Wednesday , September 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports (page 8)

Category Archives: Sports

Feed Subscription

Pierce magreretiro bilang Celtic

  SAAN ka man magpunta, anila, ay babalik ka pa rin kung saan ka nagmula. Matapos ang apat na taong paglilibot sa ibang koponan, balik Boston Celtics si Paul Pierce ngunit hindi upang maglaro pa kundi u-pang mag-retiro na. Nauna nang inihayag ni Pierce noong nakaraang 2016-2017 NBA Season na magreretiro na siya ngunit kinailangan pa ni-yang tapusin ang kontrata ... Read More »

Lopez kuminang sa Korea Open

  KUMALAWIT ng gold medal si Pinay Jin Pauline Louise Lopez sa katatapos na 2017 Korea Open international taekwondo championships sa Chuncheon City, Korea. Ibinalandra ni Lopez, 21-year-old Ateneo psycho-logy student ang unang apat na katunggali under-57 kilogram competition bago pinagpag sa finals si Brazilian Rasaela Araujo, 16-11. “I was excited, very happy and overwhelmed,” saad ni Lopez matapos pasukuin ... Read More »

Japan suko sa Gilas (39th Jones Cup)

  IKINADENA ng Gilas Pilipinas ang pangatlong sunod na panalo matapos nilang padapain ang Japan, 100-85 kahapon sa 39th Jones Cup sa Taipei Heping Gymnasium. Tangan ang 3-1 record, makikilatis ang Gilas Pilipinas ngayong araw laban sa matitinik at mabibilis na South Korea sa alas-singko ng hapon. Malinis sa tatlong laro ang Korea, kasalukuyang nakikipagbuno sila sa Lithuania, habang tinitipa ... Read More »

Alaska kontra NLEX (PBA Governors Cup)

  HANGAD ng Alaska Milk, NLEX, Kia Picanto at Phoenix na maging maganda ang kanilang performance sa season-ending PBA Governors Cup na mag-uumpisa mamaya sa Smart Araneta Coliseum. Katunggali ng Alaska Milk ang NLEX sa ganap na 7 pm. Magkikita naman ang Kia Picanto at Phoenix sa ganap na 4:15 pm. Ang Aces at Fuel Masters ay sasandig sa mga ... Read More »

Pahusayan ng import sa Governors Cup

  MATAGUMPAY ang naging kampanya ng Barangay Ginebra Kings at Meralco Bolts dahil sa mahusay ang kanilang mga imports noong nakaraang Governors Cup, umaasa ang dalawang nasabing teams na mauulit nila ang kasaysayan ngayong pinabalik nila ang mga ito. Muling kinuha ng Gin Kings si Justin Brownlee samantalang pinabalik ng Bolts si Allen Durham para sa PBA Governor s Cup ... Read More »

Letran, umiskor ng unang panalo (San Beda, bumalikwas)

  KAAGAD nakabalik sa dating bangis at angas ang San Beda Red Lions nang lapain ang College of St. Benilde Blazers habang nakaiskor sa wakas ng unang panalo ang Letran Knights kontra Emilio Aguinaldo College Generals, 83-80 sa umaatikabong NCAA Season 93 kahapon sa San Juan. Kagagaling sa mapait na pagkatalo kontra Lyceum noong nakaraang linggo, ibinuhos ng Red Lions ... Read More »

Tatlong sunod na panalo para sa Gilas

  RUMEKTA ang Gilas Pilipinas sa ikatlong sunod na panalo matapos idispatsa ang Japan, 100-85 sa umiinit na 39thWilliam Jones Cup kahapon sa Taipei Heping Gymnasium sa Taiwan. Tabla sa 66 papasok ng huling kanto, rumatsada ang Gilas sa pambihirang 34-19 panapos na bomba upang iangat ang kanilang kartada sa 3-1 matapos ang katangi-tanging pagkatalo sa Canada sa unang laban. ... Read More »

PBA players sa Gilas aprub na

MASASAKSIHAN ng buong mundo ang kompleto at kargadong Gilas Pilipinas sa paparating na FIBA Asia Cup. Ito ay matapos pumayag nang tuluyan si Commissioner Chito Narvas at ang Philippine Basketball Association sa pagpapahiram ng mga manlalaro sa pambansang koponan na Gilas Pilipinas para solidong makasagupa sa mga karibal sa Asya. Inianunsiyo ng PBA kahapon ang magandang balita ng kanilang buong ... Read More »

Ang First Lady ng Football: Antonella Roccuzzo

BINANSAGAN ng mga celebrity magazine ang brunette na si Antonella Roccuzzo bilang ‘the first lady of football’ — habang ang kanyang mister na si Lionel Messi ay kinikilalang ‘the best (football) player on the planet. Dumalo ang mga sikat na showbiz at football star sa kasal nina Roccuzzo at Messi nitong nakaraang Biyernes, 30 Hunyo, sa Rosario, Argentina. Sa kabila ... Read More »

NBA free agency gumulong na

SANDAMAKMAK agad ang naging paggalaw ng mga manlalaro at koponan sa pagsisimula ng opisyal na free agency season ng NBA kung kailan ang koponan ay may pagkakataong manligaw ng mga manlalarong paso na ang kontrata. Mapapanatili ng kampeon na Golden State Warriors ang mga beteranong si Andre Iguodala, Shaun Livingston at David West. Pumirma ng tatlong taon si Livingston para ... Read More »

Ancajas tagumpay sa IBF title defense sa Pacquiao-Horn undercard

PINATUMBA ni Filipino protégé Jerwin Ancajas si Teiru Kinoshita ng Japan sa ikapitong round upang tagumpay na maidepensa ang kanyang IBF super flyweight belt sa undercard ng Battle of Brisbane sa pagitan ni Manny Pacquiao at Jeff Horn sa Suncorp Stadium sa Australia kahapon. Panay bodega ang banat ng 26-anyos na si Ancajas sa karibal na Hapon na nagpasuko rito. ... Read More »

Hihingi ng rematch si PacMan?

NAGIMBAL ang boxing world nang ianunsiyo ng ring announcer na natalo si Manny Pacquiao kontra kay Jeff Horn via unanimous decision. Yung nanalo lang si Horn ay parang suntok na sa buwan,  ano na matatawag doon sa naging unanimous decision na pagkatalo? Siyempre, masakit iyon sa mga fans ni Pacquiao. Anyway, anumang protesta ang gawin ng kampo ni Pacquiao hindi ... Read More »

Pacquiao nadisgrasya kay Horn

NIYANIG ni Jeff Horn ang buong mundo matapos nitong agawan ng ti-tulo si Manny Pacquiao via unanimous decision kahapon sa mismong lugar nila sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia. Naging agresibo si Aussie boxer Horn sa kaagahan ng rounds kaya naman pinaboran siya ng mga hurado nang bigyan ito ng 117-111, 115-113, 115-113 iskor matapos ang  12 rounds  upang  tanghaling ... Read More »

Pacquiao ‘tinoro’ ni Horn (Aussie nakasikwat ng kampeonato)

ITINAKAS ng hometown hero na si Jeff Horn ang kontrobersiyal na unanimous decision win kontra Manny Pacquiao upang tanghaling bagong kampeon ng WBO Welterweight kahapon sa Battle of Brisbane sa Suncorp Stadium, Australia. Iniskor ng tatlong hukom na sina Waleska Roldan, Chris Flores at Ramon Cerdan ang laban sa 117-111, 115-113 at 115-13 na pumabor lahat kay Horn. Nagpalitan ng ... Read More »

Pacquiao bukas sa rematch kontra Mayweather

KUNG mabibigyan ng ikalawang pagkakataon, hindi aniya mag-aautubili si Manny Pacquiao na sagupain muli sa ibabaw ng lona ang karibal na si Floyd Mayweather Jr. Ito ang inihayag ng Pambansang Kamao sa  Yahoo Sports sa ginanap na press conference sa Australia para sa WBO welterweight na sagupaan nila sa 2 Hulyo na binansagang Battle of Brisbane. Ngunit ito ay kung ... Read More »

Paras, Parks at Ravena babandera sa Gilas sa SEAG

PANGUNGUNAHAN ng mga bata ngunit palabang manlalaro na sina Kobe Paras, Kiefer Ravena at Rayray Parks Jr., ang Pambansang Koponan na Gilas Pilipinas sa paparating na Southeast Asian Games sa 19-30 Agosto sa Kualu Lumpur, Malaysia. Ito ang anunsiyo kahapon ni Gilas coach Chot Reyes sa kanyang twitter account na @coachot. Makakasama nila ang mga kadete ng Gilas na ngayon ... Read More »

San Beda markado sa NCAA

PUNTIRYA ng defending champion San Beda na panatilihin ang korona sa kanilang bakuran sa 93rd NCAA basketball tournament na magsisi-mula sa susunod na buwan sa Mall of Asia Arena, Pasay City. Nagbalik si coach Boyet Fernadez upang aka-yin muli sa kampeonato ang Red Lions, hinawakan ng dating PBA cager ang Mendiola-based squad nang maghari sila noong 2013 at 2014. Isa ... Read More »

Cignal mapapalaban sa Wangs

HAHARAPIN ng Cignal HD ang mabigat na  pagsubok sa pagtutuos nila ng Wangs Basketball sa PBA D-League Foundation Cup 3:00 pm sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Sa ikalawang laro, 5:00 pm, hanap pa rin ng AMA Online Education ang unang panalo kontra Centro Escolar University. Mataas ang morale ng Wangs Couriers dahil sila ay galing sa 93-84 panalo ... Read More »

Dy alanganin sa national team

UMATRAS si Rachel Anne Daquis sa National Team kaya ang ipinalit ay si La Salle netter Kim Dy. Pero nakasalalay sa mga profe-ssors ni Dy kung makalalaro siya Philippine women’s volleyball na nagha-handa sa Kuala Lumpur Southeast Asian Games sa Agosto. Aabutin nang isang buwan ang kanilang team training sa Japan (July 17 – August 2) at ilang aktibidad, kaya ... Read More »

Batas Kamao nakaaamoy ng premyo

AARANGKADA naman ang karera sa  Metro Turf  pagkatapos sa Sta Ana Park  kung saan ay may walong karera na lalargahan . Narito’t umpisahan na natin ang aking munting paghihimay na inihanda sa ating lahat. Race-1 : Sa pambungad na takbuhan at umpisa ng 1st Pick-5 event ay uunahin ko ang nakababa pa ulit ng isang grupo na si (6) Bainbridge ... Read More »

Red Robins, kampeon sa Filoil Juniors

MATAPOS pagharian ang NCAA Juniors Season 92 noong nakaraang taon, sinunod kobrahin ng Mapua-Malayan Red Robins ang Filoil Flying V Pre-season Premier Cup kahapon sa San Juan. Naiiwan sa 62-59 papasok ng huling kanto, nagpakawala ang Red Robins ng 30-20 panapos na bomba para pabagsakin ang Ateneo Blue Eaglets, 89-82 sa high school Finals ng premyadong pre-season tournament ng bansa. ... Read More »

Paul at Griffin susubok sa free agency

HINDI na tatapusin nina Chris Paul at Blake Griffin ang huling taon ng kanilang kontrata sa Los Angeles Clippers para subukan ang free agency sa NBA off season na magsisimula sa 1 Hulyo. Dahil sa opt out sa kanilang huling taon, maaaring mamili sina Gritfin af Paul ng mga koponang liligaw sa kanila bilang unrestricted free agents kapag nagsimula ang ... Read More »

Pogoy pinag-multa ng P30,000

TUMATAGINTING na P30,000 ang ipinataw na multa kay TNT rookie Roger Pogoy dahil sa insidente kontra Arwind Santos sa Game 2 noong PBA Commisioner’s Cup Finals. Sa  ikatlong kanto ng laro na-nalo ang San Miguel, 102-88 nagkarigian si  Pogoy at Santos sa rebound na nagresulta sa pagtama ni Pogoy sa maselang bahagi ng katawan ni Santos. Kaagad itong ikinainit ng ... Read More »

George gustong maging Laker sa 2018

MAPAPASO ang kontrata ni Indiana superstar Paul George sa 2018, ngunit ngayon pa lang ay napaulat na ipinagpaalam niya sa Pacers management ang kanyang napipintong paglipat sa Los Angeles Lakers. Hindi na pipirma ng bagong kontata si George at tatapusin na lamang ang paparating na 2017-2018 NBA season sa India-na Pacers bago rumekta papuntang California upang matupad ang pangarap na ... Read More »

Castro player of the week

DAHIL sa pamamayani sa Game 4 panalo at pagbuhat sa TNT tungo sa PBA Commissioner’s Cup Finals, pinarangalan si KaTropa Jayson Castro bilang Player of the Week para sa 13-18 Hunyo. Pumupog si Castro ng halimaw na 38 puntos, 11 assists at 7 rebounds upang pa-ngunahan ang TNT sa 122-109 panalo kontra Barangay Ginebra Gin Kings noong nakaraang Sabado at ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved