Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News (page 42)

Category Archives: News

Feed Subscription

3 sugatan sa sunog sa Mandaluyong

SUGATAN ang tatlo katao habang 30 bahay ang natupok sa naganap na sunog sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, nitong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng pulisya, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagmula sa isang junk shop na puno ng “highly-combustible materials” o materyal na madaling masunog tulad ng plastik at diyaryo. Ayon sa Bureau of Fire ... Read More »

12,000 residente inilikas (Alboroto ng Mayon patuloy)

LUMIKAS ang umaa­bot sa 3,061 pamilya o 12,044 katao dahil sa patuloy na pag-aalboroto ng Bulkang Mayon, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council  nitong Lunes. Kabilang sa sa mga inilikas ang mga residente mula sa bayan ng Camalig, Guinobatan at Malilipot, na nasa paanan ng Mayon, ayon kay NDRRMC spokesperson Romina Marasigan. Magkakaroon din aniya ng forced ... Read More »

CHEd chair nagbitiw (Resignation tinanggap ng Palasyo)

NAGBITIW sa puwesto si Commission on Higher Education Chairperson Patricia Licuanan nitong Lunes, sinabing panahon na para umalis maka­raan makatanggap ng tawag mula sa Malacañang. Sinabi ni Licuanan, tinawagan siya ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong weekend at inutusan siyang bumaba sa puwesto bago matapos ang kanyang termino sa Hulyo 2018. “I have decided it is time to go. It ... Read More »

Press freedom hindi isyu — Palasyo

WALANG kinalaman ang isyu ng press freedom sa pasya ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang certificate of registration ng online news site Rappler. Binigyan-diin ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang punto ng SEC decision ay paglabag ng Rappler sa probisyon ng Saligang Batas na dapat ay 100% Filipino ang may-ari at namamahala ng kompanya ng mass media ... Read More »

Rappler’s registration kinansela ng SEC

IGINAGALANG ng Palasyo ang de-sisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) na kanselahin ang certificate of registration ng online news site Rappler dahil hindi mga Fi-lipino ang mayorya ng may-ari nito. “We respect the SEC decision that Rappler, the strict requirements of the law, that the ownership and the management of mass media entities must be wholly-owned by Filipinos,” sabi ... Read More »

Duterte dadalhin ng digital PTV sa kanayunan

MAAARI nang makasalamuha si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga nakatira sa liblib na bahagi ng bansa sa pamamagitan ng Digital Terrestial Television Broadcasting System ng People’s Television (PTV). Sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar, sa inilunsad na digital PTV kamakailan ay libre at mas malinaw na mapapanood ng mga nakatira sa kanayunan ang mga programa ng pamahalaan gayondin ang babala ... Read More »

3 mahistrado haharap sa impeachment vs CJ Sereno

INAASAHANG tatlong  mahistrado ang dadalo sa pagdinig ng House Committee on Justice ngayong umaga (Lunes) sa impeachment proceedings laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Kinompirma ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng komite, dadalo sa pagdinig sina Associate Justices Lucas Bersamin, Diosdado Peralta at Samuel Martirez. Sinabi ni Umali, tetestigohan ni Martirez ang desisyon niya ukol sa benepisyado ... Read More »

Kelot tiklo sa P.6-M shabu sa CamSur

ARESTADO ang isang lalaki makaraan makompiskahan ng P600,000 halaga ng shabu sa Naga, Camarines Sur, nitong Linggo ng madaling-araw. Ayon sa ulat ng pu-lisya, bumili ang mga pulis ng P28,000 halaga ng shabu sa suspek na si Rodel Camaro, 36, naka-tira sa nasabing lugar. Nang tanggapin ni Camaro ang marked mo-ney, agad siyang hinuli at nakompiskahan ng 60 gramo ng ... Read More »

Kampanya vs bulok at mausok na sasakyan pinalagan ng Piston

INALMAHAN ng jeepney group na PISTON ang kampanya ng gobyerno laban sa bulok at mausok na mga sasak-yan. Magugunitang sinimulang hulihin ng Inter-agency Council on Traffic nitong nakaraang linggo ang mga hindi ‘roadworthy’ na pribado at pampublikong sasakyan. Sinabi ni PISTON president George San Mateo, hindi makatao ang panghuhuli ng mga lumang jeepney dahil mahihirap ang mga driver at operator nito. ... Read More »

Koop ni Bro. Mike, kabahayan ng 36 pamilya nasunog sa P’que

NATUPOK ang isang commercial building na pagmamay-ari ni El Shaddai leader Bro. Mike Velarde sa Barangay San Dionisio, Parañaque City, nitong Sabado ng madaling-araw. Ayon sa ulat, sumiklab ang sunog dakong 1:00 am at nagsimula umano sa isang grocery, ayon kay Supt. Robert Pasis ng Bureau of Fire Protection. Umabot mang mahigit apat na oras bago naapula ang sunog. Tinatayang ... Read More »

25 bahay sa Kyusi natupok

NAWALAN ng tirahan ang  25 pamilya makar­aan matupok ang 25 bahay sa Brgy. Kaligayahan sa Quezon City, nitong Sabado. Sinabi ni FO3 Leo-nathan Tumbaga, arson investigator ng Quezon City Fire Department, dakong 5:05 pm nang magsimula ang apoy at agad itinaas sa unang alarma. Dahil dikit-dikit ang mga bahay at karamihan ay gawa sa kahoy at yero, agad nilamon ng ... Read More »

Heart-to-heart talk hirit ni Digong kay Prof. Joma

ISANG heart-to-heart talk kay Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison ang nais mangyari ni Pangulong Rodrigo Duterte. “I want Sison to come here. The two of us will talk. Only the two of us in this room,” sabi ni Pangulong Duterte sa panayam ng Mindanews noong Biyernes ng gabi. Kamakailan ay nanawagan si Sison kay ... Read More »

Alert level 3 itinaas sa Mt. Mayon, residente lumikas

DAAN-DAANG residente sa paligid ng Mount Mayon ang lumikas nitong Linggo ng umaga makaraan itaas ang alert level 3 sa nasabing bulkan bunsod ng posibleng magmatic eruption. Sinabi ni Chief Inspector Arthur Gomez, spokesperson ng Albay Provincial Police Office, mahigit 2,000 katao ang lumikas at pansamantalang nanuluyan sa tatlong elementary schools dakong 4:00 am kahapon. Ayon kay Gomez, kabuang 475 ... Read More »

1 patay, 3 missing sa landslide (Sa Tacloban City)

PATAY ang isang matandang babae habang tatlo ang nawawala makaraan ang pagguho ng lupa at pagkabuwal ng malaking pader bunsod ng walang tigil na buhos ng ulan sa Tacloban City, kamaka-lawa ng gabi. Kinilala ang kompirmadong namatay na si Delia Carson, 64 anyos, chief tanod ng Barangay 43-B. Ayon sa ulat ng pulisya, lumabas ng bahay ang mister ng biktima ... Read More »

150 Chinese, Taiwanese arestado (Sa telecomms fraud)

MAHIGIT 150 Chinese at Taiwanese nationals na umano’y sangkot sa telecommunications fraud, ang inaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Ilocos Sur at Las Piñas City, nitong Sabado ng umaga. Sinabi ni Supt. Marni Marcos Jr., pinuno ng Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), umabot sa 105 katao mula sa China at Taiwan ang inaresto sa dalawang gusali sa Sitio ... Read More »

OFWs sa Middle East biktima ng bank fraud

MAY ilang overseas Filipino workers sa Middle East ang sinasabing nawalan din ng pera makaraan maging biktima ng hindi awtorisadong withdrawals sa kanilang accounts sa isang banko sa Filipinas. Ayon sa isang OFW na si Ruby Ann Tayson, nanlumo siya nang madiskobre niyang may nag-withdraw ng pera niya sa kanyang Kabayan Savings Account sa BDO habang hawak niya ang kanyang ... Read More »

Noynoy no-show sa Sandiganbayan (Sa Mamasapano massacre)

HINDI sumipot si dating Pangulong  Benigno “Noynoy” Aquino III sa Sandiganbayan nitong Biyernes, ngunit iginiit ang pag-dismiss sa kanyang kasong kriminal hinggil sa sinasabing kanyang pagkakasangkot sa Mamasapano massacre. Si Aquino ay naghain ng motion to quash sa Fourth Division. Ang kanyang arraignment ay muling itinakda sa 15 Pebrero. Sinabi ng abogado ni Aquino na si Atty. Romeo Fernandez, pinayohan ... Read More »

Criminal, admin raps ikinakasa vs sangkot sa Dengvaxia mess

INIHAYAG ng Public Attorney’s Office nitong Biyernes, nakatakda na nilang ihain ang kasong kriminal at administratibo laban sa mga nag-aproba sa paggamit ng dengue vaccine, makaraan ang pagkamatay ng pitong kabataan nang maturukan ng nasabing gamot. Ang pitong biktima ay nabatid na pawang nakaranas ng pagdurugo sa kanilang utak, puso at baga bago sila binawian ng buhay, sa loob ng ... Read More »

Metro Manila crimes bumaba (Dahil sa anti-drug campaign) — NCRPO

BUNSOD ng kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga, bumaba ang insidente ng krimen sa Metro Manila noong 2017 ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO). Sinabi ni NCRPO chief, Director Oscar Albayalde, kompara sa datos noong 2016, bumaba ang insidente ng murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, carnapping at motorcycle theft noong 2017 dahil umano sa ... Read More »

Tokhang muling ilulunsad ng PNP ngayong Enero

MULING ilulunsad ng Philippine National Police ang house-to-house anti-drug operation “Oplan Tokhang” ngayong Enero, pahayag ni Director General Ronald dela Rosa, nitong Biyernes. Sa ambush interview, sinabi ni Dela Rosa, nagbigay na siya ng go signal sa police commanders para sa pagbuhay sa nasabing programa sa Lunes. Tiniyak ng PNP chief sa publiko, ang “true spirit” ng Oplan Tokhang, ang ... Read More »

Bagong narcos sa Bilibid lumahok sa drug trade (PDEA desmayado)

NAGPAHAYAG ng pagka­desmaya si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino hinggil sa umano’y pagpasok ng “new players” sa illegal drug trade. Ito ay kasunod ng drug-bust sa isang condominium unit sa Mandaluyong City, na nagresulta sa pagkakadakip sa dalawang suspek, isiniwalat na ang suppliers ng illegal drugs ay mula sa New Bilibid Prison. “Marami pong new players. ... Read More »

2 tulak ng ecstasy, cocaine tiklo sa Mandaluyong

ARESTADO sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang lalaking hinihinalang tulak ng party drugs, kabilang ang liquid ecstasy, at cocaine, sa Mandaluyong City. Ayon sa ulat, nadakip ng mga tauhan ng PDEA Special Enforcement Service ang mga suspek na sina Lester Almalbez, 35, at Harold Peñaflor, sa buy-bust operation sa Princeville Condominium sa nabanggit na lungsod, ... Read More »

Chairperson, 3 generals, 49 pulis sisibakin (Pahayag ni Digong)

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakda niyang pagsibak sa pinuno ng isang ahensiya, tatlong heneral at 49 pulis sa susunod na mga araw bilang bahagi ng kanyang kampanya laban sa korupsiyon sa kanyang administrasyon. “I am in the thick of firing people. I intend to fire another maybe 70 or 49 policemen and three generals for corruption… In the ... Read More »

PCSO chair nagbitiw

NAGBITIW sa puwesto si Philippine Charity Sweepstakes Office chairman Jose Jorge Elizalde Corpuz, ayon sa ulat ng  Malacañang nitong Biyernes. Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque, si Corpuz ay nagbitiw dahil sa kalagayan ng kanyang kalusugan. Gayonman, hindi niya binanggit ang hinggil sa kalagayan ng kalusugan ni Corpuz. Ngunit agad inilinaw ni Roque, hindi si Corpuz ang opisyal na binanggit ... Read More »

Dagdag-singil sa koryente asahan sa Pebrero (Dahil sa TRAIN)

INAASAHAN ang pagtataas sa singil sa koryente simula sa Pebrero dahil sa ipatutupad na bagong buwis sa ilalim ng  Tax Reform for Acceleration and Inclusion o Train Law. Ngunit bago ito, may bawas-singil sa koryente ngayong Enero sa mga subscriber ng Meralco. Ayon sa ulat, bababa ang singil sa koryente ng 53 sentimos per kilowatt hour sa bill ngayong Enero ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved