Wednesday , November 21 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin (page 10)

Category Archives: Bulabugin

Feed Subscription

‘Abogago’ ng GOCC sinibak ni Digong

“KUNG hindi ka ba naman gago…” ‘Yan mismo ang sinabi ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa sinibak niyang Government Corporate Counsel na si Rudolf Philip Jurado kaugnay ng pagbibigay ng go signal para sa gambling franchise sa Aurora Pacific Economic Zone and Freeport (Apeco). “You are fired, I do not need you and maybe you do not need me!” Ganyan ... Read More »

‘Red Tape’ sa business permits kailan kaya mawawakasan sa mga delingkuwenteng siyudad?

BPLO Bureau of Permits and Licensing Office redtape

ISA ito sa dahilan kung bakit may mga lungsod na hindi business friendly. Matindi ang “red tape” sa kanilang business  permits  and licensing office. ‘Yun bang taon-taon kahit business permit renewal na lang, ang dami-dami pang hinihingi sa mga aplikante?! May for the boys pa! Talagang matindi! Kaya ‘yung ibang negosyante, lumilipat na lang ng lugar kung saan magnenegosyo. ‘Yung ... Read More »

Sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng langis pahirap sa bayan

NAYANIG na naman ang sambayanang Pinoy sa muling pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Katataas lang ng presyo ng langis nitong nakaraang dalawang linggo pero habang isinusulat natin ang kolum na ito’y may announcement na itataas na naman ang presyo ng langis kinagabihan. Paulit-ulit na sinasabi ng Palasyo na walang kinalaman ang Republic Act (RA) 10963 o Tax Reform for ... Read More »

e-Gates sisimulan na sa mga paliparan

ITONG susunod na buwan ay sisimulan na sa mga airport sa Filipinas ang paggamit ng “e-gates or electronic gates.” Ito ang sagot ng Bureau of Immigration (BI) sa mahabang pila ng mga pasahero partikular diyan sa NAIA. Sa isang panayam kay BI OIC-Deputy Commissioner and POD Chief Marc Red Mariñas malaking tulong umano ang e-gates dahil magiging madali para sa ... Read More »

Illegal pipes sa Boracay nabuyangyang (Sa loob ng 30 araw)

EKSAKTONG 30 araw nitong Sabado nang isara ang Boracay para sa rehabilitasyon ng isa sa pinakasikat na isla ng Filipinas sa buong mundo. Pero ayon mismo kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu, hindi kakayanin na buksan ang Boracay sa publiko sa loob ng anim na buwang paglilinis at rehabilitasyon. Malamang daw na humigit pa rito. ... Read More »

Para kanino ba talaga ang TRAIN?!

HINDI pa full blast pero marami nang umaangal sa napakabigat na implementasyon ng Republic Act RA 10963 o Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN law). Siyempre ang unang nakararamdam niyan ‘yung maliliit ang kita. Kung dati ay nakabibili sila ng limang kilong bigas baka ngayon tatlo na lang. Kung dati ay may tuyo at itlog, baka ngayon ibusa na ... Read More »

Nat’l ID system tuloy na tuloy na ba ‘yan?!

national id system

APROBADO na sa Bicameral committee ang national ID system na tatawaging Philippine Identification System (PhilSys). Ito po ‘yung pagsasanib ng lahat ng identification cards na ginagamit ng bawat mamamayan. Marami ang nagsasabi na mapanganib ito at posibleng makompromiso ang seguridad ng isang tao. Pero mayroon din tayong naririnig na mas gusto nila ito para hindi sandamakmak na IDs ang hinahanap ... Read More »

Nearsighted ba si MPD director S/Supt. Jigz Coronel

KAYA bilib ang mga lespu kay Manila Police District (MPD) Director, S/Supt. Jigz Coronel, tanaw niya ang mga nagaganap kahit sa malalayong estasyon. Kaya nga agad niyang napapalitan ang mga  undesirable. Gaya ng ginawa niya kamakailan. Pero mukhang malabo raw ang mata ni Kernel Jigz kapag malapit sa kanyang opisina… Hindi raw yata nabubusisi ni Kernel Jigz ang mga ‘tanggapan’ ... Read More »

Madam Didi Domingo matibay pa sa Pagcor

ISANG mataas na opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) ang nakipag-ugnayan agad sa inyong lingkod kaugnay ng kumakalat na impormasyon na ‘on the way out’ na umano si Madam Chair Andrea “Didi” Domingo. Ayon sa nasabing Pagcor official, wala umanong katotohanan ang nasabing impormasyon na ‘sisipain’ si Madam Chair Didi. Hindi rin daw papasok sa isang kompromiso si ... Read More »

‘Jueteng’ sa South Metro ni Junjun Baleryo largado na!

ANO ba itong naririnig natin na may ‘go signal’ na ang operasyon ng jueteng ni alias Junjun Baleryo, sa south Metro Manila?! Kaladkad ng bagong bangka ng jueteng sa South Metro ang pangalan ng NCRPO at isang sikat na bagman sa kampo crame na si alias Sedenyo. “Go na go” na raw nga ang ‘jueteng’ sa south Metro kaya happy ... Read More »

DILG Usec Diño isasalang sa Kongreso (Sa ibinunyag na vote buying)

HINDI lang mga nanalong barangay chair­persons na nasa narco-list ang ibinunyag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Under­secretary Martin Diño. Ibinunyag din niyang naging talamak ang vote buying nitong nagdaang barangay and Sangguniang Kabataan (BSK) elections. Kumbaga, hindi kompiyansa si Usec. Diño na malinis ang boto nitong nagdaang eleksiyon. Kung dati ay P200-P500 ang ipinamumudmod ng ilang ... Read More »

Kumbaga sa Chess… Pres. Digong maingay na ‘player’ sa isyu ng West Philippine Sea

NAALALA natin ang namayapang Nestor Mata kapag naglalaro ng chess. Maingay siya kapag nagsusulong ng piyesa. Bukod sa lalakasan ang boses, malakas at padiin niyang ibabagsak ang piyesa. Psy war niya siguro iyon para ma-distract ang konsentrasyon ng kanyang kalaro. Parang ganito ang nakikita natin kay Pangulong Digong sa kanyang trato sa isyu ng West Philippine Sea (South China Sea). ... Read More »

Riding in tandem nagkalat sa AoR ng MPD PS4! (Attn: NCRPO RD Camilo Cascolan)

Nag-VIRAL sa social media kamakailan ang pambibiktima ng notoryus na mga tirador na lulan ng motorsiklo na nagpaikot-ikot sa paligid ng isang malaking unibersidad sa Dapitan St., Sampaloc, Maynila na nasasakupan ng MPD Station 4. Kitang-kita sa CCTV ang ginawang pam­bibiktima ng dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo nang hablutin ang gamit ng isang tila estudyanteng biktima na nag-aabang ... Read More »

COO Buboy, buhay milyonaryo sa TPB hindi ‘Buhay-Carinderia’

UMAASA tayong taos sa puso ni Tourism Secretary Berna Romulo-Puyat ang kanyang pag-iyak at ito’y hindi ‘luha ng buwaya’ para makahikayat ng awa at simpatiya. Mahirap din kasing mabansagang ‘iyakin’ Madam Berna. Nakahihiya namang isipin ng mga tao na kinukuha mo lang sa iyak ang simpatiya ng tao. Anyway, naniniwala tayo sa layunin ni Madam Berna na linisin ang ‘katiwalian’ ... Read More »

Milyonaryo, bilyonaryong mambabatas mag-waive na kayo ng suweldo?

Hayan na naman, nalantad na naman sa publiko ang yaman ng mga mambabatas. Siyempre nasa tuktok ng mayayamang mambabatas sina senators Cynthia Villar at Manny Pacman . Mayroon pa bang iba?! Kung papasok siguro sa politika sina Gokongwei o sina Sy, baka mayroon na silang kakompetensiya. By the way, kung hindi na kailangan ng pera ng mayayamang solons, bakit hindi ... Read More »

Proteksiyon ng Fix-cal ‘este Fiscal hiniling ng solon sa DOJ

Dahil walang habas ang pamamaslang at pananambang sa mga prosecutor o fiscal, hiniling ng isang mambabatas at dating opisyal ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) sa Department of Justice (DOJ) na pagkalooban ng makabagong proteksiyon ang mga tagausig. Ayon kay 1-Ang Edukasyon party-list Rep. Salvador Belaro Jr., House Assistant majority floor leader, dapat umanong pagkalooban ng bullet vest at ... Read More »

‘Lovestruck’ sa virtual love/dating maraming nagogoyo

MAHIRAP daw magpakilala sa isang tao kapag face-to-face na. Hindi rin ganoon kadaling ibulalas ang paghanga o damdamin. Iba kasi ang kultura nating mga Pinoy. Kaya marami ang naho-hook sa mga online friendship or dating apps. Karamihan sa mga Pinoy ang hinahanap pa mga foreigner lalo na ‘yung ‘spokening dollars.’ Ibig sabihin ‘puti’ na ang laman ng wallet ay green ... Read More »

Problema sa tubig sa Boracay

Ewan lang natin kung aaksiyonan ba agad ng gobyerno ang lumalalang problema ngayon ng mga mamamayang lokal sa isla ng Boracay. Nitong mga nakaraang araw ay hindi lang mga dumarayong turista ang nawala sa isla kundi ang kanilang supply na inuming tubig! Halos isang linggo na raw na walang makuhang water supply bunsod ng mga ginagawang konstruksiyon sa isla. Apektado ... Read More »

Nagwaging barangay officials dapat patunayan na karapat-dapat sila

TAPOS na ang eleksiyon ng Barangay and Sangguniang Kabataan (BSK). Ang lahat ng mga nagwagi ay maglilingkod sa loob ng dalawang taon (2018-2020). Maliban kung magkaroon na naman ng hindi maiiwasang pangyayari o pagkakataon para muli itong iliban. At dahil isang araw lang ang eleksiyon, tigilan na po natin ang ‘litanyang’ nadaya o nanalo dahil namili ng boto, etc. etc. ... Read More »

P14-M karagdagang insentibo at benepisyo ng MTRCB Chair & Board kinuwestiyon ng COA

ANO ba ang nangyayari sa mga pinagkatiwalaan at pinaniwalaan ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na makatutulong sa kaniyang umugit ng pagbabago para sa gobyerno?! Aba, karamihan sa kanila e nasasalang sa mapanuring mata ng Commission on Audit (COA) dahil sa sobrang paggastos o hindi tamang paggastos o kaya naman ay hindi makapag-ulat nang tama sa mga ginastos nila. Sa ulat ... Read More »

TPB chief Cesar Montano ipatatawag ni Sec. Berna Puyat sa P80-milyong street food project

HETO pa ang isang appointee ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte — ang aktor na si Cesar Montano bilang hepe ng Tourism Promotions Board (TPB). Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ipatatawag niya si Montano dahil sa pagbabayad ng kabuuang P80 milyones para sa street food project. Ang ipinagtataka ni Secretary Berna, bakit nagbayad nang buo si Montano kahit hindi pa ... Read More »

Non-FDA slimming and whitening products na hindi aprobado kompiskado

TULOY ang kampanya ni Food and Drug Administration Regulatory Enforcement Unit (FDA-REU) chief Allen Bartolo sa mga produktong overpriced pero hindi naman pala sigurado sa ipinapangakong magandang resulta nito. Ang sinasabi po natin, ang iba’t ibang food and cosmetics products kabilang ang skin-whitening soap, toner, cream and sunblock na nakompiska nila na tinatayang may halagang P6.1 milyong piso. Ang mga ... Read More »

BIR accreditation para sa importers/brokers tinanggal sa rekesitos ni Commissioner Sid

GOOD news para sa mga importer at brokers. Hindi na rekesitos sa Bureau of Customs (BoC) ang Importer Clearance Certificate (ICC) at Broker Clearance Certificate (BCC) mula sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa kanilang accreditation. Naniniwala si Customs Commissioner Isidro Lapeña na ang bagong policy ay tuluyang ‘lulusaw’ sa mga consignee-for-hire ganoon din sa fly-by-night importers and brokers. ... Read More »

E bakit nga ba nag-resign si PCOO ex-Usec Noel Puyat?

MEDYO nagulat tayo nitong nakaraang weekend nang may magpadala ng mensahe sa private messenger ng inyong lingkod kaugnay ng news article na inilabas ng Philippine News Agency sa kanilang online edition na may ganitong titulo: Hataw ‘P647.1-M’ report malicious, fake (May 11, 2018, 6:14 pm).      “Malisyoso na peke pa!?”  Wattafak!  Mukhang kami ang dapat na magsalita niyan, hindi kayo, resigned ... Read More »

Mahigpit na paalala sa mga botante 

NGAYONG araw ay huhugos tayong lahat sa mga nakatakdang poll precinct na naroroon ang mga pangalan natin para iboto ang Barangay officials at Sangguniang Kabataan.  Paalala lang po — kinabukasan ng bawat barangay  ninyo ang nakasalalay sa eleksiyong ito — lagyan po ninyo ng konsensiya ang inyong boto.  Dapat ay alam ninyo kung ang mga iboboto ninyo ay hindi sangkot ... Read More »

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved