Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / News (page 30)

Category Archives: News

Feed Subscription

Latero nahulog mula sa 30-piye bubungan, patay (Nagkukumpuni ng yero)

PATAY ang isang 51-anyos latero makaraan mahulog habang kinukumpuni ang bubong ng bodega ng isang  paper company sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Hindi umabot nang buhay sa Valenzuela City Medical Center ang biktimang si Bonifacio Plantinos, residente sa Northwind, San Jose Del Monte City, Bulacan sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan. Sa ulat kay Valenzuela police chief, S/Supt. ... Read More »

19-anyos kelot kritikal sa boga ng AWOL na pulis

KRITIKAL ang kalagayan ng isang 19-anyos lalaki nang tamaan ng bala sa ulo makaraan magpaputok ng baril ang isang AWOL na pulis sa Taguig City, nitong Lunes ng gabi. Inoobserbahan sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Joven Manalastas, residente sa Purok 5, V.P. Cruz St., Brgy. Lower Bicutan. Kinilala ni Taguig City Police chief, S/Supt. Alexander Santos, ang lasing na ... Read More »

2 PNP official, 2 pulis sinibak sa P60-M SAF allowance scam

SINIBAK sa puwesto ang apat na dating opisyal ng Special Action Force (SAF) kasunod ng reklamong plunder o pandarambong na isinampa sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y hindi ibinigay na halos P60 milyong allowance sa SAF troopers. Sinampahan ng plunder at malversation of public funds sina dating SAF director at ngayo’y PNP directorate for integrated police operations Southern ... Read More »

VP Leni at LP stalwarts walang alam sa holocaust

NAGIMBAL ang Palasyo sa pagiging ignorante ni Vice President Leni Robredo at mga kasamahan niya sa Liberal Party (LP) sa lagim na idinulot ng holocaust at nagawa pang ngumiti nang magpakuha ng larawan sa Holocaust memorial sa Berlin. Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nagimbal siya sa paghingi ng paumanhin ni Robredo sa naging aksiyon ng kanyang pang­kat sa Holocaust ... Read More »

BI wow mali kay Sister Fox

  INAMIN ng Palasyo, nagkamali ang Bureau of Immigration sa pagdakip sa 71-anyos Australian nun na si Sister Patricia Fox. “Mayroon naman pong batas na ang mga dayuhan ay hindi dapat nanghihimasok sa politika natin… Ang problema lang ay mukhang nagkamali dito kay Sister Fox,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. “Siguro apologies are in order kasi madalian naman siyang ... Read More »

Duterte kay Sis Fox: Umuwi ka sa Australia at doon magprotesta

NANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Duter­te  kay Sister Patricia Fox, 71-anyos Australian nun, na umuwi sa sariling bansa at iprotesta ang mga nagaganap na paglabag sa karapatang pantao roon. Sa kanyang talumpati sa turn-over ceremony sa Camp Aguinaldo kahapon, inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip kay Fox noong Lunes. Ipinagmalaki ng Pangulo, siya lang bilang Punong Ehekutibo ang may karapatan magpasya kung ... Read More »

6 sakada patay 16 sugatan sa talim ng kidlat (Sa Sipalay City)

SIPALAY CITY, Negros Occidental – Patay ang anim na sakada, habang 16 ang sugatan, makaraan tamaan ng matalim na kidlat sa Brgy. Manlocahoc, sa lungsod na ito, nitong Miyerkoles ng hapon. Sinabi ni C/Insp. Nasser Canja, hepe ng Sipalay City Police, sumilong ang mga sakadang nananagpas ng tubo sa ilalim ng truck dahil sa malakas na buhos ng ulan. Nasa ... Read More »

Anak sinunog, ama nagbigti sa kulungan (Sa Davao City)

DAVAO CITY—Nagbigti sa loob ng Sasa Police Station ang isang lalaki nitong Miyerkoles, isang buwan nang nakakulong matapos niyang sunugin ang sariling anak. Ayon sa ulat, natagpuang nakabitin sa kisame, gamit ang benda, ang katawan ng bilanggong si alias Roger, 4:30 ng umaga. Salaysay ng ibang bilanggo, ilang araw nang tuliro si Roger nang malaman niyang ililipat na siya sa ... Read More »

Sinimulang transpormasyon ng NFA Council ituloy — Evasco (Hamon kay Piñol)

HINAMON ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco si Agriculture Secretary Emmanuel Piñol na ipagpatuloy ang nasimulang transpormasyon sa mga sistema ng NFA Council upang maipatupad sa National Food Authority. Si Piñol ang pumalit kay Evasco bilang bagong NFA Council chairman. “I call the new Chairperson to take advantage of what we have started and continue the systems transformation, so that ... Read More »

18-30-anyos 2 beses boboto — COMELEC (Sa Barangay, SK polls)

INAASAHAN ng Commission on Elections (Comelec) ang tinatayang 20 milyon botante para sa Sangguniang Kabataan (SK) elections sa 14 Mayo, dahil ang age bracket para sa mga eligible bomoto sa kategoryang ito ay pinalawig hanggang 30-anyos. “Mas maraming boto ang bibilangin. Sa SK elections, we’re looking at about 20 million voters now, na dati ang average mo, mga two, three, ... Read More »

Kadiwa ibalik (Para siguradong walang gutom) — Imee

UPANG makontrol ang presyo ng mga batayang bilihin at pangangailangan at upang matulungan ang mga magsasaka na mabigyan ng tamang halaga ang kanilang mga ani, sinabi ni Gov. Imee R. Marcos, kailangan ibalik ang Kadiwa market system na matagumpay na ipinatupad noong panahon ng kanyang yumaong amang si  President Ferdinand Marcos, Sr. Pangunahing pinaglilingkuran ng Kadiwa outlets noong 1970s ang ... Read More »

Ayon kay Duterte: Palarong Pambansa hulmaan ng next PH leaders

NAGSISILBING hulmaan ng mga susunod na pinuno ng bansa ang Palarong Pambansa dahil ito’y nagtataguyod nang pagsusumikap, disiplina, teamwork, integridad at pagmamahal sa bayan. Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng Palarong Pambansa sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur kahapon. Binigyan diin ng Pangulo, ang sports ang nagsisilbing daan upang maiwaksi ang ... Read More »

SAP Bong Go kabalikat ng OFWs

TINIYAK ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go, makakamit ng pamilya ng OFW na si Ronald Jumamoy ang hustisya sa pagkamatay niya sa Saudi Arabia noong 2016. Dininig kahapon ni Go, kasama sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Labor Attache Nasser Mustafa, ang hinaing ng pamilya Jumamoy sa Davao City at siniguro ang masusing pagsisiyasat sa ... Read More »

Banta ni Tugade ; Pasaway sa MRT asunto walang areglo

INIUTOS ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa pamunuan ng MRT na sampahan ng kaso ang mga pasaherong sasandal o pilit na magbubukas sa pintuan ng tren. Magugunitang nitong Biyernes, nasa 1,000 pasahero ng MRT ang pinababa nang magkaroon ng “door failure” ang isang southbound na tren dahil sa pagsandal o sapilitan umanong pagbubukas sa pinto nito. Ito ang unang unloading ... Read More »

3 patay, 5 kritikal sa karambola ng 4 sasakyan (Sa Argao Cebu)

PATAY ang tatlo katao habang lima ang nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan makaraan mag­karambola ang apat sa­sakyan sa bayan ng Argao sa lalawigan ng Cebu, nitong Linggo. Kabilang sa sangkot sa karambola dakong 10:30 am sa Brgy. Taloot, ang kotse, SUV, trailer truck, at multi-cab. Ayon sa ulat, nahulog sa gilid ng highway at bumaliktad ang trailer truck. Mabilis ... Read More »

4 bata, 1 pa tigok sa amok (suspek utas sa parak)

SIRAWAI, Zamboanga del Norte – Patay ang apat bata at isang lalaki makaraan pagtatagain ng isang amok na hinihinalang adik, nitong Sabado. Ngunit napatay rin ang 34-anyos suspek makaraan mang-agaw ng baril sa pulis. Ayon sa pulisya, unang inatake ng suspek ang dalawang batang edad 10 at 11 habang naglalaro kasama ang kanilang ama sa isang abandonadong bahay sa Brgy. ... Read More »

2 bagets, 3 pa tiklo sa droga sa Makati

NADAKIP ang limang lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, makaraan maaktohang gumagamit ng ilegal na droga sa isang bahay sa Brgy. Rizal, Makati City nitong Miyerkoles ng gabi. Inihayag ni S/Insp. Valmark Funelas, commander ng Makati Police Community Precinct 10, naamoy ng mga pulis ang marijuana sa labas ng bahay. Ayon sa ulat, nagres-ponde ang mga pulis hinggil sa ... Read More »

Lola, 5 pa arestado sa P1-M shabu

ARESTADO ang limang hinihinalang drug perso-nalities, kabilang ang isang 65-anyos lola sa ikinasang magkahiwalay na drug buy-bust operation ng mga pulis sa Caloocan City, kamakalawa  ng gabi. Batay sa ulat ni  PO3 Rodney Dela Roma, dakong 10:30 pm nang magsagawa ng buy-bust ope-ration ang mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD), sa pamumuno ni PSI Cecilio Tomas ... Read More »

13-anyos, nanay, 2 pa tiklo sa buy-bust

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasagip ng mga elemento ng Minalin Police Anti-Illegal Drug Operation Unit at mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency 3 (PDEA 3) ang isang 13-anyos drug runner, habang nadakip ang kanyang ina at dalawang drug user sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. San Isidro sa bayan ng Minalin, kamakalawa. Ayon sa ulat  ni C/Insp. Pearl Joy C. Gollayan, hepe ... Read More »

4 Chinese nat’l, 4 Pinoy tiklo sa shabu lab

APAT Chinese national chemist at apat Filipino ang arestado ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkakahiwalay na pagsalakay sa pagawaan ng shabu at ecstasy sa isang farm sa Brgy. Sto. Niño, Ibaan, Batangas kahapon. Sa ulat kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang dalawang dayuhan ay sina Tian Baoquan at Guo Zixing, kapwa ng Jianjiang, Fujian, ... Read More »

Misis, anak, 1 pa patay sa trike vs SUV (Kamamatay ng mister sa ospital)

BACOLOD CITY, Neg-ros Occidental – Binawian ng buhay ang tatlong miyembro ng pamilya habang apat ang sugatan nang magsalpukan ang tricycle at SUV sa siyudad na ito, nitong Huwebes ng madaling-araw. Kinilala ang mga namatay na sina Erlinda Villar, anak niyang si Melinda Tesoro, at kamag-anak na si Rodelyn Nacis. Habang sugatan sina Elvis Villar, Geralyn Villar, Merlinda Barcenas, at ... Read More »

P3-M ari-arian natupok sa Pasig

AABOT sa P3 milyon halaga ng mga ari-arian ang natupok sa isang warehouse sa Brgy. Buting, Pasig City. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Pasig City, sumiklab ang sunog sa naturang warehouse dakong 9:20 pm nitong Miyerkoles. Salaysay ng ilang trabahador ng kalapit na warehouse, may narinig silang pagsabog bago nakitang mag-apoy ito. Umabot sa ikalawang alarma ang ... Read More »

3-anyos nene patay sa sunog (Sa Lapu-Lapu City, Cebu)

PATAY ang isang 3-anyos nene sa sunog na sumiklab sa isang bahay sa Lapu-Lapu City sa Cebu, nitong Miyer­koles. Ayon sa ulat ng pulisya, kinilala ang biktimang si Mary Julianne Castillano, 3-anyos. Napag-alaman, sumiklab ang sunog nitong Miyerkoles ng hapon habang nagpapahinga ang mga batang Castillano at ang kanilang lola. Wala sa kanilang bahay sa mga oras na iyon ang ... Read More »

Labor attache sa HK nanatili sa puwesto

INIANUNSIYO ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa harap ng libo-libong Filipino sa Hong Kong, hindi muna aalisin ang labor attache na si Jalilo de la Torre. Inimbita si Go ng mga kababayan natin sa HK at nagpasalamat sa kanyang pagiging matapat na kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng mahabang panahon. Katulad ng kanyang sinasabi ... Read More »

Bong Go, et al inendoso ni Digong para senador (Sa Filipino community sa HK)

HINDI na napigilan ang endoso ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kaniyang trusted aide na si Special Asistant to the President (SAP) Bong Go para sa Senado sa 2019 elections. Sa pagharap ng pangulo sa tinatayang 2,000 overseas Filipino workers (OFWs) Hong Kong kagabi, ipinakilala niya si Secreatry Go bilang ‘paborito’ niyang senador. Positibo ang naging pagtanggap ng mga Filipino ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved