Monday , December 17 2018
Breaking News
You are here: Home / News (page 525)

Category Archives: News

Feed Subscription

Manok sa 2016 pres’l elections secret muna

INILILIGTAS ni Pangulong Benigno Aquino III sa kritisismo ang kanyang mamanukin sa 2016 presidential elections kaya hindi muna niya ibubulgar ang pangalan ng nais niyang maging susunod na pangulo ng bansa. Ang gusto lamang ng Pangulo, kahit sino pa ang maging kapalit niya sa Palasyo ay maipagpatuloy ang kanyang mga nagawa o mahigitan pa. “At the end of the day, ... Read More »

Life vs 10 kidnaper pinagtibay ng SC

PINAGTIBAY  ng Korte Suprema ang hatol na habambuhay na pagkabilanggo sa 10 kidnaper sa kasong kidnapping for ransom matapos dukutin ang isang negosyanteng Chinese noong 1998. Base sa desisyon ng Supreme Court en banc,  sina Halil Gambao, Eddie Karim, Edwin Dukilman, Tony Abao, Raul Udal, Theng Dilangalen, Jaman Macalinbol, Monette Ronas at Nora Evad ay hinatulan ng reclusion perpetua at ... Read More »

2-anyos dedbol sa bundol

LA UNION – Dead-on-arrival sa Naguillan District Hospital sa Naguillan, La Union ang 2-anyos batang lalaki matapos mabunggo ng isang wagon van (XBA-676) sa kahabaan ng kalsada na sakop ng Brgy. Suyo, Bagulin, La Union. Kinilala ang biktimang si Rodel Apigo, residente ng nasabing lugar. Ang driver ay kinilala namang si Joel Quitongan, 53, may asawa, residente ng Buguias, Benguet. ... Read More »

4 MPD cops sinibak sa ‘no helmet’

APAT na pulis-Maynila kabilang ang dalawang opisyal, ang sinibak sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr., matapos maaktohan nakasakay sa motorsiklo nang walang suot na helmet kahapon ng umaga sa Maynila. Agad na ipina-relieve ni Garbo ang dalawang pulis na sina PO2 Nuñez at PO2 Paes na nakata-laga sa Barbosa Police Community ... Read More »

Sa Baseco Trike driver utas sa boga

PATAY ang isang tricycle operator nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang suspek habang nagpapatila ng ulan sa tapat ng health center sa Port Area, Maynila. Kinilala ni PO3 Lester Evangelista ng MPD homicide, ang biktimang si Joseph Pasagoy Millar, 43, ng Block 15-A, Baseco Compound, Port Area, Maynila, habang hindi natukoy ang mga suspek na agad na tumakas matapos isagawa ... Read More »

Kapitana, mister patay sa ambush

KAPWA nalagutan ng hininga ang mag-asawang tumatakbo para sa barangay elections sa Brgy. Tabud, Bataraza, Palawan. Ayon kay Bataraza chief of police, S/Supt. Raymond Domingo, kinilala ang mga biktimang sina Rogelio at Zosima Consomino. Nabatid na kapitana ng kanilang barangay ang ginang habang tumatakbong kagawad ang kanyang mister. Sinasabing galing ang dalawa sa panonood ng sine nang tambangan ng mga ... Read More »

Pagpuga ni ‘Ma’am Arlene’ iniimbestigahan — Palasyo

PINAIIMBESTIGAHAN na  ng Malacañang ang napabalitang paglabas ng bansa ni ‘Ma’am Arlene,’ sinabing court fixer at may modus katulad ni Janet Lim-Napoles. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, kumikilos na ang Immigration, NBI at DoJ para matukoy kung nasaan ang nasabing personalidad para maibalik ng bansa kung kinakailangan. Ayon kay Coloma, tiwala sila sa kakayahan ng mga awtoridad para mahanap ... Read More »

Leonen probe vs Ma’am Arlene suportado ng PMRLP

MAS lalong dapat ipursige ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang imbestigasyon laban sa umano’y ‘influence peddler’ at ‘fixer’ sa hudikatura na tinaguriang “Ma’am Arlene” bunsod nang pagsibat sa bansa ni Arlene Angeles Lerma kamakailan matapos sumambulat sa publiko ang kontrobersiya. Ito ang panawagan ng People’s Movement for the Rule of Law and Propriety (PMRLP) kay Leonen na itinalaga ... Read More »

Pagpuga ni ‘Arlene’ balewala kay De Lima

NANINIWALA si Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima na walang epekto sa ginagawang imbestigasyon ng Supreme Court (SC) at ng NBI ang sinasabing paglabas ng bansa ni Arlene Angeles Lerma, sinasabing ‘court fixer’ at ‘decision broker’ sa hudikatura. Kasunod na rin ito ng report ng Bureau of Immigration (BI) na nakalabas na ng bansa si Arlene nitong Oktubre 17. Kaugnay ... Read More »

Injunction vs Biazon’s CPO ibinasura ng korte

NABIGO man makakuha ng writ of preliminary injunction ang mga tumutol sa Customs Personnel Order (CPO) bukas pa rin sa kanila si Commissioner Ruffy Biazon na makipagtulungan para sa pagsusulong ng reporma sa Bureau. Aniya, “We welcome the decision of Manila regional trial court (RTC) Branch 17 in denying the application for the issuance of a Writ of Preliminary Injunction ... Read More »

Simot na pondo sa Cebu, Bohol palusot lang

BINIRA ni Bayan Muna Rep.Neri Colmenares ang pamahalaang Aquino dahil sa pagsasabing ubos na ang executive contingency calamity funds ng bansa. “The people of Bohol needs all the help the government can provide and Pres. Aquino should deliver government aid in the most efficient and equitable manner. It’s not right for Malacañang to say that it cannot deliver aid without ... Read More »

Nat’l budget muna bago FOI bill–Drilon

POSIBLENG umabot pa ng hanggang susunod na taon bago tuluyang maipasa ng Senado ang kontrobersyal na Freedom of Information (FOI). Bagama’t unang ini-anunsyo ni Senate President Franklin Drilon na tatalakayin na nila sa plenaryo ang panukalang batas ngayon linggo, bibigyan pa rin aniya nila ng prayoridad ang pagtalakay sa 2014 General Appropriations Act (GAA). Ayon sa opisyal, mahalagang maipasa nila ... Read More »

P20-B savings ng gov’t ipinagyabang ni PNoy

IPINAGMALAKI kahapon ni Pangulong Benigno Aquino III na may P20 bilyon pang savings ang pamahalaan na pwedeng paghugutan sakaling maubos ang calamity at contingency funds dulot ng 7.2 magnitude na lindol sa Bohol at Cebu. Ayon sa Pangulo, hindi dapat mangamba ang mga biktima ng kalamidad na mauubos ang budget na pang-ayuda ng gobyerno sa kanila dahil bukod sa P20-B ... Read More »

No cabinet reshuffle — PNoy (BIR chief ‘di papalitan)

WALANG nakikitang rason si Pangulong Benigno Aquino III para balasahin ang kanyang gabinete dahil kontento naman siya sa performance ng mga opisyal. Hindi rin sisibakin ni Pangulong Aquino si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares, taliwas sa ulat na nakatakda siyang palitan ng isang Imelda Fernandez na sinasabing ‘bata’ ng isang maimpluwensyang religious organization. Maayos ang pangangasiwa ni ... Read More »

2nd batch sa PDAF kakasuhan bago Undas

TINIYAK ni Justice Justice Secretary Leila de Lima na bago sumapit ang unang araw ng Nobyembre ay maisampa na ang second batch ng kaso hinggil sa kontrobersyal na pork barrel scam. Sinabi ni De Lima, posibleng sa susunod na linggo bago ang araw ng All Soul’s at All Saint’s Day ay tuluyan nang maisampa ang kaso sa iba pang mga ... Read More »

Tax evasion sa DoJ inisnab ng Napoles couple

INISNAB ng tinaguriang pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles at asawa niyang si Jaime ang pagdinig ng Department of Justice (DoJ) sa kasong tax evasion na kanilang kinakaharap. Imbes personal na humarap sa pagdinig, tanging ang abogado ng mag-asawang Napoles na si Atty. Romeo Villar III ang sumipot sa DoJ. Una nang pinadalhan ng subpoena ng DoJ ... Read More »

P.5-M korona ‘naglaho’ sa Luneta

BRONZE STATUE SA LUNETA NAWAWALA. Itinuturo ng security guard ng National Park Deve-lopment Committee, ang kinalalagyan ng nawawalang bronze statue sa loob ng Kanlu-ngan ng Sining sa Luneta Park, na nagkakaha-laga ng P500,000 at gawa ng eskultor na si Juan Sajid Imao. (BONG SON) Nawawala ang isa sa mga bronze sculptures sa Rizal Park sa Maynila iniulat kahapon. Ang nawawalang ... Read More »

Katagay sumalisi sa alahas at keps ni misis (Mister nalasing)

KULONG ang isang manyakis na matapos pagnakawan, ginahasa pa ang misis ng kanyang nakainoman na nakatulog sa sobrang kalasingan kamakalawa ng madaling araw sa Malabon City. Kinilala ang suspek na si Saldy Pilajero, 20-anyos, ng Estrella St., Brgy. Tañong ng lungsod na agad nadakip sa isinagawang  follow-up  operation ng mga awtoridad. Sa ulat ng pulisya, dakong 3:00 ng madaling araw ... Read More »

Malinis na paligid, solusyon vs dengue

INIULAT ng Department of Health na ang dengue cases ay bumaba ng 7.6 porsyento mula sa 178,864 nitong 2012 ngunit sinabi ni DoH Assistant Secretary Eric Tayag, hindi siya makokontento hangga’t hindi nagiging zero dengue cases sa bansa. Kahanga-hangang pahayag, ayon kay lady executive Ruth Marie Atienza, operations manager ng Mapecon Philippines. Ngunit aniya, batid ni Tayag na ito ay ... Read More »

Kandidatong tserman patay sa boga

Patay sa tama ng bala sa sentido ang incumbent kagawad na tumatakbong barangay chairman sa Barangay 160, Sta. Quiteria, Caloocan City. Ayon kay Caloocan Police Spokesperson P/Supt. Ferdinand del Rosario, isang tama ng bala sa sentido ang ikinamatay ni Kagawad Victor Ando. Napag-alamang bukod sa pagiging kagawad sa loob ng tatlong termino, presidente rin ng Tricycle Operators and Drivers Association ... Read More »

67-anyos lola utas sa motor

TODAS habang isinusugod sa pagamutan ang 67-anyos lola dahil sa bundol ng kaskaserong drayber ng motorsiklo kamakalawa ng umaga sa C-5 by-pass Road, Marikina City. Kinilala ni P/SSupt. Reynaldo Jagmis, ang biktimang si Remedios Brazil, 67-anyos, ng 86 O. de Guzman St., Barangay Industrial Valley Complex (IVC) habang naaresto naman ang suspek na si Mark Gerente, 24, binata, bar tender ... Read More »

Salvage victim pinakuan sa ulo

PINANINIWALAANG biktima ng “summary execution” ang 40-anyos na lalaki na nadiskubreng may dalawang nakabaon na pako sa ulo, nakaposas ang kamay at balot ng packing tape ang mukha sa Mandaluyong City. Dakong 5:00 ng umaga, natagpuan sa panulukan ng Pulong Malamig at Boni Ave., ang bangkay ng di nakilalang biktima sa lungsod. Sa report ng Tactical Operation Command ( TOC) ... Read More »

Kasalan dinilig ng dugo (3 patay, 3 sugatan)

TATLO katao ang patay habang tatlo naman ang sugatan sa sagupaan ng dalawang magkatunggaling pamilya ng Maranao habang dumadalo sa kasalan sa Piagapo, Lanao del Sur. Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpanagpo sa ginaganap na kasalan ang Dimaampao-Diamla clan at Tuba-Bilao clan kaya muling sumiklab ang kanilang away. Pawang mga armado ng baril ang dalawang magkaaway na pamilya kaya nagbarilan sila ... Read More »

100 pamilya homeless sa Malabon fire

MAHIGIT sa isandaang pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang lamunin  ng apoy ang may 50 kabahayan kahapon ng umaga sa   Tenajeros, Malabon City . Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) Malabon, dakong 9:21 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa bahay ng isang  Wilma sa Arasity   Village, Brgy. Tenajeros ng nasabing lungsod. Naiwan ng ginang ang kanilang kalan ... Read More »

2 kelot kalaboso sa nakaw sa hotel

KALABOSO ang dalawang lalaking nag-check-in sa isang hotel nang mabisto ang kanilang paglimas sa mga kagamitan sa loob ng inokupahang kwarto kahapon ng madaling araw sa Pasay City. Naisakay na sa taksi ng mga suspek na sina Jay Richard de Leon, 30, ng 1909-G Maria Orosa St., Malate, Maynila at kasamang Iranian national na si Nader Has-sinzadeh, 28, pansamantalang nanunuluyan ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved