Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion (page 48)

Category Archives: Opinion

Feed Subscription

Kooperasyon ng taongbayan ang kailangan

NAKAAALARMA ang kumalat na balita na mayroong mga sasakyan na may dalang mga bomba ang umiikot ngayon sa Mindanao at binabalak na pasukin ang mga seaports dito at doon magkalat ng terorismo. Kahapon, sa press conference ng PNP, tumanggi ang pulisya na kompirmahin ang mga balita tungkol dito. Nakatuon sila ngayon sa kung sino ang nag-leak sa social media tungkol ... Read More »

Kasalanan ng RWM

KUNG ipinatutupad sana ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang batas ay hindi sana naganap ang paghahasik niJessie Javier Carlos ng lagim noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 38 katao sa casino ng Resorts World Manila (RWM) sa Pasay City. Maliwanag na walang ibang responsable na dapat managot sa pangyayari kung hindi ang operator at management executives ng RWM ... Read More »

Diarrhea outbreak sa New Bilibid Prison

NAITALANG may mahigit na isang libong preso ang dumaranas ng sakit na diarrhea o pagtatae, at dalawang preso na ang namatay dahil sa dehydration. Hindi kaya dahilan nito ay maruming tubig na iniinom ng mga preso na sinundan pa ng maruming pagkain? *** Kumikilos naman ang Department of health, namigay sila ng IV fluids at mga gamot, ang tanong kumikilos ... Read More »

Kulelat ba ang intel ni Defense USec Ric David Dayunyor?

ILANG panahon rin nating na-missed ang pangalan ni ex-Immigration chief, Ric David Jr., sa pahayagan. Undersecretary na pala siya sa Defense Department, anyway, he’s really from military, ‘di ba?! Ang hindi natin maintindihan, batay sa nasaba nating balita sa isang pahayagan, parang kulelat ang reliability ng ‘Intelligence’ ni Usec. David. Ayon sa Indonesian Defense Minister, 1,200 na raw ang ISIS ... Read More »

PAGCOR dapat din umalalay sa mga lulong sa sugal

MASAKLAP ang nangyaring pag-atake sa Resorts World Manila noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 38 katao at ikinasugat ng maraming iba pa. Hindi man ito gawa ng mga terorista, base na rin sa konklusyon ng PNP, isang malagim na kabanata pa rin ito na maituturing sa mata ng publiko at maging sa mga kapit-rehiyon ng bansa. Kahindik-hindik ang naganap, bunsod ... Read More »

Ex-PBA player na asst. coach huthuterong adik?

THE WHO si dating Philippine Basketball Association (PBA) player na napariwara na rin ang buhay dahil sa pagtira ng shabu. Itago na lang natin sa pangalang “Just Entertaining” si Sir or in short JE dahil katuwiran niya naglilibang lang siya sa kanyang paghithit ng tawas ay mali, bato pala! Tinamaan ka ng droga! Tip ng Hunyango natin, mistulang buhay-hari raw ... Read More »

Umiwas sa bisyo pamilya’y mahalin

SINASABI na kapag palakasan o kapag isang atleta ang pinag-uusapan, malamang na malinis ang pamumuhay nito – sa pisikal na aspekto. Iniidolo ng marami lalo na kapag sikat ito o malakas maglaro. Tingin din ng nakararami sa malakas na atleta ay malinis sa lahat, walang bisyo o kung uminom man ay disiplinado. Higit sa lahat ay malamang na hindi gumagamit ... Read More »

Kudos BoC at NBI!

MAGALING ang mga tauhan ng BoC at NBI sa pagkakasabat ng P6 bilyon halaga ng shabu sa isang warehouse sa Valenzuela. Naitimbre ito ng Chinese counterpart kaya nasabat ng mga tauhan nina Director Neil Estrella ng BoC-CIIS at NBI Director Atty. Dante Gierran. Napakagandang regalo ito  sa sambayanan. Iniimbestigahan ngayon ang hepe ng BoC-RMO na si Atty. Larry Hilario kung ... Read More »

Sindak sa martial law

HANGGANG ngayon ay marami ang nagkikimkim ng sindak sa puso kaugnay ng martial law na idineklara ni President Duterte sa buong Mindanao. Bagaman ilang dekada na ang nakalilipas ay hindi pa rin nila nalilimot ang kalupitan at pang-aabuso na nalasap sa kamay ng mga sundalo habang umiiral ang batas militar na idineklara noon ng yumaong dating President Ferdinand Marcos. Sa ... Read More »

Kongreso ng mga Siga

Help others and give something back. I guarantee you will discover that while public service improves the lives and the world around you, its greatest reward is the enrichment and new meaning it will bring your own life. — Arnold Schwarzenegger PASAKALYE: Nagdiwang po ng kanyang kaarawan ang mahal kong anak noong Biyernes nitong nakaraang linggo (Mayo 26) at una ... Read More »

‘Security lax’ dapat panagutan ng Resorts World Manila! (Casino tragedy)

MALAKING aral ang naganap na trahedya sa Resorts World Manila (RWM) nitong Biyernes para sa lahat, lalo na doon sa mga nalululong sa casino. Dapat pong isipin ng mga nagka-casino na hindi ‘yan balon ng suwerte at yaman. Ang casino ay isang lugar na libangan ng mga may kakayahang maglibang sa lugar na ‘yan. Mayroong mayayabang na nagsasabing sa casino ... Read More »

P6.4-B shipment ng shabu

NASABAT ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) ang malaking shipment ng shabu noong nakaraang linggo sa lungsod ng Valenzuela. Base sa ulat, hindi bababa sa P6.4-B ang katumbas na halaga ng mahigit sa 100-kilo ng shabu na nabistong nakapalaman sa mga imported na piyesang gamit sa ... Read More »

Mawalang galang na po, magtatanong lang

ANG karahasang naganap sa Resorts World Manila kamakailan ay nag-iwan ng maraming katanungan sa taong bayan, mga katanungan na naghihintay pa rin ng kasagutan hanggang sa ngayon. Marami ang nagtataka kung paanong ang mga nangamatay sa insidente ay binawian ng buhay dahil sa pagkakalanghap ng makapal na usok mula sa mga sinunog umano ng suspek na mga mesang ginagamit sa ... Read More »

PAUNAWA

Humihingi ng paumanhin sa mga tagasubaybay ng SIPAT ang inyong kolum-nistang si Mat Vicencio. Hindi ninyo matutunghayan ang kanyang kolum ngayong Lunes, dahil sa hindi maiiwasang pagtupad ng tungkulin. Muli ninyong mababasa ang SIPAT sa Biyernes. Salamat po sa pag-unawa. – Ed SIPAT – Mat Vicencio Read More »

Resorts World Manila tragedy

MATAGAL bago makakalimutan ang naganap na trahedya sa Resorts World Manila (RWM) na ikinamatay ng 37 katao na pawang mga empleyado at guest player ng nasabing Casino. Hindi lamang mga manlalaro sa Casino ang naapektohan ng stampede, maging ang mga kumakain lamang sa mga restaurant at pamilyang nanonood sa sinehan ay kasama sa mga nagsitakbo na kanya-kanyang hanap ng matataguan! ... Read More »

Raket sa food catering sa Bilibid nabuking sa diarrhea outbreak

PUWEDENG totoo ang sinasabi ng Mang Kiko Catering Services Inc., na hindi sila magbibigay ng marumi o kontaminadong pagkain para sa mga preso ng National Bilibid Prison (NBP). Hinding-hindi nila gagawin na ‘patayin’ ang pinagkukuhaan nila ng milyon-milyong kabuhayan sa loob ng 11 taon. Gaya rin ng kasabihang, hindi dapat inilalaga ang Gansang nangingitlog ng ginto. Wattafak!? Anong anting-anting ba ... Read More »

Sandiganbayan okey sa ‘delaying tactics’ ni Bong Revilla, et al

KINANSELA na naman ng Sandiganbayan First Division ang nakatakdang pagdinig sa kasong plunder ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., kahapon. Tiyak na ikinatutuwa ni Pareng Bong at ng kanyang mga abogado ang ika-anim na beses nang postponement sa paglilitis ng kanyang kaso sa Sandiganbayan. Ayon kay Associate Justice Efren Dela Cruz, muling ipinagpaliban ang pagdinig sa kaso base sa ... Read More »

Naduro?

GANO’N-GANO’N na lang kung murahin o ‘di kaya ay bastusin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko ang sino man na hindi sumasang-ayon sa kanya maging pinuno ng isang bansa tulad ni Barack Obama kaya kataka-taka na hindi niya pinagmumura si Pangulong Xi Jinping ng Tsina matapos siyang pagbantaan nito ng digmaan kung ipipilit niya ang pagminina ng langis sa pinagtatalunang ... Read More »

Digong dapat mag-ingat sa tactical alliance sa mga armadong grupo

KUNG inaakala ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na tutulungan siya ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pakikipaglaban sa teroristang Maute group at Abu Sayyaf para tuluyang magapi ito, nagkakamali siya. Ang panawagan ni Digong sa MNLF at MILF na sumanib sa AFP para pulbusin ang Maute group ay maituturing na ‘suntok sa buwan.’ ... Read More »

Kuwento ni Lolo tungkol sa Mindanao

HALOS mag-iisang dekada na ang kaguluhan sa Mindanao papalit-palit lang ng nga bida at karakter. Kung sa bagay, totoo na may Abu Sayaff, minsa’y may MILF at MNLF at ngayon naman ay Maute ang nasa limelight at isyu sa bansa. Ganoon din noong panahon nila, natapat na isang alyas Kamlon at ang kanyang mga tauhang bandido ang namayagpag. Ang lakad ... Read More »

Saludo sa mga tunay na taliba ng bayan

HINDI lang mga pulis at sundalo na ngayon ay nasusuong sa bakbakan sa Mindanao (Marawi) laban sa mga terorista ang dapat nating papurihan at pasalamatan. Dapat din natin pahalagahan ang mga katoto sa MEDIA na ngayon ay naroon sa Mindanao para ipaalam sa atin kung ano ang tunay na nagaganap sa Marawi. Kung sasabihin na iyan ay bahagi ng trabaho ... Read More »

Laban ni Digong kontra droga dapat maging laban din ng LGUs

ISA lang ang napapansin natin sa drug war ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa ilegal na droga — para siyang Kristo na mag-isang nagpapasan ng krus. Ang lahat ay nakatanghod lang sa kanya at pinanonood kung paano niya ipatutupad ang kanyang giyera laban sa ilegal na droga. Kapag kaaway nila ang tumumba tiyak na may papalakpak. Kapag may sablay, tiyak ... Read More »

Paskuhan Village namadyik ba ni Mark Lapid?

NAIBENTA na pala ang Paskuhan Village. Mantakin n’yo ‘yun. Tahimik na tahimik na naibenta ni Mark Lapid ang Paskuhan Village? Wattafak?! Naibenta pala ang 10-ektaryang Paskuhan Village noong 2016 nang siya ay nanunungkulang general manager ng Tourism Infrastructure amd Enterprise Zone Authority (TIEZA) dating Philippine Tourism Authority (PTA). Ngayon, pinadalhan ng summon ang dating gobernador ng Pampanga ng House committee ... Read More »

Maayos na ipatupad ang Batas Militar

Duterte Marcos Martial Law

ANG ginawang pagsuporta ng taongbayan sa pagdedeklara ng Martial Law ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay patunay na ang hakbang na ito ang magbibigay ng solusyon para wakasan ang terorismo ng Maute group sa Marawi City. Wasto at makatuwiran ang pagpapairal ng Martial Law sa Marawi City para mabigyan ng katiwasayan  ang mga sibilyan sa kani-kanilang lugar at mahinto ang ... Read More »

Kung solusyon ang martial law, why not?

EKSAKTONG isang linggo ngayon ang krisis sa Marawi City. Marami na rin nabuwis na buhay, hindi lamang sa hanay ng pulisya o militar kundi maging sa sibilyan. Sinasabing ilan sa pinatay ng teroristang Maute ay pinugutan ng ulo. Bukod dito, tumangay pa ang mga bandido ng ilang hostages, kabilang rito ng isang pari. Ginagamit nila bilang panangga o human shield. ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved