Friday , November 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin (page 157)

Category Archives: Bulabugin

Feed Subscription

Tuloy pa rin ang Jueteng sa Muntinlupa, Taguig at Pateros (FYI, SILG Mar Roxas)

WALA-WALA lang pala kahit tuloy-tuloy ang anti-illegal gambling campaign ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa southern Metro Manila dahil HATAW pa rin ang jueteng operation ni BOSSING ALLAN M. Katunayan kamakalawa lang ay may huli na naman na 16 jueteng personnel ang grupo nina Col. Bubot Elizano ng DILG sa Barangay ... Read More »

Perya-Sugalan sa Cavite at Batangas largado rin!

AKALA natin ay namahinga na ang PERYA SUGALAN sa Cavite at Batangas … hindi pa pala. Tuloy pa rin ang PERYA-SUGALAN ni TEYSI sa Naic, Cavite bayan, at Cavite City. Kay EGAY naman sa Carnaval, Siniloan, Laguna,  si LOLONG plus sa Alaminos, Laguna. Malakasan din ang PERYA-SUGALAN ni JONJON sa Tanauan, Batangas at si BABAY PANGANIBAN sa gilid ng Jollibee. ... Read More »

I-lifestyle check si S/Supt. Rodolfo Llorca

HINDI naman tayo natutuwa na NATIGBAK sa kanyang pwesto si Pasay chief of police S/Supt. Rodolfo Llorca at ang pumalit nga ay si OIC COP, S/Supt. Mitch Filart. Kaya natin siya pinupuna dahil binibigyan natin siya ng pagkakataon na maituwid ang mga dapat niyang ituwid. Pero mukhang mas naakit si KERNEL LLORCA sa kaway ng KWARTA at KAGINHAWAAN? O baka ... Read More »

Text brigade sa DQ ni Erap ‘wag patulan

PAALALA lang po sa mga nag-aantabay ng desisyon ng Korte Suprema tungkol sa disqualification (DQ) case laban kay Erap, huwag po ninyong patulan ang kumalat na text brigade. Isang taktika po iyan para magalit ang Supreme Court kay Mayor Alfredo Lim. Marami po ang nag-aakala na ang nasabing text brigade ay galing sa kampo ni Mayor Fred Lim pero nagkakamali ... Read More »

Resorts worst ‘este’ World Casino pinasok na ng all time bigtime illegal vices

‘OLD Macau’ is operating here in the Philippines. Nang itayo ang Manila RESORTS WORLD CASINO, inasahan natin na ang dadalhin nito sa bansa ay kaunlaran. Meaning trabaho sa mga kababayan natin, total clean  entertainment, signature shopping at iba pang recreation na doon lang mararanasan sa Hong Kong, Macau and Singapore. Ganyan kasi ang objective ng nag-CONCEPTUALIZE n’yang Resorts World Manila. ... Read More »

Hangad na pagbabago sa Baseco malapit na (Kung hindi magkakamali ang mga botante)

DATI po kapag nakikita ko ang mga taga-BASECO, nakikita ko sa kanilang mga mata ang takot at insecurities dahil sa araw-araw na lang ay mayroong pinapaslang sa kanilang komunidad. At karamihan po d’yan unresolved cases. Ang sabi po nila sa inyong lingkod, “kasi po ‘yung mga ibinoboto namin noong una hanggang eleksiyon lang magagaling, kapag nakaupo na, nalilimot na po ... Read More »

Negosyante/vendors sa Undas 2013 umalma vs Konsehal Alcoriza

UMALMA ang mga negosyante/vendors na nagnanais makapaglagay ng kani-kanilang paninda sa Manila North Cemetery (MNC) sa darating na Undas dahil biglang tumaas ang singil sa permit ng grupo ng isang konsehal sa Maynila. Nagreklamo sa Bulabugin  ang mga vendor na naantala nang pigilin  ni Manila 1st District Councilor Dennis Alcoriza ang proseso nang pamunuan ni MNC OIC Admin. Raffy Mendez ... Read More »

Jueteng ni Luding sa Baguio at La Trinidad nakalusot kay CIDG Dir., Chief Supt. Uyami

BIGLA na naman daw nabuhay ang JUETENG NI LUDING sa Baguio at sa La Trinidad. Kaya bigla na naman nag-piesta ang mga lespyak na corrupt. Kung dati ay lagi silang malungkot dahil walang ma-ORBITAN, ngayon ang ngisi nila’y parang aso na naman. Sa totoo lang TABLADO (raw) kay CIDG director Chief Supt. Frank Uyami, Jr., ang JUETENG. Kaya walang maaasahang ... Read More »

Ang Jueteng ni Bossing Allan sa Parañaque at ang tongpats na si punyeta este Tenyente Tiagong Akyat!

HETO pa ang isang PALUSOT pero namamayagpag … ang jueteng ni BOSSING ALLAN M., sa Parañaque City. Lantad na lantad daw ang jueteng na ito ni ALLAN M., sa Parañaque. Kumbaga walang makaporma kasi ang press release naman nito ‘e areglado ang City Hall at Southern Police District. Isang punyeta este alias tenyente ROLLING TIAGONG AKYAT ang umaareglo ng TONG-PATS ... Read More »

May delicadeza pa ba si COMELEC Commissioner Grace Padaca?

MABILIS lang palang nalusutan ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Grace Padaca ang bench warrant na inisyu ng Sandiganbayan laban sa kanya nang hindi siya dumalo sa kanyang nakatakdang arraignment nitong nakaraang Oktubre 17. Dahil sa kanyang hindi pagdalo, kinansela nina Associate Justices Gregory Ong at Jose Hernandez ang kanyang piyansa at nagpalabas ng arrest warrant. Pero to the rescue ... Read More »

Resorts World Casino pa-worst nang pa-worst!? (May bugaw na may drug dealer pa)

KAILAN lang ay lalo pang tumanyag ang Resorts Worst ‘este’ World Manila dahil dito ginanap ang The Voice Philippines at ang naging grand winner nga ang mainstay performer nila na si Mitoy. Pero mukhang imbes gumanda ang imahe ng ipinagmamalaking international hotel casino sa bansa na pag-aari ng isang Malaysian mogul, ‘e nababahiran ngayon ng ‘prostitusyon at droga’ ang imahe ... Read More »

Sabi ni Isko: Small time lang si ‘Ma’am Arlene’ (Small time na court fixer?)

IPINAGTATANGGOL daw ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang kanyang BFF na si Arlene Angeles Lerma a.k.a. ‘Ma’am Arlene. Ano ba ibig mong sabihin Vice ISKO, SMALL TIME COURT FIXER o DECISION BROKER si ‘Ma’am Arlene?! Ganoon pa rin ‘yun, ibig sabihin corruption pa rin ang ginagawa niya. Parang ikaw lang din ‘yan, Vice Isko. Noong araw ‘e small time ... Read More »

Montero Gang sa PhilPost imbestigahan!

HETO pa ang isang hanggang ngayon ay namamayagpag sa kung ano-anong pagmamani-obra sa pondo ng Philippine Postal Corporation (Philpost). Nananawagan po ang mga ‘binalasubas’ na empleyado ng Philpost sa Palasyo lalo na sa inyo Pangulong BENIGNO S. AQUINO. Mula raw nang iupo mo r’yan sa Philpost si postmaster general Josie Dela Cruz ‘e wala nang inisip kundi kung paano sisimutin ... Read More »

New Pasay Police Chief Sr/Supt. Mitch Filart ipinangongolekta na ni Sarhentong Palitaw!?

AKALA natin ay magtatago muna ang mga LINTEK na kolek-TONG sa Pasay City dahil sinibak na nga ang dating hepe na si Sr/Supt. RODOLFO LLORCA. Pero MALING-MALI po ang ating AKALA… Aba ‘e KAUUPO pa lang ni Sr/Supt. Mitch Filart bilang bagong hepe ng Pasay City Police ‘e biglang may LUMARGA na agad na kolek-TONG na isang alias SarhenTONG PALITAW. ... Read More »

Health Sec. Ike Ona inuna pa ang lifestyle na rich & famous?

DAANG matuwid pa nga ba ang tinatahak ng GABINETE ni PNOY?! Aba, mantakin ninyong sinalanta ng 7.2 magnitude na lindol ang Bohol, Cebu at iba pang lalawigan sa Visaya at Mindanao pero si Health Secretary Enrique Ona na dapat ay isa mga maging concern sa naganap na sakuna ‘e nakuha pang magbiyahe sa BALESIN RESORT isang 6-star resort sa  Mauban, ... Read More »

Lifestyle check ni CJ Lourdes Sereno ayaw ng SC justices (Sa paglutang ng pangalan ni Ma’am Arlene)

MAHIGPIT na tinututulan ng Supreme Court justices ang unilateral order ni Chief Justice Lourdes Sereno kay Justice Secretary Leila De Lima na atasan ang National Bureau of Investigation (NBI) para isailalim sila sa lifestyle check. Umangal ang Supreme Court justices dahil mali nga naman na ang mag-imbestiga  sa kanila ay mga judge mula sa Regional Trial Courts (RTCs). Hindi sila ... Read More »

Alyas Dennis ‘Sabong’ BIR matindi ang banta sa Bulabugin

NAGPAPA-MACHO EPEK daw ang isang BIR employee na sugapa sa sabong na si alyas DENNIS BIR. Aba ‘e panay daw ang BUSA sa mga sabungan na hindi siya natatakot sa isang ‘d’yaryong pambalot lang tinapa.’ Bwahahahaha!!! Ungas!!! Lahat ng d’yaryo kapag luma na ipinambabalot na talaga ng tinapa. Nagyayabang pa ang kamoteng ito na bayad at may kontrata na raw ... Read More »

Bakit nagngingitngit si Vice Mayor Isko kapag nadidikit ang pangalan niya kay Ma’am Arlene?

GALIT na galit daw si Vice Mayor ISKO MORENO kapag naididikit ang pangalan niya sa pangalan ni Ma’am Arlene (Arlene Angeles Lerma) ang sinasabing no. 1 judicial fixer. Ikaw naman VICE, huwag mo namang itatwa si Ma’am Arlene. Hindi ka naman Poncio Pilato siguro? Hindi ba’t isa siya sa mga maaasahan mong TAO sa iyong opisina noong unang termino mo ... Read More »

Basurang hinahakot ng Leonel Waste sa Maynila sa Parañaque itinatambak! (Attention: DENR )

PERHUWISYO ang inaabot ngayon ng mga residente ng Parañaque City lalo na ng mga guro at mag-aaral na malapit d’yan sa Kabihasnan Exit sa Coastal Road dahil libreng-libre nilang nasisinghot ang BANTOT mula sa nakasusulasok na amoy ng pinaghalo-halong basura. Ginawa kasing dumpsite ng LEONEL WASTE CO., ang isang solar malapit sa Parañaque Central Elementary School. Kung dati ay Maynila ... Read More »

Hindi lang SSS officials ang may Milyon-milyones na bonus pati GSIS din

SABI ng GSIS, “Maaasahan ng Lingkod Bayan.” Ibig sabihin po n’yan ‘yung mga PUBLIC SERVANT … kasama na ang mga guro, mga doctor, nurses, attendants, maintenance sa pampublikong ospital, at iba pang serbisyo publiko. Gusto ko lang bigyang-diin na kahit napakalaki ng kakulangan sa empleyado (under staff) sa public sector lalo na sa mga ahensiya na may kinalaman sa edukasyon ... Read More »

Harassment ni Ibay hindi nagtagumpay

KAMAKALAWA, bagamat nabastos na ang National Press Club (NPC) Grounds dahil sa kalapastangan ng tatlong pulis, binigo naman natin ang kanilang intensiyon na arestohin ang inyong lingkod at dalawa pang katoto na sina Edwin Alcala at Gloria Galuno. Ang pag-aresto po ay kaugnay ng kasong LIBEL na inihain ng isang Sr/Insp. Rosalino Ibay, Jr. Na-raffle daw po ito nitong Lunes ... Read More »

Video karera lang ba ang kayang durugin ng maso ni Mayor Oca? (E how about JUETENG ni Tony Bulok Santos)

NAKITA natin kung paano durugin ng maso ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan ang mga demonyong makina ng video karera. Sana lang ‘e totoo ngang video karera ang dinurog ng nasabing maso … By the way Mayor Oca, ‘yun kayang operasyon ng JUETENG ni Tony Bulok Santos sa Caloocan City ‘e kaya mo kayang durugin ng maso? Mukhang pinagtatawanan ka ... Read More »

Apat na heneral sa NAIA isa-isa nang ‘naglalaho’

NOONG una’y magigiting at matitikas pero nitong huli’y unti-unting nalagas. ‘Yan ang impresyon ngayon ng mga taga-Airport sa ‘apat na heneral’ na kumabit sa administrasyon ni MIAA GM JOSE ANGEL HONRADO. Malaki kasi ang tiwala ni Pangulong Noynoy sa kanyang ‘sanpit’ na si GM HONRADO base na rin sa kanyang track record bilang military man. Kaya naman nang dalhin ni ... Read More »

Duraan ang mga ‘Pork Barrel at DAP’ lawmakers

GUSTO ni Senator Miriam Santiago na dura-duraan daw ang mga SENADOR at iba pang mambabatas na sangkot sa maeskandalong Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP). ‘E ‘yung una nga niyang suhestiyon ‘e painumin daw ng HEMLOCK. (‘Yung lason na ininom ni Socrates nang siya ay sentensiyahan ng kamatayan dahil umano sa KORUPSIYON sa kabataan at kawalan ... Read More »

Magna cuarta ‘este’ Carta ng mag-utol na Rufus at Maxie Rodriguez, tahasan ang pambabastos sa Bill of Rights ng Philippine Constitution

NAKATATAWA naman ang mag-utol na sina Cagayan de Oro representative Rufus Rodriguez at ang utol niyang party-list representative na si Maxie Rodriguez. Mantakin ninyong imbes tumulong sa pagsusulong ng Freedom of Information Bill (FOI) e naghain pa ng house bill para raw ang mga journalist ay magkaroon ng examination upang maging lehitimo?! SONABAGAN!!! Gusto n’yo pa kaming gawing deodorant/pampabango n’yo?! ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved