Wednesday , January 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 501)

Category Archives: News

Feed Subscription

Osang singer na sa Israel

MATUTULOY na ang pagiging professional singer ni Rose “Osang” Fostanes sa Israel,  matapos magdesisyon si Israeli Interior Minister Gideon Saar, personal na nagtu-ngo sa Population and Immigration Authority at iniutos na bigyan permiso ang Pinay “X Factor Israel” winner na maka-pagtrabaho bilang professional singer. “Minister Saar deci-ded to agree to her [Fostanes] request and allow her a work permit as ... Read More »

Kho scion inutas, GF niluray ng holdapers

CAMP OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang college student na miyembro ng isang kilalang pamilya nang barilin ng mga holdaper habang ginagahasa ang nobya niyang kolehiyala sa Brgy. Mangan-Vaca, Subic, Zambales, kamakalawa ng madaling araw. Agad namatay ang biktimang si Jaybhee Kho, 18, anak ng prominenteng angkan, dahil sa tama ng baril sa sentido, habang kritikal ang kalagayan sa pagamutan ... Read More »

NCRPO official kritikal sa ambush

KRITIKAL ang kalagayan ng isang opisyal ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Calamba City, Laguna, kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Supt. Vilma Sarte, nakatalaga sa Finance Department ng NCRPO. Ayon kay Laguna Police Director, Senior Supt. Pascual Muñoz, inoobserbahan sa Calamba Doctor’s Hospital ang biktima  bunsod ng tama ng bala ... Read More »

Sobrang lamig sa Baguio, Benguet nagdulot ng sakit

BAGUIO CITY – Patuloy ang babala ng Department of Health-Cordillera (DoH-CAR) sa publiko hinggil sa epekto ng patuloy na pagbaba ng temperatura sa lungsod ng Baguio at sa lalawigan ng Benguet. Ito ay matapos maitala ngayon linggo ang nasa 18 katao na naospital sa Baguio Ge-neral Hospital and Medical Center dahil pa rin sa influenza-like illnesses tulad ng ubo at ... Read More »

Ethiopian nilason Pinay minaltrato (Mag-asawang Emirati 15 at 3 taon kulong )

PARUSANG pagkabilanggo ng 15-taon sa isang ginang na Emirati, at tatlong taon naman sa kanyang mister, ang hatol ng United Arab Emirates nang mapatunayang pinahirapan ang kasambahay na Pinay at Ethiopian. Namatay ang Ethiopian na kasambahay nang pwersahang painumin ng pesticide ng akusado. Nauna nang nagkaroon ng pneumonia ang Ethiopian dahil sa naimpeksiyong sugat mula sa pambubugbog ng mag-asawa. Sa ... Read More »

Muntinlupa bettor solo winner ng P155-M lotto jackpot

ISANG taga-National Capital Region (NCR) ang maswerteng nanalo ng mahigit P155 million jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi. Ayon sa impormasyon mula sa PCSO, nagmula sa lungsod ng Muntinlupa ang solo winner ng Grand Lotto na nakakuha ng six di-git number combinations na binubuo ng 02-38-32-19-08-03 na ang premyo ay nasa ... Read More »

63-anyos lolo pinatay ng apo

BUTUAN CITY – Pinaghahanap ng pulisya sa Bayugan City sa lalawigan ng Agusan del Sur ang lalaking tumaga at nakapatay sa kanyang lolo sa Purok 14, Sitio Mambaak, Brgy. Salvacion, Bayugan City. Kinilala ang biktimang si Panfilo Aguilar Penas, 62, biyudo, isang magsasaka, habang ang suspek ay si Rey Aguilar Jupia, kapwa residente sa nasabing lugar. Sinasabing posibleng naganap ang ... Read More »

8 ‘minero’ kalaboso sa ‘Ops Pawnshop’

WALONG miyembro ng acetylene gang ang nasakote ng pinagsanib ng mga elemento ng QCPD-CIDU at PNP-CIDG matapos tangkain looban ang isang pawnshop sa Villongco St., Commonwealth, Quezon City. (ALEX MENDOZA) NASAKOTE ang pitong lalaki at isang babae sa aktong paghuhukay sa inuupahang apartment sa Barangay Commonwealth, Quezon City, Lunes ng gabi. Hinihinalang mga miyembro ng “Acetylene Gang” ang mga suspek ... Read More »

2 parak niratrat 1 patay, 1 kritikal

PATAY agad ang isang pulis habang malubha ang kalaga-yan ng kanyang kasama makaraang pagbabarilin sa isang karinderya sa Brgy. San Agustin, Hagonoy, Bulacan. Kinilala ang namatay biktima na si Alex Francisco, 37, residente ng Brgy. Sto. Nino, at nakatalaga sa Aurora Provincial Office. Inoobserbahan sa Bulacan Medical Center ang ksamang pulis ni Francisco na si PO1 Jaydee Ventura ng Hagonoy ... Read More »

Ret. PNP general swak sa Jueteng (Ilegal na sugal sa D6 ng Pangasinan)

PANGASINAN – Muling umarangkada ang ilegal na sugal dito, partikular sa Distrito 6, at sinasabing isang retiradong heneral at dalawang aktibong kernel ng PNP ang umano’y nasa likod nito. “Kailangan ay kastigohin ng Camp Crame ang dalawa nilang opisyal na nakatalaga rito sapagkat sila ang taga-pagpatupad ng jueteng operations ng retired PNP general na hayagang sumasalaula sa “daang matuwid” ng ... Read More »

Hinalay, pinatay 6-anyos nene natagpuan sa Plaza Dilao

ISANG batang babae ang hinihinalang biktima ng rape ang natagpuang patay sa bangketa malapit sa Plaza Dilao, Paco Maynila,  kahapon  ng umaga. Kinilala ang biktimang si Arlyn Joy Balolong, ng 872 Pandacan, kinompirma sa pulisya ng ina ng biktimang si Elizabeth Balolong, 38, ng nasabing lugar. Ayon kay Elizabeth, dakong 10:00 ng gabi, nang huli niyang makita ang anak sa ... Read More »

Lolo nahulog sa alagang baka napisak sa truck

NAPISAK ang katawan ng isang 72-anyos lolo nang mahulog sa sinasakyang alagang baka saka nasagasaan ng truck sa Bugallon, Pangasinan. Sa imbestigasyon, patungo sa bukid ang biktimang si Rogelio Gamueda ng Brgy. Baybay Sur, Aguilar, para bisitahin ang mga pananim nang aksidenteng mahulog sa sinasakyang baka at nasagasaan ng truck. Nabatid na nag-overtake ang nasabing truck at nagkataon nalaglag ang ... Read More »

‘Titser’ timbog sa pandurukot

KULONG ang isang mandurukot na nagpakilalang teacher, matapos mabuking ng kanyang dinudukutan sa isang pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Kinilala ang suspek na si  Roel Santiago, 29-anyos, nagpakilalang teacher, naka-assign sa Departmnet of Education (DepeD) Valenzuela, pero walang maipakitang pagkakakilanlan. Sa reklamo ng biktimang si Anthony Chan, 47-anyos, sakay siya ng pampasaherong jeep dakong 9:00 ng gabi ... Read More »

Wagi sa cara y cruz itinumba

TIGOK  ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek, kahapon sa Quezon City. Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Detection Unit (QCPD-CIDU), kinilala ang biktimang si Raymond Masela, 27-anyos, residente ng Covenant Village, Brgy. Sila-ngan. Ani PO2 Rhic Roldan Pittong, dakong 1:00 ng madaling araw nang mangyari ang insidente sa covered court ng nabanggit na barangay. ... Read More »

Negosyante, driver grabe sa ratrat

NASA malubhang kalagayan sa Bulacan Medical Center sa MAlolos City ang dalawang lalaki makaraang pagbabarilin ng dalawang salarin na lulan ng motorsiklo sa Brgy. Caypombo, bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan. Ang mga biktima na inoorserbahan ang kalagayan sa pagamutan ay kinilalang sina Ronald Velasquez, 35, school service driver, at John Joaquin 24, negosyante, kapwa nakatira sa Las Palmas ... Read More »

Tibo grabe sa tarak ng pinsan

NAUWI sa trahedya ang masayang inuman nang pagsasaksakin ang 33-anyos tomboy ng sariling pinsan, nang tuksuhing torpe sa panliligaw ng kapwa babae, sa Taguig City kamakalawa ng ha-tinggabi . Kinilala ni Taguig police chief Senior Supt. Arthur Felix Asis, ang biktimang si Janita Pre-Era, mensahera, ng 27-B Taal St., Palar Village, Brgy Pinagsama, at kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang tumakas ... Read More »

Negosyante todas sa ambush (Ate ng suspek tinalo)

PITONG bala ng kalibre.45 pistol ang pumatay sa 46-anyos negosyante matapos pagbabarilin ng dalawang sakay ng motorsiklo kamakalawa ng umaga sa Antipolo City. Kinilala ni Supt. Arthur Masungsong, chief of police, ang biktimang si Florencio Flores, nakatira sa #10 Bayabas St., Brgy. Cupang ng lungsod, habang mabilis na tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklong walang plaka. Sa imbestigasyon ni ... Read More »

P26.5-B Skyway Stage 3 solusyon vs trapik

POSIBLENG matuldukan na ang perwisyong dulot ng mabagal na daloy ng mga sasakyan sa Metro Manila sa 2017 sa pamamagitan ng konstruksyon ng P26.5 bilyong Skyway Stage 3 project na magdudugtong sa South Luzon Expressway sa North Luzon Expressway. Pangungunahan ngayon ni Pangulong Benigno Aquino III ang paglulunsad ng 14.8 kilometrong expressway na magsisimula sa Buendia Ave., Makati City at ... Read More »

16-anyos buntis patay sa tandem (Sumama sa may asawa)

CAMP OLIVAS, Pampanga – Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang 16-anyos buntis makaraang pagbabarilin ng riding in tandem kamakalawa ng umaga sa tapat ng inuupahan nilang bahay sa Block 100, 1-12 National Housing Authority (NHA) Resettlement Center sa Brgy, Pandacaqui, bayan ng Mexico. Base sa ulat ni Supt. Samuel Sevilla, hepe ng Mexico Police, sa tanggapan ni Chief ... Read More »

93-anyos lola nalitson sa sunog

NALITSON ang 93-anyos lola nang makulong sa nasusunog na bahay sa Brgy. Del Rosario, Milaor, Camarines Sur. Sunog na sunog ang biktimang si Estelita David nang matagpuan ang bangkay pagkatapos maapula ang sunog. Sa imbestigasyon, nagsimula ang apoy nang madikit sa kurtina ang nakasinding kandila sa altar. Hindi agad namalayan ng biktima ang sunog kaya mabilis itong kumalat. Dahil sa ... Read More »

Manila Seedling Bank, idenemolis na

Natuloy na ang paggiba sa mga estruktura ng Manila Seedling Bank Foundation sa kanto ng Quezon Avenue at Agham Road, Barangay Pag-asa, Quezon City. Dakong 9:00 Lunes ng umaga, inumpisahang gibain ang mga gusali ng seedling bank matapos mapaso ang 20-araw  palugit na ibinigay ng lokal na pamahalaan sa mga umuupa roon para mag-self demolish at lisanin ang lugar. Karamihan ... Read More »

Mister, grabe sa ligaw na bala

KRITIKAL ang kalagayan ng isang mister,  matapos masapol ng ligaw na  bala habang nasa inuman kasama ang kaibigan sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Inoobserbahan sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang si Eduardo Acosta, 34-anyos, ng Santos St., Brgy. San Agustin, ng lungsod sanhi ng isang tama ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa likod. Isang ... Read More »

Yolanda survivor sa Tent City balik-Tacloban na

Uuwi na sa Tacloban nga-yong Martes ang mga ‘Yolanda’ survivor na panandaliang nanatili sa Tent City sa Pasay. Ayon kay Rosalinda Orobia, head ng Pasay City Social Welfare Service, babalik na ang 26 pamilyang nanuluyan sa Tent City. Sagot ng mga non-government organizations (NGOs) at iba’t ibang ahensiya ng gobyerno ang pag-uwi ng mga biktima sakay ng 4 na bus ... Read More »

US police naalarma sa Sinaloa drug cartel

Nababahala  ang  mga opisyal ng San Francisco Police sa Amerika sa ulat na nakapasok na sa Filipinas ang Mexican Sinaloa drug cartel. Sa isang panayam sa Camp Crame, sinabi ni retired police Lt. Eric Quema ng San Francisco Police, kilala ang naturang sindikato sa pagi-ging marahas sa bansang Mexico. Aniya, maraming insidente ng pamumugot at pag-likida ng sindikato upang ipa-rating ... Read More »

Piso mula sa magsasaka reward vs Bangayan

PISO-PISO DRIVE. Ibinigay ng mga miyembro ng iba’t ibang irrigation groups kay Senator Cynthia Villar, chair of the senate committee on agriculture, ang kabuuang P55,000 halaga ng piso na kinalap mula sa kanilang mga kasapi bilang pabuya sa mabilis na ikadarakip ng lahat ng  rice smugglers, kabilang si David Tan, ang umano’y ‘Goliath’  sa rice smuggling. Bubusisiin ni  Villar  bukas ... Read More »

Scroll To Top