Thursday , March 28 2024

BIR Comm. Kim Henares, unahin habulin ang Solaire Casino junket operators (Paalala kinabuwisitan ng fans ni Pacman)

00 Bulabugin jerry yap jsyDAHIL sa tila nang-aasar na paalala ni Rentas Internas chief, Commissioner Kim Henares, nabuwisit ang maraming fans ni Manny Pacquiao sa kanya.

‘E sa tagal nga namang trinabaho ‘yang Floyd-Pacman fight ‘e parang gusto pang ‘usugin’ ni Commissioner Kim?

Agad ipinaalala ang babayarang buwis ni Pacman para sa  laban na ‘yan sa Mayo 2.

Ang ipinagtataka lang natin kay Madam Kim, bakit hindi niya naaalalang paalalahanan ang mga Casino junket operator sa Solaire Casino.

Mayroon silang mga VIP room sa second floor na ang karamihan ng mga junket at rolling scheme operator ay local Tsinoys at  dayuhang Koreano at Chinese nationals.

Milyon-milyon ang nilalaro ng Casino players at kinikita nila diyan pero hindi natin nababalitaan na nagbabayad ng buwis ang mga Casino junket operators.

Ilan sa mga pekeng kompanya ang nag-o-operate sa Solaire Casino ang MING FA, XTD, FORTUNE, ELEGANCE, AG CLUB, TAK CHUN, GOLD MOON, T.Y.E. GLOBAL INT’L CLUB at isang alias ANTONY SEE.

Nabusisi na po ba ninyo ‘yan, Madam Kim Henares?

Tanong kasi ng mga netizens, bakit naman kay Pacman napakabilis ninyong magpaalala ng kanyang mga bayaring buwis?!

‘E yung namamayagpag na Solaire Casino junket operators napaalalahanan na po ba ninyo na magbayad ng buwis?

Kaya tuloy walang taxpayer na natutuwa tuwing nagbabayad ng buwis.

Kasi alam nila, marami pa rin nakalulusot na malalaking taxpayer. Mas mahigpit lang daw kasi si Madam Kim sa maliliit na taxpayers at sa government employees pero hindi sa mga tycoon at sa Casino junket operators.

Totoo ba ‘yan Madam Kim?!

Sige nga, sampolan nga ninyo ang mga Casino junket operators?!

Kapag nagawa ninyo ‘yan ‘e bibilib na talaga ako sa inyo, Madam Kim.

Umpisahan n’yo nga?!

Ano ang totoong nangyari kay Cavite VG Jolo Revilla?!

NAKALULUNGKOT naman itong nangyari kay Cavite Vice Governor Jolo Revilla, anak ni Senator Bong Revilla.

Mantakin ninyong naglinis lang daw ng baril ‘e pumutok at tinamaan pa siya sa dibdib?!

Wala ba siyang agimat gaya ni Daddy at ni Lolo?

Ayaw naman natin patusin ang unang statement ni Lolit Solis na masyado raw depressed si Jolo mula nang makulong ang kanyang tatay na Senador kaya baka umano nagbaril o nagtangkang magpakamatay ang tunay na Papa ni Maya.

Pero kung hindi naman sadyang nagbaril si Jolo, parang hindi naman natin maintindihan kung bakit nabaril rin niya ang sarili?!

Matagal nang humahawak ng baril si Jolo, at parang gusto natin isipin na kaburaraan ‘yung paglilinis ng baril na hindi man lang niya nainspeksiyon mabuti kung may naiwan pang bala.

At kapag naglilinis ba ng baril, kailangan bag iharap sa kanya ang bunganga ng baril?

Ano ba ang malalim na dahilan Jolo kung bakit naglinis ka ng baril na parang wala ka sa sa-rili?

Sana naman ay malampasan mo kung ano man ang mga pingdaraanan mo ngayon Jolo.

Hindi naman komo ‘napipitik’ natin paminsan-minsan ang erpat mo ‘e ganoon rin ang pagtingin natin sa iyo.

Bata ka pa, at kung magseseryoso ka sa politika nawa’y masumpungan mo kung ano ang tama.

Anyway, kasama ka sa prayers ko na maka-recover ka agad. Get well soon Vice Governor Jolo.  

Task Force Medina ‘este’ Divisoria pahirap sa mga vendors

Sir Jerry, reklamo lang po namin ang bagong berdugong grupo na mga bata ni Erap na si C/Insp. Medina, Paborito daw po siya ng kanyang mayor dahil galing po siya sa San Juan police at dinala sa MPD para maging katiwala ba sa pagpapahirap sa aming mga maliliit na vendors dito sa Divisoria? dahil siya po ang parating tinuturo samin na kinokolektong ni JAMESON mula sa mga kariton at sniper vendors na nagkakahalaga ng P20-50 iba pa po ang P100-150 kada puwesto ng paninda na ibinibigay naman namin kay PO3 PINE—. Sobra na po paherap sa ‘min dto. +639169077 – – – –

Tropang Caloocan at Laguna lang ang nakikinabang sa Parañaque City Hall

GOOD pm Sir Jerry, tama po sinulat nyo re tongpats dto sa Pque cty hall. Matagal na ho akong empleyado dto pero mas matindi ho korapsyon ngayon. Ang masaya lang dto yun mga dayo mula sa Caloocan at Laguna.mabuti pa noon ky bernabe.concerned pque cty hall employee po. Pls don’t publish my no. +63927220 – – – –

P5K ng PNP pensioner nasaan na?

MAGANDANG umaga po Sir, bakit po ang aming pakiusap na sana maiparating sa ating pangulo PNoy na ibigay na po ang aming pakiusap n 5k sa aming pension ay ‘di po ninyo mailathala maawa na po kayo sa aming pamilya. Dati po kmi mga police na nagserbisyo nang matuwid pero hanggang ngayon naghihirap pa rin po kami kung alam lang namin na ganito ang aming mapapala sana gumawa na rin  kami ng masama pra po magkapera pero takot po kami sa Diyos Ama kaya ‘di po kami gumawa nang masama sna lng po maiparating na ninyo. Ito na po ang huli kong text sa inyo po. Mga retired PNP police po ng buong Pilipinas po. Salamat po. #+63998167 – – – –

Kapag pinatalsik si Pnoy, VP Binay makikinabang

KA JERRY, sa palagay mo sino makikinabang kung bababa si PNoy sa puwesto? Maliwanag pa sa sikat ng araw ang hipokritong si VP Binay hehehe malamang gumagana na ang ninakaw na pera mula sa taong bayan para samantalahin ang isyu dahil wala syang kapana-panalo come election day… Ramon ng Cubao #+63918622 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Dragon Lady Amor Virata

OIC chief of police, kapuri-puri

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata HUMARAP kamakailan si OIC Chief of Police ng lungsod …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Quiboloy, wanted dito at sa ibang bansa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang sumusumpang inosente siya habang nagkukubli sa …

Dragon Lady Amor Virata

Negosyanteng intsik  inirereklamo ng mga empleyado

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata INIREREKLAMO ng may 11 empleyado ang JUJU Mart na …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Namamayagpag si Tulfo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA HULING survey ng WR Numero na ginawa noong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *