Wednesday , January 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 31)

Category Archives: News

Feed Subscription

4 sumuko sa droga utas sa ratrat

PATAY ang apat drug surrenderee, kabilang ang isang babae, maka­raan pagbabarilin ng riding-in-tandem ha­bang nag-iinoman sa gilid ng kal­sada sa isang sub­dibi­syon sa Antipolo City. Kinilala ng Rizal PNP ang mga biktimang sina Rommel Bedrona, 30; Leonard Constantino, 27, may-ari ng apart­ment; Dave Natalaray, 32, at Margaret Diane Sala­zar, 21, live-in partner ni Constantino. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng ... Read More »

6-anyos anak binugbog, Mister kalaboso

NANG hindi sundin ang iniuutos, binugbog ng isang lalaki ang kanyang 6-anyos anak sa Valen­zuela City, kamakalawa ng umaga. Agad inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela Police Community Pre­cinct (PCP) 8 ang suspek na si Michael Fabul, 35, sa kanilang bahay sa Eugenio St., Sitio Sulok, Brgy. Ugong makaraang humingi ng tulong sa pulisya ang asawa niyang si Windylyn nang masak­sihan ... Read More »

Labi ng Pinoy na pinatay ng Slovakian nasa PH na

NAGING madamdamin ang pagdating ng labi ng isang overseas Filipino worker (OFW) na walang awang pinatay ng isang Slovakian national nang ipagtanggol ang dala­wang Filipina na binastos habang namamasyal sa naturang bansa. Lumapag sa Aegis hangar NAIA Complex ang chartered flight pasado 10:00 am lulan ang labi ni Henry John Acorda, 36, residente sa Central Signal Village, Taguig City, na ... Read More »

2 preso namatay sa selda ng QCPD

BUNSOD nang kasiki­pan at sobrang init sa loob ng selda ng Quezon City Police District Novaliches Police Station 4, dalawang preso ang binawian ng buhay, ini­ulat ng pulisya kahapon. Sa ulat ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), unang namatay si Alex Canono Andaman, 41, hair stylist, at residente sa Ma­xima St., Brgy. Gulod, Novaliches. Si Andaman ay na­ku­long dahil kasong pag­labag sa ... Read More »

Tambay todas sa boga

PATAY ang isang lalaking ‘pasaway’ sa kanilang lugar makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang sugatan ang 63-anyos tricycle driver na tinamaan ng ligaw na bala sa Malabon City, kamaka­lawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief, S/Supt. Harry Espela ang biktimang si Anthony de Jose, 28, residente sa 1st St., Brgy. Tañong, habang ginagamot sa Tondo Medical Center  si Jesus Algunajonata, ... Read More »

SC senior justices ikonsidera ni Duterte

NANAWAGAN ang House justice committee kay Pangulong Ro­drigo “Digong” Duterte na ikonsi­dera ang senior members ng Korte Suprema bago magtalaga ng bagong chief justice. “I just hope the President will do the right thing in terms of the appointment by following the tradition. Kapag mayroong bypassing, ang mangyayari talaga magkakaroon ng conflict. Hopefully we will be able to avoid this,” ... Read More »

Sereno tuluyang sinibak

PINAGTIBAY ng Supreme Court ang pagsibak kay Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado makaraan ibasura ang kaniyang motion for reconsideration (MR) laban sa desisyon ng en banc sa quo warranto petition. Ayon sa mga source, walong mahistrado ang nagbasura sa MR ni Sereno habang anim lang ang nagsabing dapat itong pagbigyan. Dagdag ng mga source, ibinasura ang MR sa kadahilanang ... Read More »

Tanong ng Palace reporters ‘ibinasura’ ng PIA Region XII

MEDIA censorship. Ito ang puna ng ilang mamamahayag na nakatalaga sa Palasyo matapos balewalain ni Danilo E. Doguiles, PIA Region XII officer-in-charge, ang ilang ipina­dalang tanong ng Palace reporters sa press briefing ni Presidential Spokes­man Harry Roque sa Cotabato City. Si Doguiles ang tuma­yong moderator sa natu­rang press briefing. Matapos basahin ni Roque ang kanyang ope-n­ing statement ay inatasan niya ... Read More »

Lim pumalag sa black prop

BINATIKOS kahapon ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim ang hindi awtorisadong paggamit ng kanyang pangalan para lamang sa ‘smear campaign’ laban sa mga politiko sa Maynila at upang pasamain ang kanyang imahen. Ani Lim, sa kanyang buong political career ay hindi niya naging style ang paggamit ng ‘black propaganda’ at alam umano ng mga kalaban niya ‘yan na siya ... Read More »

Relief goods sa Boracay kinakalawang

BORACAY ISLAND – Ikinatuwa ng mga resi­dente ng Brgy. Balabag ang natanggap nilang relief goods mula sa Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ngunit ang tulong na sana ay makapagpapabusog ng tiyan, ay itinapon lang sa basurahan. Ito’y nang matanggap ng ilang mga residente ang kinakalawang na mga delata, na bumubula ang mga ... Read More »

Media Safety chief isusunod ng Palasyo — Harry Roque

NAKAHANDA ang Palasyo na paimbestigahan ang isyu nang pagkakasangkot ni Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) chief Joel Egco sa iringan ng dala­wang media organizations na nag-ugat sa P100 milyong federalism campaign fund. Sa press briefing sa Cotabato kahapon, sinabi ni Presidential Spokes­man Harry Roque na makatutulong sa pagsi­sisyasat kung may mag­hahain ng pormal na reklamo laban kay Egco. “Well, ... Read More »

Sister Fox mananatili sa bansa

Sister Patricia Fox

IGINAGALANG ng Palasyo ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ) na kumatig sa petisyon ni Sister Pa­tricia Fox na manatili sa bansa. “We respect the resolution by the DOJ secretary,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque. Sa resolusyon na nilagdaan ni Justice Secretary Menardo Gue­varra, binaliktad niya ang naunang kautusan ng Bureau of Immigration na i-downgrade ang mis­sionary visa ni ... Read More »

Duterte, Simbahan nag-usap na

TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Duter­te si Bishop Sofronio Bancud noong 14 Hunyo upang makiramay at tiyakin na mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Fr. Richmond Nilo. “Tinawagan namin si Bishop Sofronio Bancud at personal silang nagkausap ng Pangulo. Ipinarating ng Pangulo ang pakikiramay sa yumaong pari at ini-assure na mabibigyan ng hustisya,” sabi ni Special Assistant to the President Christopher ... Read More »

Tambay puwedeng Rumesbak sa parak

PINAYOHAN ng Palasyo ang mga “tambay” na buweltahan ang mga pulis kung nilabag ang kanilang ka­ra­patan nang arestohin sila. “Well, kasi po meron tayong established na mga mekanismo para pro­tektahan ang kara­patan ng kalayaan. U­nang-una po, e kapag kayo ay… kapag ang ma­mamayan ay naaresto at hindi naman kinasuhan, pupuwedeng makasuhan ng kriminal for illegal detention iyong ating (ka)pulis(an),” ani Roque ... Read More »

P5-M shabu nasabat

UMAABOT sa P5-M milyon halaga ng hinihi­nalang shabu ang nasabat sa buy-bust operation at dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang arestado sa Brgy. Greater Lagro sa Quezon City, nitong Sabado. Kinilala ni Quezon City Police District direc­tor, C/Supt. Joselito Es­qu­i­vel Jr. ang mga suspek na sina Martin Morales, 21-anyos at pinsan niyang si Paulo Morales, 18-anyos. Habang nakatakas ... Read More »

P3-M shabu kompiskado, 3 arestado

UMAABOT sa P3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa tatlong hinihi­na­lang drug pushers ma­k­araan arestohin sa buy-bust operation sa Calooc­an City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern Police District director, si C/Supt. Gregorio Lim ang arestadong mga sus­pek na sina Jonalyn Ta­yao, 28, Roman Mariano, 28, top 1 at top 2 sa drug watchlist ng Brgy. 59, at Noraisa ... Read More »

3 akyat-bahay, 2 tulak patay sa parak sa QC

TATLONG miyembro ng umano’y akyat bahay gang at dalawang tulak ng ilegal na droga ang napatay nang manlaban sa mga operatiba ng Quezon City Police sa magkakahiwalay na lugar sa lungsod, kahapon ng madaling-araw. Sa inisyal na report ni SPO1 Jurly Garbo ng Batasan Police Station 6, dakong 2:00 am, unang napatay ang dalawang miyembro ng akyat bahay na kinilalang sina ... Read More »

Kelot tigbak sa tarak

PATAY ang 20-anyos lalaki makaraan sak­sakin ng isang cons­truction worker habang naglalakad ang biktima kasama ang kaibigan upang sunduin ang kanyang girlfriend sa Caloocan City, kama­kalawa. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si kinilalang si Paulo Dela Torre, residente sa Robes 1, Area 1, Camarin, Brgy. 175, sanhi ng saksak sa likod. Habang pinag­ha­hanap ang suspek na kinilalang ... Read More »

Bagong Tserman utas sa drug raid sa Palawan

PALAWAN – Patay ang isang bagong halal na punong barangay sa ikinasang operasyon kontra droga sa Balabac, Palawan nitong Biyer­nes. Tinamaan ng bala ng baril sa kaliwang dibdib si Pistoh Hamja na uupo sanang tserman ng Brgy. Mangsee sa 30 Hunyo. Ayon sa mga awtori­dad, nanlaban umano si Hamja at nagtangkang mang-agaw ng baril. Narekober sa kan­yang bahay ang isang ... Read More »

2 drug personality todas sa ambush

BINAWIAN ng buhay ang dala­wang lalaki maka­raan pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng motor­siklo sa Tabuk City, Kalinga, kama­kalawa. Kinilala ng puli­sya ang mga bik­timang sina Silver Calezar Puquin, dati nang napasama sa Oplan Tokhang, at Dexter Busnig. Ayon sa mga saksi, narinig nila ang sunod-sunod na putok ng baril at pagkaraan ay nakita  nilang nakahandusay ang ... Read More »

Bunkhouse nasunog, 200 trabahador nakaligtas

OPOL, Misamis Oriental – Natu­pok ang bunkhouse ng 200 construction worker sa Brgy. Igpit sa bayang ito, nitong Saba­do ng umaga. Nakaalis na para magtra­baho ang ilan sa mga mang­gagawa ng Equi-Parco con­struc­t­ion company nang mapan­sin ng mga kasamahan ang makapal na usok mula sa isa sa mga kuwarto ng dalawang palapag na bunkhouse. Sinubukan ngunit nabigo ang mga trabahador ... Read More »

Tanim-bala probe result in 24-hrs, utos ni Duterte

INAASAHAN ng Palasyo na maisusumite ngayon ng mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan ang imbestigasyon sa napaulat na insidente ng tanim bala noong Biyernes sa NAIA Terminal 3. Tiniyak ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, agad iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA), at Office for Transportation Security (OTS) ang pagsisiyasat ... Read More »

25 detenidong Pinoy palalayain ng Qatar

NAKATAKDANG palayain ng Qatari government mula sa piitan ang 25 Filipino sa “unusual gesture of diplomacy” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nitong Linggo. Ikukustodiya ng Philip­pine officials ang nakapiit na mga Filipino ngayong Lunes bilang bahagi ng pagdiri­wang ng Qatar sa Eid’l Fitr o pagtatapos ng Muslim holy month of fasting, gayondin sa nakaraang paggunita sa Araw ng ... Read More »

Trillanes may tagong yaman abroad — Bong Go

ITINAGO sa ibang bansa ni Sen. Antonio Trillanes IV ang ninakaw niyang pera ng bayan, ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go. Ang pahayag ni Go ay tugon sa pagkuwestiyon ni Trillanes sa taguri sa kan­yang “bilyonaryo” ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte. Giit ni Go, ang ibig sabihin ng Pangulon ay bilyonaryo siya kapag ipinagbili ng kanyang pamilya ... Read More »

Age discrimination sa job applicants ilegal — DOLE

IPINAALALA ng Depar­tm­ent of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer na hindi dapat gawing batayan ang edad sa pagtanggap ng empleyado. Inihayag ni Nicanor Bon, pinuno ng DOLE Policy and Program De­velopment Division, maaaring patawan ng parusa alinsunod sa Republic Act 10911 o Anti-Age Discrimi­nation in Employment Act, ang mga employer na tatan­ggi sa mga aplikante dahil sa kani-l­ang ... Read More »

Scroll To Top