Wednesday , September 26 2018
Breaking News
You are here: Home / News (page 28)

Category Archives: News

Feed Subscription

‘Ninja’ removal sa comfort woman statue pinaiimbestigahan

INIHAYAG ng mga kinatawan mula sa Gabriela Women’s Party nitong Linggo, na maghahain sila ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang estilong “ninja” na pagbaklas sa rebulto ng comfort woman sa Roxas Boulevard. Inihayag ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagkondena ng party-list sa pagbaklas ng rebulto, dahil ito ay tumutukoy sa “obliteration of Japan’s gross and systematic sexual ... Read More »

Pagpaslang kinondena ng CBCP

KINONDENNA ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagpatay kay Father Mark Ventura, isang Catholic priest ng Archdiocese of Tuguegarao, makaraan magmisa sa Gattaran, Cagayan, nitong Linggo. “We are totally shocked and in utter disbelief to hear about the brutal killing of Fr. Mark Ventura, Catholic priest of the Archdiocese of Tuguegarao,” ayon sa CBCP. “Right after celebrating ... Read More »

Palasyo ‘tahimik’ (Sa pagpatay sa isang pari matapos siyang magmisa)

TIKOM ang bibig ng Palasyo sa kaso nang pagpatay sa isang pari ilang minuto matapos siyang magmisa sa Brgy. Peña West, Gattaran, Cagayan kahapon ng umaga. “Will post once Spox has reax,” matipid na tugon ni Communications Assistant Secretary Queennie Rodulfo nang tanungin kung ano ang pahayag ni Presidential Adviser on Human Rights at Presidential Spokesman Harry Roque sa pagpatay ... Read More »

Deployment ban sa Kuwait mananatili – Duterte (OFWs hinimok umuwi)

INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo na mananatili ang deployment ban o pagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawang Filipino sa Kuwait. “The ban stays permanently. There will be no more recruitment, especially for domestic helpers. Wala na,” pahayag ng pangulo pagkalapag sa Davao City makaraan dumalo sa ika-32 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit sa Singapore. Binitiwan ... Read More »

P5-B ayuda ng China gagamitin sa OFWs (Sa repatriasyon mula Kuwait)

GAGAMITIN ng administrasyong Duterte ang halos P5 bilyong ayuda ng China sa Filipinas para pauwiin ang lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait. “Gamitin ko ‘yung pera. Sabi ko, diyan na muna ‘yan. Place it in trust. And once we start to withdraw all Filipinos there in Kuwait, maybe I’ll tell you the result of our intervention in behalf ... Read More »

Palasyo itinuro si De Castro (Naduwag sa Tulfos?)

KUNG gaano ka-anghang ang mga pahayag ng Palasyo sa mga katiwalian ng ilang mga dating opisyal ng pamahalaan, tila nabahag naman ang buntot nila sa napaulat na P60-M ‘nakurakot’ ng mga Tulfo sa People’s Televison (PTV). Mistulang binuhusan ng malamig na tubig ang ‘taray’ Ni Presidential Adviser on Human Rights at Presidential Spokesman Harry Roque at itinuro si Tourism Undersecretary ... Read More »

Pari itinumba sa harap ng altar (Pagkatapos magmisa)

AGAD binawian ng buhay si Reverend Father Mark Ventura, isang paring Katoliko, makaraan pagbabarilin sa harap ng altar matapos ang misa sa isang barangay sa bayan ng Gattaran sa lalawigan ng Cagayan, nitong Linggo ng umaga. Sa imbestigasyon ng pulis-Gattaran, nangyari ang insidente pasado 8:00 umaga sa Brgy. Peña West. Napag-alaman, kakatapos ng misa ni Fr. Mark nang lapitan siya ... Read More »

Diskarte vs kahirapan top agenda (Sa 60-day peace talks)

SAPAT ang itinakdang 60-araw para isakatuparan ang peace talks ng gobyernong Duterte at kilusang komunista upang pagkasunduan ang diskarte upang wakasan ang kahirapan na ugat ng armadong tunggalian sa Fi­lipinas. “I don’t think there’s a divergence of views on the root causes of rebellion; it is poverty. So if the government and the CPP-NPA will agree to address the root ... Read More »

Sison handang bumalik sa PH para sa peace nego

INIHAYAG ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison nitong Lunes, handa siyang tapusin ang kanyang exile at direktang makipag-usap kay Pangulong Rodrigo Duterte kung titiyakin ng Punong Ehekutibo na ang usapang pangkapayapaan ay hindi na muling masisira ng “peace spoilers.” “Sa posibilidad na uuwi para makasama ko si Presidente Duterte na gabayan ang peace negotiations at ... Read More »

Diplomatic protest ng Kuwait sa PH wala sanang implikasyon (Sa labor agreement sa OFWs)

UMAASA ang Palasyo na hindi maaapektohan ang ikinakasang labor agreement ng Filipinas at Kuwaiti government para sa overseas Filipino workers (OFWs) doon. Sa harap ito ng paghahain ng diplomatic protest ng Kuwait sa lumabas na video nang isinagawang rescue ng mga kinatawan ng Philippine government sa ilang OFWs, kasama ang mga undocumented kasabay ng pagwawakas ng amnesty program ng Kuwait. ... Read More »

Palasyo walang masamang tinapay sa Aquinos

WALANG iringang namagitan sa mga pamilya ng Duterte at Aquino magmula nang pumasok sa politika si Pangulong Rodrigo Duterte noong 1986 matapos ang EDSA People Power 1 Revolution. Ito ang tugon ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pahayag ni dating presidential sister Kris Aquino na walang masamang ipinakita sa kanya si Pangulong Duterte sa Davao City noong 2010 presidential elections. ... Read More »

Biyahe naantala sa eroplanong tumirik sa runway (Para sa kaligtasan ng pasahero)

TUMIRIK sa runway ng Zamboanga International Airport ang isang eroplanong kalalapag pa lang, nitong Lunes ng umaga. Ayon sa ulat, tumigil ang flight 5J-849 ng Cebu Pacific dahil sa “steering fault” dakong 6:30 ng umaga, ayon kay Charo Logarta-Lagamon, corporate communications director ng airline. Ligtas aniya ang 180 pasahero ng eroplano, ngunit tumagal nang dalawang oras bago naialis sa runway. ... Read More »

P5-M shabu kompiskado sa condo (Sa Muntinlupa City)

NAKOMPISKA ng mga pulis ang tinatayang P5 milyon halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang condominium unit sa Sucat, Muntinlupa City, nitong Lunes ng madaling-araw. Bago ang operasyon, isang buwan tiniktikan ng police Drug Enforcement Group (PDEG) ang condo unit na sinabing inuupahan ng Chinese national na kinilalang si Yang Ang Quan alyas Li Hong Peng, lider umano ng Peng ... Read More »

Libreng sakay sa MRT-3 sa Labor Day

MAGKAKALOOB ng libreng sakay sa Metro Rail Transit-(MRT-3) sa mga obrero ng pribado at pampublikong mga ahensiya at establisimiyento sa darating na Araw ng Paggawa (Labor Day) sa 1 Mayo. Ang naturang hakbang ng MRT ay sa kahilingan ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Labor (DOLE) bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa. Ang libreng sakay ... Read More »

Barangay executives sasampolan (Bigo sa BADAC) — DILG

BILANG pagtupad sa kanyang babala, inianunsiyo ni Interior and Local Government Assistant Secretary Jonathan Malaya nitong Lunes, na maghahain na ng kaso ngayong linggo laban sa barangay officials na bigong magpatupad ng Barangay Anti-Drug Abuse Council. “Ipa-file po namin ito sa Ombudsman, malapit lang naman. Sasampol muna kami,” pahayag ni Malaya sa pulong balitaan sa DILG-NAPOLCOM building sa Quezon City. ... Read More »

Taas presyo sa petrolyo muling ipatutupad

MULING nagpatupad ng dagdag presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa, epektibo ngayong araw, 24 Abril. Pinangunahan ng Flying V, PTT Philippines, Pilipinas Shell, Total Philippines ang taas-presyo na P0.40 kada litro ng gasolina, P0.65 kada litro sa diesel, at P0.65 kada litro sa kerosene, epektibo ngayong araw, dakong 6:00 ng umaga. Habang aasahan na ... Read More »

Disiplina tanging solusyon sa kaunlaran ng bansa

HINIMOK ni Pasig River Rehabilitation Commission Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia ang taong bayan na pairalin ang disiplina upang mapigilan ang labis na pagtatapon ng mga basura sa daluyang tubig at tributaryo ng Ilog Pasig. Bagamat araw ng Linggo, imbes nagpapahinga, sinikap ni Goitia na pangunahan ang kanyang mga River Warriors na linisin ang malahalimaw na basura ... Read More »

4 sa 8 akusado sa Villamin Jr. case wanted

IPINAAARESTO ang apat sa walong akusado sa Soliman A. Villamin case. Naglabas ng warrant of arrest ang Regional Trial Court, National Capital Judicial Region Branch 93 ng Quezon City laban sa mga akusadong sina Jorge Billamil, Ferdinand Medina, Joemel de Jesus, at Dennis Sta. Ana Go sa paglabag sa Republic Act 10175 o ang Philippine Cybercrime Prevention Act of 2012. Inilabas ... Read More »

Pass-on charges ‘wag ipataw ng Akelco sa consumers (Sa Boracay closure)

HINIKAYAT ni Senador Sherwin Gatchalian ang Aklan Electric Cooperative Inc. (Akelco) nitong Lunes na i-invoke ang “force majeure” upang hindi maipasa ang extra power charges sa consumers sa loob ng six-month closure ng Boracay islands simula ngayong linggo. “Clearly, the complete closure of Boracay is an unforeseeable event completely beyond the control of AKELCO. This is definitely an instance when ... Read More »

Life sa bebot na nambugaw sa 13-anyos, 3 iba pa (Sa Laguna)

HINATULAN ng Laguna judge ng habambuhay na pagkabilanggo ang isang babaeng napatunayan na sangkot sa human trafficking, na naaktohang ibinubugaw ang apat babae, kabilang ang isang dalagita, sa isang pulis na nagpanggap na kustomer noong 2016. Sa March 16 resolution, napatunayan ni San Pedro City Regional Trial Court Branch 31 Judge Sonia T. Yu-Casano na guilty ang akusadong si Lilibeth ... Read More »

Mag-asawang senior citizens hinataw ng kawatan

TAYABAS, Quezon – Kapwa sugatan ang matandang mag-asawa mula sa hataw sa mukha ng hindi kilalang suspek na nanloob sa kanilang bahay sa bayang ito, nitong Sabado ng madaling-araw. Salaysay ng residenteng si Mark Labaro, nakita niyang duguan at palakad-lakad ang mga biktimang sina Tessa Pabino, 62, at Robert Albiña, 65, kaya dinala niya sa pagamutan. Ikinuwento aniya ng mag-asawa ... Read More »

90% ng PNP force magbabantay sa barangay, SK elections

INIHAYAG ng Philippine National Police na 90 porsiyento ng kabuuang lakas ng 190,000-strong police force ang ide-deploy ng PNP para sa seguridad ng Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections sa 14 Mayo. “Basically all systems go na tayo riyan, bago naman ako nag-assume riyan I’m sure naka-ready na ‘yung ating mga [ka]pulis[an], ang basic diyan is 90 percent of the ... Read More »

HOA auditor itinumba sa loob ng bahay

PINASOK sa bahay at pinagbabaril hanggang mapatay ang isang ginang na auditor ng isang homeowners association (HOA), ng hindi kilalang gunman sa Quezon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District), ang biktimang si Maria Theresa Malaraya Paa, 57, residente sa Livelihood St., Area C, Talanay, Brgy. ... Read More »

Jeep nabundol ng SUV, tumaob (8 sugatan)

BUMALIKTAD ang isang pampasaherong jeep makaraan itong tumbukin ng isang sports utility vehicle (SUV) sa Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Linggo ng hapon. Bukod sa jeep na may sakay na pitong pasahero, sinabing una nang nabangga ng SUV ang isang bisikleta sa parking lot ng Diliman Preparatory School, batay sa imbestigasyon ng pulisya. Agad isinugod sa East Avenue Hospital ang ... Read More »

Nigerian inambus sa Las Piñas, patay

BINAWIAN ng buhay ang isang Nigerian national makaraan pagbabarilin ng hindi kilalang suspek sa Las Piñas City, nitong Lunes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Didicus Ohaeri, taga-Bacoor, Cavite. Sa inisyal na imbestigasyon ng Las Piñas Police, binabagtas ni Ohaeri ang Alabang-Zapote Road sakay ng kanyang kotse nang pagbabarilin siya ng mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo dakong 11:30 ng ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved