Wednesday , January 23 2019
Breaking News
You are here: Home / News (page 2)

Category Archives: News

Feed Subscription

Palasyo pinuri si Manny

NAKIISA ang Palasyo sa sambayanang Filipi­no sa pagdiriwang sa pagkopo ni Sen. Manny Pacquiao sa WBA wel­ter­weight title laban sa Amerikanong si Adrien Broner. Sa kalatas ay sinabi ni Presidential Spokes­man Salvador Panelo na hindi naging hadlang ang 11 taon tanda ni Pacquiao kay Broner sa ipinamalas na gilas ng mambabatas sa paki­kihamok sa American boxer. “We thank our pound-for-pound King ... Read More »

Solons natuwa kay PacMan

NAGPAHAYAG ng tu­wa ang mga kongresista sa panalo ni Senator Man­ny Pacquiao, 40 anyos, laban sa mas batang si Adrien Broner, 29 anyos. Ayon kay Leyte Rep. Yedda Marie Kittilstvedt Romualdez, nagbigay ng karangalan si Pacquiao sa Filipinas. “Sen. Pacquiao’s victory is a testament to the faith and resiliency of the Filipino spirit,” ani Romualdez, ang chair­person ng House com­mittee ... Read More »

Banta kay Duterte: Tantanan mo kami! — Taguiwalo

NANAWAGAN si dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil ang paninira sa kanya at iba pang matitinong kawani ng pama­halaan, gaya ng mga guro. Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Taguiwalo, hindi krimen ang igiit ang demokratikong kara­patan na maging kritikal sa mga patakaran at pro­gramang kontra-mama­mayan at kontra-mahi­rap. “I call on the President to ... Read More »

Grace Poe, nangunguna pa rin sa 5 survey

TIYAK na ang pagiging No. 1 ni  Sen. Grace Poe sa na­la­lapit na midterm elections sa Mayo maka­raang manguna sa limang survey, pinakahuli ang 2019 Pulso ng Pilipino Track­ing survey ng The Issues and Advocacy Center (The CENTER) na isinagawa nitong 4 Enero hanggang 8 Enero 2019. “The non-commis­sioned survey was con­ducted from Jan. 04 to 08, 2019 with some ... Read More »

Train Law ni Angara sumagasa na sa bayan

KUNG na-EVAT ni Senator Ralph Recto ang sambayanang Filipino, para namang nasagasaan ng tren sa riles ang impact ng TRAIN Law sa mamamayan lalo na roon sa maliliit na ‘indirect taxpayers.’ Ang henyo lang naman sa ‘mapanagasang’ TRAIN Law ay walang iba kundi si Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara. Siya po ay kasalukuyang tumatakbo para sa kanyang ikalawang termino sa ... Read More »

Babae patay sa sunog sa Maynila (Hotel, sasakyan ng PDEA at Post Office natupok sa QC fire)

PATAY ang isang 29-anyos babae nang masu­nog ang isang condo­minium sa Binondo, May­nila, kahapon. Kinilala ang bikti­mang si Karen Caparas, 29 anyos. Nailigtas ng mga kagawad ng pamatay sunog ang limang tao na nakulong sa 9/F ng Diamond Tower  a Ma­sang­kay St., Binondo. Samantala,  isanghotel at 10 barungbarong ang natupok sa magka­hiwalay na sunog sa Quezon City kahapon. Sa ulat ng Quezon ... Read More »

DBM parang megamall… P37-B ibinayad sa consultants kinuwestiyon

KINUWESTIYON ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang P37-bilyong bidding ng Department of Budget and Management (DBM) para sa consultancy sa iba’t ibang proyekto ng gobyerno. Ani Andaya, hindi lamang bidding ang ginawa ng DBM para sa multi-billion big-ticket infrastructure projects, naging one-stop mega­mall rin ito para sa mga consultant na nag-bid para sa malalaking hala­gang kontrata. Isiniwalat ni ... Read More »

Tax collections sa TRAIN pumalpak — Suarez

MALIBAN sa mga banat ng oposisyon sa parusa ng TRAIN (Tax Reform Acceleration and Inclusion) Law, binatikos na rin ng mga kaalyado ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Kamara ang kapalpakan ng batas para abutin ang target nitong excise tax collection sa mga produktong petrolyo noong nakaraang taon. Ayon kay House minority leader Danilo Suarez, ang nakolekta ng TRAIN ... Read More »

Pagbuwag sa Road Board plantsado na

NAGKASUNDO ang Senado at Kamara sa isyu ng isinusulong na pagbuwag sa Road Board. Nakipagpulong sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay House Majority Leader Rolando Andaya, Jr.,  para sa mga hakbangin ukol sa paglusaw sa Road Board. Ayon kay Zubiri, napagkasunduan na simple lang ang gagawing amyenda sa plano. Aniya, ang ... Read More »

P198-B proyekto isinalang sa bidding ng DBM — Andaya

NAGMISTULANG bids and awards committee (BAC) ng gobyerno ang Department of Budget and Management (DBM) sa pamumuno ni Secre­tary Benjamin Diokno nang isalang sa bidding nito ang P198-bilyong proyekto  ngayong taon. Ayon kay Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang mga proyektong ito’y bahagi ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte. Sumingaw ang ano­malya sa pagdinig ng House committee on rules ... Read More »

Ambush sa politiko ugat ng pagsibak sa Bacolod PNP officials

IT’S a strange behavior. Ito ang obserbasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdadala sa ospital ng hepe ng Bacolod City Police na si S/Supt. Francis Ebreo sa isang local politician at kan­yang misis na tinamba­ngan sa siyudad noong nakaraang buwan. Sa ambush interview kahapon, iginiit ng Pa­ngu­lo na isang dekada na ang nakalilipas ay nasa listahan na umano ng Philippine ... Read More »

Razorback drummer, doctor, 1 pa nag-suicide

TATLONG suicide na kinasasangkutan ng isang celebrity musician, ba­baeng doktor at isang dayuhang Taiwanese ang naitala ng pulisya kaha­pon sa mga lungsod ng Maynila, Pasay at Taguig. Unang pumutok sa social media ang pina­niniwalaang pagpa­pa­kamaty ni Razorback drummer Brian Velasco nang mapanood ang selfie video na mismong ang biktima umano ang nag-post. Sa video post sa social media, na agad ... Read More »

Umali bros, 3 opisyal bawal kumandidato (Omb decision dapat ipatupad ng Comelec)

NUEVA ECIJA — Tablado ang tang­kang pagbabalik-politika ni ex-governor Aurelio “Oyie” Umali sa Nueva Ecija matapos hatulan ng Office of the Ombudsman ng per­petual disqualification dahil sa multi-million Priority Development and Assistance Fund (PDAF) scam. Naghain ng petisyon sa Commission on Elec­tions (Comelec) noong 26 Nobyembre 2018 si Vir­gilio Bote, kandidato sa pagka-gobernador ng Nueva Ecija, upang hilinging ibasura ang ... Read More »

Digong kabado sa alyansa ng simbahan at sambayanan

NAIS ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapi­gi­lan ang Simbahang Kato­lika na makipag-ugna­yan sa samba­yanang Filipino para tuldukan ang kanyang malupit at uhaw sa dugong rehimen kaya walang humpay na inaatake ang Simbahan. Ito ang pahayag ni Fr. Santiago Salas, pinuno ng National Democratic Front –Eastern Visayas, kaugnay sa patuloy na pagbatikos sa simbahang Katolika. “The GRP president’s attacks against the ... Read More »

Casiguran ‘di kasama sa P51-B ‘insertions’

HINDI kasama ang Casi­guran, Sorsogon sa P51 bilyong ‘insertions’ sa panukalang 2019 budget kung pagbabatayan ang talaan ng Department of Public Works and High­ways (DPWH). Salungat ito sa sina­sa­bi ni Majority Leader Rolando Andaya na umano’y pinaboran ni Budget Secretary Ben­ja­min Diokno ang Casigu­ran, Sorsogon sa P51-bilyong ‘insertions’ sa panukalang 2019 budget. “His (Andaya’s) accusations are illusory. The numbers are ... Read More »

Nagpulot-gata sa Maldives ‘inangkin’ ng dagat (Mag-asawang nurse na high school sweethearts)

TRAHEDYA ang kinau­wian ng pag-ibig ng mag-asawang overseas Filipino workers (OFWs) na piniling magpulot-gata sa Maldives mata­pos ang kanilang kasal dalawang linggo na ang nakararaan. Kinilala ang mag-asawang high school sweethearts na sina Leomer at Erika Joyce Lagradilla na ikinasal bago matapos ang taong 2018 Ayon sa mga kaanak at kaibigan, high school sweethearts at 10 taong naging magkasintahan ang ... Read More »

Road board ‘bubuwagin’

INATASAN ni Senate President Vicente Tito Sotto III  si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na makipagpulong kay House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. Ito ay para iparating ang stand ng senado na ini-adopt na nila ang panukala ng house na bu­wagin na ang road board. Sinabi ni Sotto na ‘yun ang napagkasunduan nila sa isinagawang all senators caucus  ukol ... Read More »

Negosyante sa India may 2,000 anak na babae

AYON sa negosyanteng Mahesh Savani ng Surat, mayroon siyang 2,000 anak na babae — aba’y kung totoo ito, tunay ngang sinuwerte siya dahil hanggang ngayon ay tumataas pa ang bilang ng kanyang mga anak. Pinaghahandaan ni Mahesh ang mass wedding ng mga kababaihan na walang mga magulang o walang nag-aaruga sa kanila. Sa katunayan, napapabalita siya sa pangunahing balitaan sa ... Read More »

15-anyos sinaksak sa leeg

SA hindi malamang dahilan, sinaksak sa leeg ang isang 15-anyos na lalaki ng isang suspek sa Makati City, Sabado ng gabi. Ginagamot sa Ospital ng Makati (OsMak) ang 15-anyos na menor de edad biktima, sanhi ng isang saksak sa kanang leeg. Pinaghahanap ng Makati City Police ang suspek na kinilalang si Mark Ian Hidalgo, alyas Yaya, nasa hustong gulang, residente ... Read More »

Bahay ng pulis sa Camp Bagong Diwa pinasok ng kawatan

NABIKTIMA ang isang pulis ng hindi pa kilalang kawatan matapos pasukin ang kanyang tirahan sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si PO3 Roy Guiyab, 32, miyem­bro ng Philippine National Police (PNP) at nakatalaga sa District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng South­ern Police District (SPD). Ayon sa ulat ng SPD, ... Read More »

2 bebot, 2 pa arestado sa buy-bust sa Caloocan

APAT katao kabilang ang dalawang babae ang naaresto ng mga awtoridad sa isinaga­wang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit head PCI Rengie Deimos, dakong 11:30 pm nang ikasa ng pinag-samang operatiba ng SDEU at PCP-7 sa pangunguna ni PSI Geraldson Rivera ang buy-bust operation kontra sa umano’y tulak ng droga na ... Read More »

Villafuerte gustong patalsikin si Andaya

NANAWAGAN si Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte (NP) ng agarang pagpapatalsik sa puwesto kay House majority leader Rolando Andaya, Jr., sa ginawang lantarang pag-atake kay Budget Secre­tary Benjamin Diokno na maitu­turing umanong direktang pag-atake kay Pangulong Rodrigo  Duterte.  Ngayong Lunes, muling magbu­bukas ang sesyon ng dalawang kapulu­ngan ng kongreso at sinabing hu­husga­han ang kapalaran ni Andaya na umano’y dumarami ... Read More »

Angara humingi ng tulong para sa magsasaka (Sa nabulok na gulay at iba pang ani)

NANAWAGAN si Senador Sonny Angara sa administrasyon na agad aksiyonan ang peligrong kinakaharap ngayon ng mga magsasakang nalugi dahil sa sumobrang ani.  Ayon sa senador, sa mga ganitong suliranin, nararapat na may nakahandang ayuda ang pamahalaan na makatutulong sa mga magsasaka sa mahabang panahon. “Hindi lang pagpapautang ang dapat na naitutulong ng gobyerno sa mga apektado nating magsasaka. Hindi ito ... Read More »

P.3-M nadale ng salisi gang

TINATAYANG aabot sa P300,000 ang nakulimbat ng isang babaeng miyem­bro ng umano’y Salisi Gang, mga tseke, mama­haling gamit, cash, gadget at iba pa sa isang nego­syante sa loob ng clinic sa Muntinlupa City, Sabado ng hapon. Halos manlumo nang dumulog sa himpi­lan ng Muntinlupa City Police ang biktima na kinilalang si Suzette Lavin, 44, upang irekla­mo ang nangyaring pag­nanakaw. Patuloy ... Read More »

Tiniyak ni Arroyo: 2019 Budget ipapasa ng Kamara

NANGAKO si House Speaker Gloria Maca­pagal-Arroyo na maipa­pasa ng Kamara ang pa­nukalang pambansang budget sa lalong mada­ling panahon sa pagbu­bukas ng sesyon ngayong araw. Ayon kay Arroyo nakikipagkonsulta ang liderato ng Kamara sa Senado at maghihintay na lamang sila sa pagpasa ng 2019 P3.757-trilyones na budget. “We do (talk with senators), but we just let them do their own time­table. ... Read More »

Scroll To Top