Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion (page 21)

Category Archives: Opinion

Feed Subscription

EO13 ni Du30, nega sa PNP at CIDG

MAHIGIT isang taon matapos pirmahan at ipatupad noong 2017 ni Pangulong Duterte ang kanyang Executive Order No. 13, ang all-out war nito laban sa illegal gambling, nilalaro lamang ito ng Philippine National Police (PNP) at ang sangay nitong Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil ang jueteng at iba pang anyo nito gaya ng “peryahan ng bayan,” pares, swertres, masiao, ... Read More »

Senator Juan Ponce Enrile nagboluntaryong maging taga-usig ni CJ Lourdes Sereno

MUKHANG gusto na namang mag-landing sa history ni Senator Juan Ponce Enrile. Boluntaryo siyang nagpresenta para maging prosecutor sa impeachment trial ni Suprenme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Ang sabi niya kay House justice committee chairman, Rep. Reynaldo Umali, nais niyang ibahagi ang kanyang ‘institutional memory’ sa prosekusyon ni CJ Sereno. Agad naman itong sinunggaban ni Rep. Umali. Huwag ... Read More »

Sa panahon ni Mayor ERAP

Help others and give something back. I guarantee you will discover that while public service improves the lives and the world around you, its greatest reward is the enrichment and new meaning it will bring your own life.   — Arnold Schwarzenegger PASAKALYE Text po sa inyong lingkod: Bakit noong panahon ni Mayor (Lito) Atienza at Mayor (Alfredo) Lim (ay) lagi pong ... Read More »

Meralco, dupang!

DAGDAG na kalbaryo na naman ang daranasin ng publiko sa panibagong pagtaas ng si­ngil sa koryente nga­yong Marso at sa mga susunod na buwan. Ngayong buwan ay 85 sentimos na karagdagang halaga ang isusuka ng publiko kada kilowatt-hour na konsumo sa koryente, ayon sa Manila Electric Co. (Meralco). Kung pakikinggan ay parang nagmamagandang-loob pa ang Me-ralco at sa Abril na lang ... Read More »

‘Ulo’ ni Bello ibigay sa mga obrero

KUNG hindi maibibigay ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang pangakong wawakasan ang lahat ng anyo ng contractualization, ma­kabubuti sigurong sibakin na lamang niya si Labor Secretary Silvestre Bello III. Kung ganito ang gagawin ni Digong, mababawasan ang galit ng mga manggagawa, lalo pa’t kung sa darating na 15 Marso ay hindi magugustuhan ng mga obrero ang pipirmahan ng pa­ngulong draft ... Read More »

Regulasyon ng HOA dues & fees sapol sa ordinansa ni Mayor Edwin Olivarez

ISA tayo sa mga natuwa sa nilagdaang City Ordinance ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez kaugnay ng napakaraming bayarin sa iba’t ibang homeowners associations (HOAs) sa iba’t ibang subdibisyon na nasa loob ng lungsod. Tinawag na “An Ordinance Regulating the Imposition of Dues and Fees by the Homeowners’ Association/Federation of Homeowners’ Association within the Territorial Jurisdiction of the City of ... Read More »

P1-B environmental fees saan nga ba napunta? (Sa Boracay)

HINDI pa si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nakaupong presidente ng bansa ay tinatanong na natin kung saan napupunta ang P75 environmental fees na sinisingnil sa mga turista, dayuhan man o lokal. Noon pa kasi natin napapansin ang deterioration o pagkasira ng isla ng Boracay. Napuna na natin ang hindi mabilang na pagtatayo ng malalaking estruktura pero hindi natin maintindihan ... Read More »

Bgy. 659-A sa Lawton mas maraming botante kaysa mga residente?

MALINIS, maayos at mapayapa. Iyan ang sa pagkakaalam natin ay una vez na mandato at pananagutan ng Commission on Elections (Comelec) para proteksiyonan at pangalagaan ang sagradong boto ng mamamayan tuwing eleksiyon. Pero paano kung Comelec mismo ang ‘guilty’ ng ‘dereliction of duty’ o pagpapabaya sa pagtupad ng kanilang tungkulin kaya’t ni minsan ay hindi pa tayo nagkaroon ng makatotohanang halalan sa ... Read More »

e-Passport printing bakit nanatili sa APO-UGEC kahit maraming reklamo ng iregularidad?

MULI na namang umalingasaw ang isyu ng e-passport printing sa ilalim ng  APO Production Unit at United Graphic Expression Corp. (UGEC). Sa hearing ng House of Representatives’ good government and foreign affairs committees hinggil sa alegasyon ng iregularidad sa printing ng e-passport tahasang sinabi ni dating Foreign Secretary Perfecto Yasay Jr., na ang joint venture agreement ng state-run APO Production ... Read More »

Kahalagahan ng kababaihan

WOMEN’S month ngayong Marso. Ibig sabihin, dapat kilalanin natin ngayong buwan ang tunay na kahalagahan ng ating mga kababaihan, nasa loob man si­ya ng tahanan, eskuwelahan, trabaho, tanggapan ng gobyerno, kalye, at kahit saang lugar na may mga kababaihan. Napakahalaga ng pagkakataong ito para kilalanin natin ang kanilang ginagampanang papel sa lipunan. Makabubuting bigyang panahon natin na suriin kung gaano ... Read More »

OWWA raket ng ‘DDS’ na dumayo pa para mangotong sa Japan

TOTOO man o hindi ang ipinarating na balita sa atin ay dapat paimbestigahan agad ng Philippine Embassy sa Tokyo ang raket sa umano’y pa­ngongolekta ng pera sa mga Pinoy ng mga nagpapakilalang ‘DDS’ sa Japan. Ipinangongolekta raw ng mga damuho ng kontribusyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) pati sa mga residenteng Pinoy na nakabase sa Japan na hindi naman mga ... Read More »

Iboboto pa ba ninyo ang ganitong barangay chairman sa Tondo?

ISANG lasing na barangay chairman sa Tondo, Maynila ang nangulit at nakipagtalo sa mga opisyal ng ahensiyang nakapaloob sa Office of the President noong nakaraang Biyernes, 2 Marso 2018. Kinilala ang lasing na opisyal na si Ronaldo Torres, chairman ng Barangay 60 sa nasabing lungsod, na hindi pa man nagsisimula ang operasyon ng joint inter-agency massive cleanup ng Estero dela ... Read More »

Ginto sa Olympic sisikaping sungkitin ni POC Chairman Bambol Tolentino

ILANG dekada nang hilahod sa gintong medalya ang mga atletang Filipino sa Olympiada kaya ito ang pangarap ngayon ni Philippine Olympic Committee chairman Abraham “Bambol” Tolentino. Naniniwala si Chairman Bambol, sa pamamagitan ng Siklab Atleta Pilipinas Sports Foundation, Inc., mahusay na matutukoy ang panga-ngailangan ng mga manlalarong Filipino upang maisakatuparan ang kanilang “Olympic dreams.” Sa 2020 Olympics na gaganapin sa ... Read More »

Sindikato ng droga, kasabwat, bigong ipasibak si QCJ warden Moral

TOTOO nga pala ang info nitong nakaraang linggo na kasama sa reshuffle ng Bureau of Jail Manage­ment and Penology – National Capital Region  (BJMP-NCR) si Supt. Ermilito Moral, Quezon City Jail Warden. Sinasabing kabilang si Moral sa tatanggalan ng posisyon dahil tatlong beses nang nagkaroon ng riot sa loob ng anim na buwan sa piitang ipinagkatiwala sa kanya o simula nang ... Read More »

Tuloy ang laban

SA tingin ng iba ay nagiging desperado ang ilang mambabatas, lalo nang hilingin ng ilang miyembro ng oposi­syon ng Kongreso na makialam si President Duterte sa pagsisikap ng gobyerno na imbestigahan ang pagkasawi ng mga bata na naturukan ng kontrobersiyal na bakuna na Dengvaxia. Sa tingin nila ang Pangulo ang dapat magresolba sa isyu at utusan si Public Attorney’s Office ... Read More »

STL sa Albay at Camarines Sur, pilit na sinisira!

DAHIL sa kamandag ng payola, nagmamaang-maangan ang lokal na pulisya sa Albay at Camarines Sur sa muling paglipana ng ilegal na sugal gaya ng peryahan at paggamit sa Small Town Lottery (STL) para sa larong jueteng. Ang hangarin ng mga gambling lord kasabwat ang ilang corrupt na politiko at opisyal ng pulisya ay siraan ang STL, ang tanging legal numbers ... Read More »

Kapag may trouble sa mga mall; Business premises first before human safety, motto ng mga sekyu ‘yan?!

MATAPOS ang isang pamamaril nitong nakaraang Sabado sa 999 Mall sa Divisoria lalong nagkagulo ang mga tao sa loob dahil biglang isinara ng mga nakatalagang security guards ang lahat ng lagusan (exit and entrance) sa mall. Wattafak!? Lalo tuloy nag-panic ang mga tao na nasa loob ng mall. Kaya hindi lang ang mga target ng pamamaril ang nasaktan kundi maging ... Read More »

Barangay & SK elections walang dahilan para hindi matuloy

MAGING si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi na pumapayag na mabinbin pa ang barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa darating na 14 Mayo 2018. Ilang beses na nga namang na-delay ito mula noong Oktubre 2016 at Oktubre 2017. Ngayon nga ay marami na ang hindi pumapayag na hindi pa matuloy sa Mayo ang BSK elections. Marami nga naman ... Read More »

Barangay sa Pasay City pugad ng ‘flying voters’

INIIMBESTIGAHAN daw ng Commission on Elections (Comelec) ang isang barangay na nabistong pugad ng “flying voters” sa Pasay City. Kaduda-duda naman talaga kung paano naiparehistro sa Comelec bilang botante ang 1,458 residente na magkakapareho ang gamit na address ng tirahan. Sa kabuuang bilang na nabanggit, 275 sa kanila ang rehistradong botante na pawang sa 2802 Taft Avenue ang gamit na address ng tira­han, ... Read More »

Pekeng biktima ng Martial Law

Ang final batch ng human rights victims sa ilalim ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay makatatanggap na ng kabayaran sa natitirang P10 billion secret Swiss bank deposit na narekober ng pamahalaang Filipinas. Ang Human Rights Victims’ Claims Board ay mayroon na lamang hanggang 12 Mayo nga-yong taon para ipamahagi ang perang nakalaan sa 9,204 claimants. Nauna nang ipinamahagi ... Read More »

Amendatory power inabuso ng Kongreso sa Republic Act 8042

DALAWANG ulit nilabag ng Senado at Kamara ang Konstitusyon nang kanilang amiyendahan ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995. Ginamit ng mga mambabatas ang kanilang “legislative power” na amiyendahan ang Republic Act 8042 upang lokohin ang sambaya­nan, partikular ang mga kababayan nating OFW. Labag sa Saligang Batas ang pagkakagamit ng Senado at Kongreso sa kanilang “amendatory power” upang pagtakpan ... Read More »

Peace & order enforcers numero unong manggugulo

HINDI na tayo nagtataka kung bakit mainit ang ulo ni NCRPO chief, P/Dir. Oscar Albayalde sa Manila Police District (MPD). Noong araw ang tawag sa pulisya ng Maynila, Manila’s Finest. Ang tawag noon ay Western Police District  (WPD). Iba ang performance ng mga lespu noon — achievers. Marami man tayong narinig na pagkakasangkot sa ilang ilegal na gawain, natatabunan ito ... Read More »

Lim sa 2019: Pambato ng PDP-Laban sa Maynila

Fred Lim Koko Pimentel PDP Laban

NANUMPA na si dating Manila Mayor Alfredo Lim bilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), kamakalawa. Sa opisyal na seremonyang idinaos sa Office of the Senate Pre­sident noong Lunes, si Lim ay personal na pinanumpa ni Senate Pre­sident Aquilino “Koko” Pimentel III, ang pambansang pangulo ng PDP-Laban. Hudyat ito na si Lim ang napili na pambato ng PDP-Laban at ... Read More »

Dalawang taon na ang Beyond Deadlines (Huling Bahagi)

UNA  sa  lahat ay hayaan ninyong ibahagi ng U­saping Bayan ang sulatin tungkol sa pandaigdigang web based news site na Beyond Deadlines. At dahil nga pandaigdigan ang website, sana’y mapagpasensiyahan na ninyo na ito ay naisulat sa wikang Inggles. Salamat sa pag-unawa.   Growth After clarifying Beyond Deadlines’ history, kindly allow me to report that according to Google AdSense, as ... Read More »

‘ENDO’ hindi pa mawawaksan ni Tatay Digong (Sa pangakong nakabitin)

NAGPAPAKA-HONEST lang naman siguro si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte nang aminin niyang hindi niya kayang tuparin ang kanyang pa­ngakong tuldukan ang “endo” o end of contract o contractualization sa bansa. Sinabi ito ng Pangulo sa inagurasyon ng bagong shooting range ng ARMSCOR sa Buhangin, Davao City, na hindi kakayanin ng mga kapitalista na mabigyan ng kaukulang benepisyo ang mga manggagawa. ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved