Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports (page 2)

Category Archives: Sports

Feed Subscription

Aparato nagkaaberya karera nakansela

NAKANSELA ang ikapitong takbuhan sa karerahan ng Metro Turf matapos na nagkaroon ng abirya ang gamit nilang aparato nung isang gabi araw ng Miyerkoles. Sa hindi inaasahang pagloloko at pagdamba nung isang kalahok sa loob ng kanyang puwesto ay agarang nagbukas ang pinto ng mga gate habang nagpapasukan pa, kaya kahit may ilang mga kalahok pa ang nasa labas o ... Read More »

Beer o gin?: Palakasan ng tama sa game 1

HIGANTENG banggaan ang sisiklab ngayon sa pagitan ng magkapatid ngunit mapait na magkaribal na San Miguel at Barangay Ginebra sa pagsi­simula ng Game 1 ng 2018 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum. Palakasan ng tama ang magiging tema ng sagupaan sa pagitan ng defending champion na Beermen at people’s champ­ion na Gin Kings sa 7:00ng gabi na ang mananalo ... Read More »

Unang Hapones sa Wimbledon quarter finals

NATIONAL hero ang turing ngayon kay Kei Nishikori dahil sa paghirang sa kanya bilang kauna-unahang Hapones, sa Wimbledon quarter-finals sa loob ng 23 taon, nitong Lunes, 9 Hulyo. At ang prediksyon ay ‘digmaan’ laban kay Novak Djokovic na aabot sa ‘last four.’ Nadaig ng 28-anyos na si Nishikori ang arm injury para makapasok sa kauna-unahan din na All England Club ... Read More »

Phelps, Balkman, 1-2 sa best import: Manuel, numero uno sa BPC race

SINIKWAT ni Vic Manuel ang unahan ng dikit na karera tungo sa Best Player of the Conference (BPC) award pagkatapos ng 11-larong eliminasyon sa 2018 PBA Commissioner’s Cup. Bunsod ng dominanteng rehistro na 24.18 puntos, 6.27 rebounds, 1.00 assist, 0.82 steal at 0.64 block, nakaipon ang 6’4 na si Manuel ng 37.2 statistical points (SPs) para sa numero unong puwesto. ... Read More »

Batang Gilas swak sa ika-13 puwesto

BLANKO man sa unang limang salang, nagtapos pa rin nang makinang ang Batang Gilas matapos tambakan ang New Zealand, 73-51 upang maiuwi ang disenteng ika-13 puwesto sa katatapos na 2018 FIBA Under-17 World Cup sa Technological University Stadium sa Sta. Fe, Argentina. Ginulantang ng RP youth team ang Oceania powerhouse na New Zealand sa unang half pa lang nang makapagtayo ... Read More »

Rike, maglalaro sa UAAP

Mula sa National Col­legiate Athletic Association (NCAA) sa Amerika tungo sa University Athletic Asso­ciation of the Philippines (UAAP) dito sa Filipinas. Iyan ang naging paglalak­bay ng Filipino-American na si Troy Rike sa ilang buwan na pananatili sa bansa matapos kompirmahin ang napipinto niyang paglalaro sa National University sa paparating na Season 81 ng UAAP. “Yes I confirmed it 100%,” anang 22-anyos ... Read More »

Batang Gilas nanalo rin

SINILAT ng Batang Gilas ang paboritong Egypt, 70-79 para sa una nitong panalo kahapon sa 13th-16th classi­fication match ng 2018 FIBA Under-17 World Cup sa Techonological University Stadium sa Sta. Fe, Argentina kahapon ng umaga. Matapos lumamang ng 20 puntos sa unang bahagi, tumirik ang Batang Gilas sa dulo ngunit buenas na nasa panig nila ang orasan upang maka-eskapo pa rin ... Read More »

Penalosa giniba si Manufoe sa 2nd round

IPINALASAP ni Dave Penalosa ang lakas ng kamao para gibain sa Round 2 ang kalabang si Ricky Manufoe ng Indo­nesia na ginanap sa Bohol Wisdom School Gym sa Tagbilaran City. Unang lumuhod sa canvass si Manufoe sa 1st round dahil sa mati­tinding body shots  ni Pena­losa.   Nakasalba ito ng round pero muling humiga sa lona ng tatlong beses ang Indonesian sa 2nd round dahil ... Read More »

Frayna yuko sa round 3

YUMUKO si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna kay International Master Gargatagli Hipolito Asis ng Spain matapos ang 39 moves ng Caro-kann sa round three ng 41st Open International Barbera del Valles 2018 Chess Cham­pionship sa Barbera de Valles, Spain. Nanatili sa dalawang puntos si 22-year-old Frayna kaya naman nalaglag siya mula sa tuktok. Nalasap ni former Far Eastern University star ... Read More »

Cocolife nilampaso ng Ph Nat’l Team

PRENTE  ang women’s national team sa pagkalos sa Cocolife Asset Man­agers, 25-13, 25-17, 25-11 sa 2018 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa FilOil Flying V Centre, San Juan City. Kahit kulang sa sandata ay tinapos ng Nationals sa tatlong sets ang Asset Managers. Siyam na players lang ang naglaro, inangklahan ng magkapatid na Jaja Santiago at Dindin Manabat ang ... Read More »

Ratratan sa PBA umiinit

KOMPLETO na ang casts sa quarter­finals ng 2018 PBA Commissioner’s Cup matapos manaig ng Magnolia Hotshots at TNT KaTropa noong Biyernes ng gabi sa Araneta Coli­seum. Lumanding sa No. 3 seed ang KaTropa na pinaluhod ang elimination topnotcher Rain or Shine Elasto Painters habang inupuan ng Hotshots ang No. 7. Kinalos ng Pamban­sang Manok Magnolia ang defending champion San Miguel ... Read More »

Pacquiao vs Matthysse ipalalabas sa HD screen

HIGANTENG match-up, dapat lang maramdaman ang kakaibang eksperyens­a ng mga manonood. Ang makasaysayang si Senador Manny Pac­quiao ay babalik sa ring para bigyang kasiyahang muli ang mga fans partikular ang mga Pinoy. Sa July 15 (Manila time)  ay nakatakdang harapin ng Pinoy idol ang hard-hitting Argentine na si Lucas Matthesse sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia. Hindi man makapupunta sa ... Read More »

Flash Dance umentado sa laban

IBABAHAGI  ko sa inyo ang aking mga nasilip sa huling dalawang araw na pakarerang naganap sa pista ng Santa Ana Park, iyan ay upang makatulong sa inyong pag-aaral pagbalik ng takbuhan sa nasabing karerahan. Pambungad na takbuhan nung Huwebes ay umentado ang itinakbo ng kabayong si Flash Dance at walang anuman na iniwan ang kanilang mga nakalaban na sina Oh Neng, ... Read More »

Para sa liderato ng Group B: Gilas kontra Australia ngayon

NAGAWA ng Japan na talunin ang bigating Austra­lia noong nakaraang Biyer­nes. At iyon ang nais sundan ng Gilas Pilipinas ngayon sa krusyal nilang sagupaan ng Australia para sa liderato ng Group B sa pagtatapos ng third window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Tabla ngayon sa tuktok ng Group B hawak ang parehong ... Read More »

Reyes kompiyansa kontra Australia

KOMPIYANSA si Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na kaya nilang talunin ang Australia Boomers pagharap nila ngayong gabi sa first round ng FIBA World Cup qualifiers sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Nasa second place sa Group B ang Gilas tangan ang 4-1 record, haharapin ng Pilipinas ang Aussie sa alas-7:30 ng gabi. Para kay Reyes mas malakas ang Australia ... Read More »

Warriors deretso sa 3-0 bentaha kontra Cavs (Durantula, ‘di naawat)

ABOT-KAMAY na ng Golden State Warriors ang ikalawang sunod na kampeonato sa National Basketball Association gayondin sa asam na dinastiya ng liga matapos pangunahan ni Kevin Durant ang malaking 110-102 road win sa bahay mismo ng Cleveland Cavaliers sa Game 3 upang magposte ng 3-0 abante sa best-of-7 Finals series kahapon sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio. Matapos mabaon ... Read More »

Standhardinger maaaring ‘di makalaro sa 3×3 World Cup

“THERE’S no guarantee.” Iyan ang pahayag ng San Miguel prized rookie na si Christian Standhardinger nang tanungin kung makalalaro ba siya para sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na 2018 FIBA 3×3 World Cup na magsisimula bukas sa Philippine Arena. Kasalukuyang nagpapagaling ang 6’8 na si Standhardinger sa kanyang swollen knee injury na naging dahilan ng hindi niya paglalaro sa nakalipas ... Read More »

Mayweather pinakayamang atleta

SA loob man o labas ng kuwadradong lona ay si Floyd Mayweather Jr., pa rin ang kampeon. Nabansagang “Money” Mayweather, napatunayan iyan ni Mayweather nang tanghaling pinakamayamang atleta ngayon ayon sa Forbes Magazine. Umabot sa $285 milyon ang naging kita ni Mayweather sa 2017 upang manguna sa listahan ng Forbes na ‘highest paid’ athletes. Bunsod nito, dinaig ng boksingero ang ... Read More »

Warriors namumuro sa titulo

NAMUMURONG  sikwatin ng Golden State Warriors ang back-to-back titles matapos payukuin ang Cleveland Cavaliers, 110-102 kahapon sa Game 3 ng 2017-18 National Basket­ball Association, (NBA) finals. Kumayod si Kevin Durant ng 43 points, 13 rebounds at pitong assists upang tulungan ang War­riors na ilista ang 3-0 serye at mamuro sa titulo. Sa history ng NBA, walang nakabangon mula sa 0-3 ... Read More »

Pacquiao pababagsakin si Matthysse

INILISTA ni  Manny Pacquiao ang huling  knockout win noong 2009 kontra kay  Miguel Cotto. Puwedeng masundan na ito sa Hulyo 15 sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia. Puntirya ng kampo ni Pacquiao ang mukha, partikular ang panga ni Lucas Matthysse para pahalikin ito sa lona at agawin ang WBA 147-pound diadem ng Argentinean. “Matthysse has a weak chin,” hayag ... Read More »

Pinoy Pride 44: laban sa Leyte

MISYONG ibangon muli ang pangalan sa mundo ng boksing, pupuntiryahin ni “Prince” Albert Pagara ang WBO Intercontinental Super Bantamweight belt sa kanyang laban sa “Pinoy Pride 44: Laban sa Leyte” sa darating na Sabado (Hunyo 9) sa Maasin City Gym, Maasin City, Leyte. Mapapanood ang naturang fight card ng ALA Promotions at ABS-CBN Sports sa ABS-CBN S+A at S+A HD ... Read More »

Warriors humirit ng Game 7

HUMIRIT ng do-or-die Game 7 ang defending champion Golden State Warriors matapos nilang tambakan ang kulang sa armas na Houston Rockets, 115-86 kahapon sa Game 6 ng 2017-18 National Basketball Association (NBA) Western Conference finals. Kumayod si Klay Thompson ng 35 points kasama ang siyam na 3-pointers para sa Warriors na naitabla ang serye sa 3-3 sa kanilang best-of-seven battle. ... Read More »

Warriors luhod sa Rockets (Tabla ang serye sa 2-2)

UMISKOR si James Harden ng 30 points sapat upang itaguyod sa panalo ang Houston Rockets laban sa defending champion Golden State Warriors, 95-92 kahapon sa Game 4 ng Western Conference finals ng 2017-18 National Basketball Association (NBA). Bumakas si Chris Paul ng 27 markers para sa Rockets na naitabla ang  serye sa 2-2 sa kanilang best-of-seven na bana­tan. Lamang ang ... Read More »

Caligdong bagong football coach ng Altas

KINUHA ng University of Perpetual Help System-Dalta Altas na bagong head coach ng kanilang football team ang legend na si Chieffy Caligdong para sa papalapit na Season 94 ng National Collegiate Athletic Association. Ito ay upang matulungan sila ng dating manlalaro ng Azkals na masikwat ang unang kampeonato sa loob ng lagpas dalawang dekada. Nagretiro apat na taon na ang ... Read More »

Gilas tumakas sa UE

BAHAGYANG napaganda ng Gilas Pilipinas 23 for 2023 World Cup pool ang kartada matapos ang dikit na 63-61 tagumpay sa palabang Uni­versity of the East sa pagpa­patuloy ng 12th Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa Filoil Flying V Centre kamakalawa ng gabi. Naiiwan sa 11 puntos sa simula ng huling kanto, nagpa­kawala ng matinding late game uprising ang Gilas ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved