Thursday , April 25 2024

Sports

Maskaradong rider nagwagi sa Tour de France

SA MASASABING kauna-unahang pagkakataon sa mahabang kasaysayan ng Tour de France, nakasuot ang nagwaging siklista ng kulay dilaw na face mask para pumarehas sa iconic jersey ng kampeon habang nakatindig sa podium para tanggapin ang kanyang tagumpay. Sa kabila ng patuloy na pananalasa ng pandemya ng coronavirus sa bansa, nagpatuloy ang premyadong cycling tournament at may naideklara namang kampeon sa …

Read More »

Irene Aldana binigyan ng leksiyon ni Holly Holm

BINIGYAN ni Holly Holm ng masakit na leksiyon si Irene Aldana sa one-sided victory na napagtagumpayan ni Holm kontra sa Mehikana sa kanilang bantamweight match sa Flash Forum arena sa Abu Dhabi isang sabado nitong Oktubre. Ginamit ni Holm ang maliksing paa, conditioning at top-notch wrestling para magwagi sa pinaniniwalaan ng mga fight aficionado na best performance ng mahigpit na …

Read More »

Recreation Avenue binuksan para sa PBA Bubble Delegate

SA PANGANGALAGA ng mental health ng lahat ng bubble residents para sa season reboot ng Philippine Basketball Association (PBA), pinabuksan na ng PBA commissioner’s office ang mga avenue na makapagbibigay ng kinakailangang relaxation at recreation para sa mga delegado. Ngunit isasailalim ang mga player, team at league official, support staff at iba pang bubble insider sa mahigpit na alituntunin para …

Read More »

Football Legend Pele, 80 — Still Alive and Kickin’

“THANK you Brazil,” wika ni football legend Pele—nakangiti pa rin sa pagsapit ng kanyang ika-80 kaarawan nitong nakaraang Oktubre 23. Nag-iisang football player sa kasaysayan na nagwagi ng tatlong World Cup (1958, 1962, at 1970), nagdiwang si Edson Arantes do Nascimento, na mas kilala bilang Pele, ng kanyang kaarawan — tahimik, tulad ng kanyang ginagawa taon-taon, ayon sa kanyang pamilya …

Read More »

Ibang manlalaro ng Clippers asar kay Leonard

KALAT na sa social media  ang pagkainis  ng ibang Los Angeles Clippers’ players sa kanilang star player na si Kawhi Leonard. Masyadong binibigyan ng importansya ng LAC management si Leonard kaya naman nag-aastang superstar sa kanilang team. May special treatment si two-time NBA finals Most Valuable Player (MVP) Leonard kaya banas sa kanya sina Patrick Beverly, Montrezl Harrell at Lou …

Read More »

Khabib tagilid kay Gaethje

NAKAPANAYAM  si Justin Gaethje ni Kevin Iole ng Yahoo Sports at pinag-usapan nila ang nalalapit na pinakamalaking laban nito sa kinatatakutan at ang walang talong si Khabib Nurmagomedov (28-0).  Ang sagupaan  ay mang­yayari sa Oktubre 24, 2020. Pananaw ni  Iole, si Gaethje ay isang kumple­tong fighter na may napakagandang skill na magiging problema ni Khabib.   Taglay pa nito ang collegiate …

Read More »

Magno tutok sa online training

NAKATUTOK muna si Tokyo Olympics-bound Irish Magno sa kanyang boxing clinic habang naghihintay ng go-signal sa Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan na silang mag-ensayo. May boxing clinic si Magno sa Iloilo City, tinutulungan niya si coach Raynald Ardiente  sa pagtuturo ng basic boxing sa Fitstart Gym sa  mga kabataan na gustong mag boksing. “Tinuturuan ko sila ng mga basic …

Read More »

Baloc kampeon sa 9th Jerick Pogi Bullet 2000 Arena online chess

NAKALIKOM  si Pherry James Baloc ng Muñoz Nueva Ecija ng 36 points para tanghaling kampeon sa 9th Jerick Pogi Bullet 2000 and below Arena online chess tournament sa lichess.org. Ang  weekly event ay inorganisa ni Jerick Concepcion Faeldonia, under ng Knighthood Chess Club Romblon na suportado ng España Chess Club Manila at ng I Love Chess Philippines ng Rizal Province. Si …

Read More »

WKA-PH sumalang sa 3rd virtual meeting

MATAGUMPAY na ginanap ang WKA-PH (World Kickboxing Association – Philippines) 3rd virtual meeting noong nakaraang Linggo, Oktubre 18, 2020, sa pamamagitan ng Google Meet kasama ang pangunahing agenda ng Mat Sports Official Rulebook. Ang nasabing online meeting ay  karugtong na pulong pagkatapos ng unang aktuwal na meeting  na ginanap noong nakaraang Oktubre 11, 2020, sa WKA National Head headquarters sa …

Read More »

Cebuano journo Tabada hari sa Nat’l Executive Chess

chess

PINAGHARIAN ni Cebuano journalist Jobanie Tabada ang katatapos na second leg ng 2020 National Executive Online Chess Championship nung Linggo, Oktubre 18, 2020 sa lichess.org. Nakakolekta ang United Arab Emirates based Tabada ng eight points sa mula sa walong panalo at isang talo  para magkampeon sa nine-round tournament na suportado nina Engr. Roderick Argel at Engr. Richard Sison ng Ontario, Canada …

Read More »

Princess Eowyn kampeon sa kababaihan

NAILISTA ni Princess Eowyn ang isang back-to-back win mula sa grupo ng mga kababaihang kabayo matapos ang naganap na 2020 PHILRACOM “Sampaguita Stakes Race” nitong nagdaang weekend sa karerahan ng Metroturf sa Malvar, Batangas. Sa largahan ay magaan na naagaw kaagad ng hinete niyang si Unoh Basco Hernandez ang harapan mula sa gawing labas kabasay ang isa pang puting kabayo …

Read More »

Chess: Bagong Hari ng Pandemya

Chess

SA iba’t ibang lungsod sa mundo, nagsasagawa ang mga tao ng malikhaing pamamaraan upang makayanan ang epekto ng mga coronavirus quarantine at kabilang sa mga aktibidad na ginagawa ay balcony singing, workout at iba pang mga gawain para maibsan ang stress at agam-agam. At sa halos pagkawala ng professional sports, pinasok ng mga atleta ang virtual training para mapanatili ang …

Read More »

Antetokounmpo mapupunta sa Warriors

PANANAW ng ilang kilalang kritiko sa NBA, kahit na hindi i-trade ng Bucks si Giannis Antekokounmpo, posibleng sumalang pa rin ito sa 2021 free agency.  At kapag nangyari iyon ay hindi naman papayag ang Milwaukee Bucks na pakawalan na lang basta ang kanilang superstar nang walang kapalit.  Kaya ang patas na mangyayari ay iti-trade nila si Giannis. Ang puwedeng maging …

Read More »

LA Clippers ititimon ni Tyronn Lue  

SUMANG-AYON si Tyronn Lue na maging susunod na coach ng Los Angeles Clippers.   Ang kontrata ay sa loob ng limang taon, ayon kay ESPN’s Adrian Wojnarowski.  Dagdag pa niya na kasado at pirmado na ang kontrata.   Si Lue, 43, ay nagsilbing lead assistant coach ng Clippers nung nakaraang season.   Ang kanyang promotion ay dumating nang kumalas ang dating …

Read More »

Dagdag na budget hinihingi ng POC

HUMIHIRIT  ng adisyunal na P510 million budget si Philippine Olympic Committee (POC)  President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino para sa elite sports sa 2021 na ngayon ay meron nang malinaw na natatanaw na pagkakataon para masungkit ng bansa ang kauna-unahang Olympic gold medal hindi lang isa, posibleng higit pa sa iniurong na petsa ng Tokyo Games. “Tokyo could be that host …

Read More »

Suelo kampeon sa Rojo-J Trading bullet online chess  

Robert Suelo chess

PINAGHARIAN ni Arena Grandmaster at Fide Master elect Robert Suelo ang katatapos na second Rojo-J Trading bullet online chess tournament nitong Biyernes, Oktubre 17, 2020.   Tangan ang itim na piyesa, ang 1996 Philippine Junior Champion na si Suelo ay dinaig si Ted Ian Montoyo matapos ang 39 moves ng London System Opening  sa one-day, Arena two hours duration event …

Read More »

Marcial handa nang sumalang sa training  

LUMAPAG na sa  US si middleweight Eumir Felix Marcial kaya anumang oras ay maaari na siyang magsimula ng kanyang trainings. Pahayag ni 24-year-old Marcial na magsisimula na siyang  mag-ensayo  para paghandaan ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan at ang debut niya bilang professional boxer sa United States. Matagal na walang pormal na ensayo si Marcial dahil sa pagsasailalim sa …

Read More »

James, Paul magkakasama sa Lakers

KILALANG magkaibigan sina basketball superstar LeBron James at Chris Paul sa labas at loob ng court at iyon ang puwedeng maging  daan  para magkasama sila sa iisang team. May mga usapang posibleng magsama sina James at Paul sa 2020-21 NBA season. “Chris Paul would love to come back to L.A. I know it would be a dream come true for …

Read More »

Apat na sports idinagdag sa Vietnam SEA Games

IKINAGALAK ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang pagkakadagdag ng apat na sports sa Vietnam 31st Southeast Asian Games program na ang tatlo dun ay magiging kapakipakinabang sa tangka ng bansa na mapanatili bilang biennial event’s overall champion. Inanunsiyo ng Vietnam ang pagkakasama sa event ng jiijitsu, esports, triathlon at bowling, para tumaas sa 40 sports ang nakatakda …

Read More »

Viva Morena nakadehado

NAGDIRIWANG ang  mga karerista sa paglilibang sa naganap na pakarera kahapon sa pista ng Metroturf dahil sa muling pagbubukas ng unang tatlumpu’t anim na OTB (Off-Track Betting) Stations na napayagang mag-operate ng IATF (Inter-Action Task Force) sa tulong ng GAB (Games and Amusement Board) at LGU’s (Local Government Unit) na kinasasakupan ng OTB.   Sana’y  magtuloy-tuloy na ang pagbubukas ng …

Read More »

2021 budget ng PSC aprub sa Senate Committee

APROBADO sa committee level ng Senate ang ‘proposed budget’ ng Philippine Sports Commission (PSC) sa naging virtual hearing nitng isang araw na pinangunahan ng Chairperson ng Committee on Sports, Senator Christopher “Bong” Go, kasama sina Senators Imee Marcos at Nancy Binay. Sa opening statement ni Go, pinuri niya ang PSC sa pagiging overall champion ng Team Philippines sa katatapos na …

Read More »

WBA title ‘di taya Pacquiao vs McGregor

TANGAN ni Manny Pacquiao ang titulo sa WBA welterweight nang agawin niya kay Keith Thurman sa Las Vegas noong summer ng 2019. Dinomina ni Senator Pacquiao ang laban kontra American fighter sa early round, kasama ang matinding knockdown ni  Thurman sa 1st round. Gayonman, naghabol sa mga huling rounds ang dating kampeon para dumikit ang iskor sa pagtunog ng final …

Read More »

‘Death rumors’ ni Ja Morant lumabas sa ‘prank website’

NAGING viral sa social media ang alingasngas ng naging kamatayan umanoni Ja Morant ng Memphis Grizzlies. Dumagsa sa internet ang impormasyon tungkol sa umano’y naging kamatayan ng NBA star player Ja Morant. Ang impormasyon ay walang katotohanan dahil ang Grizzlies star ay malusog at buhay na buhay. Ang source ng umano’y kamatayan ni Morant ay walang solidong ebidensiya at walang detalye tungkol sa dahilan …

Read More »

Tatalunin ko ang pandemic —Taekwondo champion

 ni TRACY CABRERA IPINANGAKO ni dating world taekwondo champion Rinna Babanto sa kanyang sarili na tatalunin niya ang (coronavirus) pandemic at para makamit ito, naghahanap siya ng mga paraan para makabalik sa dating liksi sa pamamagitin ng matinding pagsasanay at mahigpit na health regimnen. Sa nakalipas na edisyon ng Southeast Asian Games, o ang 30th SEAG, sa Maynila nang nakaraang taon, …

Read More »

Cebuana Beauty Queen lalahok sa basketbol

HINDI lang ganda ang maipagmamalaki ni Katherine Jumapao, may talent rin siya sa sports at ibibigay niya ang lahat para makamit ang kanyang mithiing maging isang professional basketball player makaraang isumite ang kanyang aplikasyon sa Women’s National Basketball League (WNBL), na kamakailan ay tinanggap ng Games and Amusement Board (GAB) para mapaangat ang liga sa pro status tulad ng Philippine …

Read More »