Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion (page 2)

Category Archives: Opinion

Feed Subscription

People’s bet Nora Aunor ligwak na naman sa Order of Nat’l Artists

MUKHANG matutulad kay Comedy King Dolphy ang kapalaran ng nominasyon sa Order of National Artists ng people’s Superstar na si Nora Aunor. For the second time, naligwak na naman ang nomi­nasyon ng isang Nora Aunor na paulit-ulit na kinilala ang husay at galing sa pag-arte sa ibang bansa. Ayon kay National Commission for Culture and the Arts (NCCA) Chairman and ... Read More »

Si Mar lang ang makalulusot

SA walong pinangalanang tatakbong senador ng Liberal Party sa ilalim ng tinatawag na ‘Oposisyon Koalisyon,’ tanging si Senador Mar Roxas lamang ang maaaring makalusot sa darating na May 13, 2019 midterm elections. Ang pitong kandidato na makakasama ni Mar ay masasabing walang kapana-panalo, at pag-aak­saya lamang ng pera at panahon ang gina­gawa nilang pagpasok sa halalan. Tulad nang sinasabi ng ... Read More »

‘Batang’ ulyanin si Isko Moreno?

SUMASAKIT na raw ang tainga ng mga bo­tante tuwing maririnig ang tahol na ‘Asenso Manileño,’ alam nilang nalalapit na ang eleksi­yon at kakandidato na naman si Francisco Domagoso (aka) Isko Moreno. Gasgas na kasi ang Asenso Manileño na laging gamit ng pangkat ni Mang Isko sa kam­panya at pinagsawaan na ng mga botante. Dahil durog na ang kredibilidad ni Mang Isko ... Read More »

Huwag bibili ng pekeng pet care products

SA panahon ngayon, halos lahat ng pro­dukto ay pine­peke ng mga tiwaling ne­go­syante kumita lang nang ma­laki. Pekeng beauty pro­ducts, pe­keng gamot, pekeng bigas. Pati nga ang shabu pinepeke na rin ng mga tulak. Pero batid ba ninyo pinepeke na rin pati ang pet care products. Kaya nga nagbabala sa publiko ang Himalaya Drug Company Pte. Ltd. dahil talamak ang ... Read More »

Gigil na gigil kay Trillanes

NAGTATAKA tayo kung bakit mukhang full-force at full-effort ang ilang grupo sa ilalim ng Duterte administration na ‘ilugmok’ si Senator Antonio “Sonny” Trillanes IV. Bakit si Trillanes ang pinagkakaabalahang sugpuin, hindi ang kahirapan, katiwalian sa loob ng pamahalaan, at iba pang ilegal na gawain gaya ng pagmamantina ng pinakamalaking illegal terminal sa Maynila, proteksiyon sa pasugalan at KTV bar, at ... Read More »

P2.88-M ‘kulangot’ sa illegal terminal operator

KUNG totoo ang narinig nating kuwentahan ng ‘bata’ ng isang illegal terminal operator sa Maynila na ang hatag nila ay tig-P10,000 hanggang P250,000 kada linggo, ibig sabihin ‘sumasalok’ sila nang milyon-milyong kuwarta sa kanilang ilegal na gawain. Huwag na nating lakihan, gawin na lang nating eksampol ‘yung P10,000 kada linggo. ‘Yung P10,000 x 4 weeks x 12 months x 6 ... Read More »

15-milyong pamilyang Pinoy gutom dahil sa TRAIN Law

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

NAKAAALARMA ang resulta ng huling survey ng Social Weather Station (SWS) nitong Setyembre. Umabot na raw sa 3.1 milyong pamilya sa Filipinas ang nakararanas ng gutom dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kung may limang katao sa bawat pamilya, lumalabas na 15.5 milyong Filipino ang nagugutom sa kasalukuyan. Ang masakit pa nito, mukhang simula pa lamang ito ng ... Read More »

Mga salamisim 14

HINDI magpapatuloy ang bentahan ng metamphetamine hydrochloride o shabu sa kalye kung walang malaking sindikato sa likod nito at hindi naman makatitindig ang sindikato kung walang makapangyarihang pul-politiko o negosyante ang nasa likod nito, iyan ang totoo. Dahil dito ay naniniwala ang Usaping Bayan na tama si Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino sa kanyang naunang pahayag kamakailan ... Read More »

Koko hindi na nga ba puwedeng tumakbo sa 2019 midterm elections?

KUNG makatatsamba sa pagkakataong ito si Attorney Ferdinand Topacio, aba malamang hindi na nga puwedeng tumakbo si Senator Koko Pimentel sa 2019 midterm elections. Naghain si Atty. Topac ng disqualification case laban kay Koko dahil napagsilbihan na umano ng huli ang kanyang ‘second and maximum allowed consecutive term.’ Matatandaan na noong 2007 elections, napatanggal ni Pimentel si Juan Miguel Zubiri ... Read More »

Political dynasty sa PH ‘suportado’ ng ‘bobotante’

KUNG nasasadlak man sa kahirapan ngayon ang maraming Filipino habang nagpapasasa sa yaman ng bansa ang maraming politiko, huwag na po tayong magtaka… Kahit saang anggulo natin tingnan, tayong mga botante ang dapat sisihin, dahil nagluluklok tayo ng mga politikong ang layunin sa buhay ay iluklok ang kanilang buong angkan sa kapangyarihan nang sa gayon ay laging protektado ang kanilang ... Read More »

Kandidato sa Senado at Kamara, takot sa drug test?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

NAGKAKAISA ang mga ahensiya ng gobyerno na nangunguna sa kampanya kontra droga sa panukala na isailalim sa drug test ang lahat ng kandidato na tumatakbo sa May 2019 elections. Mahirap na nga namang mailuklok pa sa puwesto ang mga kandidatong sugapa sa bawal na gamot. Kung mamalasin, baka tulak pa sa droga ang maibotong senador o kongresista. Para sa Philippine ... Read More »

Isang slot sa Senado na lang ang paglalabanan

KUNG tutuusin, isang puwesto na lang sa Senado ang pag-aagawan ng mga kandidato sa darating na May 13, 2019 midterm elections. ‘Ika nga, lalong sumikip ang senatorial race matapos pumasok ang ilang  mga batikan at sikat na kandidato sa listahan. Matapos mag-file ng certificate of candidacy (COC) sina dating Senador Juan Ponce Enrile, Mar Roxas, Serge Osmena, Lito Lapid, Jinggoy ... Read More »

Cover-up sa P6.8-B shabu: Lapeña dapat mag-resign!

SUKOL na si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña kaya’t kung sino-sino na ang kanyang idinadawit sa P6.8-B shabu shipment na ayon sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay ipinalaman sa ilang magnetic lifters na natunton sa Cavite. Sa kanyang pahayag kamakailan, sabi ni Lapeña: “Perhaps director general Aaron Aquino should not pin down and blame entirely this ... Read More »

Ex-Parañaque Mayor Joey Marquez ‘di suportado ang anak… bakit?

NAGULAT ang lahat sa pagsipot ni former Parañaque City Mayor at aktor Joey Marquez sa filing ng certificate of candidacy (COC) ng kampo ni incumbent Mayor Edwin Olivarez at ng mga kasama niya sa partido, lalo nang malaman na suportado ng aktor maging si Vice Mayor Rico Golez na kalaban ng anak ng aktor na si dating Brgy. BF Homes chairman ... Read More »

‘Rambol’ ng pamilya sa politika

KAKATWA ang political happenings ngayon sa Parañaque City. ‘Yung muling paghahain ni dating mayor Florencio “Jun” Bernabe ng kandidatura para alkalde para tapatan si incumbent mayor Edwin Olivarez, walang kakaiba roon. Normal na ngayon ‘yun sa takbo ng politika sa ating bansa. ‘Yung pami-pamilyang tumatakbo sa iisang lugar gaya ng mag-asawang Alan Peter Cayetano at Lani Cayetano na kapwa tumatakbong ... Read More »

Bigyan ng wheelchair si Erap!

HINDI na kailangang paglakarin pa si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada, at sa halip ay paupuin na lamang sa isang wheelchair para masiguro ang kanyang kaligtasan. Nakababahala at baka madapa at mauntog itong si Erap dahil kung titingnang mabuti ay hirap na hirap na sa kanyang paglalakad. Iika-ika at parang titimbuwang kapag makikita mo itong si Erap na naglalakad. Nangangamba ... Read More »

“Bureau of Customs and Shabu”

NANININDIGAN umano si Commissioner Isidro Lapeña na walang shabu na nakapalaman sa mga magnetic lifters na natagpuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite na nailusot sa Bureau of Customs (BoC). Ang magnetic lifters na nasabat sa Cavite ay pinaniniwalaang naglalaman nang mahigit isang tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 bilyon, ayon sa PDEA. Pinaniniwalaan din na ang mga ... Read More »

Mula sa Patnugot: 15 taon nang humahataw

HATAW logo

LAGI kaming nanganganay. ‘Yan ang katangian ng gawain sa pama­mahayag. Nagiging  beterano lang ang isang mamamahayag dahil sa kanilang edad at tagal ng panahong inilalagi sa gawaing ito.           Pero beterano man o hindi, ang araw-araw na pagganap sa trabaho bilang mamamahayag ay hindi puwedeng sabihing ‘chicken.           Sabi nga, ang husay ng isang mama­mahayag ay laging nakabatay sa kanyang ... Read More »

Gimik lang ba ang “Binay political war” sa Makati?

DRAMA, gimik o isang palabas lang ba ang nangyayaring “Binay political war” sa Makati City? Ano sa tingin ninyo? Nagtatanong lang po tayo ha. Pero hindi naman siguro, dahil nakita naman natin na talagang seryoso ang magkapatid na maghaharap sa 2019 election. Kapwa pagka-alkalde ang tatakbuhin ng magkapatid na sina dating Makati Mayor Junjun Binay at incumbent Mayor Abigail “Abby” Binay ... Read More »

Party-list system kinopo na ng ‘oligarkiya’ (Marginalized sectors no more)

NALULUNGKOT tayo na ang party-list system ay nilamon na rin ng mga tradisyonal na politiko sa ating bansa. Ang tradisyonal na politika (TRAPO) dito sa ating bansa ay nangangahulugan na pag-angkin sa kapangyarihan ng oligarkiya o ng iilan. Ang oligarkiya (oligarkhia sa Greek) ay bansag ni Aristotle sa iilang (o oligos) may hawak ng kapang­yarihan sa isang lipunan. Kaya mula ... Read More »

Mag-amang Fred at Cristy Lim aarangkada sa Maynila

MAINIT na sinalubong ng mga suporter ang mag-amang Alfredo at Cristy Lim nang maghain ng certificate of candidacy (COC), bilang alkade ng lungsod ng Maynila si ex-Mayor Fred Lim, habang Konsehal naman ng Unang Distrito ng Maynila ang nilahukan ni Cristy Lim-Raymundo. Samantala, naghain din ng COC bilang Mayor si Joseph “Erap” Estrada sa Commission on Elections (COMELEC) sa Aroceros ... Read More »

SAP maraming mabo-Bong Go sa Senado (Panalong tiyak)

SWAK na naman ang kasabihan — sa hinaba-haba raw ng ‘prusisyon’ sa kumolek ‘este Comelec din tumuloy. ‘Yan ang nangyari kay Special Assistant to the President (SAP) Bong Go. Kahit ilang beses niyang sinabi na hindi siya tatakbo sa Senado, hayan, natuloy rin ang kanyang pagtakbo. At sa lahat ng naghain ng certificate of candidacy (COC), siya lang ang personal ... Read More »

Mga salamisim 13

NAKALULUGOD na idineklarang Santo ng Simbahang Katoliko Romano ang Martir ng San Salvador na si Arsobispo Oscar Romero. Una kong narinig si San Oscar Romero noong ako ay estudyante sa Pamantasang Santo Tomas noong dekada 80. Hinangaan ko ang Arsobispo ng San Salvador (sa El Salvador ito) dahil inialay niya ang kanyang buhay sa paglilingkod sa mahihirap, pinagkakaitan at inaapi ... Read More »

Ibalik si Lim sa Maynila, ang magiting na alkalde

NGAYONG umaga magtutungo si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim para maghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) sa muling pagtakbong alkalde ng Maynila. Si Lim na nabansagang ‘Dirty Harry’ ay napabantog dahil sa kanyang no non-sense na kampanya laban sa krimen bilang noo’y magiting na hepe ng Manila Police District at Northern Police District Command; director ng National Bureau ... Read More »

Eksperimento ni Digong?

MAY nakikitang  ‘eksperimento’ ang ilang urot sa estilo ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong midterm elections. Hindi tayo sigurado kung ito’y estratehiya o ‘spin’ o baka naman hindi sinasadya. Ang tinutukoy natin, ang kandidatura nina Gen. Bato, Mocha Uson, Harry Roque at SAP Bong Go. Sina Gen. Bato at SAP Bong Go ay hindi tinatalikuran ni Pangulong Digong at ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved