Monday , February 18 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 490)

Category Archives: News

Feed Subscription

Backer ni Lee pangalanan (Hamon ni Mar kay Binay)

HINAMON ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas si Vice-President Jejomar Binay na pangalanan ang sinasabing “influential person” na nagtangkang harangin ang pag-aresto ng mga awtoridad sa negosyanteng si Delfin Lee. Kaugnay nito, muling iginiit ng kalihim na nanatili pa rin sa “wanted persons’ list” ng Philippine National Police si Lee na nahaharap sa P7-billion syndicated estafa case. Dagdag ... Read More »

Bakla/tomboy sa Palasyo, OK sa Gabriela

APRUBADO sa Gabriela Party-List na maging susunod na pangulo ng Filipinas ang bakla o tomboy. Ito ang posisyon ni Gabriela Rep. Luz Ilagan makaraan ipahayag ni Senadora Miriam Defensor-Santiago na babae dapat ang susunod na maging presidente ng bansa. Ayon kay Ilagan, wala silang kinikilingan kung babae, lalaki o miyembro ng LGBT (lesbian, gay, bi-sexual at transgenders) ang susu-nod na ... Read More »

No biometrics voters disqualified sa 2016 elections

TINATAYANG aabot sa milyon mga botante ang posibleng ‘di makaboto sa 2016 elections sa dahilang wala silang biometrics,  kahit pa sila registered voter. Sa ipinahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez,   marami sa mga registered  voters na nasa master list ang wala pang biometrics. Sila ang mga botanteng nakapagparehistro bago pa ilunsad ang modernisasyon sa voters registration noong 2004, nu’ng hindi ... Read More »

Tuason may 80 bank accounts

IPINAUUBAYA ng Malacañang sa Department of Justice (DoJ) ang pagdetermina sa kwali-pikasyon ni Ruby Tuason bilang state witness sa pork barrel scam. Ito’y makaraang lumabas ang balitang nagtataglay ng 80 local at international bank accounts si Tuason. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, tungkulin ng DoJ na alamin kung karapat-dapat pang mapasama sa mga testigo si Tuason. Ayon kay Coloma, ... Read More »

60-anyos lolo ‘tumirik’ bago ‘makatarak’

BIGLANG nanigas  habang nangingisay ang 60-anyos  lolo, nang makaharap ang hubo’t hubad  na guest relations officer (GRO)  sa loob ng isang kwarto ng  apartelle sa Caloocan City,  iniulat kahapon ng umaga. Dead on the spot ang biktimang si Cesar  Cueto, 60-anyos, ng Lot 11, Block E-1 Dagat-Dagatan, sanhi ng  paninikip sa dibdib. Sa ulat ni PO3 Rommel Bautista, may hawak ... Read More »

Raket ni Dinky ibinisto ng madre (Cash for testimony ng Yolanda victims ‘pampabango’ ng DSWD)

HINAMON ng Malacañang ang madreng nagbulgar ng sinasabing “cash-for-testimony” raket ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman para pabanguhin ang imahe ng DSWD sa Yolanda relief operations, na maglabas ng ebidensya kaugnay sa nasabing anomalya. Hamon ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kay Benedictine Sister Edita Eslopor na magharap ng konkretong katunayan dahil hindi aniya tungkulin ... Read More »

Misis swak sa intentional abortion (Imiskor ng cytotech)

NAKARATAY  sa ospital ang isang 31-anyos ginang na pinaniniwalaang  nagpalaglag ng kanyang ipinagbubuntis sa Sta. Mesa, Maynila, iniulat kahapon Sa ulat ng pulisya, posibleng kasuhan ng intentional abortion ang ginang na kinilalang si Johannah Binghoy. Dakong  3:30 am nitong Martes isinugod si Binghoy ng mga kapitbahay sa Universty of the East Ramon Magsaysay Hospital, dahil sa hindi maampat na pagdurugo ... Read More »

Debotong parak dedo sa hit & run

SUMUBSOB na walang buhay ang debotong pulis na si Dave Elopitan nang mabundol ng jeep na biyaheho ng gulay habang lulan ng kanyang motorsiklo sa kanto ng San Marcelino at Remedios streets, sa Paco, Maynila. (ALEX MENDOZA) PATAY ang debotong pulis nang banggain ng at takbuhan ng isang jeepney na naghahatid ng gulay sa Paco. Maynila kaha-pon ng madaling araw. ... Read More »

Tibo binasted bebot tinarakan ng balisong sa ulo

TARAK ng balisong sa ulo ang natanggap ng isang babae nang hindi pansinin ang panliligaw ng isang lesbian sa Malabon City, kamaklawa ng gabi. Ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Mylene dela Cruz, 19-anyos, ng Block 10-D, Lot 20, Phase 1, E-1, Pla-Pla St., Brgy. Lo-ngos ng lungsod, sanhi ng saksak sa ulo ng balisong, ... Read More »

BoC examiner 6 taon kulong sa 5 kaso ng perjury (SALN dinaya )

ANIM na taon kulong ang inihatol ng korte sa examiner ng Bureau of Customs,  na napatunayang nandaya sa kanyang  statement of assets, liabilities and net worth (SALN) at nagkasala ng limang beses na paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act o Republic Act 3019. Sa ponente ni Judge Amalia S. Gumapos-Ricablanca ng  Manila Metro-politan Trial Court (MTC) Branch 15,  ipinag-utos ... Read More »

Habeas corpus ni Delfin Lee kinatigan ng CA

PINAGPAPALIWANAG ng Court of Appeals (CA) ang NBI at PNP na umaresto noong nakaraang linggo kay Globe Asiatique president Delfin Lee, kung ano ang kanilang naging basehan para arestuhin at ikulong ang negosyante sa kasong syndicated estafa. Ito’y makaraan pa-boran ng CA Special 1st Division ang petition for writ of habeas corpus ng kampo ni Lee. Sa kautusan ni Associate ... Read More »

FOI bill ‘di urgent kay PNoy

MALABONG sertipikan bilang urgent ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang Freedom of Information (FOI) bill na bagamat lusot na sa Senado ay nakabinbin pa rin sa mababang kapulungan ng Kongreso. Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, maingat ang Pangulong Aquino sa paggamit ng kanyang kapangyarihan para mag-certify ng panukalang batas. Ayon kay Coloma, mas mainam na magkaroon nang malayang ... Read More »

Palasyo walang paki sa prepaid na koryente

WALANG plano ang Palasyo na pigilan ang Manila Electric Company (Meralco) sa pagpapatupad ng prepaid electricity service (PRES), na mistulang electronic load sa cellular phone, kahit may posibilidad na pwedeng ikarga rito ang power rate hike upang hindi mamalayan ng milyon-milyong consumer. “Meralco’s prepaid scheme in the supply of electricity falls within the ambit of authority of the ERC, which ... Read More »

3-M Pinoy tambay isinisi sa kalamidad

GINAWANG ‘escape goat’ ng Palasyo ang nagdaang mga kalamidad sa paglobo ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., palalakasin ng administrasyong Aquino ang programang lilikha ng trabaho lalo na sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad. Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority, tumaas ng 7.5 percent ang unemployment rate noong Enero ... Read More »

Benepisyo ng beterano pinapupunuan ni Trillanes

UPANG mapunuan ng gobyerno ang kakulangan sa benepisyo ng mga beterano at retiradong sundalo, isinulong ni Senador Antonio ”Sonny” F. Trillanes ang pagpasa ng Senate Bill No. 166, naglalayong maglaan ng pondo upang agarang mabayaran ng gobyerno ang mga kakulangan sa pensyon at benepisyo ng mga beterano. Sa pagdinig ng Committee on National Defense and Security, sinabi ng chairman nito ... Read More »

15-anyos 2 taon sex slave ni tatay

“GUSTO ko mabulok siya sa kulungan!” Pahayag ng 15-anyos dalagita, na kinilala sa alyas na Maribeth, nang dumulog sa Taguig City police, na inireklamo ang sariling amang si Daniel, na gumahasa sa kanya simula noong 2012. Sa pahayag ng dalagita kay PO3 Magdalena Palacsa, imbestigador ng Women & Children’s Protection Desk, 13-anyos pa lamang siya nang una siyang gahasain ng ... Read More »

Umali inarbor si Delfin Lee?

PAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang ang ulat na tangkang pag-arbor ni Mindoro Gov. Alfonso Umali, sa negosyanteng  si Delfin Lee, matapos arestuhin ng Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ng gabi. Ayon kay Communications Secretary Hermino Coloma, Jr., kailangan makuha ang panig ni Umali at ng PNP hinggil sa insidente dahil ang detalyeng nakarating sa Palasyo ay mula sa mga ulat sa ... Read More »

Malaysia Air bumagsak sa Vietnam (227 pasahero, 12 crew missing)

ISANG eroplano ng Malaysian Airlines ang pinaghahanap matapos mawalan ng contact at hinihinalang bumagsak malapit sa Vietnam, iniulat kahapon. Sakay ng eroplano ang 227 pasahero kabilang ang dalawang sanggol at 12 crew. Sa inilabas na pahayag ng Malaysia Airlines dakong 7:24 ng umaga, nawalan ng contact sa Subang Air Traffic Control ang flight MH370. Alas 2:40 am, ang huling komunikasyon ... Read More »

Biggest women’s symbol para sa Guinness

Biggest women’s symbol para sa Guinness. Bilang paggunita sa pagdiriwang ng Women’s Month bumuo ng Woman Symbol ang  Philippines Commission on Women sa pakikipagtulungan ng Coca-Cola, Philippines, na may titulong “Sulong Juana” sa Quirino Grandstand, Maynila. Tinatayang mahigit sa 10,000 kababaihan ang lumahok at maaaring pumasok sa Guinness World Records bilang  pinakamalaking ‘human formation’ ng Women’s Symbol. (BONG SON) Read More »

1 babae kada oras nagagahasa sa Pinas (Ayon sa Gabriela)

NAGULAT ang Palasyo sa ulat ng women’s rights group Gabriela na isang insidente ng panggagahasa ang nagaganap sa bansa sa bawat isang oras at 55 minuto sa nakalipas na dekada. Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, beberipikahin ng Palasyo ang datos kasabay ng pagtiyak na nakikiisa ang pamahalaan sa adbokasya ng Gabriela na protektahan ang mga kababaihan. “ I ... Read More »

Delfin Lee arestado sa P7-B Syndicated Estafa

IKINULONG na sa National Bureau of Investigation (NBI) detention facility sa San Fernando City, Pampanga ang negosyanteng si Delfin Lee na nahaharap sa kasong P7 bilyon syndicated estafa. Batay sa commitment order ng korte, doon muna mamamalagi si Lee hangga’t hindi nareresolba ang usapin sa mosyon ng kanyang kampo. Nauna rito, hindi pinayagan ng korte ang hiling ng kampo ng ... Read More »

Kredebilidad ni Cunanan isinalang sa Senado

KINUWESTYON ng mga senador ang kredibilidad ng panibagong testigo ng Department of Justice (DoJ) na si Technology Research Center (TRC) Director General Dennis Cunanan kaugnay ng multi-billion peso pork barrel scam. Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee, kabilang sa mismong bumusisi sa kredibilidad ng testigo ay ang dating RTC judge na si Sen. Miriam Defensor-Santiago partikular sa naging testimonya ... Read More »

Vhong niresbakan si Cabañero

TULUYAN nang naghain ng kasong perjury ang TV host/actor na si Ferdinand “Vhong” Navarro laban sa aspiring beauty queen na si Roxanne Cabañero. Dakong hapon kahapon nang magtungo sa Pasig Prosecutor’s Office si Navarro. Ayon sa legal counsel niyang si Atty. Alma Mallonga, kung may sapat na oras pa ay magsasampa rin sila ng parehong reklamo sa Manila Prosecutor’s Office. ... Read More »

2 pares ng mag-asawa nag-duelo 1 patay, 3 sugatan

LEGAZPI CITY – Nauwi sa madugong away ang masayang inoman ng magkapitbahay na pares ng mag-asawa sa Sitio Bagong Sirang, Brgy. Panique, Aroroy, Masbate. Kinilala ang mga sugatan na sina Ricardo Gongje, Jr., Joseph Escoto, 35, at misis niyang si Dina Escoto, pawang may mga tama ng baril at saksak sa kanilang katawan. Agad binawian ng buhay sa pinangyarihan ng ... Read More »

Militant group sugatan sa protesta vs Palasyo

EDUKASYON-EDUKASYON! Ito ang sigaw ng mga kabataang estudyante ng Gabriela Youth habang sumusugod sa Gate 4 ng Malacañang upang ipa-rating kay Pangulong Benigno Aquino III ang kanilang hinaing kaugnay sa pagtaas ng tuition fee. Agad silang itinulak ng mga pulis at mga miyembro Presidential Security Group (PSG) kaya nagkasakitan ang dalawnag panig.  (BONG SON) MARAMI ang nasugatan nang pwersahang buwagin ... Read More »

Scroll To Top