Monday , November 19 2018
Breaking News
You are here: Home / Opinion

Category Archives: Opinion

Feed Subscription

Ilong ng motorista ‘umuusok’ sa konsumisyon vs Pasay City ASBU

ANO ba talaga ang papel ng Anti-Smoke Belching Unit (ASBU) ng Pasay City?! Sitahin ang mga lumalabag sa kanilang ordinansa o maghintay ng mga nagkakamali para makipag-ayos sa kanila?! ‘Yan po ang P600 to P1,000 question na gusto nating ibato sa Pasay ASBU dahil sa reklamo ng mga motorista. Supposedly, ang papel ng ASBU ay magbantay ng mga sasakyang mauusok ... Read More »

Ceasefire ng AFP sasamantalahin ng NPA

KAILANGANG maging alerto at handa ang Armed Forces of the Philippines sakaling magpatupad ng sariling ceasefire dahil tiyak na hindi titigil ang mga berdugong NPA sa kanilang military offensive kahit sa panahon ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Sa kasalukuyan, walang peace talks na umiiral sa pagitan ng GRP at Communist Party of the Philippines kung kaya’t inaasahang ang AFP na mismo ... Read More »

“Ang Probinsiyano” pinasisikat ng PNP

HABANG pinagtutulungan ay tiyak na darami pa ang magkakainteres na panoorin at tangkilikin ang teleseryeng “Ang Probinyano” na pinag­bibidahan ng aktor na si Coco Martin sa isang network. ‘Yan ang posibleng epekto sa eksahe­ra­dong kalupitan na ipina­mamalas ng Philippine National Police (PNP) at mga kilalang perso­nalities sa ilang tanggapan ng gobyerno na nakikisawsaw laban sa kathang-isip na teleserye. Maliban kung tuluyan ... Read More »

No car no garage policy

PESTE talaga at walang pakialam sa buhay itong mga traysikel na nakahambalang sa maliliit na kalsada na mistulang bulag ang mga Kapitan ng Barangay na dapat mamuno sa pagpapaalis ng mga bagay na nakasasagabal sa daloy ng mga sasakyan. Simulan natin sa lungsod ng Pasay, bagama’t may mga pampasahering jeep na dumaraan — biyaheng Cabrera kapag papasok na sa Tramo ... Read More »

PITX walang support system mula sa DOTr? (Para sa maayos na trapiko o lip service lang?)

NOONG una nating mabalitaan ang tungkol sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), isa tayo sa mga natuwa. Inisip natin, isa ito sa mga hakbang ng pamahalaan para paluwagin ang trapiko ng mga sasakyan at tao sa Metro Manila. Kung hindi tayo nagkakamali, naglabas pa ng Memorandum Circular 2018-010 ang LTFRB para sa paggamit ng PITX. Ayon sa LTFRB, putol ang ... Read More »

Politika salot sa ekonomiya ng bansa, promise!

BAKAS ni Kokoy Alano

KAHIT mangmang na nilalang ay mauunawaan na kapag sobra ang pera sa sirkulasyon at wala namang kaukulang produksiyon ay malamang na tumaas ang presyo ng mga bilihin at ‘yan ang problemang inflation na kinakaharap natin sa ngayon. Tinatantiya ng mga ekonomista na lalo pang madaragdagan ang 6.4 inflation rate sa bansa sa sandaling magpakawala na ng pera ang mga politiko ... Read More »

Lusot si Bam

DAIG ng maagap ang masipag. Ito ang kasabihang maaaring maikabit sa tumatakbong kandidato sa pagkasenador na si Senator Bam Aquino. Hindi nag-aaksaya ng panahon at sinisigurong ang kanyang gagawin ay magkakaroon ng resulta sa darating na May 13, 2019 midterm elections. Kung ang ibang kandidato sa senatorial race ay puro sipag sa kabila na walang plano at panahong inaapuhap, kabaligtaran ... Read More »

Bakit pinaslang ng SC ang wikang Filipino?

KUNG sa kasalukuyang panahon pala nabuhay ang pambansang baya­ni na si Gat Jose Rizal ay siguradong sa karsel pa rin siya pupulutin. Malamang na mapa­ratangan pang suber­sibo si Rizal at lapas­ta­ngan sa batas kung nga­yon niya sasabihin na, “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malan­sang isda.” Ang pagkakaiba lang ay hindi mga dayu­hang mananakop ang ... Read More »

Lady district engineer hulicam sa ‘lagayan’ ng SOP sa road project (Militar italaga na rin sa DPWH?!)

CAUGHT in the act ang isang lady DPWH district engineer na kinilalang si Lorna Ricardo habang humihirit ng ‘SOP’ o tongpats para sa P100-million Lagawe-Caba-Ponghal Road Development Project sa Ifugao province. Hulicam na hulicam kaya hindi makatanggi si Engr. Ricardo dahil mismong ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang naglabas ng hulicam sa kanya. Iniharap ni PACC commissioner Greco Belgica ang ... Read More »

Kapag nakaplakang otso dapat bang abusado?

KASING bagsik siguro ng pulbura ang ‘tama’ ng plakang otso kaya ang mga nagkakaroon nito ay tumatapang. Kasabihan ng mga abuelo at tatay noong araw, kapag dudungo-dungo ang anak na lalaki paamuyin daw ng pulbura o kaya ay pakagatin sa talim ng kutsilyo o gulok, tiyak raw na liliyad ang dibdib. Ganyan din kaya ang epekto ng plakang otso? Hindi ... Read More »

Kasong graft vs. Lapeña; Guerrero bukol sa ‘tara’?

KINASUHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Lunes si dating com­missioner at ngayo’y Technical Education and Skills Development Authority (Tesda) chief Isidro Lapeña sa misteryosong pagka­wala nang mahigit 105 container vans sa baku­ran ng Bureau of Cus­toms (BoC). Ibang-iba ang resul­ta sa isinagawang imbestigasyon at isinampang kaso ng NBI kompara sa kuwentong-kutsero ni Lapeña na noo’y hepe ng Customs sa ... Read More »

Mga arogante at masusungit na sales staff ng Duty Free PH

DAHIL sa karanasan ng isang kaanak natin nitong nakaraang linggo sa Duty Free Philippines, muling nabuhay sa alaala natin ang naranasan din ng isa nating katoto sa nasabi ring shopping center. Heto ang isa sa paulit-ulit na karanasan ng consumers o customers sa Duty Free Philippines diyan sa Sucat, Parañaque City. Pumila sila sa isang mahabang pila para pagdating sa ... Read More »

‘Manyakol’ ‘di dapat kuning sponsor para sa beauty pageant

NABUKSAN din ang Pandora’s Box ni ‘wild and horny’ Amado Cruz matapas manindigan ang tatlong Miss Earth contestants sa ‘bastos’ na pakikitungo sa kanila ng isa umanong sponsor. Sa tatlong nagreklamo, tanging si  Miss Guam, Emma Mae Sheedy — ang tahasang tumukoy sa isang Amado Cruz, ipinakilala umano sa kanila bilang sponsor at nagmamay-ari ng maraming restaurants sa bansa, ang ... Read More »

Sa hatol kay Imelda, si Digong ang target ng Sandiganbayan?

HINATULANG guilty ng Sandiganbayan fifth division sa seven counts ng kasong graft si dating First Lady Imelda R. Marcos nitong Biyernes. Mula anim na taon at isang buwan hanggang 11-taon ang ipinataw na parusang kulong ng Sandiganbayan kay Gng. Marcos sa bawa’t kaso. Kung kukuwentahin, higit pa sa tatlong ha­bam­buhay na hatol ang katumbas na parusang kulong, ang bubunuin ni Gng. ... Read More »

Gobyerno kuripot sa P25 dagdag-sahod

KULANG pa ng P5 para pasahe sa LRT mula Baclaran-Monumento ang P25 dagdag-sahod na ipagkakaloob ng gobyernong Duterte sa mga manggagawa. Kaya sumatotal, aabot lang nang P337 ang minimum wage sa Metro Manila. Hindi nagustohan ng ilang labor sector ang nasabing halagang idinagdag dahil P334 ang kanilang kahilingan. Nangangahulugan ito na hindi pa kaya ang hiling ng labor sectors dahil ... Read More »

Fuel hike agad-agad, fare hike komplikado sa implementasyon

KAPAG mayroong fuel hike, agad-agad itong naipatutupad. Umaangal lang sa salita ang sambayanan lalo ang iba’t ibang transport groups pero hindi naman nito napipigil ang taas-presyo. Siyempre, paano makapagpoprotesta ang mga tsuper sa gas station e kailangang bumili ng gasoline o diesel para makapag­hanapbuhay. Sa ilang beses na pagtataas ng petrolyo laging tinatangka ng trans­port groups na humiling na magtaas ... Read More »

Bagong DFA Secretary pinuri ang mga nagawa ni Cayetano sa DFA

MAS napahusay sa ilalim ng pamumuno ni Alan Peter Cayetano, ang pagpoproseso ng passport pati na rin ang serbisyo at tulong para sa overseas Filipino workers (OFWs) sa buong mundo. Ito ang pahayag kamakailan sa social media ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinuri ang mga ipinatupad na reporma ni Cayetano sa panahon ng kanyang panunungkulan ... Read More »

P10-milyong ‘joke only’ ang ‘biyaheng langit’ na ‘footbridge’ sa EDSA Kamuning, QC

ISANG malaking “joke only” ang footbridge sa EDSA Kamuning ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA). At ang joke only na ‘yan ay nagkakahalaga ng P10 milyones mula sa taxpayers money. Matatagpuan ‘yan sa EDSA Kamuning malapit sa estasyon ng MRT. Steel footbridge na siyam na metrong mas mataas sa power lines ng MRT-3. Lalagyan daw ito ng escalator, at inaasahang ... Read More »

Drug test sa kolehiyo, uumpisahan na

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

SIMULA sa susunod na school year (2019-2020), bibigyan ng kapangyarihan ang mga unibersidad at kolehiyo na magpatupad ng man­datory drug testing sa kanilang mga estudyante. Kung mandatory na ang drug testing, maaari nang obligahin ng mga pamantasan ang lahat ng estudyante nila na magpasuri sa droga. Nagulat tayo sa balitang ito dahil wala na­mang bagong batas na naipasa hinggil dito. ... Read More »

‘Tatlong Itlog’ na ‘collect-tong’ ng ‘tara’ sa Bureau of Customs: “Abu,” “Santi,” at “Loy Dy Kiko”

NAPAKAGANDA ng mensahe ni dating AFP chief-of-staff at bagong Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero na kanyang binigkas sa flag raising ceremony ng mga kawani ng Bureau of Customs nitong Lunes. Nagbabala si Guer­rero na hindi niya papa­yagan na sirain ninoman ang pangalan at mabuting reputasyon na kanyang inalagaan sa loob ng 30 taon na bukod-tanging maipamamana niya sa kanyang mga anak. ... Read More »

Cheapest 3rd Telco pangako ni Chavit libre wi-fi pa raw

KOMPIYANSA si Ilocos Sur ex-Gov. Chavit Singson na mananalo ang kanyang consortium na LCS Group-TierOne Commu­nications sa bidding para sa 3rd telecommunications player sa bansa. Sa isang panayam, sinabi ni Chavit, “Kung P100 ang presyo nila (Globe o Smart), kami P5 lang, dapat na libre ang Wi-Fi.” Ayon sa pangulo ng LCS Group, kaya nilang pababain nang husto ang presyo ... Read More »

Alan Peter Cayetano suportado ni Pangulong Digong sa kongreso (Susunod na House Speaker)

HINDI umano mapipingsan ang buong-buong suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pagtakbo nito sa Kongreso at sa pagiging susunod na House Speaker. May duda pa ba? E ‘yan nga’t nakakamada na ang puwesto sa Kamara? Itinaas ni Pangulong Duterte ang kamay ni Cayetano sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating Kalihim noong nakaraang ... Read More »

ENDO Bill, inuupuan sa Senado?

Pingkian LOGO Ruben Manahan III copy

MAKAPANGYARIHAN kung tingnan ang Pangulo pero may mga bagay na hindi niya kayang gawin kung wala ang tulong ng Senado at Kamara de Repre­sentantes. Isa na rito ang tuluyang pagbuwag ng Endo o 5-5-5 System. Endo ang pinaigsing salita ng End of Contract. Sa ganitong sistema, tinatanggal ng mga kompanya ang kanilang mga manggagawa sa trabaho bago matapos ang kanilang ... Read More »

Senatoriables dedma sa wage hike

NGAYONG mainit na pinag-uusapan ang taas-sahod na hinihingi ng mga manggagawa sa kanilang mga employer, nakapagtataka naman kung bakit tahimik at walang kibo ang mga tumatakbong senador tungkol sa usaping ito. Nasaan na ang maiingay na senatoriables bakit ngayon ay parang walang mga boses at ayaw magbigay ng komentaryo hinggil sa mini­mum wage hike. At nasaan na rin ang sinasabi ... Read More »

Bagong branch of service ba ng AFP ang Customs?

PUWEDE o hindi? ‘Yan ang tanong, alinsunod sa direktiba ni Pang. Rodrigo “Digong” Duterte na italaga ang mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bureau of Customs (BoC) kasunod ng malaking eskandalo na kinasangkutan ni Commissioner Isidro Lapeña at kanyang mga tauhan sa nakalusot na P11-B shipment ng shabu. Hindi natin minamasama ang pagtatalaga ng mga sundalo sa ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved