Tuesday , February 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Sports

Category Archives: Sports

Feed Subscription

Tiger Cubs abanse sa stepladder (Baby Tams nilapa)

BINURA ng University of Santo Tomas Tiger Cubs ang 13 puntos na pagkakaiwan upang daigin ang nagdedepensang kampeon na Far Eastern University Baby Tamaraws, 81-80 na nagpaabante sa kanila sa umaatikabong University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Juniors Basketball Season 80 sa Blue Eagles Gym sa Quezon City kamakalawa. Nabaon sa hanggang 66-79 sa kalagitnaan ng laro, sumakay sa ... Read More »

EAC Batangas tatangka sa unang panalo

NAIWAN bilang natatanging koponang wala pang panalo, susubok ngayon ang Emilio Aguinaldo College – Batangas na makaiskor ng isa kontra sa isa pang problemadong Jose Rizal University sa pagpapa­tuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) Developmental League Aspirants’ Cup. Kasalukuyang nasa pina­kababa ng team standings sa 0-4 kartada, sasagupain ng Generals (0-4) ang Heavy Bombers (1-3) sa 4:00 ng hapon sa ... Read More »

Slam Dunk title nilipad ni Mitchell; Booker, bagong hari ng tres

BAGONG mga hari ang kinoronahan sa Skills Challenge, Three Point Contest at Slam Dunk Competition kahapon para sa mainit na ikalawang araw ng 2018 National Basketball Association (NBA) All Star Weekend sa Staples Center sa Los Angeles, California. Ginapi ni Devin Booker ng Phoenix Suns ang dating kampeon na si Klay Thompson ng Golden State gayondin ang finalist na si ... Read More »

Bakbakang Crawford-Horn/ Pacquiao-Alvarado sa Las Vegas

Terence Crawford Jeff Horn Manny Pacquiao Mike Alvarado

NILINAW ni promoter Bob Arum sa Boxing­Scene.com noong Martes na ang sagupaang Terence Crawford-Jeff Horn at Manny Pac­quiao-Mike Alvarado ay hindi mangyayari sa Madison Square Garden, sa halip ay magaganap iyon sa Las Vegas. Dagdag ni Arum na posibleng isa sa pag-aari ng MGM Resorts International gawin ang laban.   Kung sakaling mangyari iyon ay malaki ang posibilidad na sa Mandalay Bay ... Read More »

Pingris, Simon sasandalan ng Hotshots

PAKAY ng Magnolia Hotshots na tuldukan ang two-game skid sa pagharap nila sa GlobalPort Batang Pier sa PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum. Kasalo ng Hotshots sa second spot ang Alaska Aces tangan ang 6-3 records, makakalaban nila ang Batang Pier sa alas-7 ng gabi. Inaasahang mapapa­laban ang liyamadong Magnolia dahil kagagaling lang sa panalo ang Batang Pier na may ... Read More »

Teng, nabuhay sa Globalport

Jeric Teng globalport Pido Jarecio

SA araw ng mga puso kamakalawa, mistulang kapa­nganakan muli ni Jeric Teng. Matapos kunin ng Globalport bilang free agent noong Martes upang magbigay-daan sa pagbabalik tambalan nila ng college coach na si Pido Jarencio, tila bumalik rin sa dating sarili si Teng. Sa 10 minutong lamang na inilaro sa court galing bench, kumamada ang 26-anyos na si Teng ng 9 ... Read More »

Cruz sa TNT aprobado

Jericho Cruz Kris Rosales Sidney Onwubere

BINASBASAN na ng Philippine Basketball Association (PBA) ang trade na magtutulak kay Jericho Cruz patungong Talk ‘N Text mula sa Rain or Shine kahapon. Ngunit para maisapinal ito ay kinailangan ng KaTropa na idagdag ang isa pa nilang guwardiya na si Kris Rosales sa naturang trade. Bunsod nito, naidagdag si Rosales sa orihinal na trade package na sina rookie Sydney ... Read More »

Warriors, silat pa rin kay Lillard, Blazers (Sa kabila ng 50 puntos ni Durant)

Kevin Durant Damian Lillard golden state warriors portland trail blazers

HINDI pa rin sumapat ang 50 puntos ni Kevin Durant upang maiwasan ng kanyang koponan na Golden State ang ngitngit ni Damian Lillard at ng Portland. Pinantayan ni Lillard ang lakas ni Durant sa pagtarak ng 44 puntos at 8 assists u­pang makompleto ng Trail Blazers ang pagsilat sa nag­dedepensang kampeon na Warriors, 123-117 sa umiinit na 2017-2018 National Basketball ... Read More »

Wilson ng Phoenix, tinanghal na PoW

KALABAW lang ang tumatanda. Iyan ang pinatunayan ng beteranong si Willie Wilson matapos ngang sungkitin ang Player of the Week na parangal ng Philippine Basketball Association Press Corps mula 22 hanggang 28 ng Enero. Pinangunahan ng 37-anyos na beterano ang 87-82 pagsilat ng palabang Phoenix Fuel Masters kontra Barangay Ginebra para iangat ang kanilang kartada sa 3-3 papasok sa kalagitnaan ... Read More »

Ross, pinagmulta: Mga opisyal, suspendido

NAGPATAW ng multa at suspensyon ang Philippine Basketball Association sa mga personalidad na sangkot sa free throw fiasco na tumapok sa kontrobersyal na pagtatapos ng 100-96 tagumpay ng Ginebra kontra San Miguel sa 2018 PBA Philippine Cup kamakalawa. Tumatagintin na P20,000 na multa ang ipinataw kay Chris Ross ng San Miguel bunsod ng paglalahad ng ‘di angkop na pahayag na ... Read More »

SMB kayang talunin

MAGSISILBING template para sa ibang mga koponan ang 100-94 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa San Miguel Beer noong Linggo. Puwede palang talunin ang San Miguel. Iyon kasi ang unang kabiguan ng tropa ni coach Leo Austria. At ang matindi doon ay kulang sa tao ang Gin Kings, o. Mayroon nga silang three-game losing streak, e. Hindi pa rin nakapaglaro ... Read More »

Bryant nominado sa Oscars

KUNG sakali, isang tropeo ang maaaring masungkit ng National Basketball Association legend na si Kobe Bryant. At ito ay hindi sa NBA kundi sa prestihiyosong Academy Awards o Oscars. Ang tulang isinulat ng 39-anyos na si Bryant na “Dear Basketball” ay nominado sa animated short category ng Oscars kasama ang Disney animator na si Glen Keane na siyang nag-direk ng ... Read More »

SMB super-lakas na

KAILANGAN  ng 48 minutong buo ang konsentrasyon  at hindi  mauubusan ng tiyaga at bala kapag kalaban ang San Miguel Beer. Kapag nalingat ka kasi, malamang na matuklaw ka sa bandang dulo at madadapa ka. Iyan ang nangyari sa TNT Katropa sa engkwentro nila ng Beermen noong  Sabado sa University of San Agustin gym Sa Iloilo. Sa mahigit na tatlong quarters ... Read More »

Ensayo ng Gilas patuloy

WALANG balak magpreno ang Gilas Pilipinas sa paghahanda nito sa ikalawang window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa pagpapatuloy ng ensayo sa Meralco Gym sa Pasig City. Inaasahang makokompleto ang Gilas Pilipinas ngayon matapos kulangin sa unang araw ng pagbabalik ensayo noong nakaraang linggo. Hindi nakadalo sina Calvin Abueva, Raymond Almazan at June Mar Fajardo sa unang pagsasanay ... Read More »

San Beda dadayo sa Dubai

BILANG paghahanda sa misyong grand slam na kampeonato sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 94, mangingibang bansa ang San Beda Red Lions upang sumali sa 29th Dubai International Basketball Tournament mula 19-26 Enero sa United Arab Emirates. Kinompirma mismo ni San Beda team manager Jude Roque kamakalawa. “We got this rare invitation to join this prestigious tournament, and represent ... Read More »

Marcial swak para maging commissioner — Sy

HABANG hindi nakahahanap ng bagong Commissioner ang Philippine Basketball Association, nabanggit ni Blackwater owner Dioceldo Sy ang isang pangalang pamilyar at beterano sa liga. Walang iba kundi ang officer-in-charge na si Willie Marcial na itinuturing ni Sy bilang pinaka-swak sa bakanteng posisyon sa PBA. “He’s very capable and deserving,” ani Sy sa isang panayam kamakalawa, bago masilat ng kanyang Blackwater ... Read More »

The Heat’s almost-stars are the improbable challenge in the East

In a less dramatic rendition of their turnaround last season, when they started 11-30 and finished the season ninth in the East, the Miami Heat are getting better as the season goes along. Winners of their first five games of 2018, they’re creating offense with a floor-spacing, playmaking lineup that can clamp down defensively, going toe-to-toe with most teams in ... Read More »

International motocross, gaganapin sa Abra

Ang pinakahihintay na Congressman JB Bernos International Freestyle Motocross ay gaganapin sa Enero 27-28 sa Namagpagan Motocross Track, Poblacion, La Paz, Abra. Sa ikapitong taon nito, ang kompetisyon ay naglalayong ipakilala ang motocross tourism sa bansa sa 12 kategorya sa karera at ang freestyle exhibition. “Bawat taon, nag-iimbita kami ng malalaking bituwin sa freestyle motocross, tulad ng mga international riders ... Read More »

Gonzales, bagong coach ng La Salle

ITINALAGANG bagong head coach ng La Salle Green Archers ang dating top deputy na si Louie Gonzales. Ito ay matapos lumutang kahapon ang umano’y pagpupulong na ginanap noong nakaraang Biyernes sa San Miguel headquarters noong nakaraang Biyernes kung saan nga ay binasbasan ng La Salle chief patron na si Danding Cojuanco si Gonzales bilang bagong head coach. Noong nakaraang Martes, ... Read More »

Balkman, sabik nang magpakilala muli

PINAGSISIHAN na ni Renaldo Balkman ang kanyang mga nagawa sa nakaraan at sabik na ngayong magpakilalang muli matapos ngang kunin na import ng Tanduay-Alab Pilipinas sa idinaraos na 2017-2018 Asean Basketball League. Magugunitang noong 2013, nasangkot si Balkman sa isang kagimba-gimbal na insidente sa Philippine Basketball Association nang sakalin niya ang sariling kakampi sa Petron na si Arwind Santos. Bunsod ... Read More »

Super Rookie: Ravena beterano kung lumaro

HINDI isang bagito kundi beterano kung gumalaw ang super rookie na si Kiefer Ravena matapos ang pagpapasiklab sa kanyang unang dalawang laro sa Philippine Basketball Association. Napili bilang ikalawang overall pick ng NLEX Road Warriors sa 2017 PBA Rookie Draft, unti-unti ay pinapatunayan ng 24-anyos na si Ravena na isa siya sa mga dapat katakutan sa kalaunan ng kanyang karera. ... Read More »

Warriors, ‘di pinatawad ang Cavs (Walang Pasko-Pasko)

KAHIT Pasko ay hindi pa rin pinagbigyan ng nagdedepensang kampeon na Golden State Warriors ang karibal na Cleveland Cavaliers nang ungusan ito, 99-92 kahapon sa Christmas Game offering ng 2017-2018 National Basketball Association Season sa Oracle Arena sa Oakland, California. Binuhat ng nagdedepensang Finals Most Valuable Player na si Kevin Durant and Warriors sa unang bahagi bago nga ipaubaya kay ... Read More »

Caguioa, binigyang-pugay si Helterbrand (Mula #47 patungong #13)

BILANG pagsaludo at pagpupugay sa retirado nang kasangga na si Jayjay Heltebrand, nagpalit ng numero ang kapatid nitong si Mark Caguioa. Mula sa kanyang ma-alamat numerong 47, nagsuot ang tinaguriang “The Fast”na si Caguioa ng numero 13 na pamosong jersey naman ng tinaguriang “The Fast” na si Heltebrand. Nagtapos na noong Oktubre ang karera ng isa sa pinaka-epikong duo sa ... Read More »

Dalawang jersey ni Kobe Bryant ireretiro ngayon

ITATAAS na ngayon sa bubong ng Staples Center sa Los Angeles California ang dalawang jersey ni Lakers legend Kobe Bryant. At simula sa araw nito ay magiging imortal at alamat na sa kasaysayan ng Los Angeles Lakers ang kanyang pangalan at mga numero. At ito nga ang numero 8 at 24 na jersey ni Bryant na ireretiro ng Lakers ngayon ... Read More »

Perkins, ‘di kontento sa unang laro sa PBA

NAKAPAGLISTA man ng mga solidong numero, inamin ni Jason Perkins na hindi siya kontento sa unang opisyal na laro niya sa Philippine Basketball Association. Dinaig ng nagdedepensang kampeon na San Miguel ang Phoenix, 104-96 sa pagbubukas ng ika-43 taon Philippine Basketball Association sa Smart-Araneta Coliseum kamakalawa. Kumayod si Perkins ng 10 puntos, 9 rebounds, 2 assists at 1 steal sa ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright © 2009 - 2017 hatawtabloid.com | All Rights Reserved