Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / News (page 21)

Category Archives: News

Feed Subscription

Fil-Am, 4 anak todas sa car crash

READ: Sa Italy: Pinoy patay sa saksak ng kababayan READ: OFWs dinukot sa Iraq, Libya PATAY ang isang Filipino-American at apat niyang mga anak sa car crash sa Teaneck, New Jersey. Ayon sa ulat, nitong Biyernes, 6 Hulyo nang mamatay sa insidente ang 61-anyos Filipino-American na si Audie Trinidad at ang kaniyang mga anak na babaeng sina Kaitlyn, 20; Danna, ... Read More »

5 OFWs dinukot sa Iraq, Libya

READ: Sa Amerika: Fil-Am, 4 anak todas sa car crash READ: Sa Italy: Pinoy patay sa saksak ng kababayan INIULAT ng Department of Foreign Affairs nitong Linggo, humingi sila ng tulong mula sa mga awtoridad ng Iraq at Libya para sa ligtas na pag­pa­palaya sa limang Filipino na dinukot ng armadong kalalakihan sa mag­kahiwalay na insidente. Kabilang sa mga biktima ... Read More »

2 bata patay sa Dengue

LAOAG, Ilocos Norte – Dalawang batang babae sa lalawigang ito ang namatay dahil sa dengue kamakailan. Kinilala ang mga biktimang sina Princess Angel Silhay, 7, mula sa Brgy. Mariquet, sa bayan ng Solsona; at Nathalia Ramos, 3, mula sa Brgy. San Marcelino, sa bayan ng Dingras. Parehong namatay ang dalawa nitong Hunyo. Ayon sa ulat, nakitaan ang dalawa ng mga ... Read More »

Federalismo mina-marathon — Solon

MINAMADALI ang mga pagbabago sa Saligang Batas para maisa­katu­pa­ran ang pangako ng Federalismo na ipagyayabang ni Pangulong Rodrigo  Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address sa darating na 23 Hulyo 2018. Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, may komedya nang aprobahan ang krokis ng “Federal Constitution” sa kadahi­lanang magkalaroon ng konsultasyon kapag nai­sumite ito kay Duterte sa 9 ... Read More »

Pag-atake ni Duterte sa Simbahan todo pa rin

WALANG makikitang sinseridad kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pakiki­pag-dialogo sa Simbahang Katolika dahil bukambibig pa rin niya ang todong pagbatikos sa mga pari at maging sa institusyon. Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Depart­ment of Environment and Natural Resources (DENR) kahapon, tinawag niyang ipokrito, gago at puro daldal lang ang mga taong Simbahan. Katuwiran ng Pangulo, isa sa mga ipinagsintir ... Read More »

Narco-list ni DU30 baliktad na “Schindler’s list” — solon

KUNG ang “Schindler’s list” ay listahan ng mga Hudyo na dapat isalba noong panahon ni Hitler, si Pangulong Rodrigo  Duterte, umano’y may baliktad na listahan ng mga dapat itumba – ang “Narco-list.” Ayon kay Akbayan Rep. Tom Villarin ang laganap na patayan ay sanhi ng kawalan ng “rule of law” sa kabila ng mga pananalita ni Duterte na ang pagpatay ... Read More »

Siklesta dedbol sa bundol ng truck

PATAY ang isang siklesta makaraan mabundol ng isang trailer truck sa Pasay City, nitong Martes ng gabi. Wala nang buhay nang idating sa San Juan De Dios Hospital ang lalaking tinatayang nasa 60-65 anyos, nakasuot ng puting t-shirt at maong na pantalon, at may mga sugat sa ulo at katawan. Habang nasa kustodiya ng Pasay City Traffic Police ang driver ... Read More »

4 tigbak sa ininom na libreng alak

IRIGA CITY, Camarines Sur – Apat na lalaki ang magkakasunod na binawian ng buhay makaraan malason ng ininom na alak sa Sitio Tubigan, Brgy. Sta. Maria sa lungsod na ito, noong Biyer­nes. Kinilala ang mga bikti­mang sina Reggie Oliveros, Edwin dela Cruz, Luis Nico­las Jr., at Sonny Castillo, pa­wang nalagutan ng hininga makaraan uminom ng libreng alak. Salaysay ni Dominador ... Read More »

Riding in tandem na snatcher arestado baril at droga kumpiskado

NAKALAWIT ng mga oepratiba ng Manila Police District(MPD)ang  dalawang riding in tandem habang nagsusugal ng cara y cruz ilang oras makaraang mambiktima at mang agaw ng cellphone sa isang tsinoy kamakalawa ng hapon sa Sta.Cruz Maynila. Ayon kay MPD Station 3 commander Supt Julius Cesar Doming, dakong alas 10:15 ng umaga nang agawan ng cellphone  ng mga suspek na rising ... Read More »

P1.2-M shabu kompiskado sa follow-up ops sa Pasig

BUMAGSAK sa mga awtoridad ang umano’y huling miyembro ng Bu­ratong drug syndicate, sa ikinasang buy-bust operation at narekober ang 27 medium sachet ng shabu sa Brgy. Pineda, Pasig City, nitong Martes. Sa ulat ni EPD direc­tor, S/Supt. Bernabe Balba, kinilala ang suspek na si Antonio Intalan, 49, isang construction work­er. Nakompiska mula sa suspek ang 190 gramo ng ilegal na ... Read More »

12 kawani ng MMDA positibo sa droga

INIHAYAG ni Metro­politan Manila Develop­ment Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia, 12 kawani ng ahensiya ang positibong gumagamit ng ipinag­babawal na droga at kara­mihan sa kanila’y traffic enforcer. Sa press briefing kahapon, sinabi ni Garcia, pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga kawani na gumaga­mit ng ilegal na droga. Ayon kay Garcia, anim sa nabanggit ay nasa job order status, kaya ... Read More »

416 bala kompiskado sa pasahero sa NAIA

NAKOMPISKAHAN ng airport authorities ng 416 piraso ng basyo ng bala ng .38 kalibreng baril ang isang Filipino na US citizen, sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2, nitong Lunes. Ayon sa Manila Inter­national Airport Autho­rity (MIAA), na-detect ang mga bala sa resealable transparent plastic bag sa loob ng isang kahon sa isinaga­wang routine x-ray ins­pect­ion. Makaraan ang man­ual inspection, ... Read More »

Bata-bata system ni Andanar ‘patay-gutom’ — Davao journalist

Martin Andanar PCOO

NANINIWALA ang isang veteran Davao-based journalist na batid ni Communications Se­cretary Martin Andanar ang nagaganap na korup­siyon sa kanyang tang­gapan at pinababayaan lamang dahil ipinaiiral ang “bata-bata system.” “Your finance people drink all they can – hahaha ‘morning the night’ with unlimited budget meals ang resibo!” ayon sa open letter ni veteran Davao-based journalist na si Edith Caduaya kay Andanar ... Read More »

‘Basketbrawl’ isinisi sa “racist” Aussie cager

SINISI ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles ang mga play­er ng Gilas at Australia sa ‘basketbrawl’ na nangyari sa FIBA World Cup Qualifier nitong Lunes. Ayon kay Nograles parehong “unsports­manlike” ang naging asal ng dalawang  kopo­nan pero ang mga “racist” na komentaryo ng ilan sa mga manla­laro ng Australia ang lalong nagpainit sa mga taga-Gilas at ... Read More »

Piso dagdag pasahe aprub sa LTFRB

INAPROBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regu­latory Board (LTFRB) ang P1 provisional fare hike sa pampasaherong jeep. “The board in its regular meeting approved tonight a provisional fare increase of P1 for the first 4 kilometers for PUJ (public utility jeepneys) plying [the] NCR (National Capital Region), Region 3, and Region 4 routes,” pahayag ni LTFRB board member Atty. Aileen ... Read More »

Oust Duterte ngayong Oktubre plano ng CPP-NPA

PLANO ng rebeldeng komunista na patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Oktubre, ayon sa Armed Forces of the Philippines, kasabay ng pagpapahayag ng suporta sa tulu­yang pagbasura sa usapang pang­kapayapaan. Sinabi ni AFP spokes­man Colonel Edgard Are­valo nitong Martes, ang ouster plot ay nakasaad umano sa mga doku­men­tong narekober ng mga sundalo at confirmed testimonies ng sumukong mga rebeldeng komunis­ta. ... Read More »

Gen. Tinio mayor todas sa ambush

BINAWIAN ng buhay si Mayor Ferdinand Bote ng bayan ng General Tinio, Nueva Ecija makaraan pagba­barilin nitong Martes, ayon sa ulat ng pulisya. Ang insidente ay naganap isang araw ma­karaan barilin at mapatay si Tanauan City Mayor Antonio Halili habang nasa flag cere­mony sa Batangas nitong Lunes. Sinabi ni Philippine National Police chief, Director Oscar Albayalde, ang alkalde ay pinagba­baril ... Read More »

Pagpaslang kay Halili kinondena ng Palasyo

KINONDENA ng Pala­syo ang pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili habang dumadalo sa flag raising ceremony sa city hall kahapon. “Kinokondena po natin itong pagpatay kay Mayor Halili. [jc] Sa pamilya, at sa mga constituent ni Mayor Halili, bibigyan natin sila ng katarungan. Iimbes­tigahan, lilitisin ang mga tao na nasa likod ng pagpatay kay Mayor,” ayon kay Presidential Spokesman ... Read More »

PNP hinimok kumalap pa ng ebidensiya

NANAWAGAN ang isang kongresista sa Philippine National Police na paigtingin ang pagha­hanap ng ebiden­siya sa pagpatay kay Tanauan Mayor Antonio Halili at huwag umasa sa mga testimonya ng mga nag­pa­kilalang saksi. Ayon kay Rep. Ciriaco Calalang ng Kabayan partylist, dapat mag­karoon “solid physical” at  “forensic evidence” ang mga pulis laban sa mga suspek. Ani Calalang, miyem­bro ng House Committee on ... Read More »

‘Walk of shame’ mayor itinumba

BINAWIAN ng buhay si Tanauan Mayor Anto­nio Halili ng Bata­ngas, kilalang nagpapagawa ng “walk of shame” sa mga suspek ng krimen maka­raan barilin habang may flag ceremony, nitong Lunes. Si Halili, iba pang city halls officials at mga empleyado ay umaawit ng pambansang awit sa Tanauan city hall nang makarinig ng isang putok ng baril na ikinataranta ng mga tao, ayon ... Read More »

Usec, TV host nadale ng Ipit Gang sa Makati hi-end mall

MULING umatake ang Ipit Gang sa loob ng isang kilalang mall sa lungsod ng Makati at nakuha ang cellphone ng GMA-7 Unang Hirit host na si Lyn Ching-Pascual at nabik­tima ang isa pang govern­ment official. Sinabi ni Makati City Police chief, S/Supt. Rogelio Simon, nagpunta sa kanilang tanggapan si Lyn Ching-Pascual, 44, ng Brgy. Pansol, Quezon City, para i-report ang nangyari ... Read More »

Jueteng mahirap tanggalin — Solon

NAKAUGAT sa kulturang Pinoy ang jueteng, ani Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe, kaya mahirap tanggalin. Ayon kay Batocabe, ang jueteng ay masa­mang realidad sa buhay ng mga Filipino na mahi­rap tanggalin. “Ang masamang realidad, lahat mayroong takits. ‘Yong pulis, meron. ‘Yong mga politiko na nama­mahala sa mga lugar, mayron din na share. So paano pa natin gagawin ito e talamak ... Read More »

Misencounter sa Samar inako ni Digong

ANG pag-ako ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa naganap na mis­encounter ng militar at pulis sa Samar ay upang matuldukan sisihan sa nakalulungkot na insi­dente. Sa kalatas kahapon, si­na­bi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang ginawang pagsalo ng Pangulo sa respon­sibi­lidad sa pangyayari ay tatak ng isang tunay na pinuno. “It’s to end the blame game. Spoken like a true leader, ... Read More »

Duterte ‘di kapit-tuko sa Palasyo

WALANG ambisyon si Pangulong Rodrigo Du­terte na mangunyapit sa Palasyo at kumpasan ang kanyang mga al­yado sa Kongreso na magsulong ng batas para mapalawig ang kanyang termino. Ito ang inihayag kahapon ni Special As­sistant to the President SAP Christopher ¨Bong¨ Go sa paggunita sa ika­lawang anibersaryo ng administrasyong Du­terte. ¨We don’t have ambitions of clinging to power, neither will we ... Read More »

Leni nagdiwang ng VP’s 2nd anniv sa Basilan at Zambo

PINILI ni Vice President Leni Robredo na makisalamuha sa iba’t ibang komunidad na nangangai­langan sa Basilan at Zamboanga bi­lang pagdiriwang ng kanyang ika­lawang anibersaryo bilang pangala­wang pinakamataas na pinuno ng bansa. Ayon sa Pangalawang Pangulo, ito ay patuloy na pagtupad sa pangako niya na alamin at subu­kang tugunan ang pa­nga­ngailangan ng mga nasa pinakamalalayo, pinaka­maliliit, at pinaka­ma­hihirap na komunidad sa ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved