Tuesday , January 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin (page 30)

Category Archives: Bulabugin

Feed Subscription

NAIA terminal 2 for domestic flight na lang!

SA susunod na taon daw ay nakatakda nang i-convert sa domestic terminal para sa Philippine Airlines at Cebu Pacific ang kabuuan ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 2. Ito ay para raw ma-decongest ang sobrang daming pasaherong pinaghalo sa international and domestic flights. Sa totoo lang, tila maliit at kulang nga kung titingnan ang immigration counters ng nasabing terminal. Madalas ... Read More »

Libreng IDOLE card para sa OFWs naunsiyami?! (Biglang binawi ni Labor Sec. Bebot Bello)

ABA, sa sobrang bilib namin sa IDOLE (identification card for overseas Filipino workers) na ipapalit sa Overseas Employees Clearance (OEC) agad nating pinuri sa ating kolum nitong nakaraang linggo. Natuwa kasi ang inyong lingkod dahil malaking tulong ito sa itinuturing nating “Bagong Bayani” — ang mga OFW. Ang sabi pa nga, libreng ipamimigay ito at ipadadala pa raw sa mga ... Read More »

Congressman ‘Boy Tulog’ sa kongreso

WALAND’YO, kasarap palang matulog at mukhang humihilik pa sa nakaraang deliberasyon sa martial law extension. Hindi lang natin alam kung may tumutulo pang laway… Hik hik hik! Ang tinutukoy po natin, ay si LPGMA party-list Rep. Arnel Ty. Ang kawatan ‘este kinatawan ‘umano’ ng marginalized sector na mula nang maupo sa Kamara ay lalo pang nagmahal ang presyo ng liquefied ... Read More »

Nasabotahe ba ang clean-up drive ni Mayor Erap?

Ang dami talaga naming tawa nang mapanood namin sa ABS-CBN ang huli sa aktong photo op ng tropa ni Mayor Erap Estrada kasama ang grupo ng Rizal Park Hotel (dating Army Navy Club). Huling-huli sa akto ni Miss Jasmin Romero ng TV Patrol na itinatapon ng ilang kamote ang isang sakong basura sa Manila Bay. Pero ang nakagugulat na kasunod ... Read More »

Sakripisyo sa empleyado (Paglilipat ng DOTr sa Clark)

LAHAT daw ng panganganak lalo na kung panganay ay hindi puwedeng walang aray. At kung ihahalintulad natin diyan ang paglilipat ng lokasyon na gagawin ng Department of Transportation (DOTr) ngayon araw ay hindi na tayo magtataka kung bakit maraming umaaray. Puwede ring ihalintulad ito sa paglilipat ng informal settlers sa dangerous zones patungo sa malayo pero malaki at maluwag na ... Read More »

Ang ikalawang SONA ni pangulong Digong

Sa gitna ng mainit na kampanya laban sa ilegal na droga, pakikipag-peace talks sa iba’t ibang rebeldeng puwersa at pakikipagbaliktaktakan sa grupong dilawan kasama ang kanilang mga dayuhang financier, bumulwak ang giyera sa Marawi — tropang gobyerno laban sa teroristang Maute/ISIS group. Umaasa ang marami na matatapos na ito sa Disyembre 2017. At next target umano ang New People’s Army ... Read More »

Appointment ni Isko Moreno yucky sa netizens’ reactions

MARAMING netizen ang nagpahayag ng kanilang negatibong reaksiyon sa appointment ni dating Manila vice-mayor at talunang senador na si Isko Moreno bilang board member ng North Luzon Railways Corp. Grabe sa haba ang mga reaksiyon. Hindi na natin isusulat dito dahil talagang hindi magugustuhan ni Isko kapag nabasa pa niya. Pero isa lang ang klaro, nagtataka sila kung talaga bang ... Read More »

BoC training academy kontra korupsiyon nais itayo ni Faeldon

NARITO ang isang magandang proyekto at programa na kahit ang inyong lingkod ay sumusuporta. Ang training academy para sa Bureau of Customs (BoC). Bukod-tangi nga namang ang BoC lang ang walang training academy. Ang National Bureau of Investigation (NBI) mayroon sa Tagaytay. Ang Bureau of Immigration (BI) mayroon sa Clark. Ang Department of Education (DepEd) mayroon sa Baguio ganoon din ... Read More »

Casino saklaw na ng AMLA sa ilalim ng RA 10927

SA wakas, isang Presidente ang nakakita sa isyung matagal na nating binubulabog sa ating kolum. ‘Yan ‘yung exemption dati ng mga Casino sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act of 2001. Pero sa bagong batas na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na Republic Act 10927 (An Act Designating Casinos as Covered Persons) tuluyan nang mabibigo ang mga money launderer na ... Read More »

“I shall return” sa mga deported na Chinese

NAKAYAYANIG naman ang impormasyon na ipinadala sa atin na isa-isang nagbabalikan sa bansa ang mga Tsekwang ipina-deport nitong nakaraang dalawang buwan na ilegal na nagtatrabaho sa Fontana Resort and Casino! Wattafak! Kabilis naman ha?! ‘Di ba nasa blacklist status sila matapos i-deport?! Courtesy raw ito ng isang maimpluwensiyang personalidad na nakasilip ng pagkakataon para i-lift ang Blacklist Order ng mga ... Read More »

Marawi ‘wag gamitin sa pamomolitika at pagsisipsip pakiusap lang po…

Sa gitna ng mga nagaganap ngayon sa lalawigan ng Marawi, marami na naman tayong nakikitang press releases na nagsasabing naglikom sila ng maitutulong, in cash and in kind, sa mga bakwit sa lalawigan. Sa unang tingin, nakatutuwa ang kanilang ginagawa, ‘yan ay kung totoo ito sa kanila. ‘Yung mga nauna, naniniwala tayong nakarating sa mga taga-Marawi, pero itong iba na ... Read More »

10 bus terminals sa EDSA ipasasara ng MMDA? (E ang mga illegal terminal kaya!?)

MALALA raw ang paglabag sa patakarang “nose-in, nose out” ng 10 bus terminals na ipinasasara ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Efipanio delos Santos Avenue (EDSA). Tinukoy ng MMDA ang mga bus terminal ng DLTB Bus, Lucena Lines, Raymond Transportation, Saint Rafael Transport Lines, Our Lady of Salvacion Bus Line, JAM Liner, Superlines Transport, Victory Liner, Dimple Star Transport ... Read More »

Ayos ka talaga Tatay Digong!

Sa lahat ng mga naging presidente, si Tatay Digong (Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte) lang ang nakapagsabi at nakapag-utos sa lahat ng ahensiya ng pamahalaan na huwag ilagay ang kanyang retrato. Ayon pa sa Pangulo, retrato ng mga tunay na bayani ang dapat ilagay. Tumpak na tumpak po ‘yan, Mr. President! Makikita mo kasi ang retrato ng commissioner, secretary at ng ... Read More »

Sa isyu ng TNCs at TNVs (UBER & GRAB): LTFRB dapat kastigohin ng kongreso

ANG pagsulpot ng UBER at GRAB o transportation network companies (TNC) ay isang uri ng pag-unlad. Pero huwag kalimutan na ang pagsulpot ng TNC ay inianak ng magkakaibang sitwasyon sa iba’t ibang bansa. Dito sa ating bansa ang pagsulpot ng TNC ay iniluwal ng palpak at bulok na mass transportation system, kawalan ng trabaho, pagpasok ng sandamamak na auto companies ... Read More »

Ano ang ‘lihim ng Guadalupe’ sa BI Bicutan warden’s facility!?

KAMAKAILAN ay nag-inspeksiyon si BI-Deputy Commissioner Aimee Torrefranca-Neri sa Warden’s Facility diyan sa Bicutan. Inalam ng bagong upong deputy commissioner kung ano talaga ang status ng karamihan sa mga nakakulong dito. Tinignan din niya kung umaayon sa standards ang naturang pasilidad gaya ng standards ng mga kulungan sa ibang bansa. Kung naba-violate ba ang karapatan ng mga banyagang nakakulong doon. ... Read More »

Boracay target ng malalaking sindikato sa real estate?!

Next target na nga ba ng malalaking sindikato sa real estate ang isla ng Boracay? Ano ang pinakamalinaw na indikasyon na kumikilos ang malalaking sindikato ng real estate sa Boracay?! Una, atat na ata na silang mabigyan ng titulo ultimo ang mga estrukturang nasa dalampasigan mismo. Pero ang nakapagtataka, hindi nagsasalita, hindi kumokontra at hindi kumikibo ang Provincial Environment and ... Read More »

‘Balintuwad’ na ensignia ng pangulo palpak na trabaho sa Palasyo

PUWEDENG sabihin na maliit na detalye pero napakasimboliko ng ensignia ng Pangulo. Kaya nga Sagisag ng Pangulo, ‘di po ba? At sino ba ang Pangulo? O paano ba nagiging Pangulo ng isang bansa?! Hindi ba’t inihahalal siya ng malaking bilang ng mga Filipino? Ayaw sana natin ng sisihan, pero hindi ba’t ilang beses nang nangyayari ang ganitong kapalpakan lalo sa ... Read More »

May delicadeza si resigned BuCor Chief Benjamin Delos Santos

ISA ang nagbitiw na hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Director General Benjamin delos Santos sa mga opisyal ng gobyerno na masasabi nating may tunay na delicadeza. Nang sabihin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na bumalik na naman ang operasyon ng ilegal na droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) agad siyang nagpahayag ng intensiyon na magbitiw. ... Read More »

Manila prosecutor naghahabol sa CA na balewalain ang suspensiyon sa kanya ni SoJ Aguirre

Iba rin ang gara nitong si suspended Manila City Prosecutor Edward Togonon. Suspendido si Togonon sa kaso ng apat na senior citizen na biktima umano ng ‘tanim-droga’ at hinayaan niyang makulong nang halos anim na buwan sa Manila Police District (MPD) kahit wala namang kaso. Ang ipinalit sa kanya ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ay si Prosecutor Alexander Ramos bilang ... Read More »

Sen. Ping Lacson nadaig ang p——ina ni tatay Digong (Sa double standard policy)

ABA, talagang marami ang tila naanod sa reaksiyon ni Senator Panfilo “Ping” Lacson sa back-to-duty status ni S/Supt. Marvin Marcos at 18 niyang tauhan matapos masuspendi nang ilang buwan. ‘Yan ‘e kahit text message (SMS) lang ni Sen. Ping sa mga reporter ang kanyang ‘p——ina.’ ‘Yung grupo nina Kernel Marcos, mga suki, ang CIDG Region 8 na pumasok sa selda ... Read More »

Immigration officer nagha-house-to-house sa Bataan (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

ANO itong nabalitaan natin na may isang Immigration officer diyan sa isang one-stop-shop sa Mariveles, Bataan na tila sumobra yata ang pagka-workaholic?! Wattafak!? Ugali raw ngayon ng nasabing Immigration officer na mag-house-to-house para i-check kuno ang dokumento ng foreigners sa lugar na hindi naman siya naka-assign?! Aba, ibang klase naman ang isang ito, ha?! Pero ang pagkakaalam natin, under Immigration ... Read More »

Environmental degradation sa Boracay lulutasin ba ng congressional inquiry?

MATINDI na umano ang environmental degradation sa pamosong Boracay island na matatagpuan sa Kalibo, Panay island. Ayon kay Samar representative Edgar Sarmiento, kailangan umanong magsagawa ng house inquiry sa nagaganap na unti-unting pagkawasak ng Boracay. Sinisi niya ang pagkawasak na ito ng Boracay sa pagdayo ng maraming turista, dayuhan o lokal, at sa explosive population growth umano sa nasabing isla. ... Read More »

Ex-pulis MPD kinokopo ang 1602 sa Maynila!?

LUMALAWAK at umaalagwa ang mga latag ng ilegal na sugal o 1602 ng isang tinaguriang berdugong ex-Manila tulis ‘este Police sa lungsod ng Maynila na nasasakupan rin ng National Capital Region Police Office(NCRPO) ni RD General Oca Albayalde. ‘Yan ang positibong impormasyon na ipinarating sa atin ng bulabog boys sa MPD HQ at sa Manila City hall. Kinilala ang ex-cop ... Read More »

Kapalpakan ng doctor sa ‘San Juan De dedo ‘este Dios hospital’ sanhi ng kumalat na kontaminasyon sa utak ng isang baby

DAPAT nerbiyosin ang mga health insurance na accredited ang isang doktor na nagpabaya sa isang baby na kanyang pasyente nitong katapusan ng Hunyo. Sa record ng doktor na si JOSEPH NADALE ‘este DALE GUTIERREZ, siya ay accredited ng malalaking health maintenance organization (HMO) gaya ng Asian Life, Avega Managed Care, Cocolife Healthcare, Insular Health Care (I-Care), Intellicare, Maxicare, Medicard, Medocare, ... Read More »

IDOLE tagumpay ng OFWs kontra pahirap na OEC

TAPOS na ang nakakukunsuming panahon para sa overseas Filipino workers (OFWs) na nauubos ang oras at pera sa kapapasahe sa pagkuha ng overseas employment certificate o mas kilala sa pinaikling katawagan na OEC. Lalo na kung ang isang OFW ay galing pa sa malayong lugar. Kung ang isang OFW ay mayroong 30-araw 0 45-araw na bakasyon (bihira ito), dalawang linggo ... Read More »

Scroll To Top