Friday , April 19 2024

Sports

Sepfourteen nakaraos sa “Commissioner’s Cup”

KAPANA-PANABIK ang naganap na 2019 PHILRACOM “Commissioner’s Cup” nitong nagdaang weekend sa karerahan ng San Lazaro matapos na dikit na nagkatalo pagtapat sa linya ang mga kabayong sina Sepfourteen ni John Alvin Guce na outstanding favorite sa laban kontra sa malayong ikaapat na paboritong si Electric Truth ni Mark Angelo Alvarez na ga-ilong lamang na nagkatalo. Sa alisan ay inasahan …

Read More »

Anthony, unang PBA Player of The Week ng 2019

BAGONG season ngunit parehong galing ang ipinamalas ni Sean Anthony ng Northport matapos hirangin bilang unang Cignal – PBA Press Corps Player of the Week ng 2019 PBA Season. All-around performance ang ipinakita ng 6’4 forward na si Anthony sa unang linggo ng 2019 PBA Philippine Cup na nawalis ng koponan niyang Northport ang kanilang unang dalawang laban. Nagrehistro si …

Read More »

Victolero, Coach of the Year

SA unang pagkakataon sa loob ng apat na taon, bagong punong-gabay ang tatanghalin bilang Baby Dalupan Coach of the Year sa gaganaping 25th Philippine Basketball Association (PBA) Press Corps Awards Night ngayon sa Novotel Manila Araneta Center. At ito ay walang iba kundi si Chito Victolero ng Magnolia Hotshots Pambansang Manok na napili ng mga mama­mahayag sa parehong diyaryo at …

Read More »

PacMan, 40, boxing champ pa rin

KALABAW lang ang tumatanda.  Iyan ang pinatunayan ni Filipino boxing pride Manny “Pacman” Pacquiao matapos tagumpay na madepensahan ang World Boxing Association (WBA) welterweight belt kontra Adrien Broner sa pamamagitan ng kombinsidong unanimous decision (UD) win kahapon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada. Dinomina ng 40-anyos na si Pacquiao si Broner sa loob ng 12 rounds, 116-112, 116-112 …

Read More »

Pringle, Standhardinger  sipa sa Nat’l team?

Stanley Pringle Christian Stand­hardinger

MAWAWALAN ng pu­westo sina Stanley Pringle at Christian Stand­har­dinger kung sakaling makabalik si NBA veteran Andray Blatche sa Pam­ban­sang koponan. Hinayag ni national coach Yeng Guiao matapos nitong  tuluyang limitahan na lamang ang koponan sa 15 miyembro para mas madali nitong maisasa­gawa ang pagpapalitan at mabuo ang “chemistry” sa pagbabalik pagsasanay sa Enero 21. “Most of them will be back …

Read More »

Gilas, sasandal sa 15-man pool

BILANG sagot sa mungkahi ni head coach Yeng Guiao noong nakaraang window, 15-man pool na lamang ang ipaparada ng Gilas Pilipinas simula ngayon para sa papalapit na ikaanim at huling window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa susunod na buwan. Ito ang inianunsiyo ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) President Al Panlilio at mismo ni Gilas mentor Guiao, …

Read More »

Makasaysayang 20-team field, paparada sa DLeague

DALAWAMPUNG koponan ang magbabakbakan sa maka­saysayang 2019 PBA Develop­menta League ngayong taon na lalarga sa 14 Pebrero sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Gigiyahan ng nakaraang kampeon na Go For Gold ang pinakamalaking bilang ng koponan sa kasaysayan ng semi-professional league para sa misyong masungkit ang back-to-back titles. Hindi naman magiging madali ang misyong iyon ng Scratchers lalo’t ang …

Read More »

Katarungan para kay Chairman Peter Bautista

Kurot Sundot ni Alex Cruz

NAGLULUKSA ngayon ang grupo ng joggers, barangay ni Chairman Bautista, pamilya at mga kaibigan. Matagal na naming kasama sa jogging si chairman Bautista, masaya siyang kasama habang tumatakbo at naglalakad sa kahabaan ng Chinese Cem.  Marami siyang kuwento na nakakatawa, minsan problema sa kanyang nasasakupang barangay pero sa kabuuan, mainit ang pakikitungo niya sa mga kapwa niya joggers. Isa si …

Read More »

Para sa 2019 Dubai Int’l Basketball Championship

HINDI pa nasusulit ang kan­yang retirement, balik basketball na agad si Jett Manuel matapos kunin ng Mighty Sports bilang miyembro ng ipapadala nitong koponan sa Dubai International Basketball Championship sa susunod na buwan. Kinuha si Manuel ng pam­bato ng bansa bilang dagdag na puwersa sa koponang gaga­bayan ni head coach Charles Tiu at babanderahan ng tatlong imports na sina Randolph …

Read More »

Chot ‘di babalik sa TNT, PBA

ITINANGGI ni Chot Reyes ang umugong na balita na magbabalik siya bilang advisor ng Talk ‘N Text sa Philippine Basketball Association (PBA). “Contrary to reports, I am not part of TNT in any official capacity,” ani Reyes sa kanyang twitter account na @coachot. Kamakalawa ay napaulat ang kanyang pagbabalik sa PBA, pitong taon simula nang huling gabayan ang TNT sa …

Read More »

Leo Awards, isasabay sa PBA opening (Sa 13 Enero 2019)

ISASABAY ng Philippine Basketball Association (PBA) ang Leo Awards o ang pagpa­parangal sa mga natatanging manlalaro ng taon sa pagbu­bukas ng 44th Season sa 13 Enero 2019 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Ito ang unang pagkakataon na hindi sa pagtatapos ng sea­son ginanap ang naturang sere­monya na kinikilala ang pinaka­magagaling na manlalaro sa 43rd season. Kadalasan, sa Game 4 ng …

Read More »

Injury ni Lebron hindi malala

NAKAHINGA nang maluwag ang Los Angeles Lakers fans nang mabatid na hindi malala ang injury ng superstar at lider na si LeBron James. Batay sa MRI exam, strained left groin ang nakadale kay James sa ikatlong kanto ng malaking 127-101 tagumpay nila kontra sa two-time  NBA champion na Golden State Warriors nitong Pasko sa Oracle Arena. Nasa day-to-day basis, inaasahang …

Read More »

48 aplikante, masusubok sa PBA Draft Combine

Abu Tratter Robert Bolick Rayray Parks CJ Perez Paul Desiderio Bong Quinto

MAYROONG tsansa ang 48 aplikante ngayon upang patu­nayan ang kanilang kahandaan na makapasok sa Philippine Basketball Association (PBA) dahil sasailalim sila sa dalawang araw na pagsubok. Sasalang sila sa mahirap na PBA Draft Combine simula ngayon hanggang bukas na susubukan ang lahat ng kanilang kakayahan bago malaman kung pasado ba silang makasali sa PBA Annual Rookie Draft na gaganapin sa …

Read More »

Aces, tatabla sa Hotshots

SUSUBOK ang Alaska na maitabla ang serye sa karibal na Magnolia ngayong krusyal na Game 4 sa 2018 PBA Governors’ Cup best-of-seven Finals sa Smart Araneta Coliseum. Magaganap ang kritikal na sagupaan sa 7:00 ng gabi kung kailan hangad ng Aces ang 2-2 tabla sa kanilang race-to-four series upang mapanatiling buhay ang pag-asang masung­kit ang titulo ng season-ending conference. Sasakay …

Read More »

Victolero, binira si Compton

DALAWAMPUNG taon na ang nakalilipas, sanggang- dikit sina Chito Victolero at Alex Comp­ton bilang backcourt duo ng Manila Metrostars sa noon ay Metropolitan Basketball Association (MBA). Ngayon, mahigpit na silang magkaribal bunsod ng umaati­kabong banggaan ng Magnolia at Alaska sa 2018 PBA Gover­nors’ Cup best-of-seven-Finals. Lalong uminit ang kanilang karibalan matapos ang Game 3 na binanatan ni Victolero ang kaibigan …

Read More »

Rubik’s Cube wizard Kinsey masisilayan sa Cavite Open

MASISILAYAN ang husay ng  self-taught PH Rubik’s Cube wizard na si Clarence Kinsey Galuno-Orozco  sa pag-arangkada ng Cavite Open 2018 sa 22 Disyembre na gaganapin sa Pagkalingawan’s Pavillion, F. Roman Street, Pagkalingawan’s Pavillion, Pinagtipunan sa General Trias City, Cavite na inorganisa nina Mr. Richard Espinosa at WCA (World Cube Association) delegate Mr. Bille Janssen Lagarde. “Speed cubing, as the practice …

Read More »

PH kompiyansa sa SEAG

30th Southeast Asian Games SEAG

TIWALA ang Filipinas na kaya nilang magtapos sa top three countries sa paparating na 30th Southeast Asian Games na dito gaganapin sa susunod na taon. Ito ay ayon kay Philippine delegation chef de mission Monsour del Rosario matapos ang ginanap na official SEA Games countdown sa Bayanihan Park sa Angeles City, Pampanga kamakalawa. Idiniin ni Del Rosario na ito ang makatarungang …

Read More »

Pringle Out, Standhardinger in para sa Gilas kontra Iran

Stanley Pringle Christian Stand­hardinger

PAPALITAN ni Christian Standhardinger si Stanley Pringle bilang naturalized player ng Gilas sa pakikipagharap nito kontra sa dayong Iran ngayon sa pagpapatuloy ng fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Mall of Asia Arena. Ito ay ayon sa bagong 12-man roster na inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas kahapon. Makakasama ni Standhardinger sina Jayson Castro, Troy Rosario …

Read More »

Pringle sa Kazakhstan, Standhardinger sa Iran (Bilang naturalized player)

Stanley Pringle Christian Stand­hardinger

MAGPAPALITAN bilang naturalized player sina Stanley Pringle at Christian Stand­hardinger sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Kazakhstan at Iran para sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers simula bukas sa Mall of Asia Arena. Ito ang inihayag ni head coach Yeng Guiao kahapon matapos ang huling ensayo ng Gilas sa Meralco Gym sa Pasig City. “More or …

Read More »

Esports, isasali sa 2019 SEAG

KASAYSAYAN ang maiuukit sa nalalapit na 2019 Southeast Asian Games sa unang pagsalang ng electronic sports bilang regular ne medal sport. Ito ang inianunsiyo ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa pangunguna ni Chairman Allan Peter Cayetano sa ginanap na press briefing kahapon kasama ang opisyal na partner na Razer na leading gaming brand sa buong mun­do. “The …

Read More »

Blatche, sabik nang bumalik sa Team Filipinas

NANGANGATI  na uling makapagsuot ng uniporme ng Team Pilipinas si naturalized import Andray Blatche. Ito ay ayon sa kanyang pahayag kahapon ilang linggo bago ang nalalapit na fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers. “War ready, waiting for that phone call for these two coming games,” ani Blatche sa kanyang post sa opisyal na instagram account na @draylive. …

Read More »

PBA Govs’ Cup QF, sisiklab na ngayon

PBA Quarterfnals Blackwater Magnolia Ginebra NLEX

APAT na koponan ang unang sasalang ngayon sa pagsisimula ng umaatikabong 2018 PBA Governors’ Cup quarterfinals sa Smart Araneta Coliseum. Uumpisahan ng numero unong Barangay Ginebra ang hangad nitong ikatlong sunod na kampeonato kontra sa ikawalong NLEX sa 7:00 ng gabi habang sasagupa naman ang ikaapat na Magnolia kontra sa ikalimang Blackwater sa unang laro sa 4:30 ng hapon. Dahil …

Read More »

Folayang susungkit ng ikalawang world title

Eduard Folayang

“I AM excited to announce that Eduard ‘Landslide’ Folayang and Amir Khan will face each other for the ONE Lightweight World Championship on November 23 in Manila!” Ito ang pahayag ni ONE Championship chairman at chief-executive-officer Chatri Sityodtong makaraang tanggalan ng titulo si Australian two-division champion Martin Nguyen kasunod ng matinding injury na naging sanhi ng kabiguan niyang idepensa ang kanyang korona. Saad …

Read More »

Bolts, pumang-apat sa Champions Cup

Meralco Bolts FIBA

NAGKASYA sa ikaapat na puwesto ang Meralco Bolts nang kapusin kontra sa SK Knights, 87-91, ng Korea sa pagtatapos ng 2018 FIBA Asia Champions Cup sa Stadium 29 sa Non­thaburi, Thailand kamakalawa ng gabi. Ngunit sa kabila ng kabi­guang makapagtapos sa po­dium finish at makapag-uwi ng medalya ay uuwi pa rin sa bansa ang Bolts na taas-noo dahil sa semi-final …

Read More »

Lee, inangkin ang PBA POW

paul lee kiefer ravena

PINATUNAYAN ni Paul Lee na siya pa rin ang kilalang ‘Leethal’ Weapon ng liga matapos sungkitin ang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week para sa petsa 24-30 Setyembre 2018. Ito ay matapos ang kan­yang dalawang sunod na pagliyab upang buhatin sa dalawang sunod na tagumpay ang Hotshots sa nakalipas na linggo. Nagrehistro ng 25 puntos, 3.5 assists, 2.5 rebounds …

Read More »