Tuesday , November 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion (page 39)

Category Archives: Opinion

Feed Subscription

Cause & effect sa magulong desisyon ng Ombudsman sa Puerto Princesa

LABAN at bawi na desisyon ng Office of the Ombudsman ang nagpapalala sa situwasyon sa lungsod ng Puerto Princesa. Ang ugat ng gulo o nagpapalito sa mamama-yan ng Puerto Princesa ay kaugnay sa magulo at nakalilitong desisyon ng ahensiya hinggil sa kaso ng nakaupong alkalde ng lungsod na si Lucilo Bayron. Noong 18 Nobyembre 2016, nagpalabas ng desisyon ang Ombudsman ... Read More »

Pangulong Duterte mabuhay ka!

You’re the best DAPAT lang talaga na ang mga Chinese na involved sa P6.4-B shabu smuggling ay bitayin. Kawawa naman ang mga taga-Customs, nabulaga sila sa nangyari. Talagang napakasa-kit. Ang daming nadamay sa drugs na ito. Mana-got ang dapat managot! Kawawa ang mga idinadawit na walang kaalam-alam sa palusot na ito. *** President Digong is great at kahit sino ka ... Read More »

Ugat ng problema

NAPAKAINIT na isyu ang kargamento ng ilegal na droga mula China na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon na nakalusot sa Bureau of Customs (BoC) bunga umano ng katiwalian ng ilang opisyal. Ito ang pinakamalaking shipment ng shabu na nakapasok sa bansa kaya nararapat masibak ang mga sangkot na opisyal. Pero ayon sa liham ni Zhang Xiaohui, pinuno ng International Enforcement Cooperation ... Read More »

Bilyonaryong Romero kinatawan ng party-list sa Kamara

ALAM ba ninyong ang kinawatan ‘este mali’ kinatawan ng isang party-list ay idineklara ng Forbes magazine na ika-49 sa mayayamang Filipino? ‘Yan ay noong 2016 nang ang kanyang net worth ay US$150 milyon. Dolyares po ‘yan hindi piso. Si Rep. Mikee Romero, kinatawan ng 1-Pacman party-list ay nagdeklara ng kanyang net worth sa P7 bilyones. Habang si Emmeline Aglipay-Villar, kinatawan ... Read More »

Walang delicadeza si Sen. Ralph Recto

IPINAGPIPILITAN ng mga mambabatas na idiin ang pagsibak kay Commissioner Nicanor Faeldon sa Bureau of Customs (BOC) para maisalba ang sindikato na nagpasok ng P6.4-B shipment ng shabu sa bansa. Hindi magkandatuto si Sen. Ralph Recto at ang ibang mambabatas kung paano bibilugin ang ulo ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte para sibakin si Faeldon sa puwesto bilang hepe ng Customs. ... Read More »

Bello takot banggain ang SM

PURO porma lang talaga itong si Labor Sec. Silvestre Bello III. Sa halip kasing aksiyonan agad ang isyu tungkol sa pagsusuot ng high heels ng mga empleyado sa mga department stores at supermarket, kung ano-ano pang paikot ang ginagawa nitong si Bello. Mahirap bang maglabas ng isang kautusan ang Labor department na ipagbawal sa mga employer na sapilitang pagsuotin ng ... Read More »

Ang mga ‘Yellowtards’ ng CDC

Corruption is the enemy of development, and of good governance. It must be got rid of. Both the government and the people at large must come together to achieve this national objective. — Pratibha Patil PASAKALYE: Isang kaibigan ang pumanaw nitong nakaraang mga araw sa katauhan ni Ginoong ROY SINFUEGO, na dating senior reporter ng Manila Bulletin at founder ng ... Read More »

Libreng gamut sa Makati City dinagdagan pa ng budget

HAPPY talaga ang mga taga-Makati City. Hiniling kasi ni Mayora Abby Binay sa City Council na dagdagan pa ang budget para sa Makati Health Plus program o mas kilala sa tawag na Yellow Card. Hindi naman siya nabigo dahil inaprubahan ng Konseho ang P900 milyong budget para sa nasabing programa. Very good! Tumaas ito ng 50 porsiyento mula sa dating ... Read More »

Dapat tulungan ni Dela Rosa si alyas “Kidlat”

NAUNANG nakarma si dating Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) chief Senior Superintendent Albert Ferro sa kanilang pagpapabaya sa “asset” ng pulisya sa kampanya laban sa ilegal na droga na si Benjie Palong Dida-agun, alyas “Kidlat,” na nagpakahirap para matigil ang operasyon ng isang 50-meter Chinese fishing vessel na nagsilbing “floating shabu laboratory” sa Subic, Zambales noong 11 Hulyo 2016. Sa barkong ... Read More »

Talamak na korupsiyon

HINDI maikakaila na talamak na talaga ang korupsiyon sa Bureau of Customs (BOC). Akalain ninyo, nitong huli ay nakalusot sa kanila ang sandamakmak na shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon at nakarating sa isang warehouse sa Paseo de Blas sa Valenzuela City. Ito ang pinakamalaking shipment ng shabu na nakapasok sa ating bansa. Galing ito sa damuhong bansang China na ... Read More »

Museo Pambata casino ‘err’ Rizal park hotel ganansiya para kanino?!

SI Gat Jose Rizal, tinindigan ng fotobam sa monumento, ngayon naman ay ipinangalan sa casino. Ay kasawiang tunay sa doktor na Pambansang Bayani ng bayan. Hindi natin alam kung nakatutuwa o nakaiinis ang paggamit sa pangalan ni Gat Jose Rizal sa isang hotel na dating Army Navy Club. Binuhay umano ang Army Navy Club (katabi ng Museo Pambata) at ginawang ... Read More »

Ang ‘Narco-Politics’ at si Kenneth Dong

UMAMIN ang ilang senador na tumanggap ng campaign funds mula sa suspected bigtime illegal drugs trafficker na si Kenneth Dong, ang itinuturong “middleman” sa importasyon ng P6.4-B shipment ng illegal drugs na nasabat sa raid ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at National Bureau of Investigation (NBI) noong Mayo sa Valenzuela City. ... Read More »

Valenzuela COP Col. Mendoza kaisa ni “Bato” laban sa droga

TULAD ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, ang mithiing tapusin ang problema sa ilegal na droga ay siya ring layunin ni Valenzuela chief of police (COP) Supt. Ronaldo Mendoza. Kasama ang ilang beteranong mamamahayag, nakausap ko si Mendoza at mahinahon na ipinaliwanag ang kanilang kampanya laban sa droga. Sa gitna ng pagpapaliwanag ni Mendoza, tumimo kaagad sa ... Read More »

Hiroshima at Nagasaki

GINUNITA ngayong linggong ito sa bansang Hapon at ilang panig ng mundo ang ika-72 anibersaryo nang pagpapasabog ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki, Japan na libo-libong sibilyan at sundalong Hapones ang namatay. Sa kabila ng pagiging kontrobersiyal ng mga pangyayaring ito ay hindi maitatatwa na binago nito ang daloy ng kasaysayan. Iniluwal ng mga pangyayaring ito ang panahon ng ... Read More »

‘Disputed lands’ hindi bibitawan ng China — Xi Jinping

MABIGAT ang pahayag ni Chinese President Xi Jinping kaugnay ng kanilang pambansang soberanya: “China will never permit the loss of ‘any piece’ of its land to outsiders.” Ipinahayag niya ‘yan sa kabila na sila ay nahaharap sa “multiple territorial disputes” sa maraming kalapit bansa. Sa kanyang isang-oras na pananalita sa ika-90 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Liberation Army (PLA) na ... Read More »

Marcos sa LNMB, tuldukan na

TINULDUKAN na nang tuluyan ng Supreme Court ang kontrobersiyal na isyu ng paglilibing sa dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, matapos ibasura ang motion for reconsideration na inihain nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Albay Rep. Edcel Lagman. “Lack of merit” ang ruling ng SC sa petisyon nina Ocampo at Lagman. Ibig sabihin, walang nakikitang ... Read More »

Hoy Ombudsman! Sino ba talaga ang uupo sa Puerto Princesa?

SINO nga ba talaga ang uupong alkalde ng Puerto Princesa City (Palawan)? Si Mayor-elect Lucilo Bayron ba o ang bise niyang si Luis Marcaida III? Kung ang pag-uusapan ay base sa nakaraang halalan, si Bayron ang alklade pero sa ngayon ay nalilito ang mamamayan ng Puerto Princesa sa kung sino nga ba ang alkalde sa kasalukuyan. Bakit dalawa ba ang ... Read More »

Give the Bureau of Customs a chance

ALAM ninyo mga kaibigan, hindi sa kinakampihan ko ang Bureau of Customs (BOC) pero ang mahalaga ay na-recover nila ang 6.4 bilyon na shabu. Kung nagkamali man ang selectivity system at nailagay sa green lane ang kargamento ay iniimbestigahan pa rin ngayon. Dapat talagang mabago ang sistema na iyon. Ako ay naniniwala, kahit sinong taga-BOC, even the Commissioner ay hindi ... Read More »

Drug bust sa Maynila at Caloocan pinaigting nang puspusan

DIBDIBAN ang muling pagpapatuloy na anti-drug campaign na ikinakasa ng mga tauhan ni Manila Police District (MPD) Director C/Supt Joel Napoleon Coronel sa kanilang area of responsibility bilang suporta sa Oplan Double Barrel reloaded na inilunsad ni C/PNP DG Ronald “Bato” Dela Rosa. Base sa direktiba ni DD Coronel, sunod-sunod ang nagpapatuloy na anti-drug operation ng mga pulis-Maynila na halos ... Read More »

Ang mala-MMK na love scam ni komolek ‘este Comelec Chief Andres Bautista

TALAGA naman! Tikas good boy image itong si komolek ‘este Comelec Chairman Andres Bautista kung titingnan sa mukha pero matindi pala ang kanyang Pandora’s box. Sumingaw sa hindi naresolbang LQ (lover’s quarrel) nila ng kanyang misis na si Ms. Patricia Paz “Tisha” Cruz Bautista. Napunta muna sa hatian ng conjugal properties pero nang hindi napagbigyan si misis, pumutok ang isyung ... Read More »

Filipino wikang mapagbago

AMININ natin sa hindi, marami talaga ang hindi naiintindihan kung ano ang ating wika — ang wikang Filipino. Maging sa akademya, marami ang nahihirapang umunawa kung bakit kailangan gamitin sa iba’t ibang larang at disiplina ang wikang Filipino, na kung mangyayari ay isang malaking pagbabago dahil nangangahulugan ito nang lubos na pagkaunawa kung ano ang ating wika. Alam ba ninyong ... Read More »

‘Nakarma’ si Bautista

IKINANTA ng sariling maybahay si Chairman Andres Bautista na nagkamal ng mahigit P1-B gamit ang puwesto sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) at Commission on Elections (Comelec). Hindi akalain ni Bautista, sa patong-patong na kaso pala hahantong ang personal na sigalot nilang mag-asawa matapos lumantad ang maybahay na si Patricia at isapubliko ang mga nakatagong ‘Lihim ng Guadalupe.’ Malabong ... Read More »

Trapik (Ikalawang Bahagi)

BUKOD sa kaugnayan ng ating mga “personal complex” sa “carmageddon” na ating dinaranas araw-araw, ang kasalukuyang sobrang bagal at nakabubugnot na trapiko ay bunga rin ng ilang dekadang kapabayaan at kawalan ng “foresight” ng mga nasa poder at kaakibat na pagbalewala ng taong bayan sa mga batas trapiko. Ang “carmageddon” ay parang isang sakit na matagal na nakatago at ngayon ... Read More »

Party ‘loyalty’ for power, money and fame

KAYA bihirang-bihira tayong makatagpo ng mga tapat, makabayan at maka-Diyos na politikong pumapasok sa serbisyo publiko kasi sila mismo hindi nila kayang maging tapat sa kanilang sarili. Mas tapat sila sa interes na papabor sa kanilang pananatili sa kapangyarihan, sa ‘pagpapalago’ ng kanilang bulsa, at paghamig pa nang mas malalaking interes na magsisilbi sa kanila. In short, fame, power and ... Read More »

Kabataan pag-asa ng bayan

  SA WAKAS, isang ganap na batas na ang libreng tuition sa state universities at mga kolehiyo. Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang Universal Access to Quality Tertiary Education at hindi pakinggan ang suhestiyon ng kanyang Budget secretary na si Benjamin Diokno na i-veto ito dahil sa pangambang walang ipangtutustos ang pamahalaan sa programa. Tiwala ang ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved