Wednesday , April 24 2024

Benepisyo ng beterano pinapupunuan ni Trillanes

UPANG mapunuan ng gobyerno ang kakulangan sa benepisyo ng mga beterano at retiradong sundalo, isinulong ni Senador Antonio ”Sonny” F. Trillanes ang pagpasa ng Senate Bill No. 166, naglalayong maglaan ng pondo upang agarang mabayaran ng gobyerno ang mga kakulangan sa pensyon at benepisyo ng mga beterano.

Sa pagdinig ng Committee on National Defense and Security, sinabi ng chairman nito na si Trillanes, ”ang Republic Act No. 7696 ay isinabatas bilang pagkilala sa mahalagang papel na ginampanan ng mga beterano sa digmaan at ng mga retiradong militar sa pagprotekta sa bansa. Gayunman, ang ilan sa kanila ay namatay nang hindi napakikinabangan ang mga benepisyo dahil sa kakulangan ng pondo mula sa  gobyerno sapagkat hindi nakasaad sa batas ang pagkukunan ng pondo”.

Dagdag pa ni Trillanes, ang gobyerno ay naglaan ng P170 milyon noong 2010 at P2.9 bilyon noong 2013 para sa pagbabayad ng Total Administrative Disability Pension ng mga beterano noong World War II, na may edad 80 pataas. Gayunpaman, hindi saklaw ng nasabing appropriations ang lahat ng mga beterano, at hindi rin sapat ang halaga nito upang matugunan ang kabuuang obligasyon ng pamahalaan.

Sa ilalim ng SBN 166, ang nasabing kakulangan ay babayaran mula sa kita ng gobyerno mula sa mga ari-arian nito. Sa ilalim ng nasabing sistema, hindi na kakailanganing galawin ng pamahalaan ang taunang pambansang badyet upang tuparin ang konstitusyonal na mandato nito na maglaan nang sapat na benepisyo para sa mga beterano.        (NIÑO ACLAN/

CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *