Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / News (page 10)

Category Archives: News

Feed Subscription

3 patay sa sunog sa Davao

DAVAO CITY – Patay ang tatlong miyembro ng pamilya habang isa ang sugatan makaraan ma­sunog ang kanilang bahay sa NHA Buhangin, nitong Lunes ng madaling-araw. Ayon sa Bureau of Fire Protection, naipit sa nasusunog nilang bahay ang padre de pamilya na si Christopher Pascual, asawa niyang si Rose at 12 anyos nilang anak na si Camille. Habang ginagamot sa Southern ... Read More »

Ama, 2 anak, 1 pa sugatan: Ina patay sa landslide sa Olongapo City

BINAWIAN ng buhay ang isang ginang nang matusok ng debris sa iba’t ibang bahagi ng katawan nang matabu­nan sa gumuho nilang bahay dahil sa landslide sa Olongapo City, nitong Linggo ng gabi. Unang nasagip si Maria Veronica Rafael, 35, kasama ang kanyang mister na si Bryan, kani­lang mga anak na edad 6 at 10, at isa pa nilang kamag-anak na ... Read More »

Bangkay ng paslit nahakot sa dump truck

KASAMA ng mga ba­sura, nahakot ng dump truck ang bang­kay ng isang pas­lit sa loob ng isang bag sa Parañaque City, nitong Linggo. Inilarawan ng pulisya ang biktimang nasa edad 2-3, naaagnas na ang katawan kaya hindi na matukoy ang kanyang kasarian,at nakasilid sa brown bag na natatakpan ng sako ng bigas. Ayon sa ulat na natang­gap ni Southern Police ... Read More »

2 kelot sugatan sa ratrat sa inoman

MALUBHANG nasugatan ang dalawang lalaki maka­raan pagbabarilin umano sa isang inoman ng tatlong construction worker sa Taguig City, nitong Linggo ng gabi. Inoobserbahan sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga biktimang sina William Cavalida, 48, construction worker, resi­dente sa Purok 7,  PNR Site, Brgy. Western Bicu­tan ng naturang lungsod, at Rolando Edeza, 58, purok leader sa naturang lugar. Habang pinaghahanap ng mga awtoridad ang ... Read More »

Pekeng army/NPA inaresto sa SONA

INARESTO ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District ang isang lalaking nakasuot ng unipor­me ng militar at nagpakilala bilang miyembro ng New Peoples Army habang gumagala sa lugar malapit sa eryang pinagdarausan ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duter­te sa Batasan Pambansa complex kahapon. Sa report ni QCPD director, C/Supt. Joselito Esquivel Jr., kay National Capital ... Read More »

BOL nadiskaril

READ: Bicam report sa BOL niratipikahan ng Senado READ: Collateral damage WALANG naipagmayabang na Bangsamoro Organic Law ang Malacañang dahil sa sinabing ‘intramurals’ sa pagitan ng mga kaalyado ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at House Speaker Pantaleon Alvarez. Imbes ipasa ang BOL, nag-adjourn ang sesyon upang mawalan ng pagka­kataon ang mga nagtang­kang patalsikin si Alvarez ... Read More »

Collateral damage

READ: BOL nadiskaril READ: Bicam report sa BOL niratipikahan ng Senado NAGING “collateral da­mage” ang panuka­lang  Bangsamoro Organic  Law sa internal na hidwaan sa liderato ng Mababang Kapu­lungan. “The BOL suffered this temporary setback, as a ‘collateral damage’ to an internal leadership issue in the House but I trust and expect that in due time, the ratification which it deserves, will ... Read More »

Bicam report sa BOL niratipikahan ng Senado

READ: Collateral damage READ: BOL nadiskaril NIRATIPIKAHAN ng Sena­do ang bersiyon ng Bang­samoro Organic  Law (BOL) na pinagtibay ng Bicameral Conference Committee. Nakapaloob sa naturang bersiyon ng BOL na kaila­ngan magpatawag ng ple­bisito ang pama­halaan, siyamnapu (90) hanggang isandaan at limampung (150) araw matapos itong malagdaan ng Pangulo. Sa plebisito ay aalamin kung payag ang mamama­yan ng 39 barangay ng ... Read More »

TRAIN 2 isinulong

MAKARAAN maram­daman ng taong-bayan ang resulta ng TRAIN Law ay agad inianunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ang TRAIN Law 2 o panibagong tax reform package. Ayon kay Pangulong Duterte, ang TRAIN Law ay makatutulong para sa mga maliliit na mang­gagawa at negosyante Tinukoy ni Duterte na halos 99 porsiyento ng mga ... Read More »

Duterte nakalimot

NAKALIMUTAN ni Pang. Duterte sa kanyang SONA, na banggitin ang mga pangako niya noong panahon ng kampanya, ayon kay Rep. Edcel Lagman ng Albay. Nag-focus umano, si Duterte sa  reforms na gusto niya at hindi  reforms na gusto ng tao. Ang tao, aniya, ayaw sa federalismo pero ito ang itinutulak ng presi­dente. Ang tao, aniya, gus­tong reporma sa tayo ng ... Read More »

Mga paborito ng Pangulo

Tatlong miyembro ng kanyang gabinete ang pinuri ng Pangulo na katuwang niya sa pag­giya sa bansa, sina Exe­cutive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Spokesman Harry Roque at Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go. Sa lahat ng mga batas na nalagdaan sa nakali­pas na dalawang taon ng kanyang administrasyon, ang TAX Reform Accele­ration and Inclusion (TRAIN) Law ang pabo­rito ng ... Read More »

Pa­nukalang batas ipasa

Nanawagan ang Pangulo sa Kongreso na ipasa ang batas na mag­ta­tatag ng Department of Disaster Management bilang pagbibigay prayo­ridad sa pangangalaga sa kalikasan. Hinimok din niya ang Kongreso na ipasa ang batas na tutuldok sa kontraktuwalisasyon. Nais din niyang mag­pasa ng batas na magta­tayo ng Coconut Farmers Trust Fund. Ipinamamadali rin ng Pangulo sa Kongreso ang reporma sa pag-aangkat ng ... Read More »

Kampanya kon­tra-korupsiyon

Hindi ititigil ng Pangulo ang kampanya kontra-korupsiyon lalo na’t winakasan niya ang pakikipagkaibigan sa ilang itinalagang opisyal nang masangkot sila sa katiwalian. Hinimok din niya ang lahat ng lokal na pamahalaan na ipatupad ang batas na “ease of doing business” upang maging customer-friendly sa mga Filipino. Read More »

PH-China relations

Inilinaw ng Pangulo na ang pakikipagkaibigan ng Filipinas sa China ay hindi nangangahulugan na isinusuko niya ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS). Ang ano mang tung­galian aniya ay idinadaan sa bilateral cooperation upang makamit ang mapayapang solusyon sa suliranin. Read More »

Bangsamoro Organic Law

Humingi si Pangu­long Duterte ng 48-oras para pirmahan ang Bang­samoro Organic Law dahil hindi niya kailan­man ipagkakait ito sa mga taga-Mindanao. Walang binanggit ang Pangulo hinggil sa pag­kabigo ng Kamara de Representantes na rati­pikahan kahapon ang BOL bago ang kanyang SONA. Read More »

War on drugs

Tiniyak ng Pangulo, hindi siya maaantig sa mga kritiko, tuloy ang kanyang giyera kontra illegal drugs, walang humpay at nakapangi­ngilabot pa rin gaya nang simulan ito ng kanyang administrasyon noong 2016. Binatikos muli ng Pangulo ang human rights advocates at church leaders na walang kibo laban sa lagim na dulot ng aniya’y “drug-lordism, drug dealing and drug pushing.” “Your concern ... Read More »

‘Rice cartel’ hubaran ng maskara — Duterte

INUTUSAN ni Pangu­long Rodrigo Duterte na hubaran ng maskara ang mga nasa likod ng rice cartel at kanilang mga protector na nagsasa­botahe sa ekonomiya ng bansa. Sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) kaha­pon, nagbabala ang Pa­ngulo sa mga rice cartel at mga nagkakanlong sa kanila na itigil ang pagpapahirap sa bayan. “Consider yourselves warned; mend your ways ... Read More »

Alvarez sinibak sa kudeta ni GMA

PINATALSIK si Rep. Pantaleon Alvarez ng Davao del Norte sa pagka-speaker ng Kamara kahapon sa isang kudeta na nagluklok kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo, ilang minuto bago dumating si Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi, umano, naka-obra ang gimik ng grupo ni Alvarez na manatili sa puwesto sa pag-adjourn ng session nang mag-anunsiyo si Deputy Speaker ... Read More »

‘Batikos’ kay Duterte handa na

HABANG kasado na ang mga kongresista para pumalakpak sa mga sasabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kan­yang pangatlong State of the Nation, nakahanda na rin ang  “cause-oriented groups” na bu­matikos sa mga kapal­pakan ng pangulo at ng kanyang gobyerno. Pangunahing baba­tikusin ng mga grupo ang tangkang pag-amyenda sa Konstitusyon sa isang United People’s SONA sa labas ng St. Peter’s Church ... Read More »

Sorpresa sa SONA abangan — Bong Go

ABANGAN ang magi­ging sorpresa ni Pangu­long Rodrigo Duterte sa ikanyang ikatlong State of the Nation Address nga­yon. Sinabi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, laging puno ng sorpresa si Pangulong Duterte kaya abangan na lang ng publiko kung ano ito. Tiniyak ni Go, galing sa puso ng Pangulo ang kanyang ihahayag sa SONA at kabilang sa mga ... Read More »

Media magkaisa: ‘Magna Carta’ ng PTFoMS ibinasura ng NUJP

KAILANGAN magkaisa ang buong sektor ng media upang hadlangan ang plano ng Presidential Task Force on Media Security na sagkaan ang kala­yaan sa pamamahayag sa Filipi­nas. Inihayag ito ng National Union of Journa­lists of the Philippines (NUJP) kasabay ng pagbasura sa panukala ni PTFoMS chief Joel Egco na Magna Carta for Media Workers na may layunin umano na i-regulate ang ... Read More »

BBL inaasahang magpapaunlad sa Bangsamoro

ANG inaasahan ng mga Moro na magbibigay ng pag-unlad at kapaya­pa­an sa Mindanao ay ipi­nasa na ng mga mamba­batas kahapon. Ayon kay Majority Leader Rodolfo Fariñas nagpuyat ang 28 miyem­bro ng bicameral con­ference committee noong Miyerkoles upang ipasa ang pinal na bersiyon ng Bangsamoro Basic Law (BBL) na tatawaging Organic Law of the Bang­samoro. Ayon kay Fariñas isu­su­mite nila ito ... Read More »

Sa People’s Initiative: No-el ‘di kayang pigilan ni Duterte

READ: Kilusang Oust Duterte hamong tinanggap ng Palasyo READ: Duterte sa mga alyado: Pansariling interes sa Cha-Cha iwaksi AMINADO si Roque na hindi kayang pigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpa­pali­ban ng 2019 midterm election kapag idinaan ito sa people’s initiative. Aniya, bagama’t hin­di kursunada ng Pangulo ang no-el scenario, wala siyang magagawa kung daraanin ito sa people’s initiative. “Pero ... Read More »

Duterte sa mga alyado: Pansariling interes sa Cha-Cha iwaksi

READ: Sa People’s Initiative: No-el ‘di kayang pigilan ni Duterte READ: Kilusang Oust Duterte hamong tinanggap ng Palasyo NANAWAGAN si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa mga alyado na iwaksi ang pansariling interes sa isinusulong na Charter change (Cha-cha) ng kaniyang administrasyon. Sa press briefing sa Palasyo kahapon, iniha­yag ni Presidential Spokes­man Harry Roque, nais ng Pangulo na tula­ran siya ng kanyang ... Read More »

Kilusang Oust Duterte hamong tinanggap ng Palasyo

READ: Duterte sa mga alyado: Pansariling interes sa Cha-Cha iwaksi READ: Sa People’s Initiative: No-el ‘di kayang pigilan ni Duterte ITINUTURING ng Pala­syo na isang malaking hamon sa administrasyon ang pagbubuklod ng oposisyon at mga maka-kaliwang grupo na nana­nawagan sa pagpapa­talsik kay Pangu­long Rodrigo Duterte. Kabilang sa mga isyung pinagkasunduan dalhin nang nabuong alyansa kontra-Duterte, ang pagtutol sa isinu­sulong na ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved