Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports (page 12)

Category Archives: Sports

Feed Subscription

7-panalo hinataw ng kuwadra ni Atty. Morales

SINAGPANG  ng  kuwadra ni Atty. Narciso O. Morales ang limang sunod na panalo nung nagdaang weekend na pakarera sa pista  ng Metro Turf sa Malvar, Batangas. Iyan ay ang mga kabayong sina Honeywersmypants ni Kelvin Abobo, Mandolin at Hook’s Princess na parehong nirendahan ni Jerico Serrano, Pampangueño ni Tanya Navarosa at Taipan One ni Yson Bautista. Maraming nasorpresang mga karerista ... Read More »

Pacquiao nasa GenSan na para sa pagsasanay

NASA General Santos City na si Manny Pacquiao kasama ang kanyang kampo upang doon ipagpatuloy ang pagsa-sanay para sa laban niya kontra Jeff Horn  sa  2 Hulyo. Lumipad sila patu-ngong timog ng bansa kahapon ng u-maga  sa  kabila ng ipinatutupad na Batas Militar sa buong kapuluan ng Min-danao para sa mas puspusan at pribadong pagsasanay. Nag-ensayo si Pacman sa Elorde ... Read More »

Sports broadcasting legend Velez pumanaw na

ISANG alamat ang pumanaw na itinuturing na haligi sa mundo ng Philippine Sports. Ang Philippine sports broadcasting legend na si Carlos “Bobong” Velez ay pumanaw kamakalawa ng gabi. Si Velez, 71-anyos, ang nagtayo ng Vintage Enterprises — ang naging tahanan ng Philippine Basketball Association sa loob ng dalawang dekada. Kasama ang kapatid na si Ricky, binuo ang sports broadcasting network ... Read More »

Star kontra RoS (PBA Quarterfinal Round)

MAHALAGANG makauna sa  isang best-of-three series at ito ay batid ng apat na koponang tampok sa quarterfinal round ng  PBA Commissioner’s Cup mamayamg gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Magtutunggali ang sister teams TNT Katropa at Meralco sa ganap na 4:15 pm. Susundan ito ng salpukan ng Star at Rain Or Shine sa ganap na 6:45 pm. Ang ... Read More »

NLEx reresbak sa Governors Cup

NANGULELAT man ang NLEX sa Commissioner’s Cup, at least ay tinapos nila ang torneo sa isang positibong paraan. Napanalunan nila ang kanilang huling dalawang laro. Dinaig nila ang Alaska Milk, 100-92  noong Mayo 24 upang wakasan ang kanilang 13-game losing streak na nagsimula noon pang Enero. Ang huli kasi nilang panalo ay laban sa TNT Katropa sa isang out-of-town game ... Read More »

Flying V, Gamboa Coffee Mix asam ang liderato

MAGHIHIWALAY ng landas ang mga baguhang Flying V at  Gamboa Coffee Mix na magtutuos para sa solo liderato sa PBA D-League Foundation Cup mamayang 10 am Ynares Sports Arena sa Pasig City. Sa ikalawang laro sa ganap na 12 ng tanghali ay target ng Cignal HD ang ikalawang sunod na panalo kontra sa Zark’s Burgers. Kapwa nagwagi ang Flying V ... Read More »

Stevenson giniba si Fonfara sa round 2

DINIMOLIS ni Adonis Stevenson si Andrzej Fonfara sa Round Two para mapanatili ang korona sa WBC light heavyweight  na ginanap sa Bell Centre sa Montreal. Pinabagsak ni Stevenson sa unang round si Fonfara sa pamamagitan ng matinding kaliwa. Sa nasabing yugto ay gahibla nang nakasalba si Fonfara sa uumulang suntok ng kampeon. Sa Round Two ay lalong naging mabalasik si ... Read More »

Hinete, Sota dapat din magpaliwanag

HUGANDONG nagwagi sa laban ang kalahok na si Rochelle na nirendahan ni Jeff Zarate sa Race 1  nung Biyernes sa karerahan ng Sta. Ana Park matapos biguin ang kalaban sanang mahigpit na si Mount Pulag na sa hindi malamang dahilan ay nahuli sa alisan mula sa aparato gayong gamay naman ni Mark Alvarez ? Pero ayon sa mga  beteranong klasmeyts ... Read More »

Cavs babawi sa game 2

SISIKAPIN ng defending champion Cleveland Cavaliers na makabawi sa Game 2 sa finals ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) ngayong araw upang hindi mabaon sa serye. Pero  pihadong mahihirapan ang Cavaliers dahil sa lugar pa rin ng Golden State Warriors ang labanan. Hawak ng Warriors ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-seven series, puntirya nila na ikasa ang 2-0 para lumapit ... Read More »

Cavs reresbak, Warriors lalayo sa 2-0

TATANGKAING bumalikwas ng Cleveland Cavaliers habang susubukang lumayo ng Golden State Warrior sa kanilang muling harapan sa Game 2 ng best-of-7 NBA Finals ngayon sa Oracle Arena sa Bay Area. Ibinaon ng Warrios ang Cavs sa Game 1 para sa kanilang ika-13 sunod na panalo sa playoffs. Buhat nang magsimula ang post-season, hindi pa nadudungisan ang Warriors. Muli silang sasandal ... Read More »

Ikatlong yugto ng Cavs-Warriors sisiklab ngayon

MATAPOS ang isang linggong paghihintay ng basketball fans sa buong mundo, sa wakas ay masasaksihan na ang pinaka-inaabangang trilogy ng salpukang Golden State Warriors at Cleveland Cavaliers. Magpapang-abot ngayon, sa ganap na 9:00 am (Manila time) ang dalawang koponan para sa Game 1 ng 2016-2017 Finals sa bahay ng Warrior sa Oracle Arena sa Bay Area. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ... Read More »

Akhuetie sabik nang makalaro para sa UP

NANG itarak ni Paul Desiderio ang nagliliyab na tres sa panalo ng UP kontra FEU sa Filoil Flying V Preseason Premier Cup kamakalawa, ‘di magkamayaw ang talon at nakabibingi ang sigaw ng bagong Fighting Maroon na si Bright Akhuetie mula sa kanyang kinauupan sa likod ng kanilang bench. Nanalo ang Fighting Maroons, 71-68 para ibigay sa Tamaraws ang kanilang unang ... Read More »

Tamaraws dinungisan ng Maroons

GINUHITAN ng UP Fighting Maroons ang dati’y malinis na kartada ng FEU Tamaraws nang manggulat sila sa 71-68 panalo kamakalawa sa Filoil Flying V Pre-season Premier Cup sa San Juan City. Inakyat ng UP ang 10 puntos na pagkakatambak sa huling mga minuto upang itarak sa FEU ang una nitong talo sa torneo. Tinablahan ng Fighitng Maroons ang kanilang biktima  ... Read More »

Alaska pinapaboran vs Blackwater

PINAPABORAN ang Alaska Milk Aces laban sa Blackwater Elite pagkatapos ng convincing na panalo nito sa una nilang laro. Magkikita ang dalawang teams sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup mamayang 4:15pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Sa ikalawang laro sa ganap na 7 pm ay magpupugay ang Star Hotshots laban sa Phoenix Fuel Masters. Ginulpi ng Aces ang ... Read More »

Federer kampeon sa Indian Wells, Kerber, #1 ulit

PINALO ni Roger Federer ang kanyang ika-lawang sunod na kampeonato buhat nang hamigin ang Australian Open nitong Enero nang angkinin ang BNP Paribas Open title sa Indian Wells, California kamakalawa. Ginapi niya ang kababayan sa Switzerland na si Stan Wawrinka, 6-4, 7-5 upang kolektahin ang kanyang ikalimang titulo sa natu-rang torneo at maging pinakamatandang kam-peon sa Indian Wells sa edad ... Read More »

PacMan, tila bilasang isda na inilalako ni Arum (Wala na nga bang patol?)

NITONG nagdaang dekada, tila paborito ng bayan kung pilahan ang putaheng may sahog ni Manny “Pacman” Pacquiao. Kabi-kabila, kaliwa’t kanan, ano mang isla sa arkipelago ng Filipinas o saan mang sulok ng bilog na mundo, patok na patok, walang palya, swak na swak si Pacman sa panlasang pang-karinderia man o mamahaling restaurant. Sino bang mahihirapang i-market ang Fighter of the ... Read More »

Blue Eaglets humirit ng do-or-die

MAYROON pang bukas para sa Ateneo Blue Eaglets. Ito ay matapos nilang pupugin ang Far Eastern University Baby Tamaraws, 75-56 na may twice-to-beat advantage sa kanilang duwelo sa UAAP Juniors Basketball Final Four sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City kahapon. Dahil sa panalo, nakahirit ang Blue Eaglets ng rubber match na nakataya ang isang silya sa UAAP ... Read More »

NBA players of the week: James, naghari sa East; Griffin, West inangkin

PINANGALANANG National Basketball Association (NBA) Players  of the Week sina LeBron James ng Cleveland Cavaliers at Blake Griffin ng Los Angeles Clippers para sa nakalipas na linggo. Kinarga ni James sa kanyang mga numerong 25.5 puntos at 11.3 assists at 5.3 rebounds ang Cavaliers tungo sa 3-1 baraha upang isubi ang parangal na Eastern Conference Player of the Week. Kinatampukan ... Read More »

Pacquiao vs Horn sa UAE, kasado na

“SEE you in UAE for my next fight.” Iyan ang mismong mga kataga ni ‘Pambansang Kamao’ Manny Pacquiao sa kanyang personal na twitter account na @mannypacquiao kamakalawa upang kumpirmahin ang susu-nod na laban sa Abu Dhabi, United Arab Emirates kontra undefeated Australian Jeff Horn sa darating na 23 Abril. Salungat sa mga naunang ulat na sa hometown ni Horn sa ... Read More »

Serye itatabla ng Ginebra (Kontra Star)

SISIKAPIN ng Barangay Ginebra na makaulit kontra Star Hotshots sa Game Four ng kanilang  best-of-seven PBA Philippine Cup semifinal series, 7:00 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Napigilan ng Gin Kings ang pananalasa ng Hotshots nang manalo sila  sa Game Three, 73-62 noong Lunes. Nakalalamang pa rin sa serye ang Star, 2-1 dahil nagwagi ang Hotshots sa Game ... Read More »

Sonsona brothers magpapakitang-gilas

SUMUMPA ang magkapatid na Eden at Lolito Sonsona ng General Santos City na pareho nilang duduplikahin  ang naging tagumpay ng pinsan nilang si dating WBO world super flyweight champion Marvin “Marvelous” Sonsona sa magiging laban nila sa February 26 sa Lagao Gym. Si Eden na  dating WBC international Silver super featherweight champion ay haharapin si Jovany Rota para sa bakanteng ... Read More »

UE kampeon sa fencing

NAKAMIT ng  University of the East ang kanilang inaasam na championship double matapos hablutin ang korona sa men’s at women’s division ng UAAP Season 79 fencing tournament kahapon sa UST Quadricentennial Pavilion Arena. Kinalawit ng Red Warriors ang gold sa men’s team epee event sa nakulektang 4-2-2 gold-silver-bronze upang kompletuhin ang five-peat at 11th overall. Giniba  ng UE ang University ... Read More »

Indian warrior muntik masubo

PINAG-UUSAPAN pa rin ng mga karerista ang nangyaring takbuhan nung  isang gabi sa pista ng Metro Turf kung saan ay hindi naging katanggap-tanggap sa mga BKs ang nagawa  sa kabayong si Indian Warrior ni jockey  Mart Gonzales. Ayon sa mga beteranong klasmeyts na rin natin na nakapanood ay sadyang malaki sana ang panalo ni Indian Warrior  kung sa una ay ... Read More »

Pacquiao-Marquez V, posible sa dulo ng taon

POSIBLENG maganap ang ikalimang pagtatagpo ng mapait na magkaribal na sina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez, ayon mismo sa Pambansang Kamao. Inamin ni Pacquiao na hiniling niya sa Department of Tourism ang P3 bilyon upang tulungan siyang pondohan ang naturang laban na gaganapin mismo sa Filipinas. Nauna nang sinabi ng DOT na kung prominente at ibang lebel ang makakalaban ... Read More »

Alab rumekta sa ikatlong sunod na panalo sa ABL

PATULOY ang pag-akyat ng Alab Pilipinas sa pedestal ng Asean Basketball League. At isa sa mga ginawa nilang dantayan ang nagdedepensang kampeon na Westports Malaysia Dragons, 65-54, kamakalawa sa mismong bahay nila na House of Champions, Gem-in Mall in Cyberjaya, Malaysia. Bagamat hindi nakakuha ng karaniwang numero mula sa pambatong Rayray Parks Jr., na nagkasya sa 9 puntos, sinalo ni ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved