Saturday , April 27 2024

News

Notoryus na gang member tiklo sa droga at boga

Arrest Posas Handcuff

NAGING matagumpay ang operasyon ng pulisya nitong Martes, 14 Marso, nang maaresto ang isang notoryus na miyembro ng criminal gang na kumikilos sa lalawigan ng Bulacan. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, matagumpay na naisagawa ng mga tauhan ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) at Pulilan MPS ang paghahain ng search warrant sa …

Read More »

Bangkay itinapon sa Bulacan
LOLA PINATAY NG SARILING ANAK, KRIMEN NASAKSIHAN NG APO

Dead body, feet

NATAGPUAN ng isang residente ang bangkay ng isang lola na nakasilid sa isang storage box at itinapon sa isang liblib na lugar sa Brgy. Matictic, sa bayan ng Norzagaray, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 11 Marso. Sa paunang imbestigasyon, pinalo sa ulo ang biktima na kinilalang si Maria Elena Villastique, 67 anyos, ng kanyang anak na si Raymond, 28 …

Read More »

Anjo hindi dadalo sa kasal nina Jomari at Abby

Anjo Yllana Jomari Yllana Abby Viduya

“MAG-USAP muna kami.” Ito ang isinagot ni Anjo Yllana nang matanong namin ito kung dadalo ba siya sa kasal ng kapatid na si Jomari kay Abby Viduya. Pero bago ito, inurirat muna namin ang aktor nang makausap sa media conference ng bagong show nila nina Kim Molina, Jerald Napoles, at Yayo Aguila, ang Team A: Happy Fam, Happy Life sa TV 5 kung bakit hindi siya kasama sa ginawang pamamanhikan ni Jomari sa …

Read More »

PH cyberattack defense mas pinatatag

Cyber Security NICA NGCP

MAYROON nang mas mahusay na depensa ang Filipinas laban sa mga pag-atake sa mga cybersystem nito kasunod ng paglagda sa isang memorandum of understanding (MOU) na tutulong sa premiere intelligence agency ng bansa. Sinabi ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kanyang pagsaksi sa paglagda ng MOU sa pagitan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Grid Corporation …

Read More »

Utos ni FM Jr.,
ANTI-TRAFFICKING CAMPAIGN PAIGTINGIN NG IACAT, PAOCC

TRAFFICKING IACAT

INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na palakasin at pagsamahin ang mga pagsisikap ng gobyerno at pribadong sektor upang labanan ang human trafficking. “The IACAT and the PAOCC must take the lead in harmonizing government initiatives, public private partnerships to thwart the business of human trafficking …

Read More »

Robin ‘di magmamakaawa kay Marcos para sa Cha-cha

Robin Padilla Bongbong Marcos

WALANG balak makipag-usap o magmamakaawa si Senador Robinhood “Robin” Padilla kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., upang baguhin ang desisyon na suportahan ang pagbabago ng ating Saligang Batas o Charter change (Cha-cha). Ayon kay Padilla hindi sakop ng ehukutibo ang lehislatura kung kaya’t hindi siya dapat magpasakop dito. Binigyang-linaw ni Padilla, bilang chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision …

Read More »

P16-M civil lawsuit inihain ng senador vs ex-DOE chief

031423 Hataw Frontpage

NAGHAIN si Senador Win Gatchalian ng P16-milyong civil lawsuit laban kay dating Energy secretary Alfonso Cusi bilang kabayaran sa sinabing mpaninira laban sa mambabatas. Inihain ni Gatchalian ang kaso noong 20 Pebrero 2023 na nai-raffle sa Branch 282 ng Valenzuela City Regional Trial Court (RTC). Sa kasong inihain ni Gatchalian, ang kabuuang hinihingi niya ay P10 milyon para sa moral …

Read More »

Gun law violator swak sa hoyo

gun ban

DINAKIP ng pulisya ang isang lalaking nahulihan ng mga hindi lisensiyadong baril at bala sa kanyang pag-iingat sa isinilbing search warrant sa bayan ng San Ildefonso, sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 11 Marso. Sa ulat na ipinadala ni P/Lt. Col. Russel Dennis Reburiano, hepe ng San Ildefonso MPS, kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, nagpatupad ang …

Read More »

Sa Subic drug bust
DRUG DEN OPERATOR, 4 GALAMAY TIKLO

shabu drug arrest

NASAKOTE ang limang tao na naaktohan sa loob ng isang drug den sa ikinasang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Matain, Subic, Zambales, nitong Sabado, 11 Marso. Sa ulat mula sa Philippine Drug Enforcement Agency, kinilala ang mga arestadong suspek na sina Roberto Javier, 58 anyos, drug den maintainer; Aljan Jawatan, alyas John Mohammad at Barang; Dante Manalili, 55 …

Read More »

Mayor Marcos Mamay life story, tatampukan ni Jeric Raval

Jeric Raval Marcos Mamay

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKAHUNTAHAN namin kamakailan si Direk Neal “Buboy” Tan at nalaman namin na si Ara Mina ay pinalitan si Patricia Javier as wife of Mayor Marcos Mamay dahil ‘di siya puwedeng mag-shoot sa Lanao ‘coz may prior commitment daw ang aktres sa buong buwan ng March. Umaarangkada na ngayon ang shooting ng biopic ng masipag na …

Read More »

Digital Media Literacy ilulunsad
MARCOS ADMIN ‘KASADO’ VS FAKE NEWS

031323 Hataw Frontpage

ni Rose Novenario ILULUNSAD ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang  isang Digital Media Literacy campaign ngayong taon sa layuning magbigay ng kaalaman at mga kasangkapan sa mga pinakamahinang komunidad upang makilala ang katotohanan. Sinabi ito ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Cherbett Karen Maralit sa ginanap na CyberSafe Against Fake News: Being Smart, Being Safe and Staying …

Read More »

Pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa Pasay

Emi Calixto-Rubiano Zumba Pasay

KASABAY ng pagdiriwang ng buwan ng kababaihan, mahigit 1,000 babae at lalaki ang sabay-sabay na sumayaw o umindak sa pangunguna ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano kasama sina Vice Mayor Ding Del Rosario, District 1 Councilor Mark Calixto, Joey Calixto Isidro, Grace Santos, Donna Vendivel, at Ding Santos ang nakilahok sa programa. Nagbigay ang lokal na pamahalaan kahapon ng serbisyo …

Read More »

Be bolder, braver, and more confident at SM Supermalls’ Women’s Month celebration!

SM Womens Month feat

Ladies, take center stage as SM celebrates Women Power throughout the month of March. Lots of activities both online and on-ground are in store to empower women and girls all over the country. Ready to break the code. (From L-R) SM Supermalls President Steven T. Tan joins Philippine Commission on Women Executive Director Atty. Kristine Yuzon-Chaves, Philippine Vice President Sara …

Read More »

Sa Pag-asa Island
54 MAG-AARAL DUMARANAS NG TRAUMA, P.4-M NALUGI SA MGA MANGINGISDA

Sa Pag-asa Island 54 MAG-AARAL DUMARANAS NG TRAUMA, P.4-M NALUGI SA MGA MANGINGISDA

DUMARANAS ngayon ng trauma ang mahigit 54 mag-aaral sa Pag-asa Integrated School sa Pag-asa Island dahil sa nakikitang naglalakihan at tila pandigmang barko ng mga Intsik na nakahimpil sa West Philippine Sea. Kinompirma ito ni Realyn Limbo, ang teacher in-charge sa naturang paaralan, at aniya’y nagtitiyaga silang magklase sa pagitan ng mga kurtina para dahil sa kawalan ng silid aralan. …

Read More »

THE WHO: Gov’t engineer, may borloloy  na P12-M relo, luxury jacket

the who

ISANG engineer na nagsisilbing undersecretary ng isang ahensiya ng pamahalaan ang sinabing ‘laman ng marites online’ dahil hanggang sa kasalukuyan ay hindi namamatay ang usapan hinggil sa ‘shocking’ na presyo ng kanyang suot na relo at luxury brand jacket.                Usap-usapan sa grapevine, kung ang gobyernong Filipino ay gaya sa China, tiyak na isasailalim sa imbestigasyon ang government engineer na …

Read More »

Sa isang-linggong transport strike
F2F CLASSES SA NAVOTAS, SUSPENDIDO

Navotas

INIANUNSIYO ng pamahalaang lungsod ng Navotas na suspendido muna ang onsite o face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod simula 6 Marso hanggang 12 Marso 2023.  Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay para hindi maabala ang mga mag-aaral at masiguro ang kanilang kaligtasan habang may transport strike. “Distance learning modality through online …

Read More »

Camanava LGUs, nagbigay ng Libreng Sakay sa commuters

jeepney

UPANG tiyakin ang kaligtasan at hindi maabala ang commuters sa kanilang pupuntahan sa pagsisimula ng unang araw ng tigil-pasada, agad umalalay at nagbigay ng Libreng Sakay ang mga local government units (LGUs) ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela. Sa Caloocan, higit 65 sasakyan ang ipinakalat ng pamahalaang lungsod upang magbigay ng libreng sakay sa iba’t ibang ruta sa buong lungsod, …

Read More »

Chacha aprub sa Kamara

congress kamara

ni Gerry Baldo APROBADO sa Kamara de Representantes ang panukalang Charter Change upang amyendahan ang mga probisyon patungkol sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng Constitutional Convention. Nakakuha ito ng 301 boto laban sa anim. Isa ang hindi bomoto. Ayon sa mga nagsusulong nito, magkakaroon ng maraming trabaho ang mga Pinoy at darami ang kita ng bawat isa dahil dito. …

Read More »

PAYAPANG TRANSPORT STRIKE APELA NI LACUNA, P/BGEN. DIZON
Oplan Libreng Sakay ‘wag gambalain

Oplan Libreng Sakay

“HUWAG na po ninyong ituloy, kung may balak manggulo, dahil nakahanda po ang ating pulisya na panatilihin ang peace and order sa ating lungsod.” Ito ang pagtitiyak at apela ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan, makaraang pangunahan ang kick-off ceremony ng deployment ng mahigit  300 sasakyan na gagamitin sa “Oplan Libreng Sakay” simula 5:00 am nitong Lunes, hatid ng …

Read More »

2 patay, 2 sugatan sa sunog sa QC

fire dead

PATAY ang dalawa katao habang dalawang iba pa ang sugatan sa isang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Quezon City, Lunes ng umaga. Kinilala ang mga namatay na sina Lophel Dioso, 50, at Ghian Andrew, 16, kapwa residente sa naturang lugar. Samantala, ang sugatan naman ay kinilalang sina Mike Milallos at Gelin Dioso, 48, may mga paso sa …

Read More »

Eat Bulaga papalitan ng Wow, Bulaga; Tanggapin kaya ni Willie na  palitan ang TVJ?

TVJ  Tito Vic and Joey Willie Revillame

I-FLEXni Jun Nardo WALANG  narinig na announcement sa Eat Bulaga noong Sabado ang loyal viewers ng programa kaugnay ng naglalabasang tsismis sa social medi at vlogs. Eh nitong nakaraang lingo, iba’t ibang tsimis ang kumalat na may kaugnayan sa Bulaga gaya ng umano ay pagtanggal kay Mr. Tony Tuviera bilang Chairman ng TAPE. Inc., producer ng EB, pagpalit sa Tito, Vic and Joey, pagiging title ng show na Wow, Bulaga dahil kukunin si Willie …

Read More »

PPA-CRMS nakakuha ng mataas na grado sa ARTA

Philippine Ports Authority PPA

PAGKATAPOS ng maingat na pagsasaalang-alang at serye ng mga pagsusuri, ang Philippine Ports Authority Administrative Order (PPA-AO) No. 04-2021 o ang “Policy on the Registration and Monitoring of Containers” at ang Implementing Operating Guidelines nito ay nakakakuha ng greenlight mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA). Naisumite ng PPA sa ARTA ang regulatory impact statement ng Trusted Operator Program- Container Registry …

Read More »

Pag uusap ng magulang at anak tulay para iwas depresyon — Solon

2 People Talking

HINIHIMOK ni San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes, ang pamunuan ng Kamara na ideklara ang buwan ng Febrero bilang “Buwan ng Nag-uusap na Pamilya.” Mungkahi ni Rep. Robes, dapat manguna ang pamahalaan upang matugunan ang tumataas na kaso ng mga problema sa kalusugan ng isip sa hanay ng mga kabataan. Nitong Martes, itinaas ni Rep. Robes ang …

Read More »