Wednesday , May 15 2024

Bidders na may cash advance nagkakagulo sa P75-B ‘insertions’ — Andaya

MATAPOS ipamahagi ng Kongreso ang P75-bilyones  ‘insertions’ ng Department of Budget and Management sa mga mambabatas, nag­ka­kagulo ang mga con­trac­tor na nanalo sa bid­ding.

Ayon kay Camarines Sur Rep. Rolando Anda­ya Jr., pinuno ng House Committee on Appro­pria­tions,  nagbigay na ng ‘commission’ ‘yung iba rito.

Ani Andaya, nagta­gumpay ang Senado at Kamara sa re-alignment ng ‘insertions’ ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa Department of Public Works and Highways lingid sa kaalaman ng mga opisyal nito.

“Ang problema rito, malabo nang makuha ng mga nanalong bidders ang mga proyektong ka­sama sa P75-bilyong insertions. Nauwi sa bula ang mga proyektong binayaran nila through cash advance,” ani Andaya.

Itinangi ni Diokno ang paratang ni Andaya.

Dahil sa takot, nag­sauli na, aniya, ang isang opisyal na nakatangap ng P200- milyong commis­sion sa mga contractor na taga-Mindanao. Hindi sinabi ni Andaya kung taga-Davao ang grupong ito.

“Mukhang mas ma­hal pa rin ng opisyal ang buhay niya kaysa komisyon,” ani Andaya.

Ang commission, ani Andaya, naglalaro sa 10 hangang 20 porsiyento ng proyekto.

“These projects had already been bidded out and ready for awarding to the favored contractors once the President signs the 2019 national budget. This was confirmed by DPWH Usec. Ma. Cata­lina Cabral during her sworn testimony at the House hearing on budget irregularities,” paliwa­nag ni Andaya.

Isiniwalat ni Anda­ya, ang mga napaborang contractors ay may dalawang pagpipiliian, makipag-negotiate ng panibagong kontrata o puwersahin ang mga “project proponents” na isauli ‘yung ibinigay nilang “cash advance” o “commission.”

“Kung hindi isasauli ang pera, puwedeng manganib ang buhay ng suwapang na project proponent,” ayon kay Andaya.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Vilma Santos

Ate Vi muling pinatatakbo ng mga taga-Batangas, Ryan hinihikayat din

HATAWANni Ed de Leon TALAGA palang mahigpit ang petisyon ng mga Batangueno kay Ate Vi (Ms …

Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children pinasinayaan

Las Piñas City Crisis Center for Women and their Children pinasinayaan

BINUKSAN nitong Miyerkoles, 8 Mayo, ng pamahalaang lungsod ang Las Piñas City Crisis Center for …

Jessica Sese Francisco

HDO inihain ng BI vs ‘estapadorang’ dra.

ISANG babaeng nagpapakilalang doktor ang inilagay sa hold departure order (HDO) ng Bureau of Immigration …

doctor medicine

Akusasayon laban sa Bell-Kenz mahirap patunayan — Herbosa

AMINADO si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa na mahirap patunayan ang alegasyong ‘unethical …

Dead Electricity

SK Chairman sa Negros kumisay sa instalasyon  ng bombilya todas

BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *