Saturday , April 20 2024

Bilang protesta Austrian brothel nag-aalok ng libreng sex

 

NAG-ALOK ng libreng sex ang isang Austrian brothel sa mga kostumer nito ngayong panahon ng tag-init bilang protesta sa sinisingil na punitive tax payments ng kanilang pamahalaan.

“Hindi na kami magbabayad ng buwis. Effective immediately: Free Entrance! Free Drinks! Free Sex!” pahayag ng Pascha sa Salzburg sa kanilang website.

Isang babaeng sumagot sa kanilang telepono ang nagsabing hindi raw ito biro.

Ipinakita ng pahayagang The Oesterreich ang larawan ng mga lalaking nakapili sa labas para ‘i-take advantage’ ang kakaibang offer ng establisyemento.

Nakasaad din sa aritikulo sa pahayagan na babayaran umano ni Hermann Mueller mula sa kanyang bulsa ang tinatayang 10,000 euros (US$11,270) isang buwan kikitain ng mga prostitute na nagtatrabaho rito.

Inireklamo ni Mueller, na may iba pang mga brothel, o kasa, sa apat na lungsod sa Alemanya at Austria, sa nakalipas na mga panayam ng media ang pagbubuwis at regulasyong ipinapataw sa kanyang mga negosyo.

Ayon sa kanya, nakapagbayad na siya nang mahigit limang milyong euro ng buwis sa Salzburg pa lang sa nakalipas na dekada.

Kinalap ni Tracy Cabrera

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *