Friday , March 29 2024

Bingo Bonanza National Badminton Open sisimulan sa Oktubre 11

091015 Bingo Bonanza National Open
TINALAKAY ni Mr. Al Alonte, (gitna) VP for Operations and Marketing Bingo Bonanza kasama sina (L-R) Atty. Ponciano “Jackie” Cruz, Team manager, Phil. Team at Mr. Nelson Asuncion, Tournament Director sa lingguhang PSA Forum sa Shakey’s Malate ang gaganaping Bingo Bonanza National Badminton Open Championships sa Oct. 11, 2015 sa Rizal Memorial Badminton Center, Vito Cruz, Manila at sa Glorietta 5 Atrium Makati Oct. 15 para sa quarter finals hanggang Oct. 18 ang finale. (HENRY T. VARGAS)

MAGTATAGISAN ng galing ang pangunahing manlalaro ng badminton sa gaganaping Bingo Bonanza National Badminton Open na sisimulan sa Oktubre 11 sa Rizal Memorial Badminton Center sa Maynila at Glorietta 5 Atrium sa lungsod ng Makati, ayon kay Bingo Bonanza executive vice president Alejandro Alonte.

Sa Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate, ipinaliwanag ni Alonte na layunin ng torneo ngayong taon na makadiskubre ng mga bagong talent sa lara-ngan ng badminton na maaaring maging miyembro ng pambansang kopo-nan para sa Olimpiyada sa Rio de Janeiro sa susunod na taon.

Ang Bingo Bonanza National Open ay isa sa apat na ranking tournaments na nilalahukan ng mga manlalarong Pinoy para magkuwalipika sa mga pandaigdigang kompetisyon, kabilang na ang Olympics.

Inaasahang mapapalaban sa torneo ang mga miyembro ng national pool at ang mahabang listahan ng mahuhusay na shuttler mula sa iba’t ibang club na nais makakuha ng ranking points at spots sa national pool sa limang division.

Nakataya ang kabuuang prize purse na P1.5 milyon na sanctioned ng Philippine Badminton Association. Nagsi-mula na rin ang rehistrasyon para sa mga nais makalahok simula noong Setyembre 30.

“Ang qualifiers ay gagawin sa unang apat na araw sa Rizal Memorial Stadium Complex Badminton Hall bago lumipat sa Glorietta 5 Atrium para sa quarterfinals mula Oktubre 15 hanggang 18,” ani PBA director at national team manager Jackie Cruz.

Inihayag ni coach at tournament director Nelson Asuncion na inaasahan nilang bumandera sa Bingo Bonanza Open sina Mark Alcala at Gelita Castilo na nanalo sa singles open ng nakaraang taon, maging sina R-Jay Ormilla, Kenneth Monterubio, Kevin Cu-diamat, Paul Vivas at Rene Magnayo sa kalalakihan at Sarah Barredo, Airah Albo, Christine Inlayo at Mal-vinne Alcala sa kababaihan.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Buhain Richard Bachmann

Buhain, umayuda sa HB Bills para sa PH Sports

Pinangunahan ni Batangas 1st District Congressman Eric Buhain ang pagtalakay at pagsuri sa mga isinusulong …

Pinoy wreslers Olympics

Pinoy wreslers, kayang umabot sa Olympics

KUMPIYANSA si Wrestling of the Philippines (WAP) president Alvin Aguilar na ang mga repormang ipinatupad …

Kheith Ryhnne Cruz TOPS Olympic

TOPS Olympic slots, target ni table tennis star Kheith Rhynne Cruz

MABIGAT ang hamon na kakaharapin ni Pinay table tennis phenom Kheith Ryhnne Cruz para sa …

30 bolang ginamit sa FIBA Qualifiers, ipinagkaloob sa Pasay LGU

30 bolang ginamit sa FIBA Qualifiers, ipinagkaloob sa Pasay LGU

NAG-DONATE kahapon, 20 Marso 2024, ng 30 bola ang Samahang Basketbolista ng Pilipinas (SBP) sa …

Reli de Leon Antonella Berthe Racasa

High Roller bida sa Triple Crown Stake

IBINABA lamang bilang fifth choice, ninakaw ng High Roller ni Lamberto “Jun” Almeda, Jr., ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *