Saturday , November 17 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports (page 11)

Category Archives: Sports

Feed Subscription

PH Azkals pinaamo ng China sa friendly

PUMUROL ang pangil at naglaho ang bangis ng Philippine Azkals nang paamohin ng China sa kanilang friendly match, 8-1 sa Tianhe Stadium, Guangzhou kamakalawa ng gabi. Binulaga ng mga Tsino ang Pinoy sa mabilis na 2-0 goals sa unang mga minuto at ba-gamat nakabalik ng isang goal si Misagh Bahadoran sa ika-34 minuto ay nagbigay ng isa pang puntos sa ... Read More »

Warriors binitbit ni Durant sa 3-0 abanse

ISINALPAK ni Durant ang 7 dikit na puntos mula sa 11-0 panapos ng Golden State kabilang ang pambaong tres sa huling 45 segundo upang wasakin ang pag-asa ng Cavaliers, 118-113 at ipinoste ang pinakamaha-lagang 3-0 bentaha sa kanilang umaatikabong 2016-2017 NBA Finals showdown sa Quicken Loans Arena sa Cleveland, Ohio kahapon. Naiiwan sa 107-113 sa huling dalawang minuto, kinarga ni ... Read More »

TnT, Meralco maglalaglagan

MAGTUTUOS sa  huling pagkakataon  ang sister teams TNT Katropa at Meralco Bolts para sa ikaapat na semifinals berth ng PBA Commissioner’s Cup mamayang 7 pm sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City. Ang magwawagi mamaya ay makakaengkwentro ng crowd-favorite Barangay Ginebra sa best-of-five semifinal round na mag-uumpisa sa Linggo. Sa kabilang best-of-fIve serye ay magsasagupa naman ang San Miguel Beer ... Read More »

Cavs luhod sa Warriors sa game 3 (Lumapit na sa NBA Title)

KINAPITANG muli ng Golden State Warriors si Kevin Durant sa  opensa sa homestretch upang sungkitin ang 3-0 serye matapos paluhurin ang defending champion Cleveland Cavaliers, 118-113 kahapon sa Game 3 ng 2016-17 National Basketball Association, (NBA) finals. Kumana si Durant ng 31 points at walong rebounds upang lumapit ang Warriors sa pagbawi ng titulo matapos maagaw sa kanila ng Cavaliers ... Read More »

SMB vs Ginebra uli sa Commissioner’s Cup finals?

MAGPAPALIT lang  ng kalaban ang San Miguel Beer at Barangay Ginebra ‘pag nagkataon  sa semifinals ng Commissioner’s Cup. Noong nakaraang Philippine Cup kasi ay nakatagpo ng Gin Kings ang Star Hotshots samantalang nakaengkwentro ng Beermen ang TNT Katropa. Ngayon ay sure San Miguel-Star na sa isang best-of-five series samantalang hinihintay pa ng Barangay Ginebra ang kanilang katunggali. Magtututos pa kasi ... Read More »

Batang Arrastre naging Botong Arrastre

HINDI napigilang pag-usapan ng mga karerista at maging sa mga kilalang tao sa karerahan ang kanilang napuna at narinig sa nagawang pagtawag ng race caller na si Ginoong Vergel Caliwliw sa ikalimang karera nitong nagdaang Martes na pakarera sa pista ng Sta. Ana Park. Imbes kasi na banggitin ang pangalan ng kabayo na pagmamay-ari ni Ginoong Dondon Babon Jr. na ... Read More »

‘Pinoy Aquaman’ Macarine, lumangoy ng 23 KM para sa kapayapaan sa Mindanao

SINUONG ng abogado at triathlete na si Ingemar Macarine ang malawak na karagatan, malamig na tubig at malakas na hangin upang manawagan para sa kapayaan sa Mindanao, partikular sa Marawi na kasalukuyang may nagaganap na digmaan sa pagitan ng Militar at ng Maute Group. Binansagang ‘Pinoy Aquaman’ sa mga paglangoy niya upang ikalat ang adhikain na protektahan ang kalikasan lalo ... Read More »

Asinta ng PH sa 2017 SEAG (4th place o higit pa)

TATANGKAING sumikwat ng 40 hanggang 50 ginto ang Filipinas na swak na para sa ikaapat na puwesto o higit pa sa nalalapit na 2017 Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. Magpapadala ang Philippine Olympic Committee (POC) sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) ng  487 atleta para sa 36 sports upang malagpasan ang ika-anim na puwesto ng Filipinas noong ... Read More »

San Diego, Woman int’l master na

KINAPOS  man sa Finals kontra Cuo Ruoutong ng China sa East Asia Junior Chess Championship sa Tagaytay City kamakalawa, naisukbit pa rin ni Marie Antonette San Diego ang mas malaking premyo. At ito ang maging isang Woman International Master (WIM) na isang prestihiyosong titulo mula sa FIDE o World Chess Federation makaraang makalikom nang sapat na puntos ang 18-anyos Pinay ... Read More »

Battle of the Rivals (Ateneo vs La Salle)

MAHIGPIT na magkaribal pero magkakaisa muna sila para sa kapakanan ng kabataang Filipino. Magtutuos ang ilan sa pinakamagagaling na volleyball players mula sa De La Salle Lady Spikers at Ateneo Lady Eagles tulad nina Mika Reyes, Alyssa Valdez, Kim Fajardo, at Jia Morado sa “Battle of the Rivals,” isang benefit volleyball event na ilalarga ngayong 16 Hulyo sa SM Mall ... Read More »

Diliman pinayuko ng Griffins

NALUSUTAN ng CdSL-V Hotel Griffins ang kapwa matikas na Diliman College-JPA Freight Logistics, 62-55, sa isang makapigil-hiningang sagupaan at lumapit pa sa inaasam na seven-game sweep sa 2017 MBL Open basketball championship sa PNP Sports Center sa Camp Crame. Nanguna sina Soulemane Chabi Yo at Dominic Formento para sa Griffins, na nakatitiyak na tatabla sa unang dalawang puwesto at outright ... Read More »

Racal haharap sa Zark’s Burger

HABOL ng Racal Alibaba ang ikalawang panalo  kontra sa Zark’s Burger sa  PBA D-League Foundation Cup mamayang 10 am Ynares Sports Arena sa Pasig City. Sa ikalawang laro sa ganap na 12 ng tanghali ay pinapaboran ang Cignal HD na maiposte ang ikatlong panalo kontra sa Marinerong Pilipino. Tinambakan ng Racal ang AMA Titans, 118-100 sa una nitong laro noong ... Read More »

Pagbabago sa karerahan (Part-2)

KAPAG natapos na ang gagawing pag-eksamen sa mga bleeders ay agaran na isusunod na riyan ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang pinakaaabangan ng nakararaming mananaya, iyan ang pagbabawas o paggarahe ng mga kabayong may diperensiya na sa kasalukuyan lalo na iyong mga dinadaan na lamang sa tinatawag na pain killer o pampamanhid upang maitakbo lang. Malaking proteksiyon din ang proyektong ... Read More »

Batangas, Tanduay umiskor sa D-League

DUMALAWANG sunod na dikit na panalo ang Team Batangas  habang tinagay ng Tanduay ang kanilang unang panalo sa 2017 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Center sa Pasig City. Isinalpak ni Cedric De Joya ang fastbreak lay-up mula sa mintis ni Robbie Herndon ng Wangs upang maitakas ng Batangas ang 91-89 tagumpay at kanilang ikalawang sunod na panalo sa ... Read More »

Pacquiao: Laban kontra Horn alay sa Marawi

“PARA sa ‘yo ang laban na ito.” Muling papatunayan ni “Pambansang Kamao” Manny Pacquiao ang kanyang kanta ilang taon na ang nakalilipas sa pag-aalay muli ng napipintong laban kontra Jeff Horn para sa mga kababayan lalong-lalo sa mga naiipit sa kaguluhan sa Marawi sa Mindanao. Nakatakdang idepensa ni Pacquiao ang kanyang WBO welterweight belt kontra Horn sa Battle of Brisbane ... Read More »

Cabagnot lider sa BPC derby

SORPRESANG nangunguna sa kasalukuyang PBA Commissioner’s Cup Best Player of the Conference Race si Alex Cabagnot ng San Miguel Beermen, ayon sa opisyal na datos na inilabas ng PBA kamakalawa. Sa koponang tulad ng SMB na mayroong tulad ng 3-time MVP at Philippine Cup BPC na si JuneMar Fajardo, biglaang hawak ng tinaguriang “Crunchman” ang manibela sa pagtatapos ng eliminasyon ... Read More »

Star, TnT llamado sa laban

PINAPABORAN  ang Star at TNT Katropa na makaulit sa Game Two  ng  PBA Commissioner’s Cup quarterfinals mamaya sa  Smart Araneta Coliseum sa Quezon City pagkatapos na tambakan ang kani-kanilang kalaban nitong Lunes. Magtutuos ang Hotshots at Rain Or Shine sa ganap na 4:15 pm at magkikita ang Tropang Texters at Meralco sa 7 pm main game. Kung makakaulit ang Star ... Read More »

Init ng laro ng Hotshots lumamig

MAUULIT ba ang kasaysayan ng Star Hotshots sa Philippine Cup? Patungo sa dulo ng elimination round ay tinambakan ng Hotshots ang mga nakalaban. Sa quarterfinals ay binugbog nila ang Phoenix.  Ang average winning margin ng Hotshots papasok sa semifinal round laban sa Barangay Ginebra ay higit 30 puntos, Nakakasindak hindi ba? Para bang kaya nilang ilampaso ang kahit na sinong ... Read More »

Pagbabago tuloy-tuloy na sa industriya ng karera

DIRETSO  ang pagdating ng pagbabago sa industriya ng karera dito sa ating bansa matapos na naghigpit ang “Philippine Racing Commission” (PHILRACOM) sa pangunguna ni butihing Chairman Andrew A. Sanchez sa lahat ng miyembro ng Board Of Stewards (BOS) sa tatlong karerahan. Sa mga nagdaan na karera ay kitang-kita rin ang paghihigpit ng BOS  sa mga  hineteng hindi gumagalaw nang maayos ... Read More »

Ginebra, SMB sasampa sa semis

MADALING daan patungo sa susunod na yugto ang pakay ng Barangay Ginebra at San Miguel Beer kontra magkahiwalay na kalaban sa quarterfinals ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City ngayong gabi. Katunggali ng Gin Kings ang Globalport Batang Pier sa ganap na 7 pm pagkatapos ng 4:15 pm duwelo ng Beermen at Phoenix Fuel Masters. Kapwa ... Read More »

Cignal markado sa PSL

NAKATUTOK halos lahat ng teams sa Cignal HD Spikers sa simula ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference ngayong sa FilOil Flying V Center sa San Juan. Sariwa sa training camp sa Japan, markado ang ilan sa ipinagmamalaki ng HD Spikers na mga national team members. Ayon kay Cignal coach George Pascua, nag-umento ang laro nina Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga, ... Read More »

Pocari, Balipure tatapusin ang kalaban

TATAPUSIN na ng  Pocari Sweat at BaliPure ang magkahiwalay na kalaban sa Game Two ng best-of-three semifinal round ng Premier Volleyball League Reinforced Conference sa PhilSports Arena sa Pasig City. Sa unang laro sa ganap na 4 pm ay magkikita ang defending champion Pocari Sweat at Power Smashers. Magkikita naman ang BaliPure at Creamline sa ganap na 6:30 pm. Dinaig ... Read More »

Warriors 2-0 na sa NBA finals

HINDI ulit pinaporma ng Golden State Warriors ang Cleveland Cavaliers sa Game 2, 132-113 upang ipos-te ang komportableng 2-0 kalamangan sa kanilang best-of-7 NBA Finals series kahapon sa Oracle Arena sa Bay Area. Abanse ng 67-64 sa halftime, tinapakan ng Warriors ang pedal sa ikatlong kanto upang magtayo ng mala-king 102-88 kalamangan papasok sa ikahuling quarter. Umabot hanggang 111-89 ang ... Read More »

Salvador bagong puwersa ng Flying V

NAGBABALIK sa basketball ang dating manlalaro sa PBA na si Jondan Salvador at sa pagkakataong ito ay para tulungan ang Flying V Thunder  sa  kanilang  kampanya sa PBA D-League Foundation Cup. Matagal na naglaro si Salvador para sa Purefoods Chunkee Giants sa PBA mula 2005 kung kailan napili siya bilang 4th overall pick hanggang 2011. Naglaro rin siya para sa ... Read More »

Hawkeyes nakaresbak sa PBA D-League (Thunder dumalawang sunod)

BININGI ng Flying V Thunder ang Gamboa Coffee Mix Lovers, 119-105 upang iposte ang kanilang ikalawang su-nod na panalo habang nakabalikwas ang Cignal Hawkeyes mula sa unang talo sa pagbaon nila sa Zark’s Jawbreakers, 107-69 sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup Ynares Sports Arena sa Pasig City kahapon. Sinundan ni Jeron Teng ang kanyang pagputok sa 33 puntos kontra ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved