Wednesday , November 14 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz (page 50)

Category Archives: Showbiz

Feed Subscription

Ate Vi, never siniraan ang tatay ng kanyang anak: Mali ang nagbabangayan kayo, sa huli ang anak niyo ang talo

MINSAN nakakuwen­tuhan namin si Congresswoman Vilma Santos-Recto, at alam naman ninyo iyang si Ate Vi, basta nagsimula nang magkuwento kahit na ano maaari na ninyong mapag-usapan. Madalas na kuwento ni Ate Vi kung gaano siya kasaya sa buhay niya ngayon. Huwag nang pag-usapan iyong kanyang kalagayan. Ang sinasabi nga niya masaya siya dahil isang mabuting asawa si Senator Ralph, at masasabi ... Read More »

Tetay, ‘di ka-level si Mocha; hamon binawi

BINAWI na ni Kris Aquino ang hamon niyang one-on-one debate kay Mocha Uson. Napag­tanto niya kasi na hindi niya ito ka-level. Na ang ibig sabihin ni Kris, mas mataas ang level niya kay Mocha, kaya hindi ito ang taong dapat niyang patulan. Na ang dapat niyang patulan ay ‘yung ka-level niya. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Mocha kapag nakarating sa kanya ang ... Read More »

Paghihiwalay nina Barbie at Paul, ibinuking ni JM

JM de Guzman Barbie Imperial Paul Salas

SA interview kay JM De Guzman ng Pep.ph, nilinaw nito ang biro niya tungkol sa pagiging single ng leading lady niya sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na si Barbie Imperial. Sa guest appearance kasi ng dalawa sa PEP Live kamakailan, pabirong idineklara ni JM na single na si Barbie, na ang ibig niyang sabihin ay hiwalay na ito kay Paul Salas. Sabi ni JM, ”Naging biruan kasi ... Read More »

Ella at Donnalyn, mga prinsesa ng kilabot

KAKAIBANG Ella Cruz at  Donnalyn Bartolome ang mapapanood sa pelikulang idinirehe ni Richard V. Somes, ang Cry No Fear, isang suspense-thriller na handog ng Viva Films at ipalalabas na sa June 20. Kilala si Somes sa pag­gawa ng mga pelikulang naka­gugulantang tulad ng Shake, Rattle & Roll. Kaya tiyak na kakaiba na naman ang bago niyang handog na ito. Maliban sa matinding takot na ipinakita nina Ella ... Read More »

Paggawa ng pelikula, isasakripisyo ni Jen

SA The Cure, mas hirap si Tom Rodriguez physically kaysa kay Jennylyn Mercado dahil mas maraming fight scenes at stunts si Tom kaysa kanya, ayon mismo kay Jennylyn. “Wala siyang double, kaya niya eh,” bulalas pa ni Jennylyn tungkol sa kanyang leading man. ”Enjoy siya! Si Tom, grabe ‘yan gumawa ng eksena.” Si Jennylyn, ang pinaka-daring stunt na nagawa niya ay sa pelikulang  Super Noypi na entry ng Regal ... Read More »

Elizabeth nagbanta kay Azenith: Idedemanda ko siya, mapanira siya

NAGULAT kami sa men­sahe ng award-winning actress na si Elizabeth Oropesa sa kanyang Facebook account: “MAYROON PONG IPINAKALAT NA VIDEO SI AZENITH BRIONES. MAY MALISYA DHIL PINALALABAS NYANG MAGNANAKAW AKO. HINDI PO YAN TOTOO DAHIL SARILI KO PONG ALAHAS ANG KINUHA KO NA IPINABEBENTA KO SA KANYA. WALANG IBA. KINUHA KO NG HINDI NAGPAALAM DAHIL HINDI KO NAGUSTUHAN ANG MGA NARINIG KONG ... Read More »

Tony, nakisosyo, inihahanda na ang future

EXCITED si Tony Labrusca sa tatlong pelikulang gagawin niya sa iba’t ibang production outfit. At interesado ang press sa character na gagampanan niya sa DoubleTwistingDoubleBack ni direk Joseph Abello na kasama niya si Joem Bascon. He will portray the role of a gymnast. At ‘di basta gymnast lang. Gymnast afflicted with DID (Dissociative Identity Disorder). “It’s kinda dark and weird. But you will love the movie. ... Read More »

Direk Louie, planong gawan ng daring na movie si Marian Rivera!

EXCITED na si Direk Louie Ignacio sa kanyang pagbabalik-Cinemalaya. Ang entry ng Kapuso director ay School Bus na tatampukan ni Ai Ai delas Alas. Ito ang second time na sumabak sa Cinemalaya si Direk Louie, una ay via Asintado na kumubra ng ilang awards para kay Direk Louie at sa bidang si Aiko Melendez. Nabanggit ni Direk Louie na tinatapos na niya ... Read More »

Unang Subic Bay International Film Festival, inilunsad!

INILUNSAD last June 8, 2018 sa Activity Center ng Harbor Point Ayala Mall ang unang Subic Bay International Film Festival (SBIFF). Pinangu­nahan nina Direk Arlyn Dela Cruz-Bernal at Ms. Vic V. Viz­cocho Jr., bilang mga Film Festival Directors ang naturang event. Ang dalawang batikang mama­ma­hayag ay kapwa tubong Olongapo. Ang anim na kalahok dito ay Bhoy Intsik ni Direk Joel La­mangan, Neal Tan’s ... Read More »

Toni, naospital nang magsagala

MAY hindi makalilimutang kuwento si Toni Gonzaga minsang may-reyna sa isang Santacruzan. Iyon ay nangyari sa Boac, Marinduge na kasama ni Toni ang ibang artista. Habang nasa prusisyon na sila’y biglang may naghagis ng kwitis sa kanyang white gown. Siyempre, magreresulta iyon ng pagkasunog kaya nag-panic sila. Kaya sa halip na matuloy ang pagsasagala, sa ospital siya dinala. Kuh, pinuri ng ... Read More »

Gabby, naestsapuwera sa pagpasok ni John sa GMA

KUNG hinahanap ng ilang mga manonood si John Estrada sa lingguhang comedy game show sa GMA, ang absence ng aktor ay dahil nabigyan na siya ng assignment ng network na nilipatan niya. Matatandaang “sinibak” si John mula sa The Good Son ng ABS-CBN dahil sa umano’y mga issue nito sa co-star na si Mylene Dizon. Panandalian lang na naging floating ... Read More »

Kakaibang ugnayan ni movie reporter sa actor, isasambulat

TOTOO bang nakahanda na ring magsalita tungkol sa isang kontrobersiyal na male star ang isang movie reporter na naging “friend” niya noong nagsisimula pa lamang ang kanyang career? Ang movie reporter ang unang nagpasok sa kanya sa isang folk house bilang isang singer, bago siya naging artista. Sa totoo lang, maraming kuwento ang kanyang “friend” na puwedeng i-drama sa Maalaala ... Read More »

Modernong bahay ni Paolo, marami ang napa-wow!

DINAIG ni Paolo Ballesteros ang ibang artista kung pagandahan ng bahay ang pag-uusapan dahil bongang-bongga at talaga namang sosyal ang kanyang modern house. Marami nga ang napa-wow nang ipost nito ito sa kanyang personal account at talaga namang humanga sa ganda at laki ng bahay nito na mula sa katas ng kanyang pag-aartista. Tsika ni Paolo sa isang interview, ”I made sure ... Read More »

Ynez, may buwelta kay Dupaya

MARIING pinabulaanan ni Ynez Veneracion na sinabihan niya ng scammer ang negosyanteng si Kathy Dupaya sa kanyang social media accounts. Ayon kay Ynez, ”No, hindi totoo iyon. Nag-post po ako. Sabi ko ho ganoon na magkakaroon po ako ng presscon about the Ignite (Regine Tolentino dance concert) show. “Sabi ko magsa­salita ba ako sa press kasi hanggang ngayon hindi ko pa nakukuha ang pera ko. ... Read More »

Mitch Byrne host ng WNBF Philippines First Amateur Championship

ANG Filipino-Canadian workout queen na si Mitch Byrne ang opisyal na host ng nalalapit na patimpalak ng World Natural Bodybuilding Federation (WNBF) Philippines na 2018 WNBF Philippine First Amateur Championship, sa Hunyo 9 na magaganap sa Johnny B. Good sa Makati City. Ang WNBF Philippines ay kinakatawan ni Mitch kasama ang kapwa mga international fitness guru na si Chris Byrne, na ... Read More »

Piolo, ginagamit ang Ramadan sa pagpo-promote ng Marawi

WALA kaming idea sa pelikulang gagawin ni Piolo Pascual na may kinalaman sa giyera sa Marawi City. Hindi namin alam kung sinimulan na o sisimulan pa lang. Bilang isang Muslim, hindi kami pabor sa paggamit ni Piolo sa aming fasting month, ang Ramadan na kailangan niyang maranasan ang pinagdaraanan ng mga kapatid na Muslim. Ang fasting ay isa mga fundamentals of Islam kaya ... Read More »

Kris sa posibilidad na pasukin ang politika: Nag-iisip ho talaga ako ngayon

KUNG walang aberyang nangyari, nagkita sina Nay Cristy Fermin at Kris Aquino kahapon dahil pinuntahan ng Queen of Online World at Social Media ang dati niyang kasamahan sa The Buzz sa radio program nito sa TV5 na Cristy Ferminute. Matagal nang gustong dalawin ni Kris si ‘Nay Cristy hindi lang nagsa-swak ang schedules ng una dahil laging may mga biglaang ... Read More »

Isa sa miyembro ng Boyband PH, kinikilig kay Ria

NAALIW kami sa mga nabasa naming post at litrato sa social media nina Ria Atayde at isa sa miyembro ng Boyband PH na si Ford Valencia. Sila pala ang magka-loveteam ngayon? Nagsimula ang loveteam nina Ria at Ford sa Wansapanataym Presents: Ohfishcially Yours na napapanood tuwing Linggo sa ABS-CBN kasama sina Elisse Joson, Nico Antonio, Janice de Belen at ang ... Read More »

Para malinlang at mabitag si Lakas (Enrique Gil), Ganda (Liza Soberano) iba-iba ang anyo sa “Bagani”

CONSISTENT pa rin ang “Bagani” sa mataas nilang ratings na umaabot na sa 33% to 36% at isa lang ang ibig sabihin nito palawak nang pala­wak ang fan base ng LizQuen love team nina Enrique Gil at Liza Soberano. Sa ilang teleserye na ginawa nina Liza at Enrique ay pinatunayan nila nang ilang beses ang lakas ng dating nila sa ... Read More »

Concert series ng dabarkads with Broadway Boys featuring Joey de Leon umani ng papuri

VERY rare na mapanood mag-concert si Joey de Leon. Pero dahil sa concert series ng EB Dabarkads na kabilang siya, napapanood siya ngayon sa weekend concert ng Broadway Boys tuwing Sabado. Last Saturday ay game na nakipagkantahan sa grupo ng mga talented na mga bata na produkto ng Lola’s Playlist si Tito Joey. At umani nang papuri ang performance ni ... Read More »

Baby Go, may bagong movie company at contract stars

PATULOY sa paghataw ang masipag at workaholic na movie producer/businesswoman na si Ms. Baby Go. Ngayon ay dala­wa na ang movie company niya, bukod kasi sa BG Productions International ay itinatag na rin niya ang Global Films Production International Inc. Ayon sa lady boss ng natu­rang film outfit, “BG Productions is not closing its doors to film production. We will be ... Read More »

Ina Alegre, pinagsasabay ang showbiz at public service

NAGAGALAK ang aktres/politican na si Ina Alegre dahil mu­ling nabigyan ng chance na maka-arte sa harap ng camera. Nakapanayam namin si Ms. Ina sa birthday party ni mayor Leandro Panganiban ng Pola, Oriental Mindoro. Si Ina ang vice mayor sa naturang municipality. Pansamantalang nawala siya sa showbiz limelight nang pumasok sa politika at nanalong Vice Mayor. Bago ito, naging beauty queen ... Read More »

Drew Arellano nagbirong gustong maging Atom Araullo

NAGBIRO ang very masculine na si Drew Arellano nang sagutin ang katanungan ng press if he wants to give acting a try just like his colleague Atom Araullo. “Alam mo, gusto ko nga, e, para magkaroon ako ng comments sa mga director!” Upon saying that, the movie press present have guffawed in all amusement. “Pero ang pinakagusto ko talaga,” he ... Read More »

Ex Battalion, enjoy magtrabaho kasama si Alden Richards

ANG hip-hop group na Ex Battalion pala ang kumanta with Alden Richard ng theme song ng upcoming GMA-7 prime-time teleserye fittingly billed Victor Magtanggol. The group came into prominence by way of the hit song “Hayaan Mo Sila.” “Ang bilis lang namin natapos ‘yung pag-record no’ng kanta kasi marunong siya. Hindi siya nahihirapan,” intoned Ex Battalion member Archie at the ... Read More »

Actor, tinaguriang ‘cheap call boy’

DAHIL nagkaroon daw talaga ng bisyo noong araw, kaya naging “cheap na call boy” ang isang male star. Pumapatol siya kahit na maliit lang ang bayad at nagpupunta siya kahit na sa mga mumurahing motels na roon siya kinakatagpo ng mga bading. Hindi naman siguro mangyayari iyon kahit na bihira ang kanyang trabaho, kung hindi siya nagkaroon ng masamang bisyo. ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved