Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / News (page 512)

Category Archives: News

Feed Subscription

Misis na senior citizen binalian ni mister

Nakabenda pa ang kaliwang braso nang magtungo sa tanggapan ng Manila Police District Women and Children’s Desk ang isang misis na senior citizen upang ireklamo ang pananakit ng kanyang asawa na isa rin senior citizen. Kinilala ang biktimang  si Olive Chan, 61, habang ang inirereklamong suspek ay ang asawang si Ricardo Chan, 60, kapwa ng San Andres St., Malate, Maynila. ... Read More »

Pulis-MPD inatake sa duty

ISINUGOD sa pagamutan ang isang miyembro ng Manila police matapos bumagsak habang naka-duty. Kinilala ang police na si PO3 Rodolfo Tejada Pallares,  52, ng Office of the District for Operation (ODDO), na nasa intensive care unit (ICU) ng Medical Center Manila. Sa ulat,  24-oras  naka-duty si PO3 Pallares dakong 9:30 ng uma-ga nitong Sabado, nang makaramdan ng pagkahilo hanggang magsuka ... Read More »

IRR ng new gun control law pirmado na

NAKATAKDA nang ipatupad ng pambansang pulisya ang bagong batas hinggil sa pagbibitbit ng armas. Ito’y matapos lagdaan ni PNP Chief Police Director General Alan Purisima ang implementing rules and regulations (IRR) para sa bagong batas, ang RA 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition and Providing Penalties for Violations. Bago matapos ang taon, tiniyak ng PNP na maipatutupad ... Read More »

P36.7-M marijuana sinunog sa La Union

LA UNION – Aabot sa P36.7 mil-yon halaga ng marijuana ang sinunog ng PNP  Police Regional Office 1 na nakabase sa Camp Florendo, Brgy. Parian, San Fernando, La Union kahapon ng umaga. Ang marijuana ay binubuo ng 185,000 fully grown marijuana, 5,000 seedlings at  400 grams seeds. Nasamsam ang nasabing mga damo mula sa 18 plantation sites sa Brgy. Licungan, ... Read More »

Rapist, holdaper ginawang ‘mummy’

MISTULANG ginawang ‘mummy ’ ang hinihinalang biktima ng summary execution makaraang balutin ng duck tape ang ulo, nakatali ng alambre ang mga kamay at paa, sa sinabitan ng karatula na, “Ang rapist at hol-daper h’wag pamarisan sa Mandaluyong City.” Ayon kay P02 Donald Bañez, dakong 4:20 ng madaling araw nang matagpuan ng ilang residente ang bangkay ng biktima na naka-duck ... Read More »

PacMan sinisiw si Rios ( He’s back )

NAGPAKITA ng napakalaking pagkakaiba sa boxing IQ si Manny “Pacman” Pacquiao sa kanyang laban kay Brandon “Bam Bam” Rios, ayon sa local boxing analyst na si Ed Tolentino. Ipinunto ni Tolentino, sa mabagal na pagkilos ni Rios, naipakita ni Pacquiao ang kanyang talino sa loob ng “ring” sa pamamagitan ng paggamit ng highly tactical bout laban sa Mexican-American brawler. “Manny ... Read More »

2-anyos paslit patay 7-anyos kuya sugatan sa 2 malulupit na tita

PATAY ang isang 2-anyos totoy, habang sugatan ang kanyang 7-anyos kuya sa pagmamaltrato ng dalawa nilang tiyahin Taguig City. Hindi na umabot nang buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang tinawag sa pangalang  James. Buhay pero bugbog-sarado ang pitong-taon niyang kuya na itinago sa pangalang Michael, mula sa kamay ng malupit nilang mga tiyahing sina Kristine, 25, at Irene, 48, ... Read More »

Natitirang ‘kalawang’ sa Customs (Dep. Comm. Dellosa inalarma)

HINDI pa lubusang makatatahak sa ‘tuwid na daan’ ang Bureau of Customs dahil may ilan pang tiwaling opisyales ang sumasalungat sa reporma at patuloy sa kanilang raket sa Aduana at  nakikipagsabwatan sa mga ismagler. Ito ang buod ng impormasyong ibinunyag sa taga-media ng isang opisyal ng Customs Employees Union makaraang umusad ang balasahan sa nasabing ahensiya na tinaguriang isa sa ... Read More »

Estancia ‘ghost town’ sa oil spill

MAKARAAN ang pagpapatupad ng forced evacuation dahil sa oil spill, nagmistulang ‘ghost town’ ang Brgy. Botongon sa Estancia, Iloilo. Batay sa ulat ng Department of Health (DoH), umabot na sa 16.9 parts per million (ppm) ang benzen chemical na tumagas mula sa bunker fuel, mas mataas ito ng 30 beses sa normal na 0.5 ppm kaya ipinatupad ang agarang paglikas. ... Read More »

6 ‘volunteers’ timbog sa nakaw na relief goods

ANIM katao ang nasakote ng mga tauhan ng Philippine Air Force (PAF) na nakatalaga sa “Oplan Salubong” sa Villamor Air Base dahil sa pagnanakaw ng relief goods para sa Yolanda victims  kamakalawa ng gabi sa Pasay City. Agad dinala ng mga tauhan ng Security Forces Squadron sa Pasay city police ang mga suspek na sina Remar Saringan, 40; Reynaldo Fontanilla, ... Read More »

Norzagaray budget officer utas sa tandem

AGAD nalagutan ng hininga ang lady budget officer ng Norzagaray Municipal government sa Bulacan, makaraang pagbabarilin sa harap ng simbahan ng isa sa dalawang lalaking sakay ng motorsiklo, habang pababa ng kanyang sasakyan upang magsimba kahapon ng umaga Ang biktimang tinamaan ng apat na bala sa dibdib ay kinilalang si Yolanda Ervas, 55, may-asawa, at residente rin sa bayang ito. ... Read More »

Kasambahay grabe sa boga ng selosong manliligaw

KRITIKAL ang kalagayan ng isang kasambahay matapos  barilin ng sinabing nagselos na  manlililigaw  habang naglalakad kasama ang inakalang boyfriend ng una sa Caloocan City kamakalawa ng gabi . Patuloy na inoobserbahan sa East Avenue Medical Center (EAMC) ang biktimang si Sara Jane Mabunga, nasa hustong gulang, residente  ng Norzagaray, Bulacan sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na ... Read More »

Seguridad sa pagkain sa PH dapat tiyakin

DAPAT maghanap ang mga Filipino nang higit na maaasahang agri-business ventures sa harap ng napipintong krisis sa pagkain sa mundo bunsod ng tumataas na presyo ng pagkain, ayon sa noted Filipino economist. Ang dahilan nito ay ang global climate change na nagdulot nang malawak na pinsala sa mga bansa. Sinabi ni Gonzalo Catan, Jr., executive ng MAPECON Green Charcoal Philippines ... Read More »

Nepomuceno new BoC-EG Dep Comm (Dating DND-OCD director)

SA PATULOY na paglilinis sa mga nalalabi pang tiwaling kawani ng Bureau of Customs (BOC) na nakikipagsabwatan sa smugglers sa pagsabotahe sa ekonomiya ng bansa, nagtalaga na ng bagong deputy commissioner si Pangulong Noynoy Aquino upang maging katuwang ni Customs Commissioner Ruffy Biazon sa pagreporma sa ahensya. Itinalaga ni Pangulong Aqunio si Ariel Nepomuceno bilang Customs Deputy Commissioner for Enforcement ... Read More »

Ka Freddie, Jovie ikakasal sa ritwal ng Muslim (Islam niyakap)

PAGKATAPOS magsagawa ng humanitarian mission para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda sa Visayas, tutuldukan naman ng opisyal ng lalawigang ito ang sinasabing kontrobersyal na romansa ni Filipino music icon Freddie Aguilar sa kanyang 16-anyos fiancé na si Jovie Gatdula Albao sa pamamagitan ng pagpapakasal sa dalawa sa ilalim ng Muslim rites. Sinabi ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu ... Read More »

Bill vs political dynasties aprub sa House Committee

SA kauna-unahang pagkakataon, inaprubahan ng House Committee on Suffrage ang consolidated bill na nagbabawal sa political dynasties sa Filipinas. Ipinagbabawal sa nasabing panukala ang pagtakbo sa kaparehong eleksyon ng asawa o kamag-anak ng incumbent ng hanggang “second degree of consanguinity or affinity.” Ipagbabawal din ang posibleng overlap ng magkakamag-anak sa termino sa pag-upo sa pwesto. Isiningit din ni Bayan Muna ... Read More »

Pagbasura sa PDAF no epek kay PNoy

HINDI naman ‘trapo’ (traditional politician) si Pangulong Benigno Aquino III kaya walang epekto sa kanyang pamamahala sa bansa ang pagkawala ng pork barrel. “Ang marami pong talakayan hinggil diyan ay lumilibot doon sa tema ng patronage politics na sa alam naman natin, ano, bahagi ng kultura ng politika sa ating bansa ay ini-uugnay din doon sa konsepto ng ‘trapo’ o ... Read More »

Aid ‘pag di ipinamudmod LGUs kakasuhan — DSWD

BINEBERIPIKA ng Department of Social Welfare and Development ang mga ulat na may apat na bayan sa Leyte ang hindi namamahagi ng relief supplies sa mga biktima ng bago bunsod ng kakulangan sa truck at gasolina. Ang nasabing mga bayan ay ang Dulag, Mayorga, MacArthur at Javier. Sinabi ni Social Welfare Secretary Dinky Soliman, ang bayan ng Javier ay may ... Read More »

Tanod ‘itinumba’ sa barangay outpost

INIIMBESTIGAHAN pa ng mga awtoridad ang pagkakapaslang sa isang barangay tanod, nang ratratin ng  dalawang armadong lalaki sa Quezon City, kamakalawa. Dinala agad sa punerarya ang bangkay ng biktimang si Agapito Aloro, 48-anyos,  ng 92 Saint Paul St., Brgy. Holy Spirit imbes sa ospital o magparesponde sa pulis. Sa ulat ni PO2 Ric Roldan Pitong ng Quezon City Police District ... Read More »

3 carnap sa Maynila sa loob ng 24 oras

SUNUD-SUNOD ang nakawan ng sasakyan sa Lungsod ng Maynila sa nakalipas na 24-oras, iniulat kahapon. Sa ulat, naitala ang unang insidente ng carnapping sa pagitan ng 12:30 hanggang 5:00 ng madaling araw kamaka-lawa (Nobyembre 20). Nakaparada umano sa tapat ng NTC building sa Nepomuceno St., Qu-iapo,  ang Isuzu NKR (CKS-286), pag-aari ni Paul John Velasco, 33,  ng Don Gregorio St., ... Read More »

5 broker swak sa smuggling

SINAMPAHAN ng kasong smuggling sa Department  of Justice (DoJ)  ng Bureau of Customs  (BoC)  ang limang broker  na nagpuslit ng bawang,  sibuyas at mansanas na nagkakahalaga ng P16.5-M, iniulat kahapon. Ayon kay Customs commissioner Ruffy Biazon, kinasuhan ang may-ari ng Silver Glade Enterprises na si Marcelo N. Gomez at Customs broker na si Ian Christopher Miguel, sa tangkang pagpapalusot ng ... Read More »

Binatilyo patay sa bugbog 3 bagets timbog

ARESTADO ang tatlong kabataang lalaki makaraang patayin sa bugbog ang isang binatilyo sa Urbiztondo, Pangasinan kamaka-lawa. Si Justin Solomon, 16, ay lumabas ng kanilang bahay para bumili ng mobile prepaid load sa Brgy. Batangcaoa nang bigla siyang kuyugin ng isang grupo ng mga kabataan, ayon sa pinsan ng biktima. Ang mga suspek na may gulang na 19, 18 at 16, ... Read More »

Baby boy pinugutan ng tatay

LAGUNA – Pinugutan ng ulo ang sanggol na lalaki ng kanyang sariling ama sa Brgy. Taft, bayan ng Pakil, sa lalawigan ng Laguna kahapon. Naganap ang insidente makaraan ang pitong araw matapos isilang ang biktimang si Vincent Charles Versoza ng kanyang inang si Jovelle Versoza. Sa ulat ni Senior Insp. Jojo Sabeniano, hepe ng Pakil Police, dakong 11 a.m. nang ... Read More »

Relief ops mabagal — Gazmin

INAMIN ni Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire Gazmin ang kanilang pagkukulang sa relief efforts at iba pang operasyon para sa pagtulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda. Naganap ito sa budget hearing ng Senado nang igisa ni Senador Juan Ponce Enrile ang DND at AFP bunsod ng kakulangan ng kanilang komunikasyon noong kasagsagan ng hagupit ng bagyong ... Read More »

Sorry ni Romualdez tinanggap ng Palasyo

TINANGGAP ng Palasyo ang paghingi ng paumanhin ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez kay Pangulong Benigno Aquino III bago bumalik sa Maynila ang Punong Ehekutibo kamakalawa mula sa dalawang araw na inspeksiyon sa relief operations sa Leyte at Samar. “Maganda iyong nangyari. Magandang development and we certainly welcome what developments transpired between the meeting—between the President and Mayor Alfred Romualdez,” ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved