Thursday , September 20 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion (page 10)

Category Archives: Opinion

Feed Subscription

Insulto sa PNP na armasan ang barangay officials

PLANO raw ikonsidera ng pamahalaan na ar­ma­san ang mga opisyal ng barangay kaugnay ng kampanya kontra ilegal na droga. Ito ay dahil sa uma­no’y dumaraming bilang ng mga opisyal ng ba­rangay na namama­tay sa pagtupad ng tungku­lin. Hindi ba malaking sampal sa Philippine National Police (PNP) ang planong ito, kung ‘di man sa mandato ng ating law-enforcement agencies? Para na rin kasing sinabi na walang ... Read More »

Sa mataas na demand sa passport appointment: ePayment inilunsad ng DFA

UPANG tugunan at makaagapay sa lumalaking bilang ang pumipila sa passport appointment, pormal na inilunsad ng DFA kahapon ang kanilang passport ePayment Portal upang madagdagan ang kapasidad nilang tumanggap at magproseso ng passport applications. Sa ilalim ng ePayment Portal, inire-require ang mga aplikante na magbayad ng kanilang processing fees sa mga payment center at sa kalaunan, sa pamamagitan ng debit ... Read More »

Problema hirap ang mahirap

SAMOT-SARI mga ‘igan ang kinakaharap ngayong mga problema ng bansa. Isa na rito ang pinag-uusapang pagtaas ng presyo ng asukal. Aba’y sadyang nagmahal ngang talaga!  Ito’y dahil sa kakulangan na umano ng supply. Kung kaya’t, pinayagan na ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang pribadong sector na mag-angkat ng asukal para mapababa ang presyo nito sa merkado. Kasunod nito ang nakaambang ... Read More »

Jueteng hataw sa south Metro

HUMAHATAW na naman ang paboritong ‘laro’ ng mga ilegalista — ang jueteng. Yes, namamayagpag po ngayon ang ‘jueteng’ sa South Metro dahil isang napakagaling na financier sa katauhan ng isang alyas Sani T ang nagpapalarga ng puhunan. Partner ng financier na si Sani T., ang kanyang mahusay na management sa national — si alyas Balero. Sa Parañaque, bahala sa kanilang ... Read More »

Impeachment at Quo Warranto, isang paliwanag (Wakas)

NGAYON na natalakay na natin kung ano ang Impeachment, Quo Warranto, kung sino si Maria Lourdes PA Sereno; at napag-usapan na rin natin mga pangyayari o bagay-bagay bago ang kontrobersiyal na pagkakatanggal sa dating punong mahistrado ay susubukan nating lagumin ang mga pangyayari. Bagamat may legal na opinyon ang Usaping Bayan kaugnay ng mga pangyayari ay hindi na natin tatalakayin ... Read More »

“Boundary” na si Morales

KUNG kailan pa malapit na siyang magretiro sa serbisyo ay saka lang naisip ni Ombudsman Con­chita Carpio-Mora­les na dapat malipol ang katiwalian sa pama­halaan, ang pangu­na­hing tungkulin at respon­sibilidad na dapat niyang ginampanan habang na­sa puwesto. Si Morales na naka­tak­dang magretiro sa susunod na buwan ay nanawagan sa publiko na maging mapagbantay daw at huwag matakot sakaling may alam na mga ... Read More »

Bong Go ‘wag kaladkarin kung ayaw sa politika

ILANG beses nang sinabi ni SAP Bong Go, hindi siya nagtatrabaho para ambisyonin ang Senado. Gumagawa siya batay sa utos ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at bilang suporta rin sa kanyang liderato. Ilang beses niyang binigyang-diin ang ganyang pahayag at paulit-ulit itong lumalabas sa media. Kaya nakapagtataka kung bakit nanatili ang pang-uurot ng mga gustong mawala sa tabi ni Pangulong ... Read More »

Mapagsamantala

MAPAGSAMANTALA. Ma­pang-abuso. Ma­pang-api. Ganid. Su­wa­pang. Ito ay ilan sa mga salita na makapaglala­rawan sa kahayupang inaasal at ipinakikita ng mga coast guard ng China sa sarili nating mga kababayan sa West Philippine Sea. Kamakailan lang ay tinalakay natin ang note verbale ng Filipinas laban sa China na naglalaman ng mga insidenteng naganap sa ating karagatan tulad ng instalasyon ng mga ... Read More »

Buhay ni Mandirigma, nasa libro na!

SA Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo na sa Philippine Marines Corps (PMC), matunog ang pangalang “Mandirigma.” Siya si retired Philippine Marine Major General Alexander Ferrer Balutan, miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Matikas” Class 1983. Dahil sa “bata-bata system” sa AFP, Department of National Defense (DND) hang­gang sa Palasyo ng Malacanang ng nakaraang administrasyon, pinagkaitan ng promosyon si ... Read More »

Party-list system sa Kongreso dapat na talagang ibasura

SA SIMULA, nagampanan ang layunin na maglingkod sa marginal sector ang sistemang party-list sa Kongreso. Isa nga sa layunin nito dapat ay bigwasan ang political dynasty at mailantad sa publiko ang pag­ka­kaiba ng isang tunay na kinatawan ng mamamayan sa Kongreso kompara sa mga TRAPO (traditional politician). Pero sabi nga, kapag gusto may paraan… ‘Yung bentaha na naibigay ng party-list ... Read More »

Ceasefire hindi susundin ng NPA

ANG pagpapatuloy ng usapang pangka­paya­paan sa pagitan ng pamahalaan at Communist Party of the Philippines o CPP ay tiyak na hindi magtatagumpay dahil na rin sa inaasahang gagawing paglabag ng NPA sa nakatakdang ceasefire nito sa military o AFP. Ang muling pagbuhay ng peace talks na nakatakdang simulan sa  Hulyo ay base sa direktiba ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Matatandaang ibinasura ... Read More »

Senado sa TRAIN law: Syut muna bago dribol

NASAAN ang sentido-kumon ng mga mam­babatas sa Senado na magsagawa ng pag­dinig kung ang “regres­sive” na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law ang pangunahing sanhi ng walang puknat at patuloy na pagtaas ng mga bilihin at bayarin? Kung kailan ipinatu­tupad na ang batas ay saka pa lamang nila naisipang magsasa­ga­wa ng public hearing. Bakit, may iba pa kayang alam ang mga ... Read More »

Hirit-epal ni Carpio lalong ikapapahamak ng maliliit na mangingisda

IMBES humingi ng opinyon sa mas maraming sektor kung paano aayusin at tutulungan ang maliiit na mangingisda hinggil sa kanilang hinaing mukhang malayo ang tingin nil Justice Antonio Carpio kaya ang mungkahi niya maghain muli ng Arbitration Case sa International Court. Hindi natin alam kung bakit gustong tumosgas ni Justice Carpio ng milyon-milyong dolyar ang pamahalaan para umupa ng mga ... Read More »

Mga ekonomistang pulpol ni Digong sa NEDA at DBM

KASYA na ang hala­gang P3,834 na gastu­sin sa pagkain ng bawat pamilya na may 5-mi­yem­bro sa loob ng isang buwan, ayon sa Nation­al Economic Develop­ment Authority (NEDA). Katumbas ito ng halagang P127 sa isang araw na budget para sa pagkain ng buong pamil­ya. Kaya’t hindi raw maituturing na “poor” o dukha ang mga nabi­bilang sa pamilya na may 5-miyembro na P10,000 ang income ... Read More »

Impeachment at Quo Warranto, isang paliwanag (Ikaapat bahagi)

MATAPOS natin maipakilala si Sereno ay aalamin ang isang pangyayari na sa palagay ng Usaping Bayan ay dapat malaman ng lahat. Hindi nag-inhibit sa deliberasyon ng Quo Warranto petition Bago nagkaroon ng deliberasyon at desisyon sa isyu ng Quo Warranto ay hiningi ni Sereno ang pag-inhibit o hindi pagsali sa usapin nina As­sociate Justices Diosdado Peralta, Teresita De Castro, Lucas ... Read More »

Pag-asang pagbabago para sa illegal drug victims ipinagkaloob ng Caloocan LGU

BUKAS na ang Balay Silangan Reformation Center, isa sa rehabilitation and therapeutic center na itinayo ng pamahalaan para sa mga biktima at nalulong sa illegal substances kagaya ng illegal na droga. Bilang anti-illegal drug advocate, natutuwa tayo sa proyektong ito ni Caloocan Mayor Oscar Malapitan sa tulong ng national government — ang pagtatayo ng isang rehabilitation and therapeutic centerna makatutulong ... Read More »

Sobra na tama na Asec. Mocha Uson

SABI nga, kantiin mo na ang peklat ng nakaraan pero huwag ang alaala ng mga pumanaw. At dito na naman sumalto si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson nang lapastanganin niya ang alaala ng yumaong Senador Benigno Aquino Jr. Sa pagkakataong ito, pinupuna natin si Asec. Mocha at hindi na natin siya maipagtatanggol. Simple lang naman sana ang ... Read More »

‘Survey says’ uso na naman!

ILANG buwan bago ang filing ng certificate of candidacy (COC) para sa midterm elections heto’t nauuso na naman ang sari-saring survey. Isa sa sinasabing tumataas ang rating sa survey ang natalong senador at dating chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Atty. Francis Tolentino. Mula sa pamilya ng politiko sa Tagaytay City, lalong pumutok ang kanyang pangalan nang ... Read More »

Bad joke

UMANI ng kabi-kabilang pagbatikos ang ginawang paghalik ni Pangulong Duterte sa isang overseas Filipino worker sa ginawang pakikipagkita nito sa Pinoy com­munity sa South Korea nitong nakaraang weekend. Hindi lang dito sa Filipinas pinulaan ang pangulo, laman din siya ng mga pahayagan at online news sa iba’t ibang panig ng mundo. Hindi anila tama ang ginawa ng pangulo, kesehodang ito ... Read More »

Impeachment at Quo Warranto, isang paliwanag (Ikatlong bahagi)

MATAPOS nating ipaliwanag kung ano ang Impeachment at Quo Warranto ay susubukan naman natin na linawin kung ano ang nangyari at bakit sinampahan ng impeachment si dating Chief Justice Maria PA Lourdes Sereno at kung bakit tinanggap ng Korte Suprema ang Quo Warranto na inihain ni Solicitor General Jose Calida. Sino si Sereno? Una sa lahat ay kilalanin muna natin ... Read More »

Kailan tama ang halik?

MARAMI ang kumo­kondena sa pakikipag-lips-to-lips ni Pang. Rodrigo “Digong” Duter­te sa may-asawang OFW sa harap ng Filipi­no community sa Seoul Hilton hotel, South Ko­rea. Kahit sa mga paha­yagan, radyo at tele­bisyon sa iba’t ibang ban­sa ay negatibo ang reaksiyon laban sa ating pangulo. Hindi na nakapag­tataka kung ituring ng iba na walang masama sa inasal ng pangulo, lalo dito sa atin ... Read More »

Pres. Duterte, Bong Go, Dir. Gierran at Deputy Dir. Distor pride ng Davao

TALAGANG kamay na bakal ang ginagamit ni Pangulong Digong laban sa lahat ng uri ng katiwalian sa ating bansa. Whoever get hurts kapag nagkasala ka tiyak sibak ka! Ganyan po siya mamuno sa ating bansa. Tunay na seryoso na gampanan ang kanyang mandato na linisin ang gobyerno. Mabait pero ‘wag mo lang lokohin,walang kaibigan sa kanya kapag nagkasala ka. Kahit ... Read More »

Nagbibigay ba kaya walang huli?

SUPORTADO nga ba ng Quezon City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU) ang kampanya ng gobyerno, LTFRB at MMDA laban sa mga kolo­rum? Siyempre ang kasagutan ng pamu­nuan ng QCDTEU ay… naturalmente! Of course naman. Lamang, ba’t nagkalat pa rin ang kolorum sa Kyusi. May “terminal” pa sila. Kung terminal, aba’y napakadali lang pala paghuhulihin itong mga kolorum. Excatly! Pero, ba’t ... Read More »

Isapubliko

HINIHIMOK ng ilang eksperto na isapubliko ng Filipinas ang diplo­matic protests laban sa mga pinaggagawa ng China sa West Philippine Sea dahil hindi umano sapat ang pag-file ng Maynila ng note verbale laban sa Beijing. Naulat na tinukoy raw ni Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI) director Gregory Poling na ang tanging paraan para  makumbinsi ang China na ituring ang ating claims ... Read More »

Goodbye Dela Serna welcome Doc Ferrer

MARAMI ang natuwa nang sibakin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte bilang presidente ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) si interim president Celestina dela Serna. Kahapon, opisyal na inilabas ng Office of the President sa pama­magitan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang pagtatalaga ni Pangulong Digong kay Dr. Roy B. Ferrer bilang acting President at Chief Executive Officer ng PhilHealth. Ang ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved