Saturday , October 21 2017
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin

Category Archives: Bulabugin

Feed Subscription

Overtime dues sa CIQ dapat bayaran ni Lucio Tan!

NGAYONG nag-commit na si Lucio Tan na bayaran ang pagkakautang ng PAL na umabot sa P7 bilyon, hindi kaya dapat din siyang pursigihin na bayaran ang kanilang atraso o pagkukulang sa Customs, Immigration at Quarantine na umabot na rin sa daan-daang milyon?! Natatandaan ba ninyo na PAL ang naging pasimuno upang tumigil ang ibang airline companies sa kanilang obligasyon na ... Read More »

SoJ Vit Aguirre sumuporta na sa overtime pay ng BI

NABUHAYAN ng matinding pag-asa ang halos lahat ng nasa Bureau of Immigration (BI) matapos lumutang ang pagpapakita ng suporta ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre sa pamamagitan ng kanyang liham kay Pangulong Rodrigo Duterte. Nakasaad sa kanyang sulat ang tungkol sa kanyang apela na tuluyan nang ibalik ang OVERTIME PAY sa mga kawani alinsunod sa Commonwealth Act No. 613 or Philippine ... Read More »

Sen. Loren Legarda todo-suporta rin sa overtime pay

NAKATAKDA na raw i-allow ng senado ang paggamit ng Express Lane Fund ng BI para bayaran ang overtime pay ng mga empleyado. Ayon kay Senate Finance Committee chair Sen. Loren Legarda, noon pa raw ay dati nang ginagamit ang ELF para pakinabangan ng mga taga-BI at hindi nagkulang ang senado sa kanilang tungkulin. Noon pa man ay may inilaang provision ... Read More »

NAIA worst airport no more (Salamat sa Duterte administration)

SA WAKAS, wala na sa listahan ng worst airport ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Mabuti na lamang at inabot pa ng bagong administrasyon ang naiwang renobasyon ng administrasyon ni Noynoy Aquino. Bilyon-bilyong pondo pero walang nakitang pagbabago ang overseas Filipino workers (OFWs) ang mga turista lalo ang mga Balikbayan. Noong panahon ni hindot ‘este Bodet hindoropot ‘este Honrado lahat ... Read More »

Ala-Harvey Weinstein sex scam sa entertainment industry may umamin kaya sa local scene?

NABULGAR ang sex scam ng Hollywood titan na si Harvey Weinstein sa Estados Unidos. Malalaking pangalan ang biktima at daan-daang libong dolyares ang ayusan o settlement. Dito kaya sa Filipinas mayroon kayang umamin este mabulgar na kagaya niyan?! Mga artista na ‘iniisahan’ ng producer?! Maraming maingay na bulungan kung sino-sino ‘yang mga ‘mogul’ sa Philippine entertainment industry ang may kostumbreng ... Read More »

Imbes phaseout at ‘strike’ upgrading ng jeepney dapat tutukan ng bayan

NANINIWALA po ang inyong lingkod na imbes phaseout ng jeepney na sinasagot ng strike ng iba’t ibang transport groups, mas dapat mag-usap sila at ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan kung paano iaangat ang ‘kultural’ na representasyon ng ating bansa. Ang jeepney sa kulturang Filipino ay hindi lamang isang mekanikal na larawan ng isang sasakyan. Ang jeepney ay malaking bahagi ... Read More »

Whattt?! Casino sa educational hub ng Diliman Quezon City?!

DESMAYADO ang mga taga-Quezon City kaya humingi na sila ng tulong kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte. Ito ay kaugnay ng itinatayong Bloomberry’s Casino Hotel sa Vertis North na matatagpuan sa Agham Road, Diliman, Quezon City. In short, hindi welcome sa mga taga-Kyusi lalo sa Diliman, na gawing gambling hub ang kanilang lugar. Lalo na sa Agham Road, na kinatatayuan ng ... Read More »

Terorismo nina Hapilon at Omar Maute sa Marawi winakasan na ng AFP

KINOMPIRMA ng Palasyo ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na patay na ang dalawang lider-terorista na sina Ismilon Hapilon at Omas Maute. ‘Yan ay ayon umano mismo kay AFP chief of staff Eduardo Año. Bukod sa pagkamatay ng dalawa, ipinagmalaki rin ni Año na isang dalawang-buwang gulang na sanggol ang kanilang nasagip, kasama ang kanyang ina at ... Read More »

PCOO dapat ibida si Tatay Digong hindi ang mga sarili nila

HINDI natin alam kung natutulog ba ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) o talagang ang pagkakaintindi nila ay sila dapat ang bida. Kasi ba naman, kapuna-puna na imbes accomplishments ng Pangulo ang kanilang iulat, wala silang ibang ginagawa kundi ang pabidahin ang kanilang sarili. Nautot lang nang konti ang isang taga-PCOO, gagawan na agad ng puwet ‘este press release. Samantala ... Read More »

Panawagan kay Navotas Mayor John Rey Tiangco

GOOD day po, ako po ang isang mamamayan/botante ng Navotas or isa po akong Navoteño. Matagal na pong nagrereklamo ang ilang residente dito sa aming barangay, North Bay Boulevard South. Dito po sa Ilang-Ilang street pero wala pong aksyon na nagagawa. Ako po ngayon ay nandito para i-email sa sa inyo or sa Navotas action center na sana makarating sa ... Read More »

Obstruction sa kalye lagot kay Duterte (Illegal parking dapat nang alisin ng MMDA)

TIWALA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim na maipapatupad na nila ang paglilinis ng lahat ng mga obstruction sa main thoroughfare sa buong Metro Manila matapos ang maigting na direktiba ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte noong kanyang 2nd State of the Nation Address (SONA). Mukhang babalik na ang bilib ng mga tinabangan kay MMDA Chair Danny Lim, ... Read More »

Mga pulis na trigger-happy salot sa anti-drug war ng Pangulo

KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng mga residente sa Tondo, Maynila na sinabing suspek sa paggamit o pagtutulak ng shabu. Tuwing naglulunsad ng anti-illegal drugs operation ang mga nagpapakilalang operatiba ng Tondo police, sinasabi nilang tatanungin lang nila ang mga suspek. Pero kapag umalis na ang kamag-anak bigla na lang silang matatagpuang wala nang buhay. Ang matindi pa, huling-huli sa camera na ... Read More »

Honest immigration officer

ISANG magandang ehemplo ang ipinamalas ng isang Immigration Officer (IO) sa airport nang isauli niya sa mga kinauukulan ang US$1,900 na kanyang natagpuan sa kanyang counter sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakaraang September 7. Si IO Reimond Abegail Lagman na noon ay naka-duty sa kanyang counter bilang “officer of the day” ay nagulat matapos makita ... Read More »

Ang pagbabalik ni IO Paul Borja, bow!

ATIN munang i-WELCOME ang pagbabalik sa eksena ni Immigration of-fixer ‘este Officer POL BORJA! Huh!? Anong eksena? Eksenang fixing, ano pa ba?! Sa mga hindi nakakikilala kay IO Pulpol ‘este Paul let me give you a short background and brief history ng nasabing IO. Si Paul Borda ‘este Borja ay sumikat noong panahon ni ng dating BI Commissioner Ronaldo Geron ... Read More »

Dapat dumaan sa impeachment si Comelec Chair Andres Bautista (Kung gustong malinis ang kanyang pangalan)

NAGHAIN ng kanyang pagbibitiw kamakalawa si Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista sa kanyang puwesto. Pero manunungkulan pa raw siya hanggang katapusan ng 2017 (Disyembre 31). Pero ang biruan nga, nauna pa raw naghain ng kanyang pagbibitiw sa Twitter si Bautista kaysa tanggapan ni Presidente Rodrigo “Digong” Duterte. Ang siste, napikon ang Kamara sa panggugulang ni Bautista kaya binaliktad ... Read More »

Plunder vs 2 BI officials kinapos (Dahil sa pinitik na P1,000)

BIGONG sampahan ng kasong Plunder ang dalawang dating deputy commissioners ng Bureau of Immigration (BI) na sina Al Argosino at Michael Robles. Alam ba ninyo kung bakit?! Kasi ang narekober na kuwarta sa dalawa ay umabot lamang sa P49,999,000. Kulang ng P1,000 para maging P50 milyones. Kaya sabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa Office of the President (OP) ... Read More »

Goodbye Dr. Paulyn Jean Roselle-Ubial

STRIKE five! Si Dra. Paulyn Jean Roselle-Ubial ang panglima and hopefully panghuli sa mga itinalaga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa kanyang Gabinete na maibabasura ng powertripper na Commission on Appointments (CA). Gaya nina Perfecto Yasay, Gina Lopez, Judy Taguiwalo at Rafael Mariano, si Ubial ay ‘hindi rin paborito’ ng mga nakapaligid sa Pangulo. Wala namang bago sa ganitong mga ... Read More »

Multi-billion ‘pork’sa P3.767-T 2018 budget

HANGGANG ngayon ay eksperto pa rin sa ‘pagsisingit’ ng pork barrel ang mga naghahanda ng national budget. ‘Yan mismo ang sabi ni Senator Panfilo “Ping” Lacson. At hindi lang singit-singit na pork, multi-bilyong pisong pork barrel. Nitong nakaraang Huwebes, sinimulan na sa Senado ang deliberasyon ng 2018 General Appropriations Act (GAA). Sabi ni Senator Ping, ‘hihimayin’ niya ang House version ... Read More »

Sen. Koko pinalagan si PNP chief DG Bato

INGRATO raw ang mga Filipino na hindi man lang nakita ang pagsisikap ng Philippine National Police (PNP) nang bigyan sila ng kapanatagan lalo sa disoras ng gabi. Ang maysabi niyan si PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa. Listen to this bulging man, mukhang walang alam gawin kundi ang umiyak at manumbat sa mga taong dapat na pinaglilingkuran nila. ... Read More »

10-year no increase sa passport fee hirit ni Sen. Grace Poe

ISA si Senadora Grace Poe sa mga mambabatas na pirming nakatuon ang isang tenga sa mga pangkaraniwan kung hindi man mahihirap na mamamayan. Pinagsabihan ng Senadora ang Department of Foreign Affairs (DFA) na huwag magtaas ng singil sa passport sa loob ng 10 taon. At maaari umanong mangyari ito kung lalagyan ng provision sa inihaing proposal ng DFA na umaabot ... Read More »

Gone are the days of meticulous people in the gov’t service

TAO lang po. Ito ang madalas na ikinakatuwiran kapag pumapalpak o sumasalto kahit sa simpleng trabaho. O kaya naman sasabihin, puwede namang magkamali basta importante marunong humingi ng sorry. Madalas mangyari ito sa mga ahensiya ng gobyerno na dapat sana ay metikuloso sa editing and proofreading. Kapag sumasalto, nag-i-erratum. E paano kung sa diplomatic community nangyayari ang mga ganitong klase ... Read More »

Lipatan ng partido, barometro ba para sa 2019 & 2022 elections?!

Ngayong isang taon mahigit na lang at nalalapit na ang mid-term election sa 2019, mayroong ilang politiko ang nagpapakita ng ilang indikasyon kung ano ang target nila sa 2019 bilang paghahanda sa 2022 national elections. Isa sa mga maagang ‘lumundag’ at nagparamdam ng kanyang plano ay si Quezon City mayor, Herbert “Bistek” Bautista. Mula sa Liberal Party (LP) ay muling ... Read More »

Kim Atienza tinutukan ng baril ng police col. na nanghihiram ng tapang sa baril

HETO na naman… Nakarinig na naman tayo ng awtoridad na nanghihiram ng tapang sa baril. Isang police superintendent na naungusan lang ng bikers asap mo e mauubusan ng kalsada. Mismong anak ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na si Kim Atienza ang nakaranas ng angas ng isang police colonel na mukhang nanghihiram lang ng tapang sa kanyang baril. Bilang magulang, ... Read More »

IO Jay Mercado arogante at bastos sa NAIA T2

HINDI natin alam kung labis bang apektado ng kawalan ng overtime pay itong si Immigration Officer Jayson Mercado na nakatalaga riyan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) T2 o talagang wala siyang manners at hindi naiintindihan na ang airport passengers ay clientele nila na dapat pagsilbihan at hindi tila mga alipin nilang sinisigaw-sigawan. Ganito kasi ang naranasan ng isang naka-wheelchair ... Read More »

Nag-shy away ba si RPL sa counter-terrorism seminar?

MARAMI rin pala ang nakapuna sa nakaraang seminar ng counter-terrorism sa Bureau of Immigration na ginanap sa Clark Freeport Zone sa Pampanga tungkol sa  “absence” ng hepe ng Center for Training and Research na si Atty. Roy Ledesma. Hindi raw yata “feel” ni RPL ang ganitong klaseng activity lalo pa nga at ang sponsor ay US embassy at hindi ang ... Read More »

Scroll To Top