Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports (page 3)

Category Archives: Sports

Feed Subscription

Ratratan sa PBA umiinit

KOMPLETO na ang casts sa quarter­finals ng 2018 PBA Commissioner’s Cup matapos manaig ng Magnolia Hotshots at TNT KaTropa noong Biyernes ng gabi sa Araneta Coli­seum. Lumanding sa No. 3 seed ang KaTropa na pinaluhod ang elimination topnotcher Rain or Shine Elasto Painters habang inupuan ng Hotshots ang No. 7. Kinalos ng Pamban­sang Manok Magnolia ang defending champion San Miguel ... Read More »

Pacquiao vs Matthysse ipalalabas sa HD screen

HIGANTENG match-up, dapat lang maramdaman ang kakaibang eksperyens­a ng mga manonood. Ang makasaysayang si Senador Manny Pac­quiao ay babalik sa ring para bigyang kasiyahang muli ang mga fans partikular ang mga Pinoy. Sa July 15 (Manila time)  ay nakatakdang harapin ng Pinoy idol ang hard-hitting Argentine na si Lucas Matthesse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia. Hindi man makapupunta sa ... Read More »

Flash Dance umentado sa laban

IBABAHAGI  ko sa inyo ang aking mga nasilip sa huling dalawang araw na pakarerang naganap sa pista ng Santa Ana Park, iyan ay upang makatulong sa inyong pag-aaral pagbalik ng takbuhan sa nasabing karerahan. Pambungad na takbuhan nung Huwebes ay umentado ang itinakbo ng kabayong si Flash Dance at walang anuman na iniwan ang kanilang mga nakalaban na sina Oh Neng, ... Read More »

Gilas kontra Australia ngayon

NAGAWA ng Japan na talunin ang bigating Austra­lia noong nakaraang Biyer­nes. At iyon ang nais sundan ng Gilas Pilipinas ngayon sa krusyal nilang sagupaan ng Australia para sa liderato ng Group B sa pagtatapos ng third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Tabla ngayon sa tuktok ng Group B hawak ang parehong ... Read More »

Reyes kompiyansa kontra Australia

KOMPIYANSA si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na kaya nilang talunin ang Australia Boomers pagharap nila ngayong gabi sa first round ng FIBA World Cup qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Nasa second place sa Group B ang Gilas tangan ang 4-1 record, haharapin ng Pilipinas ang Aussie sa alas-7:30 ng gabi. Para kay Reyes mas malakas ang Australia ... Read More »

Warriors deretso sa 3-0 bentaha kontra Cavs (Durantula, ‘di naawat)

ABOT-KAMAY na ng Golden State Warriors ang ikalawang sunod na kampeonato sa National Basketball Association gayondin sa asam na dinastiya ng liga matapos pangunahan ni Kevin Durant ang malaking 110-102 road win sa bahay mismo ng Cleveland Cavaliers sa Game 3 upang magposte ng 3-0 abante sa best-of-7 Finals series kahapon sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio. Matapos mabaon ... Read More »

Standhardinger maaaring ‘di makalaro sa 3×3 World Cup

“THERE’S no guarantee.” Iyan ang pahayag ng San Miguel prized rookie na si Christian Standhardinger nang tanungin kung makalalaro ba siya para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na 2018 FIBA 3×3 World Cup na magsisimula bukas sa Philippine Arena. Kasalukuyang nagpapagaling ang 6’8 na si Standhardinger sa kanyang swollen knee injury na naging dahilan ng hindi niya paglalaro sa nakalipas ... Read More »

Mayweather pinakayamang atleta

SA loob man o labas ng kuwadradong lona ay si Floyd Mayweather Jr., pa rin ang kampeon. Nabansagang “Money” Mayweather, napatunayan iyan ni Mayweather nang tanghaling pinakamayamang atleta ngayon ayon sa Forbes Magazine. Umabot sa $285 milyon ang naging kita ni Mayweather sa 2017 upang manguna sa listahan ng Forbes na ‘highest paid’ athletes. Bunsod nito, dinaig ng boksingero ang ... Read More »

Warriors namumuro sa titulo

NAMUMURONG  sikwatin ng Golden State Warriors ang back-to-back titles matapos payukuin ang Cleveland Cavaliers, 110-102 kahapon sa Game 3 ng 2017-18 National Basket­ball Association, (NBA) finals. Kumayod si Kevin Durant ng 43 points, 13 rebounds at pitong assists upang tulungan ang War­riors na ilista ang 3-0 serye at mamuro sa titulo. Sa history ng NBA, walang nakabangon mula sa 0-3 ... Read More »

Pacquiao pababagsakin si Matthysse

INILISTA ni  Manny Pacquiao ang huling  knockout win noong 2009 kontra kay  Miguel Cotto. Puwedeng masundan na ito sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia. Puntirya ng kampo ni Pacquiao ang mukha, partikular ang panga ni Lucas Matthysse para pahalikin ito sa lona at agawin ang WBA 147-pound diadem ng Argentinean. “Matthysse has a weak chin,” hayag ... Read More »

Pinoy Pride 44: laban sa Leyte

MISYONG ibangon muli ang pangalan sa mundo ng boksing, pupuntiryahin ni “Prince” Albert Pagara ang WBO Intercontinental Super Bantamweight belt sa kanyang laban sa “Pinoy Pride 44: Laban sa Leyte” sa darating na Sabado (Hunyo 9) sa Maasin City Gym, Maasin City, Leyte. Mapapanood ang naturang fight card ng ALA Promotions at ABS-CBN Sports sa ABS-CBN S+A at S+A HD ... Read More »

Warriors humirit ng Game 7

HUMIRIT ng do-or-die Game 7 ang defending champion Golden State Warriors matapos nilang tambakan ang kulang sa armas na Houston Rockets, 115-86 kahapon sa Game 6 ng 2017-18 National Basketball Association (NBA) Western Conference finals. Kumayod si Klay Thompson ng 35 points kasama ang siyam na 3-pointers para sa Warriors na naitabla ang serye sa 3-3 sa kanilang best-of-seven battle. ... Read More »

Warriors luhod sa Rockets (Tabla ang serye sa 2-2)

UMISKOR si James Harden ng 30 points sapat upang itaguyod sa panalo ang Houston Rockets laban sa defending champion Golden State Warriors, 95-92 kahapon sa Game 4 ng Western Conference finals ng 2017-18 National Basketball Association (NBA). Bumakas si Chris Paul ng 27 markers para sa Rockets na naitabla ang  serye sa 2-2 sa kanilang best-of-seven na bana­tan. Lamang ang ... Read More »

Caligdong bagong football coach ng Altas

KINUHA ng University of Perpetual Help System-Dalta Altas na bagong head coach ng kanilang football team ang legend na si Chieffy Caligdong para sa papalapit na Season 94 ng National Collegiate Athletic Association. Ito ay upang matulungan sila ng dating manlalaro ng Azkals na masikwat ang unang kampeonato sa loob ng lagpas dalawang dekada. Nagretiro apat na taon na ang ... Read More »

Gilas tumakas sa UE

BAHAGYANG napaganda ng Gilas Pilipinas 23 for 2023 World Cup pool ang kartada matapos ang dikit na 63-61 tagumpay sa palabang Uni­versity of the East sa pagpa­patuloy ng 12th Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa Filoil Flying V Centre kamakalawa ng gabi. Naiiwan sa 11 puntos sa simula ng huling kanto, nagpa­kawala ng matinding late game uprising ang Gilas ... Read More »

World record sa freestyle binasag ni Katie Ledecky

BINASAG ni five-time Olym­pic swimming champion Katie Ledecky ang sarili niyang 1,500-meter freestyle world record ng limang segundo sa kauna-unahan niyang paglangoy bilang isang propesyonal. Naabot ng 21-anyos na American swimming sensation ang pader ng swimming pool sa loob ng 15 minuto at 20.48 segundo sa Pro Swim event sa Indianapolis para burahin ang previous best na 15:25.48 na kanya ... Read More »

Cavs bumawi sa game 3

UMISKOR si basketball superstar LeBron James ng 27 points at 12 assists upang tulungan ang Cleveland Cavaliers na itarak ang 116-86 panalo kontra Boston Celtics kahapon sa Game 3 ng 2017-18 National Basketball Association (NBA) Eastern Conference Finals. Tumikada si Kevin Love ng 13 puntos at 14 rebounds habang may 14 si Kyle Korver para sa Cavaliers na nakalsuhan ang ... Read More »

Davis kinapitan ng New Orleans

DOBLE-KAYOD  sina Anthony Davis at Jrue Holiday upang akbayan ang New Orleans Pelicans sa pagwalis sa Portland Trailblazers, 131-123 kahapon sa 2017-18 National Basketball Association, (NBA) playoffs. Kumana si Davis ng 47 points at 11 rebounds habang nagtala si Holiday ng 41 markers at walong assists upang kalawitin ang panalo para sa Pelicans sa Game 4 at ilista ang 4-0 serye ... Read More »

Region X humakot ng ginto sa boksing

VIGAN CITY—Huma­kot  ng anim na gold medals ang Region X sa Secondary Boys Boxing sa katatapos na Palarong Pambansa 2018 na ginanap sa Plaza Burgos, Ilocos Sur. Pinayuko ni Jericho Acaylar si Lester John Yanis sa finals upang sungkitin ang gintong medalya sa Pin Weight, (44-46 kgs.). Nahablot ng Region XI Pug Yanis ang silver habang nag-uwi ng bronze medals sina ... Read More »

Dayao bumasag ng record sa mas mataas na dibisyon

NAKAGUGULAT  ang ginawa ng ‘Super Boy’ ng Philippine Sports na si Jose “Sunday” Masangkay Dayao 111 ng Cyber Muscle Gym sa katatapos  na 2018 Philippine National Open & Age Group Po­werlifting Championships na ginanap sa Fisher Mall Quezon City nitong Sabado, impresibong binasag niya ang mga records sa Squat-70kgs, Bench press-38kgs, Total-188kgs at  single Lift Bench press-38kgs. Ipinakita ni Dayao sa mga nanonod ... Read More »

Gilas, silat sa Blue Eagles

DINAGIT ng subok ng Ateneo Blue Eagles ang all star ngunit bagong buo pa lamang na Gilas Pilipinas 23 for 23 World Cup pool, 75-69 sa opening ng 12th Filoil Flying V Pre-season Premier Cup kamakalawa sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Bumandera para sa Blue Eagles ang bahagi rin sana ng Gilas na koponan na si Thirdy ... Read More »

Standhardinger nasa PH na (Dumalo sa unang ensayo ng SMB)

DUMATING na sa bansa sa wakas ang inaabangang si Christian Standhardinger kamakalawa. At bagamat halos wala pang pahinga ay sumabak agad siya sa kauna-unahang ensayo kasama ang Beermen pagkatapos ng lagpas limang buwan. Magugunitang noong nakaraang Oktubre, pinili ng SMB ang 6’8 Filipino-German na si Standhardinger bilang number one overall pick sa 2017 PBA Rookie Draft. Ngunit dahil sa kanyang ... Read More »

NCR kampeon sa Palarong Pambansa (Sa ika-14 na taon)

SA ika-labing apat na sunod na taon, hari’t reyna pa rin ng palakasan ang National Capital Region. Ito ay matapos ang isa na namang kampeonato sa 2018 Palarong Pambansa kamakalawa sa Vigan City, Ilocos Sur. Nagkamal ng kabuuang 220 medalya ang Metro Manila upang manatiling siyang pinakamagaling na rehiyon kontra sa 16 pang ibang kaibal na rehiyon sa buong bansa. ... Read More »

Mordido reyna sa chess (Palarong Pambansa)

VIGAN CITY – Nasilo  ni Woman Candidate Master Kylen Joy Mordido ng Region IV-A-STCAA ang gold medal matapos magreyna sa Secondary Girls Chess Standard sa katatapos na Palarong Pambansa 2018 na ginanap sa Baluarte Function Hall, Bgy Salinden, Ilocos Sur. Nilista ni Mordido ang 6.5 puntos  matapos kalusin si Mary Joy Tan ng Misamis Oriental, (Region X) sa seventh at final round ... Read More »

World Slasher Cup 2 may online registration

MAGKAKASUBUKANG muli ang mga de-kalidad na panabong sa pagsigwada ng 2018 World Slasher Cup 2 na lalarga sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum mula May 6 hanggang May 12, 2018. Inaasahang muli ang matitinding bakbakan sa rueda ng matitinding lahi ng mga manok mula sa lokal na breeders at ang manggagaling sa iba’t ibang bahagi ng mundo para paglabanan ang se­cond ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved