Tuesday , September 25 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin (page 21)

Category Archives: Bulabugin

Feed Subscription

MMDA GM Tim Orbos ‘hinambalos’ ni Sec. Art Tugade nang maghabal-habal

NAINSULTO kaya si Transportation Secreatry Art Tugade nang sumakay sa habal-habal (motorsiklo) si Undersecretary for Road Transport & Infrastructure at concurrent Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Thomas “Tim” Orbos sa layuning malusutan ang matinding traffic at makarating nang maaga sa kanyang dadaluhang pulong? ‘Hinambalos’ daw kasi ng sermon ni Secretary Tugade si GM Tim dahil sa pagsakay sa ... Read More »

Imbestigahan medical pass for a fee! (Paging: SoJ Vitaliano Aguirre)

ATING napag-alaman na hanggang ngayon ay tadtad pa rin ng iregularidad at raket ang kung ano-anong patakaran diyan sa Warden’s Facility sa Bicutan ng Bureau of Immigration (BI). Gaya na lang ng mga banyagang nag-a-apply ng medical pass ‘kuno para sila ay pansamantalang makalaya at makabulakbol, sinasabing P50,000 hanggang P80,000 umano ang kalakaran para mabigyan sila! Wattafak?! Sa nangyaring patakas ... Read More »

Raket ng visa reader nabuking na!

HINDI tayo nagkamali noong nakaraang banatan at i-expose natin ang issue tungkol sa raket ng mga airline “visa readers” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Kamakailan lang ay lumabas sa mga pahayagan na isang airline visa reader kasabwat ang isang Arabic interpreter sa NAIA Terminal 1 ang sinakote ng grupo ng NAIA Airport police sa isang entrapment operation matapos ireklamo ... Read More »

Bakit hindi mag-resign si Chito Gascon para sa kapakanan ng CHR?

MATAPOS aprubahan ng Kamara ang P1,000 budget para sa Commission on Human Rights (CHR) lalo pang uminit ang isyu sa pinaniniwalaang malalang paglabag sa karapatang pantao ng ipinatutupad na giyera laban sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte. Ayon sa ilang human rights advocates, ang P1,000 budget para sa CHR ay tila “adding insult to injury” habang nag-aalboroto ang mga ... Read More »

Pasay barangay chairman biktima ng paninira

HETO ang isang barangay chairman mula sa Pasay City na nagpapakita na malinis ang kanyang konsensiya — si Barangay Chairman Ronnie Palmos. At para maging malinaw ito sa publiko, siya mismo ay gumawa ng imbestigasyon hinggil sa mga paninira laban sa kanya. Hindi siya gaya ng ibang public official na kapag naupakan ay nanggagalaiti sa galit, mura nang mura at ... Read More »

“Peryahan ng Bayan” na idineklarang ilegal ng PCSO dapat nang itigil! (Paging PNP, DILG at NBI)

BILIB tayo ngayon sa bagong pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pangunguna ni ret. Gen. Alexander Balutan bilang general manager. Seryoso, dedikado at determinado si GM Alex Balutan na tuluyang maipahinto ang mga ilegal na sugal lalo na ‘yung ginagamit ang sistema ng programa ng PCSO gaya ng Small Town Lottery (STL). Kung matatandaan, mayroong mga naglabasang balita ... Read More »

Hoax email ng pinsan ng Pasay barangay chairman ‘ginamit’ sa black propaganda

DESMAYADO ang detractor/s ni Pasay barangay chairman Ronnie Palmos dahil maging ang pangalan ng kanyang pinsan ay ginamit para siraan siya sa publiko. Bukod sa pinsan ni Chairman Ronnie, idinamay pa ang kolum ng inyong lingkod para lumabas na kunwari ay totoo ang kanyang akusasyon. Ginamit ng suspek ang pangalan ng pinsan ni Chairman na si Eric Palmos at ginawaan ... Read More »

Puganteng Koreano pinatakas o nakatakas!? (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

NOONG nakaraang Linggo, ginulantang ang inyong lingkod sa napabalitang pagkakatakas ng isang puganteng Koreano na si Shin Jaewon. Sonabagan!!! Na naman?! Well, what’s new!? Si Shin Jaewon, 34 anyos, ay naaresto noong isang taon at nakakulong sa Bureau of Immigration Bicutan warden’s facility matapos mapag-alaman na may kaso pala itong “fraud” sa kanyang sariling bansa May pending warrant of arrest ... Read More »

Red Cross grand matriarch, Ms. Rosa Rosal nagsalita hinggil sa P200-M anomaly

ISA tayo sa mga nalulungkot sa nangyayaring kontrobersiya ngayon sa Philippine Red Cross (PRC) na kinasangkutan ng P200-milyong anomalya. Ayon kay Red Cross matriarch, Ms. Rosa Rosal, sa loob ng kanilang 63 taon, ngayon lamang sila nasalang sa ganitong eskandalo at ngayon lamang nagkahati-hati ang mga opisyal. Isa sa itinuturong dahilan nito, ang akusasyon ni dating chief accountant Jeric Sian ... Read More »

Bakit si Ms. Maia Deguito lang ang may asunto? (Kim Wong at remittance firm absuwelto?)

HAHARAPIN mag-isa ni dating Rizal Commercial Banking Corp., (RCBC) branch manager Maia Deguito ang asuntong money laundering kaugnay ng US$81 milyong cyberheist sa Bangladesh central bank matapos maabsuwelto ang mga kasama niyang akusado. Sa awa ng makapangyarihang manipulators, walong kaso lang naman ang hinaharap ni Deguito at ang balita natin ay hilahod siya ngayon sa paglalagak ng piyansa para sa ... Read More »

May barangay & SK elections ba o wala!?

NAKATALI pa rin ang Commission on Elections (Comelec) sa nakatakdang kalendaryo ng Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) elections. Hanggang ngayon kasi, wala pang batas na lumalabas kung tuloy ba o hindi ang BSK elections sa 12 Oktubre 2017. At dahil wala pang batas na nagsasabing walang BSK elections sa nasabing petsa, tuloy din ang nakatakdang paghahain ng kandidatura mula 23 ... Read More »

Ex-Customs commissioner pinakaaabangan ngayon sa senate investigation

FACE-OFF sa araw na ito si ex-Commissioner Nicanor Faeldon kay Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pagpapatuloy ng pagdinig sa isyu ng P6.4 bilyong shabu na nakalusot umano sa Bureau of Customs (BoC). Sabi nga ni Faeldon, wala siyang itinatago kaya lumagda siya sa isang waiver na puwedeng busisiin ang kanyang bank accounts. Ibig sabihin, para kay Faeldon, hindi siya natatakot ... Read More »

Kalibo airport magaling maningil kahit serbisyo ay bulok!

BILIB din naman talaga tayo sa isang opisyal sa lalawigang dinarayo ng mga turista, kapag diskarteng pagkakakitaan ang pag-uusapan. After daw ng P700 terminal fee na sinisingil ng Kalibo International Airport (KIA), napagdiskitahan naman daw ni CAAP Airport Manager Efren Nagahaman ‘este Nagrama na mag-impose ng P20 initial parking fee and additional P10 per succeeding hours para sa lahat ng ... Read More »

ASec. Mocha Uson dapat mag-ingat sa ‘snake pit’

DAPAT maging maingat si Presidential Communications and Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa nagkalat na ‘snake pit’ sa kanyang kapaligiran. Higit na mapanganib ang ‘snake pit’ na ‘yan kaysa basher na lantaran ang pagpo-post ng kanilang kritisismo sa kanya. ‘Yung mga basher hindi nagtatago, e ‘yung snake pit? Gaya nga nitong huling insidente na biglang bumulaga sa social ... Read More »

Extrajudicial killings dapat resolbahin ng law enforcer agencies

NAALALA ko ang akdang Missing: The Execution of Charles Horman ni Tom Hauser na isinalin sa pelikula ng Greek filmmaker na si Costa-Gavras noong 1982. Istorya ito ni Charles Horman, isang batang-batang American journalist na pinatay sa ilalim ng diktadura ni Augusto Pinochet. Si Charles Horman ay biktima ng mga sundalo ng puppet na rehimen ni Pinochet. Direktang utos man ... Read More »

Ang tongpats sa kalakaran ng bato sa Tondo

MATAGAL na tayong nakatatanggap ng mga sumbong at reklamo ng ilang concerned citizens na residente sa Tondo, Maynila kaugnay sa illegal activities ng ilang personalidad na ayaw pa rin maglubay sa pagbebenta ng ilegal na droga sa kabila ng mas pinaigting na kampanya ni CPNP DG Bato Dela Rosa kontra droga! Sa kabila ng kaliwa’t kanang drug raids ng pulisya ... Read More »

The last ‘left’ unclinged from Duterte’s bough

TULUYAN nang ibinasura ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang pagtatalaga kay Department of Agrarian Reform (DAR) secretary Rafael ‘Paeng’ Mariano. Siya ang huli at ikaapat na appointee ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, mula sa kaliwa at progresibong hanay, na ibinasura ng CA. Kung sa kanta ng The Cascades ay “the last leaf clings to the bough” ang kay Ka ... Read More »

Matindi pa rin ang kamandag ng mag-BFF fixers sa BI! (Attn: SoJ Vitaliano Aguirre)

MATAPOS daw manahimik pansamantala ang mag-BFF fixers na sina Betty Chuachowchow at Anna Senghot sa kanilang transaksiyones sa Bureau of Immigration (BI), balitang umarya na naman ngayon ang pambabraso, sa mga papeles lalo sa opisina ng kanilang bespren na hepe. Marami raw ang naiiritang mga empleyado sa BI dahil kahit baluktot ang mga papel ay pilit itinutuwid! King-enuh! Hindi ba ... Read More »

Ex-TIEZA chief Mark Lapid hinahabol sa kuwestiyonableng pagbebenta ng Paskuhan Village

HINDI na pala pag-aari ng gobyero ang Paskuhan Village na matatagpuan sa Dolores, San Fernando, Pampanga. Naibenta na pala ito ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (Tieza) na dating pinamumunuan ni Mark Lapid sa Premier Central Incorporated. Ang Paskuhan Village ay isang theme park sa Pampanga na ang makikita ay iba’t ibang parol, Christmas tree, pailaw at iba pang ... Read More »

Alituntunin sa imported na semento rerepasohin ng DTI

MATAPOS mabunyag ang barko-barkong semento na sinasabing ipinupuslit ng anak ni Senador Panfilo “Ping” Lacson Jr., na si Pampi Jr., sa bansa, naalarma ang Department of Trade and Industry (DTI). Mismong si DTI Secretary Ramon Lopez ay nagsabi na rerepasohin ng pamahalaan ang kasalukuyang mga alituntunin at regulasyon sa pag-aangkat ng semento. Kasunod ito ng nagaganap na kaguluhan sa hanay ... Read More »

Pambansang atleta hinihilang pababa ng ‘uugod-ugod’ na kayabangan ni Peping Cojuangco

Peping Cojuangco Philippine Olympic Committee POC money peso

NAG-UWI ng 24 medalyang ginto ang mga nanlulumo at desmayadong pambansang atleta ng ating bansa sa katatapos na Southeast Asian Games (SEA Games) sa Kuala Lumpur, Malaysia. Mula sa target na 50 medalyang ginto, nakakuha ng 24 ang Filipinas pero karamihan ng sports na sinabi nilang susungkit ng medlaya ay bokya. Hindi lang laglag ang balikat, hindi kayang ilarawan ang ... Read More »

Mainland Chinese visa upon arrival rebisahin mabuti!

MARAMING haka-haka ang lumalabas kung tuluyang maisasakatuparan ang visa upon arrival (VUA) ng mga mainland Chinese national. Ang sabi ng iba, bakit daw bibigyan ng pribilehiyo ang mga tsekwa gayong hindi naman maganda ang relasyon natin sa bansang ito? Kung susuriin nga naman, sa bansang China nagmumula ang mga sangkot sa pagluluto ng shabu o iba pang droga! Nandiyan din ... Read More »

A few good men…

ISA pang dapat bigyan ng pagsaludo sa hanay ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) ay si Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno… Matapos ang turn-over ceremony nina outgoing Commissioner Nicanor Faeldon at incoming Commissioner Isidro Lapeña, naghain ng kanyang courtesy resignation si Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno. ‘Yan ay para magbigay-daan kay bagong Commissioner Sid Lapeña na malayang makapamili ng mga ... Read More »

Mabilis sa dakdak bida sa press release, makupad sa aksiyon

KAILANGAN daw ng Intelligent transport System (ITS) ng ating bansa kaya lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang bansang Filipinas sa pamamagitan ni Transportation Secretary Arthur Tugade at ang bansang Singapore sa pamamagitan ni CEO Kong Wy Mun ng Singapore Cooperation Enterprise, para magtulungan umano sa pagreresolba ng talamak na problema sa trapiko. Ang problema natin sa nasabing lagdaan ... Read More »

Tinipid na security force sa condo ni Sharon, 6 na buhay ang nagbuwis

LAGING problema ang burarang seguridad hindi lang ng mga condominium kung hindi maging sa mga subdivision lalo na’t hindi nagkakaisa ang homeowners association. Tinutukoy po natin rito ang naganap na amok sa Central Park II Condominium sa Pasay City nitong Martes ng gabi. Patay ang apat na babae na kinabibilangan ng girlfriend (Emelyn Sagun, 30-anyos, nakikitira sa Unit 14004, 14th ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved