Saturday , September 22 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin (page 20)

Category Archives: Bulabugin

Feed Subscription

May susunod pa kayang mamamatay sa fraternity hazing!?

AYON sa huling balita, bago pa man lumabas ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) para sa 16 miyembro ng Aegis Juris Fraternity, isa sa mga kasama sa nasabing order ang nakalabas na agad ng bansa. Si Ralph Caballes Trangia na isa sa primary suspects at kabilang sa iba pang “persons of interest” ang nakapuslit palabas ng bansa, isang araw bago ... Read More »

PAL nakatapat ng palabang Presidente

NGAYON lang nagkaroon ng katapat na Presidente ang Philippine Airlines (PAL). Sa loob nang mahabang panahon, lalo noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, masyadong spoiled ang PAL na pag-aari ng mogul na si Lucio Tan. Spoiled dahil malayang nagagamit ng mga kompanya ni Tan ang mga pasilidad ng gobyerno pero siya ang nasusunod kung kailan niya gustong magbayad. ... Read More »

Ex-Thai PM Yingluck Shinawatra sentensiyado sa rice subsidy scheme

NAKAPUSLIT man sa Thailand patungong Dubai, itinuloy ng korte sa nasabing bansa ang pagbasa ng hatol kay dating Prime Minister Yingluck Shinawatra, at nasentensiyahang guilty sa pagpapabaya sa kanyang tungkulin nang pairalin ang isang rice subsidy scheme. Sampung taong pagkakakulong ang hatol kay Shinawatra na nabigong humarap sa korte noong 25 Agosto 2017. Ang rice-buying scheme ay nangyari noong 2011, ... Read More »

Buwis sa low-cost housing mabigat na pasanin

MATINDING kahirapan ang daranasin ng mga ordinaryong mamamayan kung maipapatupad ang panukala ni Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara na buwisan ang pagbili ng mga low-cost at socialized housing na nagkakahalaga ng P450,000. Sa kabilang banda, nanganganib ang reelection bid ni Angara kung itutulak niya ang pagpasa ng panukalang i-lift ang 12% value-added tax exemption sa mga low-cost at socialized housing. ... Read More »

Magulang mananagot sa anak na mahuhuli sa curfew hours (Sa Makati City)

SA bagong curfew ordinance ng Makati City, pinananagot ang mga pabayang magulang sa pamamagitan ng suspensiyon ng kanilang health benefits na kanilang natatanggap sa lokal na pamahalaan. Nilagdaan na ni Makati Mayor Abby Binay ang City Ordinance No. 2017-098 na nagtatakda ng curfew hours mula 10:00 pm t0 4:00 am sa mga kabataang mababa ang edad sa 18-anyos. Ang mga ... Read More »

‘Tsongke’ malapit nang maaprubahan

MEDICAL Cannabis o legal na paggamit ng marijuana bilang gamot ang layunin ng House Bill 180 o “Philippine Medical Compassionate Medical Cannabis Act.” Aprubado na ito sa House Committee on Health matapos ang konsultasyon sa pasyente, advocacy groups, health care practitioners at mga eksperto. Iniakda ni Isabela Representative Rodolfo Albano, layunin nito na maging legal sa ilalim ng itinatakdang regulasyon ... Read More »

War lord naman ngayon ang gusto ni Rep. Rudy Fariñas!? (Hari ng traffic violations supalpal)

IBANG klase talaga ang tinawag na predator ni si ako, si ikaw… Matapos masupalal ang mungkahing maging hari ng traffic violators ang mga mambubutas ‘este mambabatas heto naman ngayon, gustong kopohin ni House Majority Floor Leader, representative Rodolfo Fariñas ang mga pulis at maglagay din daw ng mga itatalaga sa kanila. At hindi lang basta bodyguard, Congress police ang gusto ... Read More »

Bulakbol na estudyante bawal na sa Ilagan, Isabela

WALA naman tayong tutol sa ordinansang ipinatutupad ng Ilagan City sa Isabela hinggil sa pagbabawal sa mga estudyante na magbulakbol. Gusto natin ‘yan. At sana, ganyan din ang gawin sa iba pang siyudad o munisipalidad lalo sa Metro Manila. At isa sa epektibong deterrent niyan ay tapatan ng kaparusahan ang mga lalabag na kabataan. Pero hindi lang dapat ang mga ... Read More »

Mayor Oca Malapitan at Caloocan citizenry ‘biktima’ ng scalawags

KUNG maayos ang pamamahala ng isang punong lungsod, paborable rin talaga na sila ang pumili ng kanilang chief of police (COP) at iba pang opisyal ng pulisya para hindi sila nasisilat at lalong hindi naibubulid sa kapahamakan. Gaya nitong nakaraang insidente sa Caloocan City na pumutok hindi lamang sa buong bansa kundi maging sa ibang bahagi ng mundo lalo’t ang ... Read More »

Tuloy ang ligaya ng mga tserman na ilegalista

NGAYONG tuluyan nang nabinbin ang eleksiyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) tiyak na masayang-masaya at nagpipiyesta ang mga barangay chairman na mayroong inaalagaang kailegalan. Sabi nga, tuloy ang ligaya! Habang gustong-gusto na ng mga residente na matanggal sa puwesto ang mga barangay chairman na abusado, tiwali at protektor o operator ng iba’t ibang uri ng ilegal na gawain ... Read More »

Drug war ni PRRD dapat nang ituon ng PNP vs financier na narco-pols

DAPAT ay walang sisihan, pero dapat ay magsagawa ng malawakan at komprehensibong pagtatasa ang Philippine National Police (PNP) kung ano na ang antas ng anti-drug war na isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Bakit kailangan ng malawakan at komprehensibong pagtatasa sa drug war imbes sisihin ang PNP? Kasi binabansagan nang anti-poor ang drug war ng Pangulo. Bukod sa ... Read More »

Sekyu sa Kalibo Int’l Airport power tripper (Attn: CAAP & PNP-PSPO)

MAGKASUNOD na reklamo ang ating natanggap tungkol sa isang may sayad na “sekyu” or security guard na nagpakilala umanong siya ay si “Jeffrey Naplaza” na ngayon ay naka-assign sa Kalibo International Airport at konektado sa Eagle Security Agency, isang security agency na nakabase sa Iloilo province. Masyado raw maangas, bastos at walang modo ang dating ng mokong! Regular na naka-assign ... Read More »

Sabit sa Korean eskapo sinibak ni Comm. Morente!

UMAKSIYON na si Commissioner Jaime Morente at tuluyang sinibak ang ilang tiwaling bantay sa BI Warden’s Facility sa Bicutan. Good job, Commissioner Bong! Bunsod daw ‘yan ng pinatakas ‘este pagtakas ng Korean fugitive na si Shin Jaewon sa kamay ng kanyang escorts na sina JOs Alveen Esguerra at isang Kerwin Gomez. Usap-usapan sa Bureau na nagbigay ng 100K ang Koreano ... Read More »

May ‘future’ pa ba ang mga J.O. at contractual sa BI?

MASAKIT na raw ang ulo ng daan-daang job orders employees sa BI ngayong nalalapit na ang paghuhukom ‘este pagtatapos ng kanilang kontrata sa darating na Disyembre. Hanggang ngayon daw kasi ay wala pang kasiguruhan kung magkakaroon pa sila ng tatanggaping sahod pagkatapos ng Kapaskuhan. Ang iba naman ay nag-aalala kung mare-renew ang kanilang mga kontrata. Ang dahilan, wala pa rin linaw ... Read More »

‘Impeachment’ vs Bautista ng VACC at ni Topacio bokya na naman

INSUFFICIENT in form na, wrong verification pa. ‘Yan daw ang rason kung bakit ibinasura ng House justice committee ang impeachment complaint laban kay Commission on Elections chairman Andres Bautista. Ang complaint ay inihain nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Occidental representative Jacinto Paras, na kapwa miyembro ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC). Ito ay kaugnay ng kabiguan ni ... Read More »

‘Sulsultants’ ‘este consultants tsugihin sa gov’t offices

KAMAKAILAN, sinibak ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte si Sugar Regulatory Administration chief, Anna Rosario Paner. Natuklasan kasi na si Paner ay kumuha ng tatlong consultants at pinasusuweldo ng P200,000 bawat isa kada buwan. Wattafak! Ang suwerte-suwerte naman ng consultants na ‘yan, mantakin ninyo, P200,000 ang suweldo kada buwan?! Nagagawa bang ginto ng mga ‘sulsultants’ ‘este consultants na ‘yan ang mga ... Read More »

‘Kaangasan’ gustong isabatas ni House Majority Floor Leader Rodolfo Fariñas

PARANG nag-iiskul-bukol lang si House Majority Floor Leader, Rep. Rodolfo Fariñas sa kanyang panukala na iliban o huwag isali ang mga mambabatas na makalalabag ng batas trapiko lalo na kung mayroong sesyon upang huwag daw mahuli sa Kamara. At hindi lang iskul-bukol, parang gusto pang isabatas ni Fariñas ang ‘kaangasan’ ng mga kagaya niyang mambabatas. Best example pa! Halimbawa raw, ... Read More »

Nationwide ban vs toma sa kalye iniutos ni Tatay Digs

IBA ang kulturang Pinoy. Only in the Philippines na makikita ang mga lalaking hubad-baro at nagtatagayan sa gitna ng kalye. At hindi sila puwedeng istorbohin. Kapag nasita sila, tiyak magkakahabulan ng saksakan. Kaya nang iutos ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na i-ban ang tagayan sa kalye, mas marami ang natuwa. Tulong ito sa pagpapatupad ng “peace and order.” Kung matatandaan, ... Read More »

Mga raket sa BI warden’s facility hindi alam ni SoJ Vitaliano Aguirre!

ISA lang daw ang medical pass sa mga ginagawang “raket” o “pangkabuhayan showcase” diyan sa Bureau of Immigration (BI) Warden’s Facility sa Bicutan. Nariyan din daw ang singil na P2,000 kada buwan kada cellphone na ipinapasok ng mga dalaw sa nakakulong dito. Sus ginoo! So kung may 200 detainees na nakakulong sa pasilidad ngayon at ang 100 sa kanila ay ... Read More »

Pork scam queen Janet Lim Napoles may bagong argumento para ‘maka-Jinggoy’

LAGING may butas ang batas. At ‘yan ay nagkatotoo na naman kung bakit nakapagpiyansa si dating senador Jinggoy Estrada at pansamantalang nakalalaya sa bisa ng piyansa. Kaya naman biglang nainggit siguro si pork barrel scam queen Janet Lim Napoles at gusto rin maka-jinggoy. Dahil sa butas-butas na batas, nakasilip ng argumento ang abogado ni Napoles na si Atty. Dennis Buenaventura. ... Read More »

Nationwide protest bukas hinikayat ni Tatay Digong para Martial Law ay gunitain

Duterte Marcos Martial Law

BUKAS, gugunitain ng sambayanan ang Martial Law — ika-45 taon sabi sa kasaysayan. Hindi natin puwedeng malimutan ang petsang ito dahil, birthday ito ng erpat natin. (Happy birthday Pa, saan ka man naroon, sana’y masaya na kayong magkasama nina Mama at ni bro Jimmy with our little angel Jelyn Grace. Please watch over us and save us from bad intensions ... Read More »

May namamatay pang ‘millenial’ sa welcome rites a.k.a. hazing ng Aegis Juris fraternity?

TUNOG coño lang pala itong Aegis Juris fraternity pero utak-barbaro ang mga miyembro. At ‘yun siguro ang malaking pagkakamali ng 22-anyos na si Horacio Tomas Topacio Castillo III, law student sa University of Sto. Tomas (UST). Bumilib si Castillo sa Aegis Juris fraternity at pinaniwalaang mahusay na kapatiran kasi tunog coño nga. Pero sa kabila pa pala ng mga utak-barbaro ... Read More »

Alin ba talaga ang bulok, MRT system o ‘yung mga namamahala?

MUKHANG hindi na talaga kayang patinuin ang sistema ng MRT. Parang tatanggapin na lang ng commuters na talagang laging nasisira at tumitirik ang MRT. Kung sa ibang bansa, malaking istorya ang pagkasira ng light rail system at may mga opisyal ng pamahalaan na nagre-resign, dito sa Filipinas, kapit-tuko at pakapalan na lang ng mukha. ‘Yan siguro ang ipinagmamalaking “change is ... Read More »

MMDA GM Tim Orbos ‘hinambalos’ ni Sec. Art Tugade nang maghabal-habal

NAINSULTO kaya si Transportation Secreatry Art Tugade nang sumakay sa habal-habal (motorsiklo) si Undersecretary for Road Transport & Infrastructure at concurrent Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Thomas “Tim” Orbos sa layuning malusutan ang matinding traffic at makarating nang maaga sa kanyang dadaluhang pulong? ‘Hinambalos’ daw kasi ng sermon ni Secretary Tugade si GM Tim dahil sa pagsakay sa ... Read More »

Imbestigahan medical pass for a fee! (Paging: SoJ Vitaliano Aguirre)

ATING napag-alaman na hanggang ngayon ay tadtad pa rin ng iregularidad at raket ang kung ano-anong patakaran diyan sa Warden’s Facility sa Bicutan ng Bureau of Immigration (BI). Gaya na lang ng mga banyagang nag-a-apply ng medical pass ‘kuno para sila ay pansamantalang makalaya at makabulakbol, sinasabing P50,000 hanggang P80,000 umano ang kalakaran para mabigyan sila! Wattafak?! Sa nangyaring patakas ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved