Monday , January 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion (page 161)

Category Archives: Opinion

Feed Subscription

Jueteng ni Luding sa Baguio at Benguet kaladkad ang pangalan ni Sec. Mar Roxas

BUWISIT talaga si LUDING BONGALING, ang promotor ng jueteng diyan sa siyudad ng Baguio at mga kalapit na bayan sa Norte. Gamit at kaladkad pa ng tarantadong jueteng lord bilang panindak sa mga pulis ang pangalan ni DILG Secretary Mar Roxas. Kung hindi ba naman ugok, alam na alam ng tarantado na nagpapabango ng pangalan ang mabunying Kalihim dahil sa ... Read More »

Maynilad: Dadaloy ang ginhawa; Meralco: May liwanag ang buhay

Ang Dalawang DEMONYONG DAMBUHALANG Kompanyang Buwayayng ito, Na ang Tunay na Nagmamaya-ari ay ang INDONISIAN Billionaire na is ANTHONI SALIMM, Na sa sobrang Ganid sa Salapi . Bukod pa rito na kanya pa rin ang SMART,TALK n TEX,SUN ATBP Hipopoyamus ditto sa ating POBRENG BANSA.DOGGIE LAMANG si MVP ng Bilyonaryong INDONESIAN na si ANTHONI SALIMM. Bawal po kasi sa ating ... Read More »

Santiago: Ibasura ang BBL

HINIMOK ni Sen. Miriam Defensor-Santiago ang gobyerno noong Huwebes na ibasura ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at magsimula ng panibagong negosasyon upang maiwasto ang mga kapalpakan nito. Naniniwala si Santiago na dapat ay hiningi raw muna ni Pres. Noynoy Aquino ang pahintulot ng Senado upang payagan ang gobyerno na makipagnegosasyon para sa paglikha ng “substate” para sa mga mamamayang Bangsamoro, ... Read More »

McArthur at Quezon (Quiapo) Bridge tuluyan nang tinanggalan ng liwanag

Nakatanggap tayo ng mga pasasalamat nang mailabas natin ang hinaing na napakadilim ng Jones Bridge. Ngayon daw kasi ay maliwanag na. Pero sandamakmak naman po ang natanggap nating reklamo dahil ang McArthur at Quezon (Quiapo) Bridge naman umano ang binabalot nang dilim ngayon. Madalas ay binubulaga ang mga motorista at pedestrian ng mga ‘residente’ sa gilid at gitna ng Quezon ... Read More »

Money-making ng Manila City Hall ang towing

NAPAKALAKING kasiraan na kina Mayor Erap at Vice Mayor Isko ang mga towing sa Maynila. Pinakamalupit sa mga towing na ito ang RWM at PMA. Kahit may driver ang motorsiklo ay kanilang bubuhatin at ikakarga sa kanilang truck na may kasama pang pulis. Kamakalawa, magkasunod na reklamo ang aking natanggap: Ayon kay Ermilando Galos, dealer ng mga diario sa Maynila, ... Read More »

‘Papable’ dahil galante si “Mr. Section Chief” ng Bureau of Customs

SIGURADONG mapapailing at mapapakamot ng ulo si Commissioner John Sevilla kapag natuklasan niya ang luho at klase ng pamumuhay ng  isang mababang opisyal ng Bureau of Customs (BoC). Ilang sunod na nating itinampok sa mga nakaraan nating kolum si “Mr. Section Chief” na malimit gawing tambayan ang mga high-end coffee shop at restaurant ng isang five-star hotel sa Maynila.    Sa ... Read More »

Alingasngas sa buhay ng isang alkalde sa Bulacan

MARAMING alingasngas sa Bulacan sa biglang pagyaman ni Guiguinto Mayor Ambrocio Cruz na nai-feature pa ang buhay sa Rated K ni Mrs. Korina Sanchez-Roxas bilang “Boy Kargador.” Pinalabas niyang isa siyang kargador sa Divisoria kaya nakatapos ng accounting sa University of the East at naging CPA. Una kong narinig ang kanyang pangalan sa pinsan kong kontratista na si Roberto Somook ... Read More »

Ang Malaysia bilang supporter ng MILF

NAPAKASUWERTE ng ating espesyal na Pangulong BS Aquino kasi sa kabila ng galit ng tao sa kanya kaugnay ng sinasabing kaugnayan niya sa insidente sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 magigiting na pulis ang minasaker ng Moro Islamic Liberation Front ay ayaw pa rin ng karamihan na mawala siya sa poder. Ang pakiramdam kasi ng marami ay lalong gugulo ang ... Read More »

Anyare sa Ospital ng Sampaloc?! (At sa 5 pang public hospital sa Maynila)

ISANG katoto natin ang nagpaabot ng hinaing tungkol sa napakasamang serbisyo ngayon sa Ospital ng Sampaloc. S’yempre kaya nagpunta sa ospital dahil may dinaramdam. Ang siste imbes malunasan ang kanyang karamdaman ‘e lalo pang na-stressed ‘yung katoto natin. Ano ba ‘yan?! Mantakin ba namang, bukod sa napakahabang pila, nakasimangot at iritableng mukha ng mga attendant o nurse, sinisinghalan pa ang ... Read More »

BIR Comm. Kim Henares, unahin habulin ang Solaire Casino junket operators (Paalala kinabuwisitan ng fans ni Pacman)

DAHIL sa tila nang-aasar na paalala ni Rentas Internas chief, Commissioner Kim Henares, nabuwisit ang maraming fans ni Manny Pacquiao sa kanya. ‘E sa tagal nga namang trinabaho ‘yang Floyd-Pacman fight ‘e parang gusto pang ‘usugin’ ni Commissioner Kim? Agad ipinaalala ang babayarang buwis ni Pacman para sa  laban na ‘yan sa Mayo 2. Ang ipinagtataka lang natin kay Madam ... Read More »

Bidding para sa SSS ID gustong i-drawing?

HANGGANG ngayon ba ay wala pa ang inyong matagal nang hinihintay na ID ng Social Security System (SSS)? Ilan linggo o buwan mo na rin ba ito hinihintay? Ilan beses ka na rin ba nagpabalik-balik sa SSS para alamin kung ano na ang nangyari sa ID mo? Ilan beses ka na ba pina-ngakuhan na ipadadala na lang sa Koreo pero ... Read More »

Matandang raket na “5-20” sa Customs kulturang lubos-lubos

NOONG nakaraang linggo may natiklo na naman ang Customs Intel na mga contraband tulad ng mga walang kamatayan “ukay-ukay” smuggling na mistulang isa nang masterpiece ng mga smuggler. Nang dahil sa raket na “5-20” system marami nang lubos ang nagsiyaman, kasama na rito ang mga kurakot na taga- Bureau who went laughing all the way to the bank. Sa tinagal-tagal ... Read More »

Nadesmaya sa EDSA

HINDI maikakaila na ang trahedyang naganap sa Mamasapano, Maguindanao na kumitil sa buhay ng 44 na Special Action Force (SAF) commandos noong Enero 25 ang pinakamalaking hamon sa pamumuno ni President Aquino. Sa katunayan, pati ang ika-29 taon na pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution ay naapektohan nito. Taliwas sa dating tanawin ng libo-libong dumadalo sa selebrasyon, kakaunti lang ang ... Read More »

Tongpats sa Parañaque City Hall talamak  

NALULUNGKOT tayo sa sinasapit ng liderato ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez. Kung pakikinggan natin ang mga sumbong at hinaing na nakararating sa atin, tila natutsubibo umano at nabubukulan si Yorme Edwin ng ilang tirador d’yan sa City Hall. Mukhang kailangan na talaga busbusin ni Mayor Edwin ang talamak na ‘TONGPATS’ sa city hall na kinasasangkutan umano ng ilang tauhan niya. ... Read More »

MWSS sinasabotahe si PNoy

GUSTO ni Presidente Noynoy Aquino na mag-iwan ng legacy sa kanyang pamumuno. Kaya naman inaprubahan niya ang Public-Private Partnership (PPP) at iba pang investment programs nitong nakaraang buwan ang anim na naglalakihang infrastructure projects na nagkakahalaga ng P372 bilyon! Kaya lang talaga yatang hindi nawawala ang ahas sa bawat kampo. May ilang tauhan si PNoy na tila sumasabotahe sa kanyang ... Read More »

“Rule of Law” ang kay Lim

WALANG matinong tao ang basta na lang tatanggapin ang desis-yon ng 11 mahistrado ng Supreme Court (SC) na kuwalipikadong makabalik sa gobyerno ang isang sentensiyadong mandarambong. Kaya nga naghain ng motion for reconsi-deration si Mayor Alfredo Lim sa SC kaugnay ng disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap” Estrada ay upang igiit ang pag-iral ng batas ... Read More »

Charge to experience

MABILIS ang mga nagtuturo na si dating Philippine National Police Director General Alan Purisima ang may pananagutan sa pagkakabulilyaso ng operasyon ng PNP-Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao pero napakabagal naman nila sa pagkondena kay Pangulong BS Aquino kahit malinaw pa sa sikat ng haring araw na ang mga kilos ni Purisima ay nasa lilim ng basbas ni Aquino. Nagmumukha ... Read More »

Mag-ingat sa mga gestapong guwardiya sa Cosmo Bonifacio Global City

ANG Bonifacio Global City (BGC) ay itinuturing ngayong No. 1 cosmopolitan city sa bansa. Business, finance, posh residential condominiums, fine dining and resto/bar etc. Kumbaga a real cosmopolitan area for a real cosmopolitan people. Pero mukhang nabago ang pagtingin ng kapamilya natin nang makaranas ng barbarikong pag-uugali mula sa tila ‘Gestapong’ security guards diyan sa BGC. Diyan kasi sa BGC, ... Read More »

‘Text-text’ lang sa Mamasapano Ops Exodus tumegas  sa buhay ng Fallen 44!?

ITO naman ay kwentohan at obserbasyon lang sa natapos na Senate hearing ukol sa Mamasapano operations na ikanamatay ng 44 commandos ng Special Action Force ng Philippine National Police (PNP). Natapos din dahil sa wakas ay natanggap na rin ni suspended PNP chief, Dir. Gen. Alam Purisima na sa kanya nag-imbudo ang palpak na Operation Exodus dahil sa maling detalyeng ... Read More »

Benepisyo ng Fallen SAF 44

INIANUNSYO ni DILG Sec. Mar Roxas ang mga benepisyo ng mga nasawing PNP-SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao. Naipamahagi na aniya ang Special Assistance Fund  (SAF) galing sa gobyerno na nagkakahalaga mula P400,000 hanggang P700,000.  Kabilang na rito ang ipinagkaloob ni Pangulong Noynoy Aquino na P250,000 na ibinigay niya nang personal nang makipagpulong sa pa-milya ng mga nasawi kamakailan. Mayroon pa aniyang ... Read More »

DQ case vs Erap sa SC ‘di pa tapos

NAGHARAP ng motion for reconsideration (MR) ang abogado ni Manila Mayor Alfredo Lim na humihiling ikonsidera o baligtarin ng Korte Suprema ang pagkakabasura sa disqualification case laban kay ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.  Tatlong basehan ang tinukoy sa 43-pahinang MR na inihain ni Atty. Renato dela Cruz bilang abogado ni Ma-yor Lim na intervenor sa disqualification case na ... Read More »

Katotohanan para sa kapayapaan

HINDI magkakaroon ng kapayapaan kung walang katarungan at hindi naman magkakaroon ng katarungan kung walang katotohanan. Kung ipag-pipilitan ni Pangulong BS Aquino at mga naïve na amuyong nito tulad ni Aling Teresita Deles at Manang Miriam Coronel-Ferrer na ipasa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) kahit wala pang katarungan para sa 44 na Philippine National Police-Special Action Force personnel na nilapastangan ... Read More »

Malamya ang EDSA Revolution 29th anniv celebration

HINDI na raw militante ang mga nag-rally at nagdiwang sa selebrasyon ng EDSA Revolution 29th anniversary. ‘Yan daw ang dahilan kung bakit hindi disiplinado ang mga naroon sa EDSA kahapon. Lumikha lang umano ito ng traffic obstruction sa Metro Manila. Ibig sabihin, walang sigla at lalong hindi naramdaman ang diwa ng EDSA. Sino nga naman ang magdiriwang kung katatapos lang ... Read More »

‘Di bobo ang mga senador kaya…

TAPOS na ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa ‘pagpapamasaker’ ng ilan sa mga nakatataas sa PNP sa SAF 44 noong Enero 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao este, mali pala kundi hinggil sa pagkapaslang sa mga dakilang pulis natin na nakipagbakbakan sa tropang MILF at BIFF nang dakpin nila si Marwan. Tatlong linggo rin inabot ang inquiry, nasaksihan natin ang imbestigasyon ... Read More »

Mabuti pa si Sec. Mar, nagpakalalaki, e ang erpat ni Bb. Nancy?

IBANG-IBA ang naging dating sa sambayanan sa daloy ng pagtatanong ni Sen. Nancy Binay sa karibal ng kanyang ama sa halalang pampanguluhan sa 2016 na si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas kaugnay ng pangyayari sa Mamasapano, Maguindanao. Parang pinalabas ng bagitong senadora na nakaligtaan ni Roxas ang papel sa pagdinig kaya waring kinastigo pa ang kalihim: ... Read More »

Scroll To Top