Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion (page 9)

Category Archives: Opinion

Feed Subscription

Buking si hepe ng Parañaque

PETSA 3 Hulyo 2018 nang ireklamo ng Solaire Resort Casino sa pulisya ng Parañaque City ang isang Taguig City Councilor sa katauhan ni Councilor Richard Paul Jordan, dahil sa kasong pagnanakaw ng ilang gamit sa loob ng isang kuwarto na inokupa nito at nang magresponde ang mga pulis, nakuhaan ang konsehal ng 31 tabletas ng Ecstasy. Petsa 7 Hulyo, tinawagan ng ... Read More »

Walang silbi si Alvarez

MAITUTURING na wala nang silbi si House Speaker Pantaleon Alvarez bilang lider ng Maba­bang Kapulungan ng Kongreso at secretary general ng PDP-Laban matapos bigyang akreditasyon ng Comelec ang grupong Hugpong ng Pagbabago o HNP bilang isang political party. Malinaw na tinutuldukan na ang anomang posisyon o tungkuling politikal ni Alvarez sa pagpasok ng HNP na binuo ng grupo nina Davao ... Read More »

“Inordinate delay” sa Sandiganbayan vs “motu proprio” sa Ombudsman

TINAWAG ni outgoing Ombudsman Conchita Carpio-Morales na honest o matapat ang kanyang sarili. Sa isang forum kaha­pon, walang kaga­tol-gatol na nagbuhat ng sariling upuan si Morales at nagsabing: “I say that I have honesty. Now com­petence, maybe the public can judge me.” Ginamit na pamantayan ni Morales ang kanyang sarili sa katangian ng dapat maitalagang kapalit niya sa Ombudsman, na aniya: ... Read More »

Confraternitas Justitiae, A Primer

THE founding of Confraternitas Justitiae was a response to the clamor of Adamson Law School students for a fraternal organization that would address the legal, cultural, political and social issues within the Adamson Law school campus in particular and Philippine society in general. On July 5, 1993 at the front lawn of the historic National Press Club of the Philippines ... Read More »

‘Drug war’ sinisi sa overcrowding ng police jails

PITONG beses na mas malaki ang bilang na 146,302 preso sa ideal na kapasidad na 20,653 preso ng mga kulungan sa bawat presinto ng Philippine National Police (PNP). Ang mga tinukoy na nakakulong sa nasabing police jails ay hindi pa convicted. Marami sa kanila ay sinampahan ng kasong paglabag sa batas ukol sa ilegal na droga at hindi pinapayagang magpiyansa, ... Read More »

‘Pig na pig’ ang peg ng PCOO?!

NAKAPANLILIIT na ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang napagsasabihan na ‘patay-gutom’ at team habhab. Ibig sabihin ng habhab sa Tagalog ay lamon. Ang lamon ay hindi magalang na pagtukoy sa salitang ‘kain.’ Ito ay pang-uuyam at panlalait na ang ibig sabihin ay ‘glutony’ o katakawan — isa sa mga itinuturing na seven deadly sins. Sinabi ito ng isang beteranong ... Read More »

Confraternitas Justitiae

BUKAS ang ika-25 taon na pagkatatag ng Confraternitas Justitiae, dating Knights of the Fraternal Order of Justice, isang progresibong Kapatiran ng mga mag-aaral ng batas sa Adamson University. Naalala ko pa kung sino-sino ang mga dumalo sa pulong nang gabing iyon sa harap ng National Press Club. Iyon ay sina Kapatid na Rolando Calara, Mario Cleto Claris, Romencio Lagrimas, Lyndon ... Read More »

Comelec registration na naman?! Voters’ ID nasaan na?

KAHAPON, opisyal na bukas na naman ang tinatawag ng Commission on Elections (Comelec) na continuing registration of voters. Bukas daw ito, mula kahapon, 2 Hulyo hanggang 29 Setyembre 2018, para sa May 13, 2019 national and local elections. Parang gusto nating bumilib sa walang humpay na pagganap sa tungkulin ng Comelec para sa pagpaparehistro ng mga botante. At isa sa ... Read More »

Sino sa “Cuneta sa Pasay” ang babangga sa mga Calixto?

UMUUGONG sa lungsod ng Pasay ang umanoý magtutungo sa tanggapan ng COMELEC ng lungsod ng Pasay ang magkapatid na Chet at Sharon Cuneta upang magpa-Biometrics dahil matunog ang balita na isa sa magkapatid na ito ay tatakbong Alkalde ng lungsod at makakalaban ni Congresswoman Emi Calixto-Rubiano na hahalili sa kanyang kapatid na si Meyor Tony Calixto, habang si Meyor naman ... Read More »

May hustisya sa pusa; Disbarment vs Topacio?

NAGING maamo ang hustisya sa isang nila­lang na walang-awang pinagpapalo sa ulo hanggang sa mapatay ng apat na kalalakihan noong nakaraang taon sa lungsod ng Pasay. Pitong buwan la­mang tumagal ang kaso mula nang mapatay nina John Vincent Tenoria, Avelino Vito Jr., Wesley C. Torres at Jomar Estrada ang biktima. Ibinaba ni Judge Joeven Dellosa ng Pasay City Metropolitan Trial ... Read More »

Bintang sa NAIA Customs personnel, personal na binusisi ni Comm. Isidro Lapeña

MATAPOS personal na ipaabot ni Tourism Secretary Berna Romulo–Puyat kay Customs Commissioner Isidro Lapeña ang reklamo umano ng isang Chinese national na siya ay kinikilan (extorted) ng ilang Customs personnel sa NAIA, ay agad itong inimbestigahan ng Customs chief. Ang imbestigasyon ay hindi iniutos ni Customs Commissioner Sid kundi personal niyang ginawa. Agad siyang nagtungo sa tinutukoy na lugar sa ... Read More »

May ‘saboteurs’ daw?!: PCOO naaning na naman?

MUNTIK na tayong mahulog sa ating kinauupuan nang mabasa natin ang balita sa pahayagan na hinihinala ‘raw’ ni Presidential Com­munications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na mayroong nanabotahe sa kanilang tanggapan kaya pirming may lumalabas na nakahihiyang kapalpakan. Ugaling immature ang tirada ni Andanar. Kailan ba siya aahon sa estilong kapag napuna ang mga palpak sa kanyang departamento ay ... Read More »

Mapanira

TAYONG mga Filipino ay likas na may takot sa Diyos, magalang sa kapwa, lalo sa kababaihan dahil natural sa atin ang pagiging maka-nanay; masayahin, mapagtimpi’t matatag sa harap ng mga suliranin. Gayonman ay malinaw na dahan-dahang nagkakaroon ng kontradiksyon sa ating katauhan, katwira’t damdamin dahil ginigiba ang maga­gandang katangian ng ating lahi, ng iilan na mapa­nira nang mabuting asal at ... Read More »

Walang saysay makipag-usap sa Simbahang Katolika

HINDI na dapat pinag-aaksayahan pa ng panahon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Simbahang Katolika. Sa halip kasing maki­pag-usap pa rito, mas mabuting pinagtutuunan na lamang ng pansin ni Digong ang ibang pro­blemang kinakaharap ng kanyang adminis­trasyon. Tama, walang saysay na makipag-usap sa Simbahang Katolika! Walang ginawa ang mga pari at obispo kundi ang batikusin ang kasalukuyang administrasyon at ipalaganap ... Read More »

Duty Free shops, ginawang shopping malls ni Wanda: P2.5-million pinababayaran

PINAGBABAYAD ang Department of Tourism (DOT) sa mamahaling branded apparels at luxury goods na kinuha ni noo’y Sec. Wanda Teo sa Duty Free Philippines Corporation (DFPC). Inutusan ng Com-mission on Audit (COA) ang DOT na bayaran ang 277 iba’t ibang items na kinuha ni Teo sa DFP na umano’y nagkaka-halaga ng P2.5-million. Sa 2017 audit report ng COA, ang pama­makyaw ni ... Read More »

Prime Water primo sa singil, adelantado sa putol pero kulelat at bulok sa serbisyo

READ: Bulok na serbisyo ng Prime Water sa CSJDM Bulacan iniaangal ng consumers HINDI nagbabago ang serbisyo ng Prime Water sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan. Hanggang sa  mga subdibisyon na kinokopo nila ang serbisyo ng tubig at hindi pinapapasok ang operasyon at serbisyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) gaya sa lalawigan ng Cavite. Sa ... Read More »

Bulok na serbisyo ng Prime Water sa CSJDM Bulacan iniaangal ng consumers

DATI, ang serbisyo ng tubig sa City of San Jose del Monte (CSJDM), Bulacan ang pinakamainam at pinakamalinis sa buong Bulacan. Malakas, malinis at tama ang presyo bawat cubic meter (cm3). Bago lumawak ang serbisyo ng San Jose del Monte Water District, ang mga residente sa Poblacion, Gaya-gaya, Paradise, Robes, Muzon, Dulong Bayan, Sapang Palay Proper, Sapang Palay Resettlement Area, ... Read More »

Maynila

NITONG nagdaang araw ng Linggo ay ang ika-447 taon na pagkatatag ng Maynila. Ayon sa tala ng mga historyador na Kastila, ang Maynila ang ikalawa sa pinakamantandang ciudad sa Fiipinas, kasunod ang Cebu sa gitnang Visayas. Ang Maynila ay itinatag noong 24 Hunyo 1571 ng conquistador na si Miguel Lopez de Legazpi matapos gapiin ang Kaharian ng Maynila na pinamumunuan ... Read More »

2017 COA audit report: P26-M winaldas ng PCG sa pagbili ng generators

NABISTO ng Com­mission on Audit (COA) ang nawaldas na pondo sa pagbili ng 17-power generators ng Philippine Coast Guard (PCG). Sa inilabas na 2017 audit report ng COA, nadiskubre ang pagbili ng PCG sa 17-power generators na dalawang taon nang hindi pinaki­kinabangan. Taong 2016 pa nabili ng PCG ang 17 piraso ng generators na KVA Taizhou Fengde Model 281 na binayaran ... Read More »

Ex-Sen. Bong Revilla binalagoong sa hoyo?

NAKIKISIMPATIYA tayo sa kalagayan ngayon ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.. na apat na taon nang nakakulong sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame, Quezon City. Ang ipinagtataka natin dito, lahat ng mga kasabay ni Revilla na nakulong dahil sa P10-bilyong pork barrel fund scam ay nakalaya na, pero siya hanggang ngayon ay nasa Camp Crame ... Read More »

Notorious sa kahangalan at kapalpakan ang PCOO

KESEHODANG maya’t maya nilang igawa ng kahihiyan ang Palasyo ay sadya yata talaga na balewala lang kay Sec. Martin Andanar at sa mga hangal na tauhan niya sa Presidential Com­munications Operations Office (PCOO) na ga­wing bisyo ang pagka­kalat ng katangahan. Si Sen. Sherwin Gatchalian ang pina­ka­huling biktima ng PCOO na notorious sa pagkakalat ng fake news at mga dispalinghadong impormasyon sa ... Read More »

PCOO may pag-asa pa ba? — Sen. winston ‘este Sherwin Gatchalian

NAALALA ko noong elementary and high school days sa English subject namin. Every Mondays, Wednesdays and Fridays, mayroon kaming spelling. Okey lang kung hindi ma-perfect on Mondays, pero kailangan kapag inulit ito sa Wednesday, mabawasan na ang error. At pagdating sa Friday, dapat perfect na. Hindi lang ‘yan, may “unit test” pa kami para lang sa spelling. Mayroon din current ... Read More »

Rizal

LAST Tuesday, the Filipino nation com­memo­rated the 157th birthday of arguably one of the most controversial figure in Philippine history, Dr. Jose Rizal. Rizal was born in 1861 in the mystical town of Calamba in the scenic province of Laguna to Francisco Mercado, a Filipino-Chinese mer­chant; and Teodora Alonzo, who is originally from Bulacan, a province north of Metro Manila. ... Read More »

Nangangamoy basura si Erap

MAGANDANG abangan ang mayoralty race sa Maynila sa darating na 2019 elections. Hindi lamang kasi sina dating Mayor Alfredo Lim at dating Vice Mayor Isko Moreno ang inaasahang babangga kay Manila incumbent Mayor Joseph “Erap” Estrada kundi pati na rin si dating Mayor Lito Atienza na ngayon ay miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Hindi nakasisiguro si Erap ng kanyang ... Read More »

Sobrang bantot ng Maynila, gabundok ang mga basura

TRENDING sa buong mundo ang pagbaho ng Maynila sanhi ng mga ba­ra­dong estero at naka­­susukang amoy mula sa nagtambak na basu­rang hindi naha­hakot. Sa mga looban man, maging sa mga pangu­nahing lansangan ay gabundok ang mga ba­sura na hindi nako­kolekta kaya’t umaa­lingasaw ang mabahong amoy sa buong lungsod. Ayon sa isinagawang pag-aaral na napalathala kamakailan, pangatlo ang Maynila sa mga lungsod ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved