Friday , September 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion (page 120)

Category Archives: Opinion

Feed Subscription

Nag-uunahan sa kulelat sina Win at Isko

SA PINAKAHULING survey ng Social Weather Station (SWS), sina Rep. Win Gatchalian at Vice Mayor Isko Moreno ay maituturing na nag-uunahan sa mga kulelat na senatoriables na nagbabalak tumakbo sa darating na 2016 elections. Si Gatchalian ay nakakuha lamang ng 10 percent na nasa pang 23-24 puwesto, samantalang si Moreno naman ay nakakuha ng 4 percent  at nasa pang 28-31 ... Read More »

Ayong Maliksi ng PCSO naatasan nga bang mangalap ng pondo para sa LP?

ANG appointment nga ba ng Malacañang sa politikong mula sa lalawigan ng Cavite ay naglalayong ilagay siya  sa nasabing ahensiya to run after bigtime illegal gambling operators? May special instructions nga ba si Maliksi mula sa isang VIP ng Palasyo para mangalap ng pondo para sa mga kandidato ng Liberal Party (LP)? Ang masaklap, hindi ngayon malaman ni Maliksi kung ... Read More »

Harassment laban sa Bulabugin ibinasura ng korte

DAHIL malinaw na harassment lang naman ang layunin ng nagsampa ng kasong libelo laban sa inyong lingkod, hayun nakita ng hukuman na labag sa hurisdiksiyon ng batas ang asunto kaya agad itong ibinasura. Sa simula’t simula pa lamang ay hindi naman dapat sumampa ang nasabing asunto dahil bukod sa maling hurisdiksiyon ay wala naman sa isinulat nating artikulo ang pangalan ... Read More »

Media bawal nang pumarada sa Kampo Karingal?

NABILI na nga ba ng Quezon City Police District Riders Club ang Kampo Karingal? Katunayan, ang Kampo Karingal o ang kinatatayuan nito ay hindi pag-aari ng QCPD o ng City Government at sa halip, pag-aari ito ng University of the Philippines (kung hindi ako nagkakamali) pero may nakapagsabi na naayos na raw ang lahat hinggil sa lupain. Ano pa man, ... Read More »

Collector Ed Macabeo at Depcomm Ariel Nepomuceno (Dedicated Customs Officials)

MAY isang lider sa Customs na magaling at may puso sa mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs). At palaging iniaalay ang buhay niya sa tawag ng kanyang tungkulin lalo na sa pagsugpo sa pagkalat ng ilegal na droga sa ating bansa. Ito ang aking panayam sa kanya tungkol sa mga ilegal na droga na nahuhuli sa NAIA. Handa siyang ... Read More »

Mga retiradong heneral sa BoC masisibak?

Tuluyan kayang masisibak sa Bureau of Customs (BoC) ang grupo ng mga retiradong heneral mula sa kapulisan at kasundaluhan na tungkuling pa-tinuin ang takbo at palakasin ang kinikita ng aduwana? Dahil umano sa kanilang integridad at husay bilang lider ay itinalaga ang 14 na heneral para pamunuan ang ilang mahahalagang puwesto sa Customs, bilang kapalit ng mga regular na empleyado ... Read More »

Hepe ng isang gov’t agency choosy guy

THE WHO ang isang government official na hindi akma sa kanyang posisyon ang asal sa ibang mamamahayag?! Himutok ng isang lady reporter na nagsumbong sa atin, “Choosy Guy” si sir or in short C.G., dahil namimili raw kung sino lang ang dapat na mag-interview sa kanya! Tinamaan ka naman ng magaling boss tsip parang ‘di naman makatao yata ang pinaggagagawa ... Read More »

Iba talaga ang may ginawa sa Caloocan

SINO mang humamon sa kandidatura  ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa darating na eleksiyon  sa Mayo 2016 ay tiyak na kakain ng alikabok at pupulutin sa kangkungan. ‘Yan ay kung magtutuloy-tuloy ang napakataas na 62 percent na pagsang-ayon na nakuha ni Mayor OCA sa pinakahuling survey na isinagawa sa kanilang lungsod ng isang NGO. Sabi nga, ang survey ay ... Read More »

Paglobo ng bilang sasakyan sanhi ng grabeng trapik

MATAPOS maganap ang “carmageddon” o ang matinding pagsikip sa daloy ng trapiko na pumaralisa sa buong Kamaynilaan noong Setyembre 8, nagpa-interview si PNoy kay Tina-Monson Palma sa programa nitong “Talkback” sa ANC at isinisi sa paglobo ng bilang ng sasakyan ang paglala ng trapiko. Totoo nga ito, ngunit ang kabiguan ng pamahalaan sa paggawa ng mga kalsada at ang paglala ... Read More »

Libel vs. Ka Jerry Yap ibinasura ng hukuman

SWAK sa basurahan ang libel case na inihain laban kay Ka Jerry Yap ni Sr. Insp. Rosalino Ibay, intelligence chief ng Manila Police District (MPD) na kababata at sanggang-dikit ni ex-future mayor Isko Moreno. Kahit dispalinghado ang kaso ay ginamit ito ng husto ni Ibay para gipitin si Ka Jerry at naging basehan para illegal na ipadakip ang tagapangulo ng ... Read More »

Carpio resign

HINDI lang dapat mag-inhibit si Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio sa Senate Electoral Tribunal na dumidinig ngayon sa kaso ng citizenship ni Sen. Grace Poe, kundi dapat din si-yang magbitiw. Hinusgahan na ni Carpio ang kasong disqualification case laban kay Poe nang sabihin na ang senadora ay naturalized citizen at hindi natural born Filipino citizen. Nakalulungkot dahil halos nagsisimula ... Read More »

Heneral Luna (2)

HINDI handa ang mga kasabayan ni Heneral Antonio Luna sa kanyang uri ng pamumuno dahil bukod sa umiiral na sistemang bata-bata at rehiyonalismo noon (na sakit natin hanggang ngayon) ay hindi siya miyembro ng “Caviteño clique” at beterano ng himagsikang 1896. Si Hen. Luna, isang Ilokano at anak ng Binondo, ay tumanggi na sumapi sa Kataas-taasan Kagalanggalangan Katipunan ng mga ... Read More »

Pasok sana si Isko pero…

NABASA natin nitong nakaraang linggo ang SWS survey sa mga tatakbong mambabatas sa Mababa at Mataas na Kapulungan. At dahil biktima tayo ng kuryosidad sa mga survey-survey na ‘yan, binasa natin at inisa-isa lalo na ‘yung mga tatakbong senador. Aaminin natin, talagang minamataan natin ‘yung pangalang Isko Moreno. Aba ‘e nakatatlong balik na tayo sa kahahanap ng Isko Moreno ‘e ... Read More »

Si Digong Duterte ba o ang pambansang pabebe wave ng AlDub?

NGAYONG araw ay pupunuin daw ng isang milyong supporter ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang Quirino Grandstand. (Nagkataon na ito ay makakasabay ng ‘pambansang pabebe wave ng AlDub ng noontime show na Eat Bulaga). ‘Yan ay para manawagan umano kay Digong na ituloy niya ang kanyang pagtakbo bilang presidente. Two weeks ago, pumutok din ang balita na magkakaroon daw ... Read More »

Bilib tayo sa punto ni Ms. Sheryl Cruz

NAKITA natin ang katapatan sa pagmamalasakit ni Ms. Sheryl Cruz sa kanyang kapatid ‘este’ pinsan na si Madam Senator Grace Poe. Dahil sa dala-dalang pangalan ng kinagisnang ama na si Fernando Poe Jr., hindi naging mahirap kay Senator Grace ang maging popular. Pero siyempre, kaakibat ng popularismo na ‘yan ang hindi mamatay-matay na ‘alamat’ tungkol sa kanyang pagiging foundling. Kaya ... Read More »

Problema ng mga Nurse na na-recruit ng Elbeitam Management Services

NAG-PRIVATE message sa akin ang isa sa maraming nurse na recruit ng Elbeitan Management Services Inc. na may tanggapan sa 1836 Leon Guinto St., Hala building sa Malate, Manila. Narito ang sumbong sa akin ng babaeng nurse na si Jenny: – May problema po ako/kami rito. Hindi po talaga okey dito. Yung employer namin hindi sinunod yung kontrata ng POEA. ... Read More »

Mga taga-“Manila’s Panis” tiyak na hahakot ng asunto

MALAMANG kaysa hindi, natataranta na ang ilang kagawad ng “Manila’s Panis”, este, Manila’s Finest pala, dahil tiyak na hahakot sila ng asunto. OA, as in overacting, ang pag-aresto at pagkulong nila sa isang abogado na taga-media at dalawa pang kasama niya dahil sa pagkuwestiyon sa illegal arrest sa kanyang kli-yente. Halata naman na hindi kayang idepensa ng mga pulis-Maynila ang illegal ... Read More »

Heneral Luna

BINABATI ko ang mga nasa sa likod ng pelikula na “Heneral Luna” hindi lamang dahil sa tagumpay ninyo sa takilya kundi dahil binibigyan liwanag din ninyo ang ilan sa madidilim na kabanata ng ating kasaysayan. Dahil sa pelikulang ito ay mas namulat ang bayan sa mga pangyayari na ilang beses nang tinangka na itago’t linisin o “i-sanitize” ng mga puwersang ... Read More »

Opisyal ng Manila City Hall pinatalsik… humahataw pa rin?

SA pagHATAW ni Bato–Bato … ang ma HATAW ay huwag magagalit! Trabaho lang, ‘ika nga! Sapagkat sa pagkakataong ito mga ‘igan ay hindi natin mapalalagpas ang patuloy na pagHATAW at pamamayagpag ng isa umanong tiwaling opisyal ng Manila City Hall, na ayon sa aking ‘Pipit’ ay makailang beses nang “Dismissed From The Service” ng Office of the Ombudsman, pero hayun … tuloy pa rin ... Read More »

Tolentino may delicadeza pa ba?

KAMAKAILAN sa isang salo-salong pananghalian, namaalam na si Metropolitan Manila Development Authority chairman Francis Tolentino sa kanyang mga tauhan.  Bago ito, namaalam na rin siya sa Metro Manila mayors.  Iba’t ibang habilin din ang kanyang ibinigay sa kanila. Hindi naman lingid sa marami na gustong maging senador nitong si Tolentino, kaya nga imbes atupagin ang pagsasa-ayos ng trapiko sa Metro Manila ... Read More »

Praning ba si Comelec Commissioner Christian Robert Lim?!

MUKHANG nagkamali ng pagtatalaga ang Malacañang kay Election Commissioner Christian Robert Lim sa Commission on Elections (Comelec). Parang dapat ‘e sa ISAFP o kaya ‘e sa Foreign Affairs siya itinalaga. Aba, mantakin ninyong magpapagawa lang ng 93,000 Optical Mark Readers (OMR) na nagkataong imamanupaktura sa China ‘e naisip pang isasabotahe daw ang ating eleksiyon sa Mayo?! Praning ka ba, Commissioner ... Read More »

P2.2M shabu sa QCPD raid… “Shabu” Queen timbog!

TAMA ka riyan Chief Supt. Edgardo G. Tinio, Quezon City Police District (QCPD) Director. Yes sir, daang libo o masasabing milyong kabataan na naman ang naisalba ng QCPD sa pamamagitan ng District Anti-Illegal Drugs, Special Operation Task Group (DAID,SOTG), sa tiyak na kapamahakan makaraang makakompiska ang inyong mga pulis ng P2.2 milyong halaga ng shabu nitong Lunes, Setyembre 22, 2015. ... Read More »

Preso namatay habang nasa custody ng CID Pasay-PNP

TAMEME ang ilang kagawad ng media tungkol sa pagkamatay ng isang lalaking preso habang nasa custody ng Station Investigation Detectives and Management Section detention cell ng Pasay City police. Ang pagkamatay ng preso ay masusi nang pinaiimbestigahan ni Mayor Tony Calixto kay Pasay City chief of police (COP) Senior Supt. Joel Doria. Sa nakalap nating info, natagpuang wala nang buhay ... Read More »

210 smuggling cases nakatenga sa DoJ

ANO ang mangyayari sa 210 smuggling cases na isinampa at isasampa pa marahil ng Bureau of Customs sa Department of Justice? Ang majority nito ay nakatengga sa DoJ at pinanga-gambahan na baka mabulok na lang lalo pa’t iilang buwan na lang ang nalalabi sa Aquino administration bego mag-say goodbye. Kung pagtutuunan lang, ang malalaking kaso na ito marahil ang magpapataas ... Read More »

Mr. Bean ng Senado abnoy dumiskarte

THE who itong isang Senador na masasabing isa sa mga mambabatas na may paninindigan kapag prinsipyo ang usapan ngunit may ‘style’ na laban o bawi pala? Itago na lang natin sa alyas na “Mr.Bean” si kagalang-galang Senador, kasi naman parang abnoy daw kung minsan kapag nagdedesisyon. Har har har har har har har!. Bilang patunay, may lumapit sa tanggapan ni ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved