man, River Mist, Young Turk, Proud Papa, ... Read More »

Up and Away, River Mist ‘nalo sa 3rd Leg Juvenile

TINANGHAL  na kampeon sa magkahiwalay na dibisyon sa katatapos na 3rd Leg Juvenile Stakes race  ang  Up and Away at River Mist sa ginanap na karera sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite kamakalawa ng hapon. Kapwa tumanggap ng tig-P.6 milyon na premyo sina Horse Owner Ruben Dimakuha para sa kanyang alagang Up and Away at Horse Owner Ex Congressman ... Read More »

Petron vs RoS

HINDI  magkokompiyansa ang Petron Blaze kahit pa kulang sa manlalaro ang Rain Or Shine at sisikaping maipagpatuloy ang kanilang winning streak sa Game One ng 2013 PBA Governors Cup best-of-five semifinal round mamayang 7 pm sa Smart Aaneta coliseum sa Quezon City. Bukod sa pagkakaroon ng nine-game winning streak, lalong naging paborito ang Petron dahi sa pangyayaring hindi makakasama ng ... Read More »

San Beda, Perpetual habol ang twice-to-beat

Mga Laro Ngayon (The Arena, San Juan) 4 pm – Perpetual Help vs. Lyceum 6 pm – San Sebastian vs. San Beda PAGHABOL sa twice-to-beat advantage ang puntirya ng San Beda  at Perpetual Help na sasabak sa magkahiwalay na kalaban sa 89th National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball tournament  mamaya sa The Aena sa San Juan. Makakasagup a ng ... Read More »

Teng masaya sa kanyang dalawang anak

MAGHAHARAP sa finals ng UAAP Season 76 ang magkapatid na Jeric at Jeron Teng kaya inaasahang magiging mahigpit ang labanan ng University of Santo Tomas at De La Salle University. Kaya masaya ang ama nilang dalawa na si Alvin Teng. “Wala akong masabi,” ayon sa nakakatandang Teng na dating manlalaro ng San Miguel Beer sa PBA. Tinalo ng UST ni ... Read More »

Jarencio naiyak sa kasiyahan

NAIYAK si University of Santo Tomas head coach Alfredo Jarencio ilang segundo na lang ang nalalabi bago natapos ang laro sa pagitan ng Growling Tigers at National University Bulldogs para sa ikalawa’t huling Finals berth ng 76th University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament noong Sabado. Tinalo ng Growling Tigers ang Bulldogs, 76-69 upang muling pumasok sa ... Read More »

Magiging hilaw ang ensayo ni PacMan?

MALAPIT na ang Barangay election.  Kanya-kanya nang pormahan ang mga tatakbo. Sa aming lugar sa Lico St. (Bgy 210), nagkakaisa ang mga oposisyon na pumili na lang ng isang panlaban kontra sa kasalukuyang nakaupong chairman. One-on-one ang laban. May dapat na ikakaba ang nakaupong Punong Barangay dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsama-sama ang mga residente mula sa dulo, gitna ng ... Read More »

SBC puntirya ang top 2

SURE ball na ang defending champions San Beda College Red Lions sa Final Four subalit mahalaga pa rin ang natitirang laro dahil hinahabol nila ang top two sa pagtatapos ng eliminations round upang sakmalin ang twice-to-beat incentives. Solo sa tuktok ang Red Lions sagpang ang 11-2 card habang nasa pangalawa ang Perpetual Help Altas na may 11-3 win-loss slate at ... Read More »

Mahirap ang maagang bakasyon — Black

INAMIN ni Talk ‘n Text head coach Norman Black na kakaiba ang naramdaman ng kanyang koponan dahil sa maaga nitong bakasyon sa PBA Governors’ Cup. Noong Martes ay natalo ang Tropang Texters kontra Barangay Ginebra San Miguel, 110-102, sa playoff para sa huling puwesto sa quarterfinals kaya hindi sila nakapasok sa susunod na round sa unang pagkakataon sa loob ng ... Read More »

UP naghahanap ng bagong coach

PUSPUSAN na ang paghahanap ng University of the Philippines ng bagong head coach para sa UAAP Season 77. Isang opisyal ng UP na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsabing interim coach lang si Rey Madrid ngunit isa si Madrid sa mga kandidato sa puwestong iniwan ni Ricky Dandan na nagbitiw sa kalagitnaan ng Season 76. Biglaan ang pagkuha kay Madrid ... Read More »

Perez bagong “Beast” ng Stags

DAHIL kay rookie Jaymar “CJ” Perez kaya isa sa pinakamainit na teams sa NCAA ngayon  ang San Sebastian. Inangklahan ni Perez ang Stags sa huling panalo nila kontra Lyceum of the Philippines kaya naman walang kaduda-dudang isinabit sa kanya ang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week the week na suportado ng Gatorade. Nginasab ng 19 anyos na taga-Pangasinan, ... Read More »

Nat’l Youth Chess susulong sa Biyernes

TUTULAK ngayong Biyernes ang pinakahihintay na 2013 National Youth Chess Championships standard competition sa Philippine Sports Commission Conference Room sa Vito Cruz, Manila. Ang opening ceremony ay nakatakda sa ganap na alas-kuwatro ng hapon kung saan gaganapin ang Round 1 sa ganap na alas-singko ng hapon. May dalawang kategorya na paglalabanan, ang 15 years-old and below at  9 years-old and ... Read More »

Docena nanalo sa 11th round (World Junior Chess)

KINALDAG ni Filipino Jerad Docena si Fide Master Bjorn Moller Ochsner ng Denmark sa eleventh round ng World Junior Chess Championships 2013 Miyerkoles sa the Ness Hotel sa Kocaeli, Turkey. Dahil sa tagumpay ni Docena (ELO 2227) ay komolekta siya ng  kabuuang 6.0 puntos, 3.5 puntos ang angat at nasa likuran ni solo leader, top seed Grandmaster Yu Yangyi ng ... Read More »

PHILRACOM stakes races at ang hulidap raid ng Manila City Hall

Sa darating na araw ng Linggo, Setyembre 29, 2013 ay malalaking karera ang lalarga sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Unang aarangkada ang 2013 Philracom 3rd leg Juvenile Fillies Stakes. Walong runners ang tatakbo rito na tangkang pag-agawan ang top prize na P600,000 Lalahok sina  Great Care, KukurukukuPaloma, Move On, Native Gift, Priceless Joy, Pure Enjoyment, ... Read More »

Patuloy nating ipagdasal si Randy

Sa darating na Linggo ay idaraos na sa pista ng SLLP ang ikatlong yugto ng “Juvenile Stakes Races” para sa magkahiwalay na grupo ng kalalakihan at kababaihan na may edad na dalawang taong gulang. Ang mga pinaleng naideklara sa grupo ng mga kalalakihan ay sina Kulit Bulilit, Lucky Man, Matang Tubig, Mr. Bond, Proud Papa, River Mist at Young Turk. ... Read More »

TNT, Ginebra maggigibaan

PAG-IWAS sa maagang bakasyon at pagbuhay sa pag-asang makarating sa itaas ang mithi ng Talk N Text at Barangay Ginebra San Miguel sa magiging salpukan nila sa  sudden death match para sa huling quarterfinal berth ng 2013 PBA Governors Cup mamayang 7:15 pm, sa Smart Araneta coliseum sa Quezon City. Dinaig ng Tropang Texters ang Gin Kings, 113-99 noong Linggo ... Read More »

Playoff sa PBA ipinagpaliban

DAHIL sa malakas na ulan na dulot ng habagat kahapon, ipinagpaliban ng PBA ang knockout na laro ng Talk ‘n Text at Barangay Ginebra San Miguel para sa huling puwesto sa quarterfinals ng Governors’ Cup na dapat sanang gawin sa Cuneta Astrodome sa Pasay. Gagawin ang larong ito mamayang alas-7:15 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum kung saan ang mananalo ... Read More »

Gilas isasabak din sa Asian Games

BALAK ng  MVP Sports Foundation na isali ang Gilas Pilipinas sa Asian Games na gagawin sa Incheon, South Korea, sa susunod na taon. Sinabi ng pangulo ng foundation na si Al Panlilio na sasali ang Gilas sa Asian Games pagkatapos ng kampanya nito sa FIBA World Cup sa Espanya. “We are focusing our resources on both these tournaments,” wika ni ... Read More »

Air21 babawi — Pumaren

NANGAKO si Air21 head coach Franz Pumaren na maganda ang tsansa ng Express na makapasok sa semifinals sa susunod na PBA season. Kahit nanalo ang Express kontra Alaska, 121-107, noong Linggo ay hindi sila nakapasok sa quarterfinals ng Governors’ Cup dulot ng kanilang mahinang quotient. Sinabi ni Pumaren na ang pagdagdag kina Asi Taulava at Joseph Yeo ay senyales na ... Read More »

Pilipinas kampeon sa World Cup of Pool

MULING pinatunayan ng pares nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza na Pilipinas pa rin ang pangunahing bansa pagdating sa bilyar nang angkinin nila ang kampeonato ng  888.com World  Cup of Pool championship nang gibain nila ang tandem nina Neils Feijen at  Nick Van Den Berg ng Holland sa iskor na 10-8. Ang laban ay puno ng suspense ayon sa ... Read More »

Jeffril T. Zarate nakatatlong panalo

Binabati ko ang hineteng si Jeffril Tagulao Zarate sa pagkapanalo ng kanyang tatlong  sakay sa mga kabayong sina Be Humble, Crucis at Native Gift nitong nagdaang Sabado sa pista ng Metro Turf. Ang pagkapanalo niya kay Be Humble ay mukhang naghahanap pa ng kalaban para sa mga kagrupo niya sa 3YO, dahil labis na kahanga-hanga na nilaro lamang siya ni ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved